webnovel

Way Back Then | Prelude to MVS 2: Maybe This Time

Kenneth and Sam were best friends. Pero lingid sa kaalaman nilang dalawa, unti-unti na pala silang nagkakagusto sa isa't isa. Fate has other plans, though. Kenneth fell for Kristine, and Sam left, thinking na iyon na ang tadhanang nakaukit sa kanilang mga palad. Na hindi sila ang magkatadhana kailan pa man. But after 15 years, bumalik ng Pilipinas si Sam. Wala na si Kristine, at kahit na meron silang anak ni Kenneth ay hindi na ito makakahadlang pa sa kung ano man ang pwedeng mangyari sa pagitan nina Kenneth at Sam. Ito na nga ba ang magiging simula ng kanilang pag-iibigan na nag-ugat pa 15 years ago? Pero bago natin tunghayan ang kwento sa kasalukuyan, balikan muna natin ang kanilang naging kwento sa nakaraan. This is the primer to Moonville Series 2: Maybe This Time. Ito ang kwento kung paano nagkakilala sina Kenneth at Sam, kung paano sila naging magkaibigan, kung paanong nabago ang kanilang nararamdaman sa isa't sa, at kung paano sila nagkalayong dalawa. This is the story of how they were way back then.

joanfrias · perkotaan
Peringkat tidak cukup
28 Chs

Introduction

Hello everyone!

As you've read on the title, this is a prelude to next installment of the Moonville Series. Actually, kasama na ito dati doon sa MVS 2: Maybe This Time noong una ko iyong ipost dito sa Webnovel. Naisip ko lang na ilabas siya, meaning ihiwalay siya at medyo dagdagan upang maging tunay na novel siya.

Back then kasi, iyong mga naipakita dito ay iyong under sa POV ni Samantha, iyong female lead. Pero dahil ginawa ko siyang standalone novel, dinagdagan ko siya para na rin mas maintindihan ng readers ang kwento nina Samantha at Kenneth, at para malaman nila kung ano nga ba ang mga pinagdaanan nila noong una silang magkakilala, maging magkaibigan, at eventually ay ma-inlove sa isa't isa.

Unconsciously, dahil noong mga panahong iyon, hindi nila alam na ang nararamdaman pala nila para sa isa't isa ay ang pinakadakilang uri ng pag-ibig, iyong hindi nawawala sa pagdaan ng panahon, iyong nananatili lamang sa puso nila at nakatago, at naghihintay ng tamang pagkakataon para maging ganap na pagmamahalan na.

Sa totoo lang, hindi ako fan ng ganitong uri ng kwento. Haha! Pero ang totoo kasi niyan, this story was inspired by my favorite Bollywood movie, Kuch Kuch Hota Hai. Matandang pelikula na ito na napanood ko noong bagets pa ako. Na-inspire akong gawan siya ng novel version, Pinoy version, 2015 version. Hayun.

Pero kahit pa nga hindi ako fan ng first-love-never-dies love story, feeling ko naman nagawan ko siya ng justice kahit papaano. At iyon din ang dahilan kung bakit nabuo itong prequel na ito. Gusto kong i-justify kung bakit pagkalipas ng 15 taon, sina Kenneth at Samantha pa rin ang magkatadhana.

Ang tanong, nabigyan ko nga ba ng justice ang backstory nina Samantha at Kenneth? Why don't you read this prequel novel, my dear readers. Kayo na ang mag-judge, hindi ako, kundi nitong libro ko.