webnovel

When The Waves Touch The Sky (Tagalog)

Zetty Mondejar loves risking her life. Will she be able to risk anything for the man of her life?

_doravella · perkotaan
Peringkat tidak cukup
47 Chs

The Conversation

"Zet, picture daw tayong lahat bago umuwi."

"Okay, sa'n ba?" tanong ko pa sa naging tanong ni Tonette. I'm talking about the camera, heller!

"Here, you can use this."

Lumapit bigla 'yong lalaking kapatid ni Decart. Siya 'yong napansin kong nakatingin kanina kay Ada pero wala akong naging pakialam kaya kinalimutan ko na lang 'yong ginawa niya. Tinanguan ko siya nang i-abot niya ang DSLR.

Alam kong may pagkamamahalin 'tong camera niya. Halata naman, ang yaman kaya nila.

Iginala ko ang tingin sa paligid, naghanap ng maaasahang mukha ng tambay.

"Tiboy, 'lika nga rito." Tinawag ko 'yong isang tambay na nakangisi lang sa ilalim ng ring habang nakatingin sa mga naglalaro. Agad din naman siyang lumapit sa akin, nang nakangisi pa rin.

"'No 'yon, Zetty?" pangisi-ngisi pa rin niyang sabi, parang nagpapa-cute. Hindi niya ba alam na thirteen years old lang ako? At paniguradong hindi na niya masisilayan ang bukas kapag nagpa-cute pa siya sa akin?

"Paki-picture-an nga kami. Marunong ka bang gumamit nito?" itinaas ko ang DSLR na hawak ko.

"Oo naman. Ako pa!"

Ibibigay ko na sana ang DSLR sa kaniya kaso binawi ko. "Siguraduhin mo lang ha? Hindi akin 'to. Alam mo na mangyayari sa 'yo kapag may nangyaring masama sa camera'ng ito."

"Zetty, tigilan mo na nga 'yan. Nagpapa-cute ka ba kay Tiboy?"

Ang lakas ng apog!

Masama kong tiningnan ang pinsan kong si Nicho. "Pakyo!" sigaw ko sa kaniya at tuluyan nang ibinigay kay Tiboy ang camera. Kakairita 'tong si Nichodemus, e.

Kaya hindi ko tuloy magawang makangiti sa picture. Basta lang akong tumabi kina Tonette at pumuwesto lang doon na parang napadaan lang.

"Sige, Zet, Nicho, kita na lang tayo ulit sa susunod na buwan."

"Sige, ingat kayo sa bakasyon n'yo." Kumaway kami sa kanila, hinihintay ang kanilang pag-alis.

Isa-isang sinundo ang mga kaibigan namin at 'yong mga Lizares. Isang Toyota Fortuner ang sumundo sa magpipinsang Osmeña at Chevrolet Trailblazer naman ang sumundo sa mga Lizares. Sumabay na rin si Hugo sa mga Osmeña dahil along the way lang naman ang bahay nila.

Nagpaalam na rin si Pato at Pax kaya kaming dalawa na lang ang naiwan ni Nicho. Nauna na sa amin si Madonna at Justine.

Nang mawala sa paningin ko ang mga kotse, agad kong binatukan si Nicho.

"Subukan mong magbiro nang ganoon, pupulutin talaga sa kangkongan bagong motor mo."

"What? What did I do?" patay-malisyang tanong niya pa.

Umiling ako at naglakad na papunta sa bahay. Hindi na siya sinagot. Lalo na no'ng natatawa na siyang sumunod sa akin.

"Hindi ka ba attracted kay Tiboy? You we're so close back then. What happened, Zet?"

"Nag-i-english ka pang bugok ka. Tigilan mo nga ako, Nichodemus."

Kung ano-ano na 'yong pinagsasasabi niya sa likuran ko habang naglalakad kami. Para siyang timang na bugok na nagri-reminisce sa elementary days namin. Timang, Nichodemus Vaflor!

Dire-diretso ang naging lakad ko hanggang sa makapasok kami ng bahay. Sa kusina kami dumaan. Nakita ko kanina na nasa ilalim ng puno si Justine at Madonna, mukhang nag-uusap, pero wala akong interes sa kanila at gusto ko lang magpahinga na sa loob at nang makita na rin si Mama.

Pero nasa pinto pa lang kami ng kusina, naririnig ko na ang nagtataasang boses ng mga taong nasa loob. Mas nangibabaw ang boses ni Lolo. Tumingin ako kay Nicho na nagkibit-balikat lang. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa mismong sala. Katabi ko ang divider nang saktong tumingin si Mama sa direksiyon ko, napatigil na rin ako sa paglalakad.

Natahimik ang lahat, mukhang naagaw namin ang atensiyon nila.

I can see that Mama's crying kahit na nagulat siya nang makita ako.

What happened?

"Zettiana, lumabas ka muna," kalmadong sabi ni Mama kahit nararamdaman ko ang nginig sa kaniyang boses.

"Hindi! Walang lalabas. Hindi ka lalabas, Zettiana! Kailangan mong malaman 'to. Kailangan mong makita kung gaano ka-baboy ang sarili mong ina! 'Yang ina mo, Zettiana, ay isang malaking immoral! Nakipag-relasyon sa kaniyang kapwa babae!"

Bumaba ang tingin ko sa kamay ni Mama na mahigpit na hawak ng isang babaeng parang lalaki kung manamit at korte ng buhok. Hindi ko siya kilala pero alam kong babae siya na nagdadamit lalaki. Hindi ako ganoon ka-tanga para hindi maintindihan ang lahat.

Umigting ang aking panga, kakapigil sa nararamdaman ko ngayon. Kahit may ideya ako kung anong nangyayari, para pa rin akong nabobobo sa nasa harapan ko.

"Dad, hindi kailangang makita ni Zetty 'to."

"Ano? Itatago mo sa anak mo ang ka-immoral-an na ginagawa n'yong dalawa? Carmmelita, hindi ka na nahiya!"

"Spare Zetty from this, Dad."

"Zetty, halika, hija."

Nilapitan ako ni Lola at niyakap, inalalayan palabas ng bahay. Dumaan kami sa kaninang dinaanan namin ni Nicho: ang kusina.

Inaalalayan ako ni Lola hanggang sa makarating kami sa puwesto nina Justine at Madonna. Napatingin ang dalawa kong nakababatang pinsan pero wala ako sa mood para pansinin silang dalawa.

"Okay lang po ba si Ate Zetty, Lola?"

"She's fine, Madonna, don't worry."

"Sasama po ba siya kay Tita Carm, La?"

Napaahon ako sa pagkakatayo at napatingin kay Justine. Anong ibig sabihin ng tanong niya?

"Justine, Madonna? Maaari n'yo bang kunin ang gulay na pina-harvest ko kina Mang Pedring?"

"Sige po, La."

"Samahan ko na po silang dalawa, La."

"Mabuti pa nga, Nicho."

Umalis ang tatlo kong pinsan at sinunod ang inutos ni Lola sa kanila. Umupo naman ako sa bakal na garden chair. Umupo rin si Lola sa katapat nito. Malumanay siyang ngumiti sa akin at pinagmamasdan akong mabuti.

"Naiintindihan mo ba ang nangyayari, Zetty, apo?"

Tumango ako sa naging tanong niya. "May relasyon po si Mama at saka 'yong kasama niya po, tama? 'Yon po ang sabi ni Lolo. Pero 'di ba po, masama po 'yon? Kaya po galit si Lolo kasi alam niya pong masama, 'di ba po?"

"Sa mata ng mga mapanghusga, masama 'yon. Labag man ito sa loob ko bilang isang relihiyosong tao pero masaya ang Mama mo sa kaniya, Zetty. I've seen Carmmelita suffered back then with your Papa and I've never seen her this happy again since the day you were born. Ngayon lang naulit nang makilala niya si Leceria."

"Payag po kayo sa relasyon nilang dalawa?"

"No'ng una niyang sinabi sa akin 'to, tutol talaga ako. Napagalitan ko pa nga siya gaya nang ginagawa ng Lolo mo ngayon sa kaniya. Pero nang mapagtanto kong ako ang una niyang nilapitan at pinagsabihan ng isang sekretong mabigat para sa kaniyang dalahin, natuwa ang puso ko. After all these years, she still treasure me as her mother."

Bumaba ang tingin ko sa kamay kong nakapatong lang sa lap ko. Gusto ko mang maintindihan ang sinasabi ni Lola kaso ayoko. Pero paano ako magma-mature kung ngayon pa lang, sarado na ang isipan ko sa mga isipin?

"I urged her to introduce Leceria to your Lolo, Zetty. But it turned out not so well. Pero eventually naman, matatanggap din ni Felizardo 'yan. Your Mama just need time."

Tumango na lang ako sa sinabi ni Lola at mapaklang ngumiti.

"Ano pong ibig sabihin ni Justine, La? Aalis po ba si Mama?"

Marahang pinisil ni Lola ang pisnge ko at malumanay pa rin na ngumiti. Bumuntonghininga muna siya bago nakapagsalita.

"Gustong umalis ng Mama mo papunta sa Canada. Kung saka-sakaling dadalhin ka niya, Zetty, sasama ka ba sa kaniya?"

"Po? Aalis po ako rito? Pero paano po 'yong buhay ko rito? Masaya na po ako rito, La. At saka, Canada po? Malayo po 'yon, 'di ba? Malalayo po ako sa inyo ni Lolo kapag isasama niya ako?"

Ngumiti si Lola sa akin at muling pinisil ang pisnge ko.

"Pero kailangan ka ng Mama mo, Zetty."

"Ayoko pong malayo sa inyo, sa mga kaibigan ko, sa mga pinsan ko, La," mahinang sabi ko.

Mas lumapit ang mukha ni Lola sa akin at ngumiti ng isang ngiting matamis. "Sa susunod na taon pa naman 'yon, apo. Aayusin na muna ni Mama mo ang situwasiyon doon bago ka niya kunin dito. You have one year to be with us. You have one year to say goodbye. You have one year to decide."

Naging komplikado ang buhay namin simula noon. Pero kung tatanungin mo ang Lolo at Lola ko, sasabihin nilang mas komplikado raw ang buhay ni Mama noong kasama niya pa si Papa. Baby pa ako no'ng mangyari 'yon. Wala akong maalala sa mga nangyari. Pero ang sabi nina Lolo at Lola, palagi raw sinasaktan no'n ni Papa si Mama. Mabuti na lang daw at bago ako mag-isang taon, hiniwalayan na ni Mama si Papa. Kaya simula no'n, hindi ko na hinanap ang Papa ko. I saw his picture but I did not dare contact him or what. Basta ang alam ko lang, may pamilya na raw siya. Ayoko nang manggulo. Masaya naman ako sa pamilya ni Mama. Masaya naman ang buhay ko kahit wala ang totoo kong ama. Mas naging ama pa si Lolo Felix, Tito Jose, at Tito Doane sa akin,e. Kaya bakit maghahanap pa ako ng iba? Kung sila lang, sapat na? Sana mabasa nila 'to, gusto kong magpabili ng bagong cell phone, e. Nagpapa-goodshot lang sa kanila.

Hindi naging madali sa akin na malaman ang situwasiyon ni Mama. Hindi na naman bago sa pandinig ko ang tungkol sa girl to girl relationship, pero dati kasi, tinatawanan ko 'yon, nako-corny-han ako roon, hindi naniniwala. Pero iba pala talaga kapag may malapit na tao sa 'yong na-experience 'yon. Hindi ko na nga magawang tumawa, e.

Ipinaintindi naman ni Mama sa akin ang relasyon niyang iyon pero hindi naging madali sa akin ang pag-intindi. It took me months before ko na-sink in sa sistema ko na may partner siyang babae na nagdadamit lalaki. Tomboy daw sabi nila.

Habang pino-proseso ni Mama ang mga papeles na kakailanganin niya sa pag-alis ng bansa, they took that opportunity to bond with me, sila ni Leceria. Sinubukan ni Mama na mapalapit ako sa partner niya. Ang awkward, grabe. Kahit kasi nakadamit siya ng panlalaki, I still can see her feminine side. Nakaka-awkward talaga.

Mas naging mahirap pa ang lahat nang pagtungtong ko ng grade eight, 'yon ang naging usapan ng lahat. Napuno ako ng kantiyaw, napuno ako ng bully tungkol sa kasarian ng Mama ko. They talked about me, they always parinig to me how disgusting daw my Mama for making patol to a girl like her. Lakas ng apog! Mga conyo girls kasi ang mga nagpaparinig sa akin kaya nahahawa na ako sa mga paraan ng pagsasalita nila. Mas grabe na kasi ang exposure nila sa buhay ko kaysa sa sarili kong mga kaibigan, e.

I can actually deal with bullys because sometimes I'm a bully myself. Sinisinghalan ko na lang minsan 'yong mga nagto-talk behind my back. Siyempre 'yong hindi nakatingin si Sister. Malilintikan ako no'n kapag nakita niyang nakikipag-away ako sa iba. Edi aabot kina Lolo, mas lalo akong malilintikan.

But that perception towards my Mama's love arrangement was change when Leceria tried to talk to me. Madalas siya sa bahay, minsan doon na natutulog, minsan naman dumadalaw lang. Kaya hindi na ako nagtaka no'ng pag-uwi ko galing school, siya lang ang naabutan ko sa bahay na tinitirhan namin ni Mama.

"Nand'yan ka na pala. Kumusta eskuwela?"

Inilapag ko ang bag ko sa sofa at isa-isang tinanggal ang suot kong sapatos at medyas. Pinasadahan ko lang ng tingin si Leceria na kagagaling lang sa kusina.

"Oks…" simpleng sagot ko.

"Nagluto ako ng merienda. Ang sabi ng Mama mo, paborito mo raw 'to. Own recipe ko 'yan, sana magustuhan mo."

Inilapag niya ang isang platito sa harapan ko and I saw a piece of banana muffin. Tumingala ako sa kaniya at tumango. "Salamat po."

Agad kong kinuha ang banana muffin kasi gutom na gutom na ako. Dapat kasi ililibre ako ni Nicho at Yosef kanina pero ang mga walang hiya ini-scam ako, in-indian, ganoon. Kaya humanda talaga ang dalawang bugok na 'yon bukas. Mapapatay ko talaga sila.

"Marami pa akong ginawa sa kusina. Para sa 'yo lahat ng iyon."

Napansin siguro niyang mabilis kong naubos ang muffin kaya inalokan agad ako ng panibagong. Tumango ako sa kaniya at sinundan siya sa kusina. Ibinigay din sa akin ang panibagong muffin.

Masarap siya, lasang banana muffin talaga. Magaling. Puweda na. Ewan ko lang kung nasarapan ba talaga ako o dahil gutom na gutom ako.

"Umalis ang Mama mo. May pinuntahan lang na isang party."

Nasa pangatlong banana muffin na ako nang magsalita siya. Lumingon ako sa kaniya at cool siyang tinanguan. "Bakit po kayo hindi sumama?"

"Ibinilin ka niya sa akin. Ang sabi niya, wala raw magbabantay sa 'yo. At saka, tulongan daw kita sa assignments mo."

Nakasanayan ko nang magpatulong kay Mama sa mga assignments na mayroon ako. Hindi ko nga lang sure kung kaya kong magpatulong sa kaniya. Mas kaya ko pang mangopya ng assignment kay Yosef kaysa magpaturo sa ibang tao, maliban kay Mama. Hindi ako sanay.

"Okay po. Pero wala po akong assignments ngayon. Kailangan ko lang pong mag-aral para sa periodical exam namin."

I saw how her face lighted nang marinig ang sinabi ko. "Oh, sige. Tutulungan na lang kitang mag-review. I was once a reviewer sa isang review center for engineers. I might help you."

Wow. Review center ng engineers? Engineer pala siya? Bakit hindi ko yata alam?

May parte sa aking namangha dahil sa sinabi niya pero kailangan ko pa yatang itanong 'yon kay Mama bago ko ipakita sa kaniya ang pagkamangha ko. Tumango na lang ako at hindi talaga ipinahalata sa kaniya ang bilib ko.

"Okay po."

Sinimulan namin ang pagri-review. Ang una niyang ginawa ay binasa muna niya ang coverage ng exam tapos hinayaan niya akong basahin ang mga lessons ko habang gagawa raw siya ng reviewer. Pagkatapos ng isang oras, tinanong niya ako kung saang parte ng mga subjects ako may hindi naintindihan o naguluhan o questions, ganoon. Tapos in-explain niya sa akin ang lahat at saka niya ibinigay ang ginawa niyang reviewer.

Ang lakas ng apog! Buong oras na nagsasalita lang siya, nakanganga lang ako. Ebarg! Ang galing niya! Kahit anong subject, ang galing-galing niya. Mas naintindihan ko pa nga 'yong eksplenasyon niya kaysa sa itinuro ng teachers namin. Ebarg talaga!

"I hope that will help you review," sabi niya matapos ang lahat.

Ebarg talaga! Kahit hindi na yata ako mag-review, mukhang kusang na-retain sa utak ko 'yong mga pinagsasabi niya kanina. Ang galing!

"Maraming salamat po rito. Marami po akong natutunan. Pero pasensiya na po kung naabala ko po kayo."

"Hindi ka abala, Zetty. Natuwa nga ako na natulungan kita. At saka, Saratobias pala ang gamit mong apelyido?"

Napatingin ako sa mga gamit kong naka-imprenta ang pangalan ko. Bumalik ang tingin ko sa kaniya at tumango. "Opo."

"Hindi mo ginagamit ang apelyido ng Papa mo?"

"Hindi po. Ayaw daw po kasi ni Lolo na gamitin ko ang apelyido niya."

"Ah, kaya pala Zettiana Saratobias ang pagkakakilala ng mga pamangkin ko sa 'yo. Talagang Saratobias na ang dinala mong apelyido ever since. Pasensiya na sa pagtatanong. Na-curious lang kasi ako."

"Okay lang po. Kahit na nakakapanibago kasi ikaw lang po 'yong nagtanong sa akin nang tungkol doon."

Never akong tinanong ng mga kaklase at kaibigan ko tungkol doon, kung bakit wala akong papa, at kung ano-ano pa. I guess having no father at this generation is no big deal at all.

"Hala, pasensiya na talaga, Zetty."

"Okay lang po."

"Sige, magpahinga ka muna. Magluluto lang ako ng hapunan. Tatawagin na lang kita kapag luto na."

"Sige po, maraming salamat po."

Pumasok ako sa kuwarto dala ang mga gamit ko. Bumuntonghininga at napaisip.

Now that she asked that… oo nga 'no? I saw my birth certificate. Dala ko ang apelyido niya at kasal sila ni Mama noon. Pero dahil sa ginawa niya, nakipaghiwalay si Mama sa kaniya at legally separated silang dalawa. At simula rin noon, hindi na pinagamit sa akin ang apelyido niya. I don't know what sorcery my grandparents did, pero sa tuwing na-i-enroll ako, Saratobias ang dala ko. Awarding sa school, Saratobias ang dala ko. Kilala ako ng lahat bilang si Zettiana Aelexandrae Saratobias. I've been living a Saratobias life ever since and sanay na ako. Tuluyan ko na nga'ng nawala sa isipan ko 'yon pero dahil br-in-ought up ni Leceria bigla, napaisip tuloy ako. Walang hiya. Lakas ng apog. Ebarg!

Matapos kong magbihis, lumabas ako ng kuwarto para panoorin siya sa ginagawa niyang pagluluto. At doon na rin siya nagkuwento sa mga bagay na naiintindihan ko at sa mga hindi.

Doon ko rin na-realize na katulad ko pala siya. Mahilig din sa mga boys' games, boys' stuff, boys' business.

"Edi, tomboy din po ako? Mahilig po akong makipag-basketball sa mga lalaki. Minsan nakikipagsabayan ako sa kanila, sa mga trip nila. Madalas din pong mga lalaki ang kasama ko."

Ngumiti siya sa akin at inilapag sa kitchen counter ang sandok na hawak. Sunod-sunod kasi ang naging tanong ko matapos niyang mag-share.

"Pero hindi naman ibig sabihin na kapag gusto mo na ang gawi ng mga lalaki ay magiging isa ka na rin sa kanila o magiging tomboy ka na rin. Hindi ka kakaiba. Normal lang sa isang taong kahiligan ang hilig din ng iba. Dito 'yan nararamdaman." itinuro niya ang direksiyon kung saan ang puso ko. "Malalaman mo lang na kakaiba ka kapag 'yan, 'yang puso mo, tumibok sa mga bagay na hindi normal para sa iba, pero sa tingin mo ay tama. Don't call yourself tomboy or lesbian. Boyish puwede pa. But never a tomboy, Zetty. Alam kong straight ka. Alam kong sooner or later, kahihiligan mo rin ang mga lalaki."

~