The Start.
'The chinese like to wear their traditional dresses in the Classical Han Period style fashion- loose with long sleeves....'
"Kakapagod naman mag- aral, sarap magcutting ulit" rinig kong saad ng katabi ko ngayon. Napairap naman ako sa kanya.
"Tumahimik ka nga diyan!" inis na bulong ko at napatingin naman siya sa'kin.
"Nagugutom na ako Kaireen" tamad niyang sabi at kinurot ko naman siya sa tagiliran niya at napahiyaw naman siya ng mahina.
"Aray ko po!" hiyaw niya at napalingon naman lahat ng kaklase ko sa kanya at narinig din namin ang pagtahimik ng prof. at dahan- dahang lumingon sa kanya.
"Shouting is not allowed in my class, Mr. Arellano. If you want to shout, outside of the classroom!" galit na saad ng prof habang nakaturo sa pinto ng classroom namin.
"Sorry po Miss Ejadar....." paumanhin ng katabi ko, natawa naman ako ng tahimik habang siya ay nananaliksik ang matang nakatingin sa'kin.
"Ano? Gusto mo pang magpakurot?" mataray na tanong ko at nakita ko namang kinabahan siya kaya iniwas na niya ang tingin sa'kin.
Natapos ang klase ni Miss Ejadar ay nagtungo kaagad kami sa Cafeteria para mananghalian, natanaw ko kaagad ang nga kapatid ko na nasa iisang table. Pagkaupo ko ay napatingin sila sa nakasimangot na mukha ni Queco.
"Anyare sa mukha mo, bro?" natatawang tanong ni Khairo at napanguso na naman si Queco habang nakatingin sa'kin.
"Mukhang may ginawa ka sa kanya, Kaireen?" tanong ni Kuya Veron at tumango naman ako.
"Hmmm sino bang hindi maiinis na puro pagkain ang nasa bibig niya?" masungit na tanong ko habang nakaturo kay Queco na nakanguso pa rin ngayon.
"Hahahahaha just let him stay like that, Kaireen kaysa mapilitan yang magmature, di na tayo papansinin niyan" tatawang- tawang saad ni Ate Veronica na kambal ni Kuya Veron.
"Yeah right, nga pala nasaan si Kuya----"
"Finding me, little sis?" tanong ni Kuya Yaro na nakangiti.
"Saan ka bah galing, Yaro?" tanong ni Ate Yannise na nakataas ang kilay.
"Saan pa nga bah? Edi kay Rhea" sagot ni Khairo na nakatingin sa table nila Ate Rhea.
"Hoi Yaro! Ipapaalala ko lang sa'yo na hindi ka nandito para lumandi kundi mag- aral! Isusumbong talaga kita kay Mommy" banta ni Ate Yannise at wala namang reaksyon ang mukha ni Kuya Yaro.
"We are groupmates in our activity, Yannise. Don't overreact there, isusumbong rin kita kay Daddy na nagpapaligaw ka na rin dito" banta rin ni Kuya Yaro at umirap lang si Ate Yannise sa kanya.
"Mukhang mag- aaway na naman Ate at Kuya mo" bulong sa'kin ni Queco at kinurot ko na naman siya. Natahimik kaming lahat at ang bumasag lang nun ay si Khairo.
"Oorder na ako ng makakain, ano sa inyo?" tanong niya at sila ni Kuya Yaro ang nagsama sa counter para um- order.
"Ugh! Nakakainis talaga yang Kuya mo, Kaireen! I hate him! I really hate him! Sarap sapakin!" naiinis na saad ni Ate Yannise habang galit na nakatingin kay Kuya Yaro.
"Well problema niyo na yan, Sis. Kapatid mo siya eh kaya wag mo nang idamay diyan ang baby sister ninyo, right Kaireen?" baling sa akin ni Ate Veronica at tumango naman ako kaya natawa siya.
"Ah basta! pinagbantaan ko siya tapos pagbabantaan niya rin ako? How best Kuya is he?" sarkastikong ani ni Ate Yannise.
"Tumahimik ka nalang kasi diyan, Ate. Yun si Kuya eh, wala kang magagawa dun" sagot ni Khairo sa kanya at umirap si Ate sa kanya.
"Isa ka pa! Sinumbong ka sa'kin ng teacher mo sa Science na puro pampilosopo ang sinagot mo sa quiz ninyo! Tinanong ka lang naman kung what is the biggest part of the human body, tapos ang sinagot ay ang! Hay nako!" naiirita na talaga si Ate Yannise at alam na namin ang sagot sa tanong na iyon kaya natawa kaming lahat maliban kay Ate Yannise.
"Kainan na guys! Eto sayo Kaireen" saad ni Kuya Yaro na sumunod lang kay Khairo.
Kumain lang kami ng tahimik hanggang sa may nagkukumpulan na mga babae sa pinto ng cafeteria.
"Wew mukhang may transferee na naman" ani ni Queco habang ngumunguya. Napatingin kami sa may pinto ng cafeteria at laking gulat ko nung tumingin sa'kin ang lalaking hindi nakauniform.
"Teka! Parang pamilyar siya ah!" saad ni Khairo habang sumusubo ng pagkain.
"Wait parang nakita ko na rin siya" sagot naman ni Ate Yannise na nakatingin rin sa lalaki. Parang nakita ko na rin siya pero di ko lang maalala.
"Nevermind that guy, kumain na kayo diyan" saad ni Kuya Veron at tumango naman kaming lahat at nagpatuloy sa pagkain.
Pumunta sa counter ang lalaking hindi nakauniform at um- order ng makakain, may kasama siya at sa di inaasahang doon siya uupo sa table na malapit sa table namin. Pagkaupo niya ay tinignan na naman niya ako ulit. What's the problem of this guy?
"Huy! ubosin mo na ang pagkain mo, may gagawin pa tayo sa library" nabigla ako sa bulong ni Queco kaya kinurot ko siya.
"Bakit? Manghihingi ka na naman ng pagkain ko?" masungit na tanong ko ay ngumuso naman siya at tiningnan ang pagkain ko kaya nilayo ko at nagpatuloy sa pagkain.
Natapos kaming lahat ay nagpaalam kami ni Queco na pupunta sa library. Kumuha muna ako ng libro sa mga shelves na pwede naming gamitin.
"Bakit parang pamilyar sa kapatid mo ang lalaking tranferee na yun?" nagtatakang tanong ni Queco pagkaupo ko sa opposite na inuupuan niya.
"Parang nakita ko na nga rin siya eh, di ko lang maalala" sagot ko at sinimulan na ang pagbuklat ng libro.
"Baka kababata ninyo?" tanong niya at natigilan naman ako. Kababata ko nga bah yun?
"Baka nga pero kung kababata ko siya sana nakilala ko" sagot ko at nagsimula na kaming magsulat.
"Sa dami ng kaibigan mo nung bata, makikilala mo pa siya?" tanong niya habang tinitingnan ang mga sagot ko. Nangongopya na naman ang gunggong na 'toh!
"Ano bah! nangongopya ka na naman!" biglang sigaw ko at nagulat naman kami nung hinampas ng librarian ang lamesa niya.
"Observe Silence, Miss Celestar or else you will go out" maowtoridad na saad nung librarian at napahiya naman ako.
"Sorry Miss...." pagpapaumanhin ko pero inirapan niya lang ako. Ang sungit, Tsk.
"Atlast, nakapaghigante rin" natatawang sabi ni Queco at inirapan ko lang siya.
Sinimulan na namin ang pagsusulat at panay kopya naman si Queco at sinasabing 'iibahin ko lang ng kaunti'. Grrrr! Sarap sapakin ng lalaking 'toh! Mga 20 min. lang kaming nanatili sa library dahil bawal kaming malate sa klase namin lalo na't napakaterror ng prof namin sa susunod na klase. Naglalakad kami ni Queco ngayon sa hallway at panay bati naman ang mga kababaihan sa kanya. Shhhkkk! Feeling gwapo lang tung lalaking toh.
"Woi saan ang first class mo sa hapon?" narinig kong tanong sa lalaki sa lalaking hindi nakauniform.
"Sa Room 14- A, I dunno" tipid na sagot nung lalaki at nagulat ako nung tiningnan niya ako. Nasa gilid lang kasi sila ng hallway at nakasandal siya habang kami ni Queco ay papalampas pa lang sa kanila.
"Nandito na naman yung transferee na pamilyar sa inyong magkapatid" bulong sa'kin ni Queco at siniko ko naman siya.
"Tumahimik ka nga!" asik ko at hinimas niya naman ang dibdib niya na siniko ko.
"Ang bad mo talaga sa'kin" parang bata na ani niya at umirap lang ako sa kanya. Nagpatuloy lang kami sa paglalakad at di pinansin ang lalaking iyon.
"Excuse me..." natigil ulit kami sa paglalakad ni Queco nung may humablot sa uniform ko.
"Yes?..." nagtatakang tanong ko sa lalaki transferee at tiningnan niya ang maliit na papel na hawak niya.
"Someone told me na you're in Room 14- A and... I don't know where to find it" grabe! ang ganda ng baritonong boses niya! Tinitigan niya ako sa mata at umiwas naman ako ng tingin.
"Uhmmm----"
"Sure! Doon ang classroom namin, halika!" si Queco ang sumagot sa kanya at una nang maglakad at abay! Iniwan ako ng dalawa! Sumunod lang ako sa kanila at panay salita naman si Queco sa kanya habang siya ay tumatango at ngumingiti.
Nang makarating kami sa classroom namin ay biglang napatayo halos lahat ng babae at nagkumpulan na naman.
Agad akong umiwas para hindi mabunggo at ang nakaagaw sa atensyon ko ay ang bagong mukha ng isang magandang babae na papalapit kay transferee guy.
"Oh my gosh! Sabi ko na nga ba't magkaklase tayo!" ang lambing ng boses niya at sinakbit niya ang kamay niya sa braso nung guy at humalik sa pisngi. "I was finding you earlier, Zaniel at di kita nakita" dagdag niya.
'Zaniel.... ang pangalan niya!' tiningnan ko si Zaniel na nahuli ko ring nakatitig sa'kin.
'Imposible..... Imposibleng mangyari ito..... Hindi...'