webnovel

Way Back Then | Prelude to MVS 2: Maybe This Time

Kenneth and Sam were best friends. Pero lingid sa kaalaman nilang dalawa, unti-unti na pala silang nagkakagusto sa isa't isa. Fate has other plans, though. Kenneth fell for Kristine, and Sam left, thinking na iyon na ang tadhanang nakaukit sa kanilang mga palad. Na hindi sila ang magkatadhana kailan pa man. But after 15 years, bumalik ng Pilipinas si Sam. Wala na si Kristine, at kahit na meron silang anak ni Kenneth ay hindi na ito makakahadlang pa sa kung ano man ang pwedeng mangyari sa pagitan nina Kenneth at Sam. Ito na nga ba ang magiging simula ng kanilang pag-iibigan na nag-ugat pa 15 years ago? Pero bago natin tunghayan ang kwento sa kasalukuyan, balikan muna natin ang kanilang naging kwento sa nakaraan. This is the primer to Moonville Series 2: Maybe This Time. Ito ang kwento kung paano nagkakilala sina Kenneth at Sam, kung paano sila naging magkaibigan, kung paanong nabago ang kanilang nararamdaman sa isa't sa, at kung paano sila nagkalayong dalawa. This is the story of how they were way back then.

joanfrias · perkotaan
Peringkat tidak cukup
28 Chs

Chapter 4

Days past and Sam remained a loner in class. Wala pa rin siyang nagiging ka-close sa kanyang mga kaklase. Kinakausap naman siya ng mga ito, pero hindi tulad ng iba ay wala talaga siyang sinasalihang grupo. Kahit nga sa pagkain sa canteen ay wala siyang kasama. Hindi niya maiwasang malungkot dahil doon.

She wished she had her friends. Noong nasa elementary pa lang siya ay kasa-kasama niya iyong kaklase at ka-village niyang si Stan Fontanilla. Pero dahil sa iba na ang schedule ng mga elementary students – mas nauuna silang mag-lunch break kaysa sa mga high school – ay hindi na niya ito nakikita sa cafeteria. Hindi na niya ito nakakasamang mag-lunch. Kaya mag-isa na lang talaga siya ngayon.

Mabuti nga kapag recess ay sa klase na sila kumakain. Light snacks lang naman iyon at thirty minutes lang ang free time nila. At least ay kasama niya ang mga kaklase sa classroom nila. Pero sa lunch break, one hour ang break time nila at hindi niya alam kung paano iyon gugugulin ng mag-isa. Nahihiya naman siyang mag-approach sa kanyang mga kaklase. She knows they still think she's weird. Kaya umaalis na lang siya sa canteen pagkatapos niyang kumain at nagpupunta na lamang sa kung saan-saan.

Nang tanghaling iyon ay napadpad siya sa basketball court nila. Ilang beses na nga rin niyang ginustong maglaro ng basketball tuwing lunch break, pero alam niyang hindi naman niya basta-basta magagawa iyon. Mahigpit ang head coach nila na in-charge din sa court at hindi nito pinapayagan ang kung sino-sino lang na maglaro doon. Sabagay, maganda naman iyon lalo na't maiiwasan ang pambubulakbol ng ilang mga estudyante na imbes na mag-aral ay naglalaro lang ng basketball.

First time niyang mapadpad doon ng ganoong oras, kaya first time din niyang makita si Kenneth Oliveros na doon nagla-lunch at tumatambay. Ngayon din lang niya napansin na hindi pala niya ito nakikita sa may cafeteria every lunch break. Siguro ay dito ito kumakain. Pero, mabuti at pinayagan siya noong head coach? Ang alam kasi niya ay ayaw din nito na may ibang ginagawa sa basketball court, maliban na lamang sa legit school activities.

Dito ba kumakain ng lunch si Kenneth araw-araw? Malamang… Siguro ay nahihiya itong kumain sa cafeteria. Alam ni Sam na may inferiority complex ang scholar nilang kaklase sa iba pa nilang mga kaklase. Feeling yata nito ay hindi siya belong sa grupo nila, when in fact ay isa ito sa pinaka-qualified sa section nila. Iilan lang kasi sa klase nila ang masasabi mong bagay sa Section 1. Ang iba ay naroon lang naman dahil sa impluwensiya, iyon bang dapat ay nasa first section ang mga ito dahil iyon ang dapat sa estado ng buhay nila. Pero iyong kakayahan nila ay hindi naman talaga pang-first section.

But Kenneth is different. The fact na nakapasok ito as a scholar sa CPRU ay patunay na na magaling talaga ito. And it shows naman sa performance nito sa mga klase nila. Lalo nga siyang nabibilib dito lalo na kapag nagre-recite ito sa klase. Kahit minsan ay hindi pa ito nagkamali.

Habang lihim na nakamasid si Sam ay dumating ang head coach ng basketball team nila. Lumapit ito kay Kenneth at saka kinausap ito.

"O Ken, don't forget our practice later, ha?"

"Opo Sir."

"Sige." Tinapik pa nito ang balikat ni Kenneth bago ito umalis.

So, ganoon pala. Naisip ni Sam, malamang iyon ang rason kung bakit pinapayagan si Kenneth na kumain at tumambay sa basketball court. Member na pala ito ng team. Nabalitaan nga niya na nagpa-try out ang basketball team at siguro ay sumali doon si Kenneth.

Lalo tuloy humanga si Sam sa kanilang kaklase. Bukod sa magaling ito sa klase, player pa ito ng basketball. Hindi naman siguro ito makukuha kung hindi ito mahusay maglaro. Mukhang all around genius ang kanilang scholar classmate.

*********************************************************************************************************

Hindi lang paglalaro ng basketball ang nakuha ni Kenneth sa pagsali niya sa basketball team ng kanilang school. Bukod sa pribilehiyo na kumain ng lunch at tumambay sa basketball court kailan man niya naisin, nagkaroon din siya ng mga kaibigan sa katuhan ng mga teammates niya.

Hindi naman sa sobrang close na siya sa mga ito. Pero andun na sila sa punto na kapag nagkikita sila sa campus kahit hindi practice, binabati siya ng mga ito o kahit papaano ay ina-acknowledge. Minsan pa nga ay pinapakilala siya sa kaibigan ng mga ito. Dahil doon, naramdaman ni Kenneth na parang belong na rin siya sa mundo ng mga tinitingalang indibidwal sa bayan ng Tarlac.

Doon niya napatunayan na hindi naman talaga lahat ng mayayaman ay matapobre. Meron din iyong mga mababait kagaya ng mga teammates niya. O, nasanay na lang ang mga itong maging mabait dahil na rin sa pagiging strict ng kanilang Coach? At kapag sinabi mong strict, talagang strict hanggang sa pinakahuling definition ng salitang strict si Coach Cesar.

"Oy! Sabi ko ayusin mo iyong transition! Paano iyan kapag naagawan kayo ng bola? O di turnover iyon?"

"Ano ba iyan, Teodoro! Hindi mo pa rin naayos iyang three-point shooting mo? Ilang beses na kitang pinagsabihan, ah! Hindi mo ba pinapractice iyan?"

"Kapag may sumablay pa sa free throw fifteen lapses ng takbo paikot sa buong campus. Understand?"

Nagiging halimaw pala si Coach Cesar kapag basketball na ang pinag-uusapan. Iyong bait niya noong una siyang makilala ni Kenneth, kapag nasa court at game mode na ito, iba na ang katauhan nito. Nakakatakot. Nakaka-intimidate. Pero nakaka-motivate din kahit papaano.

At least, kay Kenneth. Dahil yata sa pagiging strict ni Coach Cesar ay ginaganahan siyang lalong ayusin ang laro niya. Ikatlong linggo pa lang nila mula noong mag-try out siya, pero lahat sa kanyang mga team mates ay ina-acknowledge na ang galing niya sa paglalaro. Sobrang impressed ng mga ito sa kanya.

"Okay! That's all for now!"

Sobrang pagod ng lahat sa katatapos lang na practice. Puspusan talaga ang ginagawa nilang ensayo dahil na rin sa magsisimula na ang district meet ng inter-school basketball competition. Kaya talagang tinotodo na nila ang practice bago ang una nilang game next week.

"Iyong mga new members, andito na iyong mga uniforms ninyo!" dagdag pa ni Coach Cesar.

Dinistribute na ng kanilang team manager ang mga uniforms nila. At sobrang nagalak si Kenneth nang makuha na niya ang tatlong set ng uniform na libreng ibinibigay ng kanilang school sa kanilang manlalaro.

"Grabe! Part na talaga tayo ng team!" ang sabi ng isang kasabayan ni Kenneth na pumasok sa team. Sa lahat ng nag-try out para makasali sa bastketball team, lima lamang silang napasok. Ang chismis nga, pilit lang daw iyong apat at si Kenneth lang ang legit na gusto talaga ni Coach Cesar.

Pero kailangan nila ng pool of players for the future of the team, lalo na at halos third at fourth year na ang mga natirang mga players. Kaya kahit hindi ganoon kagaling ang mga nakuha, okay na rin. At least pwede na nila silang i-train habang maaga.

"That doesn't mean na hindi na kayo magpupursigeng mag-practice," ang sabi ni Christian, ang captain ng kanilang team. "This is just the beginning, at marami pa tayong need i-improve. Understood?"

"Yes, Captain!" sabay-sabay na sagot ng mga bagong members.

"But nevertheless, congratulations. Sa mga hindi makakasama sa mga upcoming games, tandaan ninyo na you are there to observe and to learn. Para kapag turn n'yo na maglaro sa court, alam n'yo na ang gagawin. Understood?"

"Yes, Captain!" sabay-sabay na wika ng lahat.

Ngumiti naman si Christian. Saka ito tumingin kay Kenneth. "Oliveros, pwede ba kitang makausap after mo makapagbihis?"

Wala namang maisip si Kenneth na dapat nilang pag-usapan ni Christian, pero nagpaunlak pa rin siya. Pagkatapos nilang makapagbihis, at noong umalis na iyong iba nilang mga ka-team, kinausap na siya ni Christian sa may basketball court din nila mismo.

"Ano bang pag-uusapan natin, Captain?" tanong niya dito.

"Ano bang size ng paa mo?"

Nagulat siya sa tanong na iyon. Ganoon pa man ay sinagot pa rin niya.

"Size ten po."

"Pareho pala tayo," ani Christian sabay bigay noong shoe bag na hawak nito. "O, sa'yo na ito."

Nagulat na napatingin na lamang si Kenneth sa shoe bag.

"Dali na," ani Christian na lalo pang inilapit ang hawak na shoe bag sa kanya.

"Pero Captain..."

"Pansin ko kasi, parang sira na iyang gamit mong sapatos. Ilang beses mo na bang ni-rugby ang swelas niyan?"

Napatingin si Kenneth sa suot na sapatos.

"Never mind. I wanted to ask you kung anong size mo, tapos kakausapin ko ang ibang mga teammates natin para mabilhan ka ng sapatos. Eh since pareho naman pala tayo ng size, sa'yo na lang iyang ginamit ko kanina. Don't worry, parang twice ko pa lang yata nagamit iyan."

"Captain..." Hindi alam ni Kenneth kung paano magre-react.

"Huwag kang mag-alala. Medyo marami naman akong sapatos. Kaya sa iyo na iyan. Tsaka bagay iyan sa uniform natin. At kumportable pa."

"Pero..."

"That doesn't come free, you know."

Natigilan si Kenneth sa narinig.

"Kenneth, I can see that you have potential. As the captain of the team, I have also been observing you together with Coach Cesar. Umpisa pa lang, try outs pa lang, nakitaan ka na namin ng galing na alam naming magiging asset ng team. Kaya sana, as I give you these shoes, promise me that you will do everything to help the team win.

"I've been in the team since first year. For two years, hindi pa nakakaabot ng regional level man lang ang CPRU. Ang sabi nila, kasi daw puro kaartehan lang ang meron kaming mayayaman. Pero kasi, the way I see it, hindi naman nga priority ng mga mayayaman ang sports. You know what's important to them? Studies. Being smart. Because that's what they need para sa business.

"Then you came into the picture. I'm not saying na iba ang priority mo dahil hindi ka mayaman. But when I watched you play for the first time, I can say that you are that person who loves the sport very much. You don't play just because of pleasure. Iyon kasi ang dahilan ng ilan sa mga members natin. They just need a hobby. Something to pass out time. Iyong iba dahil sa mga privileges ng pagiging player. Iyong iba, just to look cool.

"Pero kita mo? Seryoso silang naglalaro dahil kay Coach Cesar. Ewan, pero si Coach, mahigpit pero nakaka-motivate din eh. Pansin mo iyon?"

Napangiti si Kenneth bilang pagsang-ayon.

"Kaya nga din umayos iyong mga iyon, iyong teammates natin. Dati iyong iba diyan sobrang yabang din. Kita mo ngayon, ambabait."

"Nakakatuwa nga kasi ang bait ninyo sa akin."

"Bakit naman? Dahil scholar ka lang kaya dapat minamaliit ka namin? Kaya nga hindi ka namin minamaliit kasi scholar ka, eh."

Lumapad pa ang ngiti ni Kenneth.

"So please, Kenneth. I'm giving you these shoes with a request. Love this team and do everything you can for it. I'm not saying na i-give up mo ang studies mo just to play basketball. But when I graduate, I want you to be the next captain of the team. May dalawang taon ka pa from then."

Third year high school pa lang ngayon si Christian.

"Ano? Do we have a deal?" Inilahad nito ang kamay.

Na tinanggap naman ni Kenneth. "Deal!"

"Alright! Umuwi na tayo. Ang sakit ng balikat ko dahil sa practice kanina. Halimaw talaga iyong si Coach, ano?"

Ngiti lang ang isinagot doon ni Kenneth. Halimaw, pero mahal naman nilang lahat. Punong puno sila ng respeto para dito dahil alam nilang nirerespeto din naman nito ang kanilang mga kakayahan.

Habang nasa jeep ay sa shoe bag sa kanyang kandungan nakatingin si Kenneth. May mga mabubuting tao pa rin talaga sa mundo, ano? Ipinangako niya sa sarili na ibibigay niya ang lahat ng kanyang makakaya para matulungan ang kanilang basketball team.