webnovel

57th Chapter

Paolo's Point of View

"2 weeks ago Philippines' top entrepreneur Sandro Hidalgo was declared dead but today a one arose, the tycoon's grand-daughter, Eloi Samantha 'Sam' H. Ramos. The secret Hidalgo heiress just took her place as the CEO of his grandfather's company, the founder of S. HIDALGO Inc.," Basa ni Lance sa news sa kaniyang phone. "Bro, this fierce girl is Eloisa?! Unbelievable."

Hindi naman kasi talaga kapani-paniwalang ang babaeng iyon ay siya, the way that Sam stood up isn't like her. And those make up making her mature. Hindi rin siya ngumingiti. Very unlike of Eloisa we known.

Napabuntong-hininga ako habang itinutuon ang atensyon sa magazine na hawak ko. YES! magazine ito at siya ang front cover, 4 years already passed and this is her now. A successful 22-year old Hidalgo. I can't believe she's the granddaughter of the #1 tycoon in Philippines, may Mr. Sandro Hidalgo rest in peace.

"Bro, hindi ka ba gulat? Kami rito hindi makapaniwala," ani Lance.

"Nagsisisi siguro yan dahil hiniwalayan niya si Eloisa, heiress pala oh!" napatingin ako kay Warren na nakangiti pa.

Nakamao ko ang kamay ko. "Mukha bang may choice ako?"

"Joke lang! Kalma, bro. Nagbibiro lang ako," nakataas niyang kamay na sinasabi.

Nawalan ako ng choice, nawalan ako ng pagpipilian between her and my mom's life. Sinabi sa akin ni Axel na may chance pa si Mama na mabuhay if dadalhin siya sa isang professional doctor sa ibang bansa, ayun daw ang ni recommend ng doctor ni Mama rito sa Pilipinas.

Napag-isip-isip kong humingi ng tulong kay Lolo pero, naalala kong once nalaman ito ni Dad, pipigilan niya ito. Kaya sa kaniya na lamang ako humingi ng pabor.

"Dad, mom's dying, we need to fly her to UK."

"Alam mo ang sagot ko, and it's a no. Bakit ko siya tutulungan kung sinira niya ang pamilya natin? Mag isip-isip ka Paolo," aniya habang nakatuon pa rin ang atensyon sa dyaryo. "Oo nga pala, na-ikwento sa akin ni Eadaoin, that girl? Your girlfriend? Eloisa... Ramos?"

Nanlaki ang mata ko at sinaraduhan ni dad ang newspaper na binabasa habang ngayon ay nakatitig na sa akin.

"Nabanggit niya ring, anak ito ni Enrico Ramos. Do you know who is that guy?" tanong niya sa akin.

Kinamao ko ang aking kamay.

"Kung ama niya iyon ibig sabihin anak siya nito, tama? Iyong lalaking isa pa sa sumira sa pamilya natin? Tapos ay papakasalan mo ang babaeng anak niya? Layuan mo na siya, bago ako pa ang maghiwalay sa inyo. At, si Eadaoin dapat ang babaeng papakasalan mo wala ng iba," pinipigilan ko ang sarili kong magalit. Ngunit galit na galit na talaga ako.

Galit na galit ako dahil hindi marunong magpatawad ang aking ama.

"Why would I follow you? Why would I, huh? May pag-iisip na ako, dad! Ikaw ata ang hindi nag-iisip sa ating dalawa," sabi ko gawa ng galit. Kung ang Diyos nga nagpapatawad, siya pa kaya?

Tumawa siya. Tawang may bahid ng galit. "Because I am giving you a deal, it's either you take it or not. I will help your mom but you need to leave that girl, if you choose your mom, good, but if you choose that Ramos, you'll lose everything, you'll also lose being the heir," itinaas-taaa niya ang kaniyang dalawang kilay habang may ngiti sa labi. He really is a devil disguised as my dad. Simula nang iwan siya ni Mom, naging ganito na siya, sinapian ng kasamaan, at walang pinagbibigyan.

I know once Eloisa knew my reason, maiintindihan niya, plano ko rin iyon noong araw na nag-Enchanted Kingdom kami, ngunit hindi sa ganoong paraan. My plan is to tell it to her in a good and nice way. But I was provoked, nagulo ang utak ko kay kung ano-ano ang napagsasabi ko. Hindi ko planong sabihin sa kaniya ang mga katagang mahal ko siya pero hindi ito sapat. That's not true, I love her from the bottom of my heart. I love her. So freaking much.

"This is your chance to make everything right, employee ka na sa kumpanya nila 'di ba?" si Dominic na kakapasok lang dito sa aming tambayan.

Ako'y tumango. "Oo first day ko bukas."

"Ayun naman pala, e! May chance ka nang magpaliwanag," si Lance sabay akbay sa akin.

"Sa tingin niyo mapapatawad niya pa ako?" tanong ko. Tiningnan ko sila isa-isa.

"Naman!" sabay na sabi ni Warren at Lance, si Dominic naman ay tumango

lang.

"I actually have a plan." sambit ko sa aking sarili.

***

Tambak ng papeles ang table ko. Napasandal na lang ako sa aking swivel chair. This is my payment, I know. I hurt her so I must accept the punishment. Ngunit isang linggo pa lang baon na ako sa mga gawain.

"You have to finish that files Mr. Scott," sambit ng boss ko.

Ihinilamos ko ang dalawang palad ko sa aking mukha.

"May problema ba?" tanong niya. Umiling agad ako.

"Wala, Mrs. Cruz," sambit ko sa kaniya.

After 2 years, may terror person na naman sa buhay ko. Kung kay Mrs. Auravel na papakitaan pa ako ng kabaitan dahil alam niyang isa akong Scott. Ngayon, malayong maging mabait sa akin ang boss ko. They're not aware. My surname is just Scott. They don't know what's behind it. That's for the best, actually, gusto kong mag-bagong buhay. Tutal, tinakwil na rin naman ako ni Dad- no, tutal, itinakwil ko na ang sarili ko biglang isang Scott.

Nagdesisyon akong pumunta sa rest room ng aming opisina, I took a cup of coffee. Sa pangalawa kong kape, hindi pa rin talaga ako magising sa katotohan, who would ever thought of, Eloisa is that Samantha? Hindi ako makapaniwalang napaka laki ng kaniyang ipinagbago, wala nang natirang kahit ano mula sa dati niyang pagkatao.

"Paolo, paki-dala na raw ng mga proposal sa meeting room," one of my collegue said, mataman ko muna siyang tiningnan. "Ano? Gagawin mo ba o bye-bye trabaho ka na?" Ito hirap sa pagiging normal na tao lang, akala nila nakakataas na sila sa iyo.

Staff ka rin lang namang gago ka. isip ko.

I sighed before nodding. "Ito na, gagawin ko na po," ang sabi ko habang naglalakad na papalabas.

Inggit siguro iyong si Francis dahil mas gwapo ako sa kaniya kaya naman yung mga gawain niya sa akin pinapasa ng gago! Okay lang, alam ko naman masakit ang may kakulangan, lalo pa't kagwapuhan kung saan nasobrahan ako.

Kinuha ko ang mga folders sa lamesa niya, kumulang nasa kinse itong may maninipis na kakapalan. I wonder what's the next project of S. HIDALGO Inc.

Ako'y nagtapos ng Business Administration sa isang University sa Bulacan, nang dalhin si Mom sa UK kasama si Axel ang naiwan kasama ko ay si Ace, kinailangan kong mag-working student para mapag-aral ang kapatid kong kindergarten. Mr. Ramos tried to help us, but I did not accept it. I can handle my life with Ace. We can live without anyone's shield. Wala akong other choice sa kumpanyang pupuntahan kundi ito lang. Dito agad ako nag-apply.

Kahit na may latin honor ako at dahil sa isang mababang eskwelahan lamang ako nag-aral hindi tulad sa Craeac na isang known academy rito sa Pilipinas, kaya rito ako bumagsak- pagiging staff lang na may sinusundang manager at co-staff na akala mo'y mas mataas pa sa'yo pero kalebel mo lang naman. May mas mataas pa, at pinakamataas.

Sa 3rd floor ang opisina ng aming team. Hanggang 20 floors ito, kahit na twenty ang floors dito nasa second floor ang opisina ng President or CEO. Noong nag-pa-interview ako, si Ericson pa ang acting CEO ngayong nandito na si Eloisa, pinalitan niya ito.

Tumunog ang elevator na hudyat na nasa 2nd floor na.

Kahit na nasa iisang building kami ngayon, it's hard to see her here. Sa isang linggo ko rito, isang beses ko lang ata siya nakita, ilang segundo lang at napakalayo pa.

Inayos ko ang mga folders upang kapag inilagay ko sa meeting room maayos na.

Kumatok muna ako at tiningnan kung may tao roon. Fortunately, wala. The whole room is wide. May pagkadark ang theme nito. There's a rectangular table na kulay dark brown may mga nakalagay na bottled water, naka-set up na rin ang projector at ang white board. Maraming mga swivel chair.

Nilagyan ko ng tag-iisang folder with proposal ang bawat pwestong may nakalagay na "stakeholders". Nilagyan ko rin ang pinaka dulo na nasa gitna na mayroong swivel chair kung saan nandoon ang name plate na nakaengrave ang pangalan ni Eloisa na "Smantha Hidalgo Ramos." at "Chief Executive Officer" sa ibaba. I felt unusual on reading her new name. I know her as Eloisa Ramos.

Si Eloisa ang pinaka nasa gitna ngunit ang nasa pinakadulo. Nakaharap siya sa magproproposal. There is also a mics pati ang pwesto ni Eloisa.

Gulat ako nang ibalita noon ang pagpapakilala sa hidden heiress ng S. Hidalgo Inc. bago pa man malaman nila Lance ay nabalita na ito.

I sighed. I miss her. I miss her laugh, I miss her precense, I miss the taste of her lips, I miss my babe. I miss her damn much.

Iginala ko muna ang aking mata bago lumabas sa kwarto. Nag-sara na ang pinto ng kwarto nang biglang may kumalabit sa akin. She looked at me from head to toe, sinilip niya rin ang Company I.D ko. Nanliit pa ang mata niya. Hindi ko man siya tinitigan mula ulo hanggang paa, mukha lamang niya ang aking madedepina. She's wearing a light-make up. May lipstick din naman at nakasalamin siya. Her hair is in bun. Probably in mid-30s.

"Where are you going? You should help Mr. Shiro Esteban for his proposal," Napakunot ako dahil akala ata niya ako ang nakatoka sa pagtulong ngayong araw, hindi ko alam kung anong ranggo niya sa kumpanya ngunit base sa kaniyang tindig. Mataas siya.

"Ako po?" ang tanong ko.

"Sa tingin mo sinong kinakausap ko, aber? Multo?" pamimilosopo ng babae. Tinaasan niya pa ako ng kilay saka siya nag-cross arm.

I said sorry using a gesture, ako'y nag-bow. Pumasok na lang ulit ako dahil mahirap na kung hindi ko siya susundin.

Minutes passed and the high-ups are starting to be visible one by one. Mga naka-pormal ito, kung hindi siguro ito meeting iisipin mong Prom. Bilang lamang ang mga babae, tulad ng suma ko sa folders, hindi baba sa fifteen ang mga tao rito. Mostly men.

Napatigil ang lahat sa mga ginagawa nang bumukas ang pinto. Umuugong ang tunog ng high heels sa meeting room dahil sa katahimikan. Ako'y nasa gilid with this woman that I do not know, nakatayo lang. Mukhang statwa. I am not part of this meeting ngunit bakit ako nandito?

That effing Francisco!

Nagtitimpi na lang ako sa kaniya dahil mas nauna siya pero sumusobra na. But this is a blessing in disguise. I could see her closer.

Hindi ako nagkamali, it's still her. Behind those dress with a white coat, high-heels and make up alam kong nandoon pa rin siya.

Walang emosyon ang mukha niya. May kasama siyang lalaking matikas ang tindig, may hawak itong pen at saka may ibinulong sa kaniya. Tiningnan muna ni Eloisa ang lalaki sa mata bago ngumiti at sumagot.

I wonder what that shít is all about. Oo, nagseselos ako.

Kung ano-anong mura ang lumabas sa bibig ko. Seeing them flirting with each other making me jealous! Iyong titigan nila. Fúck, nakakagalit!

Ano bang magagawa ko ngayon? I am just a mere staff. Mukhang hindi nga ako nag-eexist sa kwartong ito, hindi nag-eexist sa paningin ni Eloisa, mataman niya lang tinititigan ang Shiro na iyon na nag-disiscuss ng balak niyang gawing new project para sa kumpanya, pinipindot nito ang isang pen para malapit ang projector. Alam ko na ngayon ang pakiramdam ng mga lonely.

Bakit ba kailangan niya pa ng makakatulong? Nakatanga lang ako habang pinapakinggan ang nakakaantok na mga sinasabi niya.

Napapasinghap ako sa inis sa tuwing nakikita ang chit-Shiro-n na 'yon na may malagkit na pagtitig kay Eloisa.

Kung nakakamatay ang death glare, wala nang buhay iyong Shiro Esteban na 'yon!

Everytime he freaking ask, "What do you think, Sam- I mean, Miss CEO?" napapamura ako. Are they that close to drop the formalities? Anong meron sa kanila?

Put a... calm face, Paolo.

Pumalakpak ang lahat sa huling slide ng chit-Shiro-n na 'yon na may "thank you!" na hudyat na tapos na. Buti naman at natapos, kanina pa ako antok na antok sa walang kwenta niyang proposal.

Hindi sila bagay ni Eloisa. Bwisit!

Akala nami'y tapos na ang meeting kaya pinakuha sa akin ni Miss ang pen. Hawak-hawak ko nito nang nagsalita ang lalaking si Shiro.

"Thank you, thank you! But wait! There's more, everyone," ani niya. Aba, may pahabol pa? Baka makatulog na ako nito ng tuluyan. Yung mga nakatayo na ay umupo ulit sa kaniya-kaniya nilang upuan. Umupo muli si Eloisa sa kaniyang swivel chair. "I just want to ask our CEO one last time- my girlfriend rather," halatang napangisi siya.

Si Eloisa naman ay nanglalaki ang mata.

Fúck, girlfriend? Nahihibang na ba ang lalaking 'yon?

"Next slide please," tiningnan ako ng gagong si Shiro at napakunot. I have a bad feeling about this.

"Hey, next slide raw! Push that!" bulong sa akin ng katabi ko. Hindi ko mapindot dahil alam ko na ang sunod na mangyayari. Kinuha niya sa akin ang pen, she pushed it at sumunod na ang next slide.

Ang nakalagay roon ay,

THAT WAS SHIRO ESTEBAN'S PROPOSAL.

"Samantha, what is your say about my proposal? Is it a yes?" tanong niya.

Nakarinig ako ng mga sumagot ng "It's a yes, of course." kesyo maganda raw kasi ang idea.

Tángina.

"How about this proposal?" lumuhod siya at may binuksang box sa harapan nang nakatayong si Eloisa.

Sumunod na ang slide na may bold letters na,

WILL YOU MARRY ME?

"Will you marry me? Will you be a Mrs. Esteban?"

Tángina talaga.