webnovel

When The Waves Touch The Sky (Tagalog)

Zetty Mondejar loves risking her life. Will she be able to risk anything for the man of her life?

_doravella · perkotaan
Peringkat tidak cukup
47 Chs

The Debutante

Our lives continued. Nagtapos kami ng grade eleven at naging grade twelve na kami. Hindi pa man college pero ramdam na namin ang pressure sa pag-aaral. Hooh! Yawa, maka-pressure ang teachers og subject jud!

Hindi nga pala ako nanalo sa mural painting na sinalihan ko last December for the Kasikas event. Pero maraming nakapansin no'n sa gawa ko kasi naka-display naman 'yon hanggang ngayon sa plaza, pero siyempre, hindi ko dinadala hanggang ulo ko. At saka, hindi pa rin ako sumali sa pinta lawas no'ng Manlambus Festival. Hindi ko pa kaya, kulang pa ang experience ko, kaya nanood na lang ako.

I maintained the shortness of my pixie hair cut. Every month ay pinapa-trim ko ito. And I became known because of that. Zetty the pixie dust. Charot.

Kahit nakaka-pressure ang huling taon namin sa high school, para sa akin ito na ang pinaka-inspiring na year ko. Sa hindi inaasahang pagkakataon, naging magkaklase kami ni Therese. Kaklase ko pa naman 'yong mga bugok kong kaibigan at intact pa naman ang barkada pero nadagdag lang talaga si Therese. At imbes si Yosef ang katabi ko for this school year, si Therese na ngayon.

Napuno lang ako ng kantiyaw ng mga kaibigan ko dahil nalaman na nila kung ano talaga ako. Actually, wala na naman talaga akong pakialam sa tungkol doon. Mas mabuti nga 'yon para less explanation na at wala nang coming out, coming out dramang magaganap. Okay lang naman daw sa kanila. Pero mayroon talagang hindi pa rin makapaniwala. Bahala na sila sa buhay nila kung hindi nila ako matanggap. Hindi naman ako nabuhay para i-please sila.

We survived months of being together. Without clearly saying how we adore each other. Sa kilos namin inilalabas lahat. Just by being there by her side all the time, and vice versa, means a lot to our growing relationship. Basta't nagkakaintindihan kami ay okay na sa akin. Wala namang naging problema. I didn't make big deal of her suitors na hindi pa man nagsasalita tungkol sa panliligaw nila ay agad na niyang tini-turn down kasi nga ako talaga ang pinipili niya. O, 'di ba, Zettiana lang malakas, Zettiana lang pinipili.

"Oh, pumunta ka ha? Subukan mong hindi pumunta, makikita mo talaga ang liwanag."

Inabot ni Ada ang invitation ng kaniyang debut. Natatawa ko namang tinanggap iyon. "Nagbanta pa talaga."

She moved forward para bigyan naman ang iba ng invitation. Kasisimula pa lang ng school year at sa susunod na linggo na ang debut ni Ada. Five months in the making daw ito. Kaya expect na bongga kasi bukod sa siya ang panganay na anak, siya rin ang panganay na apo na babae, next to Yosef. Kaya pinagmayabang niya sa akin kanina, sa akin lang naman at hindi na namin sh-in-are sa iba, na Lolo raw niya 'yong gumastos ng debut. Sinabi ko naman sa kaniya na anong Lolo niya ang gagastos, e, bawas 'yon sa manang matatanggap niya galing sa Lolo at Lola niya. Ayon, binatukan ako bilang sagot.

So, 'yon na nga, enggrande nga ang magiging debut ni Ada at kailangan ang formality in terms of dress and appearance pero charot-charot lang daw 'yon, okay lang daw na naka-pants ako pero dapat formal pa rin. So, nag-suit ako na pangbabae.

"Ang ganda nitong invitation ni Ada pero mas maganda 'yong invitation ng debut namin ni Therence," biglang sulpot ni Therese sa tabi ko.

Nilingon ko siya at pinagmasdan lang ang pag-upong ginawa niya sa tabi ko. Hindi na pinatulan ang sinabi niya. Malayo pa naman 'yong birthday nila ni Therence. Mas mauuna pa nga 'yong birthday ko kaysa sa kanila.

But I guess, girls my age are so eager and excited about this coming of age era nila, kung saan magta-transition sila into womanhood when they turn eighteen. That's a heck. Hindi naman totoo 'yan. As if naman magta-transform talaga ang isang babae kapag naging eighteen na siya. Ano 'yon? Parang isang iglap lang magiging full-ass grown woman na siya? The heck! Ako nga, mag-i-eighteen na pero parang ganoon pa rin, isip-bata pa rin, wala pa ring pakialam sa appearance, except that I'm more conscious now kasi nga Therese is here.

Sa mga sumunod na araw, wala na ring naging pakialam si Ada sa nalalapit niyang birthday. The last time she was excited about it was the time na namigay siya ng invitations. Hindi na rin naman niya binabanggit ang tungkol doon pero halatang naging busy na rin siya kasi hindi siya sumasama minsan sa mga after class gala namin.

Hanggang sa bukas na talaga ang debut niya. Sakto rin kasing natoon sa Sabado ang birthday niya kaya expect talaga na lahat ng inimbita niya ay dadalo talaga.

Afternoon break pero imbes na mag-break ay nagtipon-tipon kami ng groupmates ko para sa isang activity. Sakto rin kasing ka-grupo ko sina Hugo, Yosef, Ada, at Nicho. Pero hindi kami magka-grupo ni Therese, nasa kabilang grupo siya. Kaya ewan kung anong trip no'ng subject teacher namin na pinagsama-sama kaming lima sa iisang grupo, paniguradong riot 'to.

Nandito kami sa solidarity hall, nakaupo na naman sa bakal na bleachers. Nagbi-brainstorm 'yong ibang groupmates namin habang kami, being pabigats, ay nakaupo lang, nag-aasaran.

Nag-uusap kami nang kung ano-ano, minsan nakikisama sa brainstorming na ginagawa para sa presentation na gagawin namin mamaya. Pero nang matapos, umupo kaming ulit at pinag-usapan na naman 'yong mga nangyari last fiesta kahit ilang linggo na ang dumaan.

"Kaibigan mo, tulala," biglang sabi ni Hugo sabay nguso sa katabi kong si Ada.

Nilingon ko naman ang huli at tama nga ang sinabi ni Hugo, tulala nga si Ada. Pinag-click ko ang dalawang daliri ko sa mismong harapan niya para maagaw ang atensiyon niya.

"Iniisip mo debut mo?" tanong ko agad sa kaniya nang lingunin niya ako, parang nabalik na rin siya sa earth.

"H-Hindi… iniisip ko lang kung kailan ulit mapapatayo 'yong krus sa Lunay."

"Gaga!" walang hiyang pag-iisip naman 'yan, oo.

Natawa si Ada dahil sa naging reaksiyon ko. "Wala 'to," assurance naman niya. "Basta bukas ha, doon kayo matutulog sa bahay nina Lolo after ng party."

"Oo ba," sabay-sabay na sagot naming lahat. Paulit-ulit na kasi siya.

The afternoon continues hanggang sa natapos ang last subject at kaniya-kaniyang uwian na. Gaya nang nakasanayan, sinabayan ko sa pag-uwi ang kambal saka ako sasakay sa terminal pauwi sa bahay.

Kinabukasan, Sabado, tanghali na akong nagising. Nakahanda na rin ang susuotin ko mamaya at ang bag na dadalhin ko para sa sleep over. Dahil kilala na rin naman nina Lolo at Lola ang mga Osmeña kaya walang pag-aalinlangan na pinayagan ako. Kasama ko rin naman ang pinsan kong si Nicho. At saka, minsan din kasing nakapag-sleep over 'yong mga kaibigan kong Osmeña rito sa bahay. Parang nasanay na rin sila sa friendship namin. Matagal-tagal na rin kasi kaming magkakaibigan. Mas lalo nga'ng nadagdagan ang circle of friends namin.

Sa mansion ng Lolo at Lola ng mga Osmeña magaganap ang debut. May malawak naman na garden sa premises ng mansion at garden daw talaga ang theme ng debut kaya roon naisipan na maghanda instead of getting a venue for this party. Mas convenient nga.

Invited ang mga Tito at Tita ko kaya nakisabay na ako sa kanila papunta sa venue. Pero mamayang pag-uwi, maiiwan na kami ni Nicho sa mansion dahil nga sa sleep over.

Maraming tao ang invited, maraming bisita ang dumating. Sabagay, marami naman talagang kakilala ang mga Osmeña kaya hindi na nakapagtataka, tapos dagdagan pa ng mga Posadas, edi sobrang dami na.

Pagdating sa venue, agad kaming humiwalay ni Nicho sa family namin para puntahan ang table ng friends namin. Siyempre, nang makita si Therese, agad akong tumabi sa kaniya. She reserved a seat for me and it melts my heart. She really think of me all the time.

Kahit na identified na naman din kung saan dapat umupo si ano at sino.

Wala sa table namin ang mga kaibigan naming Osmeña because they have their own table, few tables away from us. Pero nang makita kami, kumaway at ngumiti lang kami sa kanila kasi hindi na namin sila mapuntahan baka makaistorbo pa sa mga bisita.

Sinimulan din naman agad ang party. Nag-greet lang ako kay Ada kanina through text at simula no'ng makarating ako rito sa venue, hindi ko pa siya nakikita. Pero pagkasimula ng party, nakita ko rin siya dahil may grand entrance nga.

Sobrang ganda ni Ada ngayon. Maganda naman talaga siya ever since pero nakakatuwa lang makita siya ngayon sa napakagarang balloon type gown. Pareho kaming totomboy-tomboy nito rati pero look at her now, babaeng-babae na.

Malawak ang naging ngiti niya sa lahat habang kumakaway pa. Naglalakad siya sa isang mahabang aisle papunta sa stage kung saan nandoon ang magarang upuan na uupuan niya.

At no'ng makita na niya kami, mas lalong lumawak ang ngiti niya at masigasig pang kumaway. Pabiro pa nga siyang nag-flying kiss sa akin nang magtama ang tingin naming dalawa. Natawa ako at pabiro ring tinanggap kuno ang flying kiss niya.

Pero biglang nawala ang ngiti ko nang maramdaman kong may humawak sa kamay ko. Pinagsalikop niya iyon kaya napalingon ako sa kaniya. Ngumiti ako at tiningnan ang kamay naming dalawa na nakatago na ngayon sa dress niya. Ngumiti rin siya sa akin at nag-iwas din ng tingin na parang walang nangyari.

The heck! Hindi naman ito ang unang beses na magkahawak kami ng kamay pero ebarg, iba pa rin sa pakiramdam.

Almost the entire program ay magkahawak lang yata ang kamay naming dalawa ni Therese. Hindi rin naman mapapansin kasi nga itinago at nasa ilalim lang ng table. At kung may makakapansin may ay 'yong mga kaibigan ko lang naman at ibang kakilala niya na alam na rin naman ang tungkol sa aming dalawa. It may seem private pero may iilang tao rin namang nakakaalam sa aming dalawa na alam naming hindi naman kami huhusgahan.

Naganap 'yong usual eighteen roses ni Ada. Sari-sari ang naging kasayaw niya at kaabang-abang kung sino ang magiging huli niyang sayaw since it's impossible na Papa niya 'yon kasi first dance na niya ang Papa niya. It must be special, someone exceptional. Pero tinatanong pa ba 'yan? Edi siyempre 'yong boyfriend niyang si Jexter Infante. Sus.

Seventeenth dance niya si Tonton Lizares. And they're currently dancing in the middle.

"Nich, hindi niya pa nasasayaw si Decart, 'di ba? Si Decart ba last dance niya?" bulong ko sa nasa kaliwa kong si Nichodemus. Magkahawak pa rin kami ng kamay ni Therese pero malapit lang naman si Nicho kaya inilapit ko na lang ang ulo ko sa kaniya.

Tiningnan ni Nicho ang hawak niyang invitation card. Napatingin na rin ako roon.

"Si Decart dapat ang seventeenth dance niya tapos si Jexter ang last."

"May nangyari ba? Hindi ko nga nakita si Jexter." Pa-simple ko pang iginala ang tingin sa paligid, as if naman makikita ko agad si Jexter sa isang tinginan lang. Imposible nang makita 'yon sa dami ng tao ngayon.

Nang matapos ang pagsasayaw nila ni Tonton, doon na kami naghintay. Hanggang sa lumabas na nga si Decart dala-dala ang huling rosas na ibibigay kay Ada.

Napatingin ulit ako kay Nicho na may pagtataka na naman. "Wala si Jexter?"

Maski siya ay nagulat din kung bakit si Decart ang naging huling sayaw ni Ada.

"You didn't know ba? Ada and Jexter broke up."

Hard core na napalingon ako kay Therese dahil sa sinabi niya. Salubong ang kilay at nagtataka na. "Anong sinabi mo?"

"They broke up. Hindi ba sinabi ni Ada sa inyo?"

Wala sa sarili akong napabitiw sa kamay ni Therese at napatayo.

"Oh, saan ka pupunta?"

Pero bago pa man ako tuluyang nakatayo, napigilan na ako ni Nicho.

"Kakausapin ko si Ada," wala sa sariling sagot ko.

"Anong kakausapin? E, nasa gitna 'yan. Maupo ka nga muna. Mamaya na lang natin itatanong ang tungkol d'yan sa kaniya. She looks fine naman. Baka wala na lang sa kaniya ang break up nila," pang-aalu sa akin ni Nicho at pinilit pa akong pabalikin sa pagkakaupo.

Kunot-noo akong napatingin kay Ada at Decart na nagsasayaw na sa gitna.

Ano kayang nangyari? Isang taon na rin ang naging relasyon nina Ada at Jexter. Bakit hindi man lang sinabi sa amin ni Ada ang tungkol doon?

"Why are you so worried with Ada?"

Dahan-dahan akong lumingon kay Therese at pagod na ngumiti. "She's my bestfriend, Therese. At alam kong mahal na mahal ni Ada si Jexter kaya ako nag-aalala."

Matapos kong sabihin 'yon ay nakita ko sa mga mata niya ang pagdaan ng isang emosyon na parang nasasaktan kaya agad kong kinuha ang kamay niya para hawakan ulit ito at ipagsalikop. "Kaibigan lang talaga ang tingin ko kay Ada. I never think of her like how I think of you."

Napawi ang emosyong nakita ko sa kaniyang mata at muling napalitan ng ngiti. Humigpit ang hawak niya sa kamay naming dalawa at sumandal sa balikat ko.

Napapikit na lang ako. Masiyadong awkward 'tong posisyon namin lalo na't my family is around pa naman. Pero bahala na talaga.

"I love you, Zetty," mahinang bulong ni Therese kaya hinaplos ko na lang ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko at mahinang sumagot.

Medyo nakakagulat ang ibinulong niya. Nakakawindang ng senses!

"Love you, Therese."

Nagpatuloy ang program. May eighteen treasures, eighteen candles, eighteen shots, at eighteen bills pa. Sobrang saya ng the rest ng party. Nawala pansamantala ang isipin tungkol kay Ada at Jexter dahil malawak namang nakangiti si Ada sa lahat at nakikitawa pa sa mga laughtrip moments. Natawa nga siya sa naging message ko kahit seryoso naman ako sa sinabi ko sa kaniya.

Nag-message lang naman ako sa kaniya tungkol sa kung kailan kami nagsimula at kung anong rason. At sana na makapaglaro kami ulit ng basketball like we always do. Hindi na kasi kami nakakapaglaro simula no'ng magka-boyfriend ang bruhilda. Sa message ko, dapat babanggitin ko si Jexter at ang relasyon nilang dalawa, pero naisipan kong 'wag na matapos kong marinig 'yong tungkol sa hiwalayan nilang hindi ko pa alam kung anong rason.

Sa eighteen shots naman ay kaming mga extended batang hamog ng simbang gabi ang isinalang ni Ada. Wala ito sa program. Last minute lang daw inisip ni Ada ang tungkol dito. So basically, pinag-trip-an lang niya kaming mga kaibigan niya.

'Yong original na mga batang hamog ng simbang gabi ay mas lalong nadagdagan no'ng last fiesta celebration ng city namin. Dati siyam lang kami n'yan, pero ngayon nasa labing-siyam na. Dumami ang bilang namin dahil isinama na rin naman ang iba pa naming pinsan at kaibigan. Ang nadagdag lang sa amin ngayon ay sina Nicho, Hugo, Clee, Ada, Fiona, Chain, Erico, Yohan, Madonna, and Die. Gusto ko sanang isali si Therese pero ang sabi wala raw dapat kasaling jowa. Ang dadaya ng mga bugok na 'to.

Kung susumahin, puros katarantaduhan lang ang ginawa namin sa eighteen shots. Nagtatawanan at nag-aasaran.

Matapos ang eighteen shots ay ang message ni Ada sa lahat tapos picture taking na, then the end.

Inuna munang magpa-picture ang family nina Ada. Medyo natagalan kasi marami-rami rin naman ang mga Osmeña na dinagdagan pa ng mga Posadas. Sumunod 'yong mga bisitang inimbitahan. Pinili naming mahuli since ang iba sa amin ay magpapa-iwan din para sa sleep over.

"Hey, um, Zet, uuwi na ako."

Habang nagtatawanan dahil sa sobrang kulit ng Osmeña cousins sa pagpapa-picture ay biglang nagsalita ang kanina pang nasa tabi kong si Therese. Nakangiti ko siyang nilingon, medyo nagtaka na rin sa sinabi niya.

"Ha? Uuwi ka na, e, hindi ka pa nagpapa-picture kay Ada. May picture pa tayo with the whole class after this."

"Nand'yan na kasi 'yong sundo ko and Mommy's been texting me to go home na."

"Ganoon ba? Sige, magpapaalam ka ba muna kina Ada? Sasamahan na kita."

Nanghihinayang ako sa pag-uwi niya nang maaga pero alam ko naman kung gaano ka-strict ang parents niya sa kanilang magkakapatid kaya inintindi ko na lang. Siya lang din mag-isa ang pumunta rito. Tinamad daw kasi si Therence kaya hindi na pumunta.

"Hindi na. Marami siyang bisita. Hindi naman niya mapapansin na nakauwi na ako. Pakisabi na lang."

"Sige. Ihahatid na lang kita sa labas."

Nagpaalam muna ako kina Nicho saglit para ihatid si Therese sa may gate. Magkasabayan lang kami sa paglalakad ngayon pero hindi na ako nakahawak sa kamay niya. Marami nang bisitang pauwi at masiyadong awkward kapag nakita nilang magka-holding hands kami ni Therese.

Palapit na kami sa gate nang bigla siyang magsalita. She pouted cutely kaya napaiwas ako ng tingin para pa-simpleng ngumiti. Ang cute niya talaga kahit kailan.

"Wala tayong picture na dalawa," naka-pout pa ring sabi niya.

"Edi mag-picture tayo."

Inilabas niya ang cell phone niya at in-open ang camera para makapag-selfie kaming dalawa. Mabuti na lang at maliwanag dito sa front yard ng mansion ng mga Osmeña kaya may enough na ilaw para makapag-selfie kaming dalawa.

Matapos ang ilang shots, naglakad na ulit kami hanggang sa makarating na kami sa kotse nilang naghihintay na pala sa kaniya. Tanging driver niya lang ang naghihintay. Kahit daw strict ang parents nila, hindi sila aabot sa point na sila mismo ang magsusundo sa mga anak nila. May mga trabahante raw silang kayang gumawa no'ng trabahong iyon kaya why bother daw. 'Nyemas na rason 'yan.

Pero bago makasakay si Therese sa kotse, bigla niya akong niyakap. Isang mahigpit na yakap. Tinugunan ko iyon at napangiti na rin.

"'Wag ka masiyadong magpakalasing. May mga babae pa naman kayong kasama. Text me always."

Mahina akong natawa sa sinabi niya. "I will."

Kumalas ako sa yakap at tuluyan nang binuksan ang pinto ng kotse para makapasok na siya. Agad din naman siyang sumunod at nagba-bye na lang sa akin.

Hinintay ko munang makalayo ang kotseng lulan ni Therese bago ako tumalikod para bumalik na sa loob. Naglakad ako hanggang sa makarating sa garden. Nakasalubong ko pa nga si Tonton pero pinasadahan niya lang ako ng tingin mula ulo hanggang paa at agad din naman akong nilampasan. Napa-iling na lang ako sa likod ng aking isipan. Nasa iisang circle of friends nga kami pero hanggang ngayon, hindi pa rin tama ang pagpansin niya sa akin. The last time he ever talked to me was last year pa. Ewan ko kung kailan 'yon basta last year pa.

Nang makarating sa garden ay agad akong tinawag ng mga kaklase ko. Tinawag pa nga ako through mic kasi kanina pa pala sila nag-aantay sa akin para sa whole class picture. Tumakbo na lang ako at bastang dumagan do'n sa isa kong kaklase at ngumiti sa camera. Hindi na rin naman formal ang position nila kaya okay lang 'tong posisyon ko ngayon. Komportable naman ang pagkakahiga ko kay Kenneth.

Matapos ang isang shot ay ipinatigil muna ni Ada ang pag-take ng picture para tawagin ako. Tumabi raw ako sa kaniya. Dali-dali naman akong bumangon at nakipagsiksikan sa mga kaklase ko para mapuntahan ang gitna kung saan nakapuwesto si Ada. Tumabi ako sa upuan niya at muling humarap sa camera para ngumiti.

"Sa'n na GF mo?"

"Umuwi na. Curfew na raw."

"Mabuti naman."

Sinimangutan ko ang sinagot ni Ada pero nag-inarte lang siya sa akin at muling humarap sa camera para ngumiti. Natawa na lang ako at ngumiti ulit.

Kung susumahin, si Therese lang ang magiging sampid kapag sumali siya sa picture taking namin. This school year kasi, siya lang ang bukod tanging napunta sa section namin. Itong section kasi naming ito ay simula pa no'ng grade seven kami kaya ilang taon na rin kaming magka-klase at close na close na kami sa isa't-isa. Kompleto kami ngayon kaya kung nandito si Therese, siya 'yong outcast.

Pero hindi ko ipaparamdam na outcast siya. Hindi namin pinaramdam 'yon. She belong in our section. She belong in my heart.

~