webnovel

When Devil's Fall In Love

She can't see. She can't hear. She can't feel anything even her heart never beats. She's like a living corpse. Unless she wears her bead that makes her strong, see and hear everything even if its miles away. She thought she's not human anymore. Until she met him. The guy who taught her heart to beat and makes her feel human again. The guy who never failed her to smile everyday and taught her how to control herself from being demonic creature. But what will she do if he finds out her past and her true self? Will he be able to love her despite of all the chaos and dangers she might brought to him? Or Will he stay away from her like what others do when they find out who truly she is. All Rigths Reserved Itsmejollytheminion

Jollytheminion · Fantasi
Peringkat tidak cukup
77 Chs

Devil 13: Pool Party

Jack's Pov

Ibang klase talaga ang babaeng yun. Pero di bale na. Tinulungan nya ako kaya kwits na kami.

Tss.

Napangisi nalang ako nang marinig ang sinabing iyon ni Natsu.

That kid. He never failed me to be amused.

Tumayo na ako mula sa pagkakaupo saking computer saka muling pinasadahan ang kabuuan ng underground field sa malaking monitor.

Nagkakagulo ang mga tao roon. Lahat sila ay chinicheer si Natsu. Habang ang mga kalaban naman niya nagngingitngit sa inis.

Tinitigan ko ang nakalaban nya.

Draco ang pangalan nya. Isang leader ng gang na kalaban ni Natsu. He's under the protection of mafia syndicate who's business are illegal fire arms and trafficking. They kidnapped and raped girls before selling them to the foreigners.

He seemed pissed off with Natsu.

But I will never let him touch the man who make my heart beats.

Not my Natsu!

****

Shane's Pov

Napangiti nalang ako nang matapos ang race nila Zero at masaya ako na nanalo sya ngayon though I know na si Raygun naman talaga ang nagpanalo nun.

Nang maclear ang paligid ay umalis narin ako sa lugar at dumeretso ng bahay.

Naabutan ko pang nagluluto si Tanda.

"Oh Shane andito kana pala, tikman mo nga tong bagong recipe ko." Aniya at pinagsandok ako ng niluluto nya.

"Busog ako Tanda. Bakit ba nawiwili ka yatang magluto ngayon? Wala kang trabaho?"

"Ano ka ba, kakatapos ko lang sa Lab. Tikman mo na 'to." Aniyang iniumang pa sakin ang kutsara.

"Ayoko. Where's Jack?" Napabuntong hininga na lamang siya saka tinuro ang dark room na syang kwarto ni Jack.

Hindi ko nalang sya pinansin at nagtungo na ako kay Jack.

Inis na naman ako sa kanya dahil sa ayaw nya kaming payagan kanina ni Jack na lumabas.

Naiintindihan ko naman na delikado pero nakailang turok na ng wargon si Jack kanina kaya alam kong safe sya pero pinilit nya parin ang gusto nya kaya ayan. Nag away pa tuloy kami na sa huli ay ako parin ang nanalo.

Naabutan ko si Jack na naghuhubad ng suot nyang blouse.

Maliligo na siguro ulit sya.

"Hey..maliligo kana?" Tanong ko.

Bahgya nya lang akong nilingon saka tumango.

"Do you want me to help you?" Offer ko.

"No, I can take care of myself." Aniya at nagtungo na sa banyo nya na see through. Medyo blurred lang ang salamin nito pero kitang kita parin ang nasa loob.

Mas masigla sya ngayon at natutuwa ko para sa kanya.

Matapos nyang matulog ng dalawang araw sa loob ng tube glass ay mas naging maganda ang sistema nya. Hindi ko alam kung dahil ba iyon sa bead nya na sinuot nyang muli o dahil kay Zero na naging dahilan ng pagtibok ng puso nya. Literally.

She supposed to hunt the person she saw the other week sa school last Thursday pero dahil pagabi na noon ay pinigilan ko sya dahil bukod sa wala siyang wargon blood na dala ay malapit naring dumilim pero mabuti nalang at humingi ng tulong sa kanya si Zero kaya hindi sya natuloy dahil kung nagkataon na natuloy sya ay baka napahamak pa sya. Kaya malaki ang pasasalamat ko kay Zero sa bagay na iyon.

We convinced Jack to wear her bead again dahil nanghihina siya kapag hindi ito gamit. At kahit matuntun man kami ng mga shadow hunters ay panatag ang loob namin na matatalo sila ni Jack if wears her bead.

Aalis na sana ako nang mapansin ko ang larawan ng isang lalaki na nakadikit sa dingding at may guhit na X.

Anong atraso ng lalaking ito kay Jack?

Nang matitigan ko iyo ay natigilan ako. Iyon ang lalaking nakalaban ni Zero sa race.

Pero bakit sya minarkahan ni Jack?

Ginagawa lang kasi niya iyon kapag kailangan nyang i-eliminate ang isang tao. Pero ang minamarkahan nya lang ay ang mga taong nagkasala sa kanya kaya bakit napasama ang isang 'to? Dahil sa pagkakaalam ko it was Zero's enemy not hers.

Napatingin ako sa naliligong si Jack.

Hindi kaya...i-eliminate nya na rin lahat ng taong nakakaaway ni Zero?

*****

Zero's Pov

Kinabukasan ay naging maganda ang gising ko dahil bukod sa wala nang Dracong aaligid sakin ay maagang umalis si Madam upang pumunta sa New York.

At dahil dyan. Malaya na naman akong gawin ang lahat ng gusto ko.

Parang gusto kong magswimming ngayon.

Agad kong tinawagan sina Drew at Cody upang yayaing magswimming sa pool kasama ko.

At para mas masaya ay inimbitahan ko rin sina Heart at Ashley. Agad naman silang sumang-ayon.

Bumangon akong masigla ngunit natigilan ako nang makita ang earpiece na nasa ibabaw ng table ko. Bigla ko tuloy naalala sina Jack and Shane.

Kung imbitahan ko rin kaya sila dito? Papayag kaya sila? Ano na namang idadahilan ko?

Napaisip ako ng magandang idadahilan.

Eh kung sabihin ko nalang kaya na victory party yun dahil nanalo ako kagabi sa race.

Napangiti ako sa idea.

Oo tama, yun nga ang dahilan.

Mabilis kong kinuha ang cellphone ko ngunit natigilan din ako nang maalalang wala nga pala akong number nila.

Pero muli akong nabuhayan ng loob nang maalala ang helmet.

She said she can hear my thought's whenever I wear her helmet.

Mabilis akong nagpunta sa likod bahay at nagtungo sa treehouse dahil dun ko iniwan ang motor kagabi dahil patay ako kung makikita ito ni Madam.

Mabilis kong sinuot ang helmet at kinausap si Jack. Ngunit wala namang epek. Kaya naisip ko na baka dapat nakasuot din sakin ang earpiece kaya naman bumalik ako ng kwarto habang nakasuot ng helmet.

"Bunso, I'm going out- whoa. Why are you wearing an helmet?" Gulat na bulalas ni Erhis nang makasalubong ko sya.

"Bye Erhis."Sabi ko nalang as I push the button para itaas ang salamin sa mukha ko at marinig nya.

Hindi ko na siya hinintay na makasagot at nagderetso na ako sa kwarto at nilock iyon.

Dali dali kong hinubad ang helmet at sinuot ang earpiece bago binalik ang helmet.

" Jack? Hello? Can you hear me?" Tawag ko sa kanya ngunit tahimik lang ang paligid.

"Jack? Naririnig mo ba ako?" Still quiet.

Haays, akala ko pa naman maririnig nya ako. Bakit naman kasi ako nagtyatyagang kontakin yun?

Pero sinubukan ko parin syang tawagin.

Ngunit nagmukha lang akong timang sa ginawa ko.

Haayst! Bakit ba kasi ako naniwalang makakausap ko sya gamit ang helmet nya. Tsh! Stupid! At saka eh anu naman kung hindi ko sila maimbita? We're not even close. Tsh!

Akmang tatanggalin ko na sana ang helmet nang may marinig ako.

"You're so nosy Natsu. Five more minutes.." Napatulala ako sa narinig. Hindi dahil sa narinig ko sya kundi dahil sa boses nya na halatang antok na antok pa. At waring katabi ko lang sya sa kama nang sabihin nya iyon.

Shit! Bakit biglang uminit?

"Ahmm..J-Jack-" Shit! Why am I stammering?

I cleared my throat at nagkunwaring walang pakialam sa kanya.

"H-hoy Salamander. Magkakaroon ako ng swimming party sa bahay ko ngayon at kasama kayo roon ni Shane kaya pumunta kayong dalawa dito ngayon na!" Mabilis na sabi ko.

Narinig kong napabuntong hininga sya.

"At pag sinabi kong ngayon na. Ngayon na! And I don't take no for an answer. Kapag hindi kayo pumunta hindi ko isosoli si Raegan!" Mabilis ulet na sabi ko at tinanggal na ang helmet.

Natatawa pa ako sa sarili ko matapos kong mailapag ang helmet sa table.

Tsh! Pag hindi ka pumunta ka. Hindi ko talaga isosoli si Raegan. Kaya dapat pumunta ka.

Matapos niyon ay mabilis akong nagtungo sa kusina at nagpahanda ng mga pagkain.

Kung kami kami lang sana nina Drew, Cody at nina Heart okay na samin ang mga sandwich pero dahil kasama ang dalawang babeng yun ay naisip kong baka hindi nila gusto ng simpleng sandwich lang. Ang tatakaw pa naman ng mga yun.

Hindi ko alam kung anong pagkain ang gusto nila kaya inisip ko nalang ang huling kinain nila sa canteen noon.

Nasa pool na ako nang dumating sina Cody at Drew.

"Hey dude! Wow. Anong meron?" Bulalas ni Cody nang makita ang ayos ng pool.

Nagpalagay kasi ako ng mga bench with umbrella sa paligid ng pool and isang mahabang mesa upang doon ilagay ang mga pagkain mamaya. And addition to that, nagpalagay din ako ng double bass speaker so we can have a music.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko at ginawa ko ito. Ito ang unang pagkakataon na nag effort ako ng ganito.

"Well, d'you like it?" Nakangising tanong ko.

Nilibot ni Cody ang pool at nagtungo sa music area.

Cody loves music at marunong ding mag DJ.

Kinalikot na nya ang mga disc doon at nagsalang ng nakakaindak na tugtugin.

"It's nice." Ani Drew. Napangiti naman ako sa sinabi nya.

Lalo yata akong naexcite.

"Is this really just a pool party?" Tanong niya saka tiningnan ako na parang may gustong ipahiwatig.

"What? Of course..why? What do you expect?" Kunwari'y takang tanong ko.

"Tell me Zee, are you waiting for someone?" Nanghuhuling tanong niya.

I give him a 'what are you talking about' look.

"W-what? Well, of course.. I'm waiting for Heart and Ashley. They're coming too." I said stammering and look the other way.

Napakatalas naman ng pakiramdam ni Drew oh. Teka, bakit ba ako natataranta?

"Pero bakit parang nasobrahan naman yata ang effort mo ngayon? As far as I remember palagi naman nating ginagawa ito na kasama si Heart but you never take the effort like this. What's really the reason of this Zee? are you planning something?"

"Drew, can you please stop asking me? Mag enjoy ka nalang dyan." Iwas ko sa kanya.

Natawa naman sya sakin.

"Dude ang astig nito!" Sabay kaming napatingin kay Cody habang tuwang tuwa sa pag d-DJ nya. Nakasuot pa sya ng headphone at nagtitimpla ng tunog.

"Sige lang dude, para sayo talaga yan." Nakangiting sabi ko.

"Wow, hello boys!" Sabay sabay kaming napatingin sa nagsalita.

Magkasamang dumating sina Heart at Ashley na nakasummer attire pa. Ashley was wearing a short shorts and simple shirt while My Heart was wearing a simple spaghetti dress.

"Hey.." Nakangiting bati ko at sinalubong ng halik sa pisngi si Heart habang si Ashley naman ay nagtungo kay Cody at nakigulo sa music nito.

"What this all about Zeck?" Nakangiting tanong niya habang ginagala ang tingin sa paligid.

Napakamot ako sa batok.

"Well, wala naman. I just thought na mas maganda at mas masaya ang magiging swimming party natin."

"Bakit ka nga pala nagpa party? At teka, party ba talaga 'to? Bakit tayo lang ang tao?"

"Ah, ano kasi..wala lang, I just happen to like the pool today. Come on." Yaya ko sa kanya at lumapit kay Drew na nakaupo sa isa sa mga bench.

"Guys, ligo na tayo!" Sigaw ni Cody na noon ay naghubad na ng suot at sumisigaw na lumundag sa pool.

"I'm coming too!" Sigaw din ni Ashley na naka two piece na at nagdive sa pool. Napuno kami ng tawanan at lalo pa ng magkulitan sina Ashley at Cody sa pool.

"Eh kayo di pa ba kayo sasali sa kanila?" Tanong samin ni Heart.

"Okay, I'm going in." Ani Drew na hindi na nagpapilit pa. Naghubad narin sya ng suot at nakatrunks lang na nagdive sa pool.

"Hoy Zero! H'wag mo nang diskartehan si Angel dyan. Lumusong narin kayo dito!" Sgaw ni Cody na sinabuyan pa kami ng tubig. Napatili naman si Heart sa ginawa niya.

"Loko ka talaga wag mo nga kaming basain!" Natatawang sermon ko kay Cody ngunit natigilan ako nang biglang maghubad na ng dress si Heart at tanging two piece black bikini na lang ang natira.

She smiled at me na lalong nakadagdag ng ganda niya.

Para talaga syang Angel..

"C'mon Zeck, they're waiting for us." Yaya nya pa sakin kaya napabalik ako sa wesyo.

"Ah, ano..sige mauna ka na. Susunod nalang ako." Nahihiyang sabi ko at napakamot pa sa ulo. Pakiramdam ko ay uminit ang buo kong mukha.

"Okay." Aniya at nagdive narin sa pool.

Hindi ko pa napigilang sundan siya ng tingin habang lumalangoy sa ilalim.

"Hohoo! Someone's getting hot!" Lalo lang yata akong namula sa sinabing iyon ni Cody.

Napatalikod tuloy ako sa kanila at kunwaring inayos ang mga gamit sa mesa.

Teka, nasaan na kaya ang dalawa? Sinabi kong pumunta na sila ngayon ah!

Bigla kong naalala sina Jack.

Di kaya inindyan ako ng Salamander na yun? Gusto nya talagang hindi ko isoli si Raegan?

Nakaramdam ako ng inis sa isiping iyon.

"Hoy Zero! Ano na? Hindi ka pa ba sasali samin?" Muling sigaw ni Cody

"I think he's waiting for someone." Narinig wika ni Drew kay Cody.

"Talaga? May inimbita pa syang iba? Eh nandito na naman si Angel ah."

Tiningnan ko silang dalawa ng masama habang sinesenyasan na andyan lang si Heart at naririnig sila ngunit nginisian lang ako ni Drew habang nagtataka parin si Cody.

Napailing nalang ako sa kanila.

"C'mon dude, sumabay ka na dito. Let's have a game." Pangungulit ni Cody.

Muli akong napatingin sa labas dahil baka nandun na ang dalawa at nahihiya lang pumasok ngunit kahit anino nila ay wala akong nakita.

Haayst, bahala na nga sila.

Naghubad na ako ng damit at tanging trunks nalang ang tinira saka lumapit sa pool.

"Yun oh!" Kantyaw pa ni Cody na nakangisi sakin.

Magkasama sa isang sulok sina Ashley at Heart habang nasa gitna naman sina Drew at Cody.

Akmang lulusong na ako nang bigla silang matigilan at napatingin sa labas.

Takang sinundan ko rin ng tingin ang tinitingnan nila para lang magulat sa nakita.

It's Jack. Wearing a sexy tank top sando and a short shorts. Pero bakit parang sya ang pinakasexing babae na nakita ko.

Dug dug..dug dug..dug dug...

"Did I surprised you?" Aniyang nakabisibol na naman sa mga labi ang mapang asar nyang ngisi. Hindi ako nakakilos. Para akong napako sa kinatatayuan ko while staring her purple eyes na parang mas naging kaakit akit ngayon.

The next thing I knew ay nasa harap ko na sya.

"I thought you'll never fall inlove with a salamander." Nakangisi pang sabi nya. At ganun nalang ang gulat ko nang bigla niya akong itulak sa pool.

--