webnovel

When The Waves Touch The Sky (Tagalog)

Zetty Mondejar loves risking her life. Will she be able to risk anything for the man of her life?

_doravella · perkotaan
Peringkat tidak cukup
47 Chs

The Hiking

"A-attend naman kayo sa birthday ni Decart Lizares, 'di ba?" tanong ko pa nang makasakay na kami sa kotseng minamaneho no'ng boyfriend daw ni Therence.

Ebarg talaga mag-boyfriend 'tong si Therence, iba-iba man pero lahat mayayaman talaga.

"Yep, pero gabi pa kami pupunta since gabi kami in-invite ng mga Lizares," sagot ni Therence.

What? Ha, teka?

Gusto kong mag-protesta at hindi na sana ako sasama pero… ewan! Ewan talaga! Sana nga bumaba kami before ang lunch time. Malilintikan talaga ako ng mga batang hamog ng simbang gabi.

Umakyat nga kami sa Mt. Lunay. G-in-uide ng kambal 'yong driver, na boyfriend ni Therence at nakalimutan ko ang pangalan, papunta sa Brgy. Paitan, since doon ang drop-off point ng mga gustong umakyat ng bundok.

Pagkarating namin sa proper sitio ng Brgy. Paitan, iniwan no'ng boyfriend ni Therence ang kotse niya malapit sa covered court ng barangay.

Naglakad kami papunta sa hagdan na magdadala sa amin sa mismong bundok at sa waiting shed kung saan may naghihintay na staff ng barangay para sa log book. Kailangan kasi 'yon para ma-monitor kung sino-sino ang mga aakyat ng bundok.

Safe namang umakyat sa bundok at hindi naman siya 'yong tipong may mga masusukal na daan. Unti-unti na kasi itong d-in-evelop ng city government namin kaya may sementadong hagdan na para sa easy access ng bundok. Sabi ni Lolo, may plano talaga ang LGU ng city namin na gawing tourist destination ang bundok. Uunti-untiin lang daw kasi mahirap daw kapag inisang bagsakan ang development. Marami kasing dapat i-consider sa paligid nito.

Pangalawang beses pa lang akong nakakaakyat sa bundok na ito. 'Yong unang beses ay 'yong nasa grade eight pa lang ako, sinama lang ako ni Lolo no'n sa hiking activity nila sa Mt. Lunay kasama ang kasamahan niya sa barangay. Bilib nga ako kay Lolo no'n kasi nagawa niya pang maakyat ang mataas na bundok na ito sa edad niya. Although, yeah, nasa fifties pa lang siya no'ng time na 'yon. He was an athlete daw kasi kaya niya nakakaya ang mga ganoong klaseng activities.

At ngayon ang pangalawang beses. Dapat ang mga kaibigan ko ang kasama ko sa pangalawang beses na aakyat ako rito. Kaso sa tuwing nagpa-plano, palaging nauudlot, hanggang sa hindi na natuloy at tuluyan nang nakalimutan. Naging drawing na lang talaga lahat.

This mountain is a thirty-minute hike. Pero depende sa bilis mo as a hiker. Minsan umaabot ng isang oras pero kung wala namang ibang sagabal, like pahinga or mahabang pahinga, aabot ka agad sa tuktok sa loob lang ng trenta minutos.

Katulad ngayon, mukhang hindi lang isang oras ang hiking hours namin, mukhang aabot pa ng dalawang oras dahil maya't-maya silang nagpapahinga, nagpi-picture, at kung ano-ano pang alibi para lang makapaghinga at matigil sa pag-akyat nang panandalian.

Mag-a-alas otso na pero nasa gitna pa lang kami. Kasalukuyan silang nakatigil, nakaupo sa sementadong hagdan at umiinom ng tubig, nagpi-picture taking ng paligid, at tahimik.

"First time n'yo bang umakyat dito?" tanong ko kay Therese nang magpahinga kami. Busy 'yong dalawang kasamahan namin kaya kinausap ko na lang muna si Therese.

"Mm-Hmm. Ikaw ba?" tanong niya rin sa akin habang nilalaro 'yong ligaw na damo sa gilid ng hagdan.

"Second," sabi ko sabay pakita ng dalawang daliri ko.

"Sinong kasama mo no'ng una kang umakyat dito?"

"Lolo."

"Kayong dalawa lang ba?"

Umiling ako at nag-iwas ng tingin, tinanaw ang mga kabahayang nakikita ko sa ibaba ng bundok. "Hindi. Kasama namin 'yong kasamahan niya sa barangay."

"Oo nga pala, barangay captain nga pala ang Lolo mo. What's his name again?"

"Lolo Felix. Felizardo Saratobias."

"What's your Lola's name?"

"Eulyn Pastor Saratobias."

"Ang gaganda ng names ng Lolo at Lola mo. What about your Mama's name? I met her kanina but I forgot to ask her name. What's her name?"

Natatawa akong napalingon sa kaniya. "Interview ba 'to?" pagjo-joke ko pa.

She pouted cutely and I want to pinch her face tuloy.

Taray, conyo ka, girl!

"I want to know you. Sige na, dali na, what's her name?" mababakas ang excitement sa mukhang tanong niya.

"Carmmelita Saratobias. She was known as Carmy."

"Oh? She's a nurse, right?"

Tumango naman ako sa naging tanong niya.

"What about your dad? What's his name?"

Ah, wala na, finish na.

Unti-unting nawala ang ngiti ko sa naging tanong ni Therese. Pinilit ko pang ngumiti para hindi niya mapansin ang hinanakit na mayroon ako pero nang hindi ko makayanan, tumayo na lang ako sa kinauupuan at inihanda ang sarili sa muling paglalakad papunta sa tuktok ng Lunay.

"Simulan na ulit natin ang paglalakad. Mas maganda sa itaas kaysa rito," simpleng sagot ko na lang.

Napatigil sina Therence sa ginagawa nila ng boyfriend niya at napatayo na rin, kahit halata sa mukha niya ang gulat. Mukhang mas nasarapan pa siya sa pagpapahinga kaysa nanamnamin ang pagod papunta sa itaas.

"What's his name, Zet? I wanna know. I'll try to think where your name came from."

Sinubukang habulin ni Therese ang paglalakad ko para lang itanong 'yon. Ayokong mainis sa kaniya kaya ako umiwas sa naging tanong niya kanina pero heto siya't tinanong pa ulit.

"Hindi ko alam."

"What do you mean hindi mo alam?"

Mas naunang maglakad ang mag-nobyo kaya para matigil na talaga si Therese sa mga tanong niya, tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya.

"Hindi ko alam ang pangalan niya kasi hindi ko kilala kung sino ang ama ko, Therese," pagdadahilan ko para matigil na talaga siya.

Nagsimula ulit akong maglakad pero nakasunod na naman siya along with her set of questions.

"Is that possible? Na hindi mo kilala ang ama mo? Impossible."

"Ayaw ko na siyang pag-usapan, Therese," pilit ang ngiting sabi ko.

I don't want to talk about that man ever again.

Mabuti at dininig ng hangin ang munting hiling ko't hindi na ulit nangulit si Therese tungkol doon. Mabuti naman at marunong din naman siyang makiramdam.

Naging tahimik ako hanggang sa makarating kami sa tuktok ng bundok, kung saan nakatayo ang malaking puting krus na kita sa buong city namin.

Nakakapagod ang pag-akyat kaya halos maubos ko ang dalang tubig nang tumigil ako sa paglalakad. Nakatanaw ako sa malaking krus habang umiinom ng tubig.

Ebarg! Astonishing as ever! Wala pa ring kupas, ang ganda pa ring tingnan ng gigantic krus sa malapitan.

Malalim akong huminga at natawa na lang between my breathing. Tagaktak na ako ng pawis ngayon at pagod na sa pag-akyat pero kapag nandito ka na talaga sa itaas, mawawala ang lahat ng pagod mo sa ganda ng tanawin dito.

"Whoa! This is it? Oh, my gosh! Ang ganda!"

Isinantabi ko ang tumbler ko at natawa sa naging reaksiyon ng kambal. Nagtititili na sila at tila'y nawala ang pagod at reklamo nila kanina bago pa man kami makarating dito. Agad silang nag-picture sa tanawin at kung ano-ano pa.

"Ang ganda rito. Ang daming magagandang places. Ang daming magaganda."

Narinig kong sabi no'ng boyfriend ni Therence. Naiwan pala malapit sa akin kasi naging abala na rin ang kambal sa paglapit sa paanan ng malaking krus para mag-picture.

"Welcome to our city," nakangiti pang sabi ko at naka-spread pa ang dalawang kamay na parang wini-welcome nga siya.

Narinig ko kasi kanina na hindi siya taga-rito. Tiga-Bacolod daw sabi ni Therence. Kaya pala may Hiligaynon accent ang pagsasalita niya kanina.

"What's your name? I forgot to ask Therence kanina," bigla ay naging tanong niya, nanatiling sa kinatatayuan niya at hindi muna nilapitan si Therence.

"Zetty. Ikaw?"

"Fred. Nice to meet you, Zetty."

"Ikaw din."

Inabot niya ang kamay niya pero in-apiran ko lang ito. Ayoko no'ng shakehands-shakehands, masiyadong formal.

"Hey, guys! Dali na rito. Picture tayo!" sabay na sabi no'ng kambal kaya natawa na lang ako at tinawanan na rin si Fred pero inaya ko na rin na puntahan ang kambal. Kung ayaw niyang sumama, bahala siya sa buhay niya.

Puros picture taking ang ginawa namin, ginawa nila, I mean. Dalawang beses lang kasi akong nakisali: 'yong group photo naming apat, at kaming dalawa ni Therese. Hindi na ako nakisama sa ibang picture-an nila kasi alam kong i-u-upload nila 'yan sa Facebook. Ayoko muna ng issue kaya mas mabuting sarilinin muna kung anong mayroon kami ni Therese. Nagawa rin naman namin ng ilang linggo, magagawa naman siguro namin ng ilang buwan pa o taon. Sana nga umabot ng taon.

Hinayaan ko silang tatlo sa picture taking na ginagawa nila. Umupo ako sa isang malaking bato at tinanaw ang kabuuan ng city na nakikita ko.

Mula sa puwesto ko, kitang-kita ko ang dagat na parte ng city. Ang Jomabo Island na dahil sa sobrang layo ay nagmistulang maliit na isla na lang ito sa paningin ko. Nakikita ko rin ang asinan, punong, at iba't-ibang kabahayan. Sa kaliwang banda ko naman ay ang malawak na katubohan at ang nasa gitna ay ang proper barangay ng city. Maliit lang din ito at parang isang maliit na sitio na lang sa paningin ko. Sa kanan ko, nandoon na ang daan papuntang Toboso, Calatrava, at San Carlos City. Makikita rin sa kanan ko ang central ng mga Lizares. Sobrang lawak nito at nakikita ko pa ang malalaking usok na ibinubuga ng malalaking cylinder nila.

Nakita rin ng paningin ko ang bridge ng Tanquinto River. Sobrang liit nito at ang iba't-ibang sasakyan na dumadaan dito ay nagmistulang langgam sa paningin.

Oo, nakakapagod siyang akyatin pero sobrang worth it kapag nandito ka na sa itaas. Lahat ng pagod mo, mawawala dahil sa makikita mo. Sobrang presko pa ng hangin, masarap magpahinga rito. Kung puwede nga lang na magpatayo ng bahay dito, gagawin ko talaga kapag nagkaroon na ako ng sarili kong pera. Pero hindi kasi puwede kaya maghahanap na lang ako ng elevated na lugar sa paligid na puwedeng mapagtayuan ng bahay in the future.

Bumuntonghininga ako at sinimot ang napaka-preskong hangin. Ang ganda talaga rito, ang ganda ng city na kinalakihan ko, ang ganda ng yutang bulahan, ang ganda ng Escalante City. Kaya pala yutang bulahan ang bansag sa city na ito, it is full of unexpected blessings.

Gusto ko habang-buhay nandito lang ako. Pero alam kong hindi puwede. Sooner or later, all of us, my friends maybe, will going to find greener pastures for our own development. This is our hometown and it will always be our hometown pero alam naming wala rito ang future na kailangan namin.

Ano ba 'yang iniisip mo, Zettiana! Paskong-pasko, kung ano-anong iniisip mo. Tumigil ka na nga.

"Ang ganda rito, 'no?"

Lumingon ako kay Therese nang bigla siyang sumulpot sa tabi ko. Abala siya sa pagtingin sa paligid kaya napangiti ako nang makita ang mukha niya.

"Kasing ganda mo," wala sa sariling sabi ko.

Dahil sa sinabi ko, kitang-kita ko ang pamumula ng pisnge niya na pilit niya pang itinatago sa akin. Umiwas pa siya ng tingin at naglagay ng iilang strands ng buhok sa likuran ng kaniyang tenga.

Kahit kailan, ang effective talaga ng banat ni Nicho na ganoon. Buti na lang talaga naturuan niya ako.

"H-Hindi naman," pa-humble pa na sabi niya.

Umiwas na lang ako ng tingin at nagkibit-balikat. Babae nga siya, madaling kiligin sa overrated na banat.

Matapos nilang lasapin ang tanawin at mapagod sa pagpi-picture, nagpahinga kami sa isang bahay-kubo. Inilatag lahat ni Therese ang dala nilang pagkain. Sa sobrang dami, parang ako na lang 'yong aayaw sa mga iyon. Kumain sila, kumain din ako, kumain kaming lahat. Kainan na this!

Pasado alas-nueve na. Dapat by ten, nakababa na kami para makaabot ako sa handaan.

Pero abala sila sa pag-uusap-usap ng kung ano-ano at parang walang balak na umalis na anytime soon.

Sa kalagitnaan ng aming pamamahinga, biglang bumuhos ang malakas na ulan na hindi namin inaasahan. Parang unos sa sobrang lakas nito. May kasamang hangin pero mabuti at matibay yata ang pagkakagawa nitong kubong sinisilongan namin at hindi naman nadala.

Nakakatakot lang kasi madilim ang paligid dahil sa dag-om, malakas ang ulan, at mahangin pa. Mabuti at malalakas ang loob nitong mga kasama ko, hindi man lang natinag sa malakas na unos na nararamdaman namin ngayon. Although, yeah, nakakakaba nga.

Tumagal ang unos. Maya't-maya na akong napapatingin sa relos ko. Pero patay na, patay na patay na talaga ako mamaya.

Ang wrong timing naman ng ulan na 'to. Paniguradong kapag humupa ito, matatagalan bago kami makakababa kasi nga madulas at maputik ang daan. Sana lang tumigil na agad 'to para makauwi na kami.

Nagpatuloy ang ulan at feeling ko mas lumakas pa ito.

Sa sobrang lakas ng ulan, sa hindi inaasahang pagkakataon, natumba ang malaking krus na nakatayo mismo sa harapan namin.

What the heck! Pakshet!

Sabay-sabay kaming napatili nang kitang-kita sa mga mata namin ang dahan-dahang pagbagsak ng krus. Napapikit pa ako nang marinig na ang matinis na tama ng bakal sa lupa at parang kulog na ingay nang pagbagsak nito.

What the heck! Ano 'yong nangyari!

Wala namang may nasaktan sa nangyari kasi kaming apat lang naman ang nandito sa tuktok ng bundok at intact pa naman kaming apat, at saka, ulit, paharap ang pagkatumba ng krus at nasa likuran naman kami kaya safe na safe kami.

Agad na kinuhanan ng picture ni Therence ang nangyari at feeling ko may video rin siya. Ipo-post daw niya sa Facebook para malaman ng lahat na natumba na ang krus ng Mt. Lunay.

Grabe! Kanina nakatayo lang 'yan, pero ngayon wala na, natumba na. Ano kayang nangyari? Sobrang sayang naman. Malaki ang gamit ng krus na iyon sa mga taong nakatira sa city namin, lalo na sa mga mangingisda, dahil naging guide ang munting ilaw no'n tuwing gabi sa kanilang pangingisda. At naging palatandaan na rin 'yon ng mga biyahero kapag dumaraan sila sa city namin. It was then the improvised lighthouse of our city. It has been the trademark of our city, now, with a blink of an eye, it's already gone. Who would've thought na isang unos lang pala ang makakapagpatumba no'n.

Maya-maya lang din ay humina ang ulan hanggang sa humupa na ito ng tuluyan at muling nagpakita si haring araw.

Kaya agad akong lumabas ng kubo at nilapitan ang bumagsak ng krus.

"Zet, mag-ingat ka."

Ngumiti ako sa sinabi ni Therese at hindi na sinagot 'yon.

Maputik ang daan papunta roon pero siyempre, umiiwas naman ako sa mapuputik na daan. Anong tingin n'yo sa akin? Basta-basta lang naglalakad? Halos maiyak na nga ako kasi narumihan na ang bagong sapatos na bigay ni Mama. Galing pang Canada 'to, e. Kung alam ko lang talagang uulan ngayon, hindi ko na sana isinuot 'to. Yawa jud oy.

Sinipat ko ng tingin ang bumagsak na krus. Sirang-sira na ito. At kung sa tao pa, nagkalasog-lasog na ito.

Weak pala ang naging foundation nito. Semento lang at hindi pa masiyadong malalim ang pagkakalagay. Kinakalawang na rin ang bakal na ginamit para i-form ang krus. Sabagay, matagal na rin simula no'ng maipatayo ito. Ilang taon na ang nakalipas.

Sana naman sa susunod, kung maipapatayo ulit ito, maganda na ang foundation at matibay na ang pagkakagawa nito. Kung ganitong unos pa lang ang nakasagupa niya, bumigay na siya. Paano pa kaya kung malakas na bagyo na? 'Di ba? Dapat matibay, dapat dekalidad, dapat hindi tinitipid ang materyales na gagamitin.

Nilapitan din ako ng tatlo para sipatin ng tingin ang natumbang krus. P-in-icture-an ulit ni Therence para sa malapitan na view.

"Baba na tayo?" pag-aaya ko sa kanila.

"Sige, mabuti pa nga. Baka maabutan na naman tayo ng ulan at tuluyan na talaga tayong ma-stranded dito. Nakakatakot pa naman," sabi naman ni Therence na agad sinang-ayonan ng kakambal niya.

Napagpasiyahan naming lahat na bumaba na ng bundok kahit maputik ang daan. Makakaya pa naman at kaonting tiis lang talaga para sa lakaran.

Napatingin ako sa wrist watch ko at napa-iling. Walang pag-asa. Hindi na talaga ako makakaabot kahit dumiretso pa ako roon after naming makababa rito. Sakto ring iniwan ko ang cell phone ko sa bahay kaya wala akong magawa kundi ang isipin kung ilang missed calls at text ang natanggap na ng cell phone ko mula sa kanila habang ako ay pababa pa lang ng bundok.

Takte. Bahala na talaga. Hindi na lang siguro ako pupunta. There's no use anyway. Wala na akong kasabayan papunta roon at mas nakakahiya kung magpapasundo pa ako.

Mas lalong tumagal ang pagbaba namin. It's past lunch time already. Gutom na gutom na ako pero tiniis ko muna. May natirang pagkain pa naman ang kambal kaya 'yon na muna ang kinain nila habang nagtititili pababa ng bundok, nagrereklamo na rin sa mga putik na dumadampi raw sa mga sapatos nila, sa nanginginig nilang tuhod habang pababa ng hagdan, at kung ano-ano pa.

Pasado alas-dos nang tuluyan kaming makarating sa kotse ni Fred. Tuluyan na akong nawalan talaga ng pag-asa. Wala na akong maabutan kahit sabihin pang hanggang gabi ang party. Walang-wala na talaga.

Quarter to three nang makarating na kami sa bahay. Pagod na pagod ang lahat kaya ang pasasalamat at paalam na lang ang tanging nasabi ko.

Napakamot na lang ako sa batok ko habang pinagmamasdan ang paglayo ng kotseng lulan nila.

Bumuntonghininga ako at naglakad na palapit sa gate para buksan ito pero nang itulak ko na, hindi ko na mabuksan kaya napabuntonghininga ulit ako.

Wala na namang tao sa bahay.

Sumilip ako sa through gate pero wala ang dalawang kotse nina Lolo. Umalis nga talaga sila.

"Zettiana!"

Napalingon ako sa kaliwa ko nang may narinig akong tunog ng motor na papalapit at ang pagtawag sa pangalan ko. Gulat ako nang makita si Tonton na nagda-drive ng pamilyar na motor ni Nicho.

"Tonton? Anong ginagawa mo rito?" nagtatakang tanong ko pa. Nakakapagtaka rin na pinansin niya ako. Hindi namamansin 'to, e.

"Sinusundo ka. Kanina ka pa nila hinihintay."

"Oh, Zetty?"

Napangiti na lang ako kay Tonton sa sinabi niya at mas inatupag si Ate Nene, 'yong helper nina Lolo.

"Hay, salamat naman, Ate Nene, at nand'yan ka. Umalis ba sila, Ate?"

It was a relief na makita si Ate Nene. Pinagbuksan niya ako ng gate at gulat na gulat pa sa presensiya ko.

"Oo. Umalis silang lahat. Ikaw? Bakit ka nandito? Akala ko ba didiretso ka na sa party?"

Nilingon ko muna si Tonton bago sinagot ang mga tanong ni Ate Nene.

"Pasensiya ka na, Ton, hindi na muna ako pupunta sa birthday ni Decart. Pakisabi na lang sa kanila na hindi na ako pupunta. Gusto ko kasing magpahinga, pasensiya na talaga," nanghihinayang na sabi ko.

Gustong-gusto kong pumunta pero pagod na pagod na ang katawan ko sa hiking na ginawa namin na dinagdagan pa no'ng stress ng unos kanina.

"Hindi na ako pupunta, Ate. Grabe, nakakapagod umakyat sa Lunay. Ayoko na talaga."

Tinalikuran ko siya at tuloy-tuloy na pumasok sa gate at nagkuwento na nga kay Ate Nene sa kung anong nangyari kanina sa Lunay. Tuluyang nakalimutan ang presensiya ni Tonton.

~