webnovel

Way Back Then | Prelude to MVS 2: Maybe This Time

Kenneth and Sam were best friends. Pero lingid sa kaalaman nilang dalawa, unti-unti na pala silang nagkakagusto sa isa't isa. Fate has other plans, though. Kenneth fell for Kristine, and Sam left, thinking na iyon na ang tadhanang nakaukit sa kanilang mga palad. Na hindi sila ang magkatadhana kailan pa man. But after 15 years, bumalik ng Pilipinas si Sam. Wala na si Kristine, at kahit na meron silang anak ni Kenneth ay hindi na ito makakahadlang pa sa kung ano man ang pwedeng mangyari sa pagitan nina Kenneth at Sam. Ito na nga ba ang magiging simula ng kanilang pag-iibigan na nag-ugat pa 15 years ago? Pero bago natin tunghayan ang kwento sa kasalukuyan, balikan muna natin ang kanilang naging kwento sa nakaraan. This is the primer to Moonville Series 2: Maybe This Time. Ito ang kwento kung paano nagkakilala sina Kenneth at Sam, kung paano sila naging magkaibigan, kung paanong nabago ang kanilang nararamdaman sa isa't sa, at kung paano sila nagkalayong dalawa. This is the story of how they were way back then.

joanfrias · perkotaan
Peringkat tidak cukup
28 Chs

Chapter 17

Normal lang naman na teenager si Kenneth, at dala na rin ng mga pagbabago sa kanyang pagkatao physically and emotionally dulot ng tinatawag na puberty stage, ay may mga bagay na nangyayari sa kanya na hindi man niya ginusto, pero nangyayari pa rin. Isa na nga doon ang pagkakaroon ng espesyal na damdamin sa kanyang kaklase at kaibigan ding si Sam.

Unti-unti na rin siyang nasanay sa bagay na iyon, iyong lihim na paghanga sa kanyang best friend. Pero hindi naman niya pinigilan ang sarili na mas maging maalaga dito, mas maging maalalahanin at mas maging mabait. Doon na lamang niya pinaramdam ang lihim niyang nararamdaman para sa best friend.

Hindi rin naman iyon napapansin ng mga kaklase nila, o ng ibang mga nakapaligid sa kanila. Siguro kasi pareho lang sila ni Sam na maalaga at maalalahanin sa isa't isa. Best friends nga. Iyon ang tingin ng lahat sa kanila. At okay lang naman iyon kay Kenneth. Okay nga iyon kasi, at least patuloy niyang nakakasama ang babaeng gusto ng walang komplikasyon ng kung anumang namamagitan sa kanilang dalawa.

Dumaan pa ang mga araw, at lalong naging mas mabuti ang kalagayan ni Kenneth sa CPRU. Lalo pa siyang sumikat hindi lang bilang star player ng basketball, kundi bilang isang matalinong estudyante. Lagi na ay isinasali siya sa mga academic quiz bee, at siyempre, kasama ang kanyang best friend at partner in crime na si Sam. Kapag magkasama silang dalawa ay hindi sila mabubuwag ng kahit na sino pang mga kalaban mula sa ibang school ay nasasabayan nila.

Katunayan ay umabot pa sila minsan sa national level ng Science Quiz Bee. Medyo kinapos nga lang sila noon, kasi siguro mas advanced talaga iyong mga nasa ibang school lalo na sa Manila. Pero nakapakalaking karangalan na iyon para sa CPRU. At dahil doon ay lalong sumikat ang dalawa bilang power duo ng CPRU High School Department.

Kung si Kenneth ay sports ang pinagkakaabalahan maliban sa academics, si Sam naman ay school governance. Nitong second year sila ay nagsimula siyang sumali sa kampanya para sa susunod na mga lider ng CPRU High School Department student council. Landslide ang panalo niya bilang Secretary ng taong iyon.

Mabilis na dumaan ang mga araw. Third year na sina Sam at Kenneth, at kapag third year ka na, pwede ka nang sumali sa Cadet Officer Candidate Course o COCC. Ito ay isang military discipline and skills training na sinasalihan ng mga estudyante sa ikatlong taon nila sa high school. Kapag nakapasa ka sa training na ito, magiging officer ka sa susunod na taon at magkakamit ng ranggo mula Colonel hanggang Second Lieutenant.

May kahirapan ang training na pinagdaraanan ng mga sumasali sa COCC. Parang sa military ang training na pinagdaraanan – pinapatakbo sa initan, pinapagapang sa putikan, pinapa-memorize ng mga platoon and battalion formations and exercises. Bukod pa doon ay ang kung anu-anong inuutos ng mga officers sa mga trainees. Kabilang na dito ang pagpapagawa ng assignments, pagpapasulat ng lectures o pagpapa-research ng mga aralin, at iba pa. Bawal nga lang magpalabas ng pera mula sa mga cadets kaya bawal magpabili ng kung anu-ano ng mga officers sa kanilang mga trainees.

Kung tutuusin ay hindi iyon papatusin ng isang anak mayaman katulad ng mga estudyante sa CPRU, dahil pahirap nga iyon sa buhay nila. Pero rewarding naman kasi ang result kapag natapos mo ang training. May mga grade incentives for being a COCC officer, at isa pa ay maaari mong iparanas sa mga trainees ang anumang ipinaranas sa iyo noong ikaw naman ang trainee.

Kaya naman kahit maaarte ang mga anak mayaman ay tinitiis nila ang pisikal na training ng COCC. Nagiging maganda rin ang resulta nito dahil ang mga kaartehan ng mga estudyante ay unti-unting nawawala dahil sa magagandang values na itinuturo ng training. Kabilang na dito ang camaraderie, obedience, perseverance, and leadership.

Sumali nga sa nasabing training sina Kenneth at Sam. Naging maayos naman ang kanilang buhay trainee, dahil na rin siguro sa galing na rin nilang mag-perform sa mga trainings at tasks. Naging instant favorites sila ng mga officers, lalo na at dati na'y sikat sila dahil sa galing nila sa academics at extra-curricular activities.

Sina Sam at Kenneth iyong mga sikat na hinahangaan ng mga estudyante. Meron din namang mga katulad nilang sikat, pero in a negative way. Example noon ay si Ryan Arcilla. Oo, sumali din sa training si Ryan Arcilla at dahil iyon sa isang napakaimportanteng kadahilanan. Kapag kasi hindi ka naging officer, magiging CAT private ka lang kapag fourth year ka na. Kapag nagkaroon kayo ng CAT o Citizens Army Training, ang mga leaders ninyo ay iyong mga officers na nahirang dahil sa COCC training. Ibig sabihin, iyong mga kaklase o ka-batch mo ang magtuturo, magiging mentor at teacher ninyo sa CAT.

Para kay Ryan, mas maganda na iyong maging trainee siya ng mga seniors niya kaysa naman iyong mga ka-batch lang niya. Parang mas nakaka-demoralize iyon. Isa pa, halos lahat ng mga third year ay sumasali doon kahit hindi naman mandatory. Iyon nga lang, 60 lang ang napipiling maging officers dahil ang iba ay nagku-quit dahil sa hirap ng training, o di naman kaya ay hindi makakapasa sa training at maaalis na sa program.

At dahil nga hated ng mga officers si Ryan, kung anu-ano ang iniuutos sa kanya. Usually, iyong mga mahihirap na task ang pinapagawa sa kanya. Bukod kasi sa military training at personal favors ng mga officers, ang mga COCC trainees din ang overall in charge ng peace and order pati na rin ng cleanliness ng buong high school campus. Kaya kasama sa training ang paglilinis ng buong campus bago at pagkatapos ng klase sa araw-araw.

"All Airborne cadets, fall in!"

Pumunta na sa formation sina Kenneth at ang mga kapwa niya trainees. Hapon na noon at katatapos lamang nilang maglinis ng kapaligiran. Kapag pinapa-formation na sila ng ganoon, ibig sabihin ay tapos na ang kanilang mga gawain para sa araw na iyon.

"Arcilla, fall out!" sigaw ulit ng kanilang Squad Leader.

Humiwalay sa grupo si Ryan Arcilla, at saka siya humarap sa kanilang squad leader.

"I was told na hindi mo pa tapos linisin ang mga banyo."

"Sir, yes Sir!" sagot naman ni Ryan.

"Bakit hindi ka pa tapos?" tanong ulit ng Squad Leader.

"Sir, ako lang po kasi ang naglinis sa mga comfort rooms, Sir!"

Apat lahat ang comfort rooms sa high school campus. Dalawa na male at dalawang female CRs. Lahat ay may tig-limang cubicle, at lahat ng iyon ay kay Ryan ipinalinis.

"Alam mo naman siguro kung bakit sa iyo namin iyon pinalinis, 'di ba?"

"Sir, yes Sir!" sagot naman ni Ryan.

"Can you tell your co-trainees why you were given that task?"

"Sir, hindi ko po kasi nagawa ang project ni Sir Alvin, Sir!"

"Uy!" ang sabi naman nung Alvin, isa rin sa mga COCC officers. "Bakit ako lang? Ang dami rin kayang nagpagawa sa iyo."

Naaawang napatingin si Kenneth kay Ryan na nakatalikod sa kanila. Alam naman niyang pinag-iinitan talaga siya ng mga officers kaya lagi itong inuutusan, tapos puro mga intense tasks pa ang pinapagawa sa kanya. Kahit naman bully ito ay hindi nito deserve na pahirapan siya ng ganoon.

Itinama naman ng Squad Leader ang statement ni Ryan. "Dapat, ang sabihin mo, hindi mo nagawa ang mga task na ibinigay sa iyo. Walang special mention na officer. Understand?"

"Sir, yes Sir!" sagot naman ni Ryan.

Sa totoo lang, mabait pa nga ang Squad Leader nila. Wala lang nga kasi itong magawa dahil united ang lahat ng mga officers. Isa pa ay mas mataas ang rank ng Alvin na iyon kumpara sa kanya.

"I'm afraid you have to finish cleaning the comfort rooms, Ryan. Bukas ay maaga ang training natin at whole day pa. Hindi na ninyo maaasikaso iyan."

Friday noon at tuwing Sabado ay whole day ang training ng COCC. Puro mga intense military activities ang ginagawa nila kapag ganoon. Andun na iyong patakbuhin sila ng paulit-ulit sa buong CPRU, o kaya pagapangin sa putikan, at kung ano-ano pang maisipang ipagawa ng mga ito. Tinuturuan din sila ng mga military commands and exercises tuwing Sabado. Kaya wala na silang panahon para maglinis ng kanilang campus.

"Sir, yes Sir!" ang sabi na lamang ni Ryan.

Muling hinarap ng Squad Leader ang Airborne platoon. "Luman-sag!"

Pagkatapos sumaludo ay naghiwa-hiwalay na ang mga trainees. Tapos na ang kanilang training at mga gawain para sa araw na iyon at maaari na silang umuwi, maliban na lamang kay Ryan Arcilla na kailangan pang tapusin ang paglilinis ng mga comfort rooms. Kaya imbes na sa gate ay sa mga comfort rooms siya dumiretso.

Nasundan na lamang ng tingin ni Kenneth ang kaklase. Sa totoo lang, buhat nang maging COCC trainee si Ryan ay unti-unti nang nawala ang pagiging bully nito. Nagawa rin naman nitong i-acknowledge and authority ng mga officer at obediently ay sinusunod nito ang mg utos ng mga ito. Iyon nga lang, hindi na nga kasi maganda talaga ang record nito sa lahat ng taga-CPRU.

Nilapitan ni Sam si Kenneth na si Ryan pa rin ang iniisip.

"Hindi ka pa uuwi?" tanong ni Sam sa kanya.

Napatingin si Kenneth sa kaibigan. Katulad niya ay may suot itong placard na nakasabit sa may leeg nito. "Uuwi na rin."

Magkasabay silang naglakad papunta sa may parking lot.

"Hatid na kaya kita sa inyo? Ang aga pa natin bukas, eh," ang sabi ni Sam.

"Huwag na," tanggi naman ni Kenneth. "Para dire-diretso ka na rin makauwi. Gabihin ka pa sa daan."

"Okay lang naman," ang sabi ni Sam.

"Huwag na." Hinarap ni Kenneth ang kaibigan. "Sige na. Babay na."

"Bye!"

Naglakad na palabas ng gate si Kenneth. Si Sam naman ay sumakay na sa kanilang kotse na kanina pa naghihintay sa kanya. At ilang sandali pa ay lumabas na rin ito ng CPRU at dumiretso na sa Moon Village kung saan siya nakatira.