webnovel

Way Back Then | Prelude to MVS 2: Maybe This Time

Kenneth and Sam were best friends. Pero lingid sa kaalaman nilang dalawa, unti-unti na pala silang nagkakagusto sa isa't isa. Fate has other plans, though. Kenneth fell for Kristine, and Sam left, thinking na iyon na ang tadhanang nakaukit sa kanilang mga palad. Na hindi sila ang magkatadhana kailan pa man. But after 15 years, bumalik ng Pilipinas si Sam. Wala na si Kristine, at kahit na meron silang anak ni Kenneth ay hindi na ito makakahadlang pa sa kung ano man ang pwedeng mangyari sa pagitan nina Kenneth at Sam. Ito na nga ba ang magiging simula ng kanilang pag-iibigan na nag-ugat pa 15 years ago? Pero bago natin tunghayan ang kwento sa kasalukuyan, balikan muna natin ang kanilang naging kwento sa nakaraan. This is the primer to Moonville Series 2: Maybe This Time. Ito ang kwento kung paano nagkakilala sina Kenneth at Sam, kung paano sila naging magkaibigan, kung paanong nabago ang kanilang nararamdaman sa isa't sa, at kung paano sila nagkalayong dalawa. This is the story of how they were way back then.

joanfrias · perkotaan
Peringkat tidak cukup
28 Chs

Chapter 23

Tuluyan din namang nagkaayos sina Kenneth at Kristine. Dahil na rin ito sa effort ni Sam, na nagmistulang peacemaker sa kanilang dalawa. Lagi na ay niyayaya niya si Kristine na sumama sa kanila. Parang inampon na niya ito sa friendship nilang tatlo.

Maliban pa doon ay nagkakasabay din kasi sina Kristine at Kenneth sa pag-uwi. Pareho ang sinasakyan nilang jeep pauwi. Hindi rin kasi mayaman si Kristine, at nakapasok lang sa CPRU dahil sa educational plan na hinulugan ng mga magulang niya noon.

At tuluyan na ngang naging parte ng barkada nila si Kristine. Hindi rin naman ito nagpahuli sa achievements sa school. Well, at least sa larangan ng kagandahan. Talaga naman kasing maganda si Kristine, nakaayos man o hindi. Kaya kaagad itong nakilala ng ibang mga schoolmates nila. Naging crush ng bayan ito ng mga kalalakihan, at naging model naman ng kagandahan para sa mga babaeng schoolmates nila.

Kaya ang nangyari, naging power group ang barkada nilang apat. Si Kenneth ang namamayani sa sports, maliban pa sa academics kung saan siya nag-e-excel din. Siya na ang naging captain at star player ng CPRU High School Department basketball team. Bukod pa doon ay siya rin ang Colonel ng kanilang Citizens Act Training, though hindi naman siya masyadong nakakaharap ng mga trainees dahil na nga sa hawak niya ang overall management ng CAT.

Si Sam naman ay school governance ang naging forte. Simula noong nanalo itong Secretary sa student council, nagtuloy-tuloy na ito. Siya ang Vice President noong third year sila, at ngayong fourth year sila ay siya na ang naging President. Marami siyang naipatupad na programs sa school, kabilang na ang Adopt a School Fundraiser. Isa itong fundraiser event kung saan ang nalikom na pera ay ibibili ng mga school supplies para sa mga public elementary school sa City of Tarlac.

At dahil sina Kenneth at Sam ang pinakamatalino sa kanilang batch, kabi-kabilaang mga quiz bee at inter-school competition ang kanilang sinasalihan sa larangan ng academics. Sila ang magka-partners in crime sa kanilang school pagdating sa academic excellence.

Si Ryan naman ang namayani sa training sa CAT. Dahil sa siya ang Training Officer, siya ang leader ng mga nagti-train ng mga COCC trainees pati na rin iyong mga batchmates nila na hindi officers, o mga private CAT officers na tinatawag. Hindi na siya bully, at isa na siya sa mga tinitingalang mga estudyante ngayon. Isa na rin siya sa mga hinahangaan ng ibang mga estudyante lalo na ng mga babae. Ultimate crush ng bayan na rin siya kagaya ni Kenneth.

At siyempre, si Kristine. Bago pa lang siya sa school pero sikat na rin siya. Muse ng buong CPRU high school department si Kristine, at siya rin ang nanalong Ms. CPRU high school department noong Foundation Day nila. Kahit iyong mga nakababatang mga estudyante, o kaya naman iyong mga college students na ay may crush sa kanya. Goddess ng CPRU nga ang tawag sa kanya ng lahat.

Naging masaya ang pagsasama ng apat sa CPRU. Mahihirap man minsan ang mga aralin, nagagawa naman itong lampasan ng lahat sa tulong na rin nina Kenneth at Sam. Si Kenneth ang tumutulong kay Kristine, at si Sam naman ang kay Ryan. Kaya naman kahit sa studies ay very good pa rin silang magkakaibigan.

Akala ng lahat ay magiging perfect all the way na ang friendship ng apat. Walang nag-akalang ang prom lamang pala ang sisira sa magandang pagkakaibigan nina Kenneth, Kristine, Ryan, at Sam. Or at least, ang prom pala ang magpapasimula ng paglayo ni Sam mula sa kanyang best friend na si Kenneth.

*********************************************************************************

Kagaya last year, inisip din ni Sam na mahihiya si Kenneth na tumanggi sa pagpunta sa prom. Pero hindi na pala kailangan kasi si Kenneth na mismo ang nagsabi na ayaw niyang mag-attend. Marahil ay dahil sa mga achievements niya sa school ay nakakuha na rin siya ng confidence na sabihin kung ano man ang nasa isip nito.

"Hindi rin siguro ako mag-a-attend ngayon," ang sabi ni Kenneth nang pag-usapan nilang magkakaibigan ang paparating na prom.

Nagulat si Sam nang sabihin ni Kenneth ang totoo – na wala talaga itong pambili o pang-rent ng isusuot. Ikinatuwa rin naman niya ang honesty nito, at ang confidence na rin na ipinakita sa pag-aming iyon.

"Sus! Eh sana sinabi mo sa akin," ang sabi naman ni Ryan. "Eh di sana nagawan natin ng paraan."

"Siyempre nahihiya din ako. Nakakahiyang manghiram. Tsaka hindi naman ako bagay sa ganoong mga pagtitipon," ani Kenneth.

"Eh ikaw naman Sam?" tanong ni Kristine.

Siyempre, hindi rin naman pwedeng sabihin ni Sam ang totoo. Baka kasi mapahiya si Kenneth kapag sinabi niyang dahil sa kanya ang hindi niya pagpunta sa prom. "Ayoko lang. Hindi rin naman kasi ako mahilig sa mga ganoon. Ayoko ring magsuot ng gown kaya hindi ako nagpunta."

Nagpumilit pa sina Ryan at Kristine na kumbinsihin ang dalawang magkaibigan na pumunta sa prom. Si Ryan na ang bahala sa susuotin ni Kenneth, at bibigyan daw niya ng discount si Sam sa Casa Rafaela kapag nagpagawa ito ng gown doon, na parang kailangan nga nito ng discount.

Pero alam ni Sam na ayaw ng ganoon ni Kenneth. "Huwag na. Hindi na lang ulit ako pupunta," tanggi pa rin nito.

Pero katulad kanina ay hindi na pala talaga niya kailangang ipagtanggol si Kenneth. Ito na rin kasi mismo ang nagpaliwanag para sa sarili nito.

"Para huwag ka na ring mamroblema," ang sabi ni Kenneth kay Ryan. "Hindi na lang ako pupunta para wala ka nang iisipin pang kaibigan na kailangan mong tulungan at bihisan. Isa pa, para may kasama si Sam na hindi pumunta sa prom. At least may kasama siyang hindi makaka-relate sa mga kwentuhan n'yo tungkol sa prom."

Akala ni Sam ay katulad lang din ito last year, na doon na matatapos ang issue na iyon at papayag na si Ryan na hindi sila mag-attend ni Kenneth. Well, pumayag nga si Ryan. Pero hindi si Kristine. Katunayan, sinisi pa nito si Sam sa hindi rin pagsama ni Kenneth sa prom.

Kinumpronta siya nito nang silang dalawa na lang ang magkasama. Doon nito inilabas ang tampo dahil inisip nito na siya ang dahilan kung bakit ayaw ni Kenneth na magpunta sa prom.

"Okay na sana. Pupunta na siya sa prom pero nalaman niya na magpapakalungkot ka sa kuwarto mo at hindi ka pupunta kaya naisip niyang huwag na ring pumunta. Hindi ka ba naaawa kay Kenneth? Minsan-minsan lang siya magkaroon ng pagkakataon na magpunta sa mga ganoong prom, tapos hindi pa niya mararanasan iyon."

"Hindi naman ganoon ang ibig kong mangyari–"

"Pero ganoon ang nangyari dahil kahit ano pang gawin mo, hindi pa rin maiiwasan ni Kenneth na isaalang-alang lagi ang feelings mo. Gusto niya hindi mo nafi-feel na hindi ka belong. Kaya kahit kayong dalawa lang ang parehas ay nakikiayon pa rin siya sa'yo dahil ayaw ka niyang mag-isa sa kahit na anong bagay."

Hindi malaman ni Sam kung paano ipapaliwanag ang lahat kay Kristine. Ayaw niyang sabihin ang totoo kasi baka mapahiya si Kenneth. Kaya sa huli ay hinayaan na lamang niyang isipin nito na siya ang dahilan kung bakit ganoon ang desisyon ni Kenneth.

Then, it suddenly hits her. Hindi na lang pala siya ang kaibigan ni Kenneth. Andiyan na si Ryan, at andiyan na rin si Kristine. Siguro may mga pagkakataon na hindi talaga siya ang makakatulong sa best friend niya. This time, hahayaan naman niya ang iba na tulungan ito.

Kaya naman sinabi niya sa iba na pupunta na rin siya sa prom. At pinilit na rin niya si Kenneth na pumunta at tanggapin ang inaalok na tulong ni Ryan. Ramdam ni Sam na sumaya kahit papaano si Kenneth na makakasama siya sa prom, at ramdam niya rin na hindi na ito gaanong nahihiya sa tulong na inaalok ni Ryan sa kanya.

Napaisip tuloy siya. Baka naman kasi sumobra na siya sa pagsi-shelter kay Kenneth? Baka naman iniisip niya na pinoprotektahan lang niya ito, pero in effect ay nasasakal na pala niya ito? Bigla siyang nalungkot dahil doon. Siguro kasi, dati silang dalawa lang ni Kenneth ang magkaibigan, kaya medyo naninibago siya ngayon na may iba na silang kasama.

Kalaunan ay humingi rin ng tawad sa kanya si Kristine. "Sorry kung napagsalitaan kita ng masama. Naaawa lang kasi ako kay Kenneth."

Naalala niya ang sinabi nito tungkol sa pagmamanipula niya sa desisyon ni Kenneth. Naisip niyang gatungan na lamang iyon para hindi talaga ma-reveal ang totoong dahilan sa hindi niya pagpunta sa prom.

"Wala iyon. Totoo naman, eh. Parang masyado ko na ngang naiimpluwensiyahan si Kenneth. Ayoko rin ng ganoon... Pero kalimutan mo na iyon. Huwag mo nang isipin at kunwari walang nangyari."

Siguro, kailangan nang matutunan ni Sam na ipaubaya naman sa iba si Kenneth. Hindi lang naman siya ang maaaring tumulong kay Kenneth. For sure naman ay hindi ito pababayaan nina Ryan at Kristine. Kaya naman magmula noon, napagdesisyonan ni Sam na bawasan ng kaunti ang closeness nila ni Kenneth upang magkaroon ito ng pagkakataong mas mapalapit pa kina Ryan at Kristine.