webnovel

Until We Meet Again Book I: 1903

Ang kwento ng pagibig at trahedya mula 1903 hanggang 2018. Si Esperanza ay isang mabuti, mahinhin at maalagang babae mula sa taong 1903 at si Elyca isang masungit, spoiled at mayamang babae mula sa taong 2018, ating alamin kung ano ang koneksyon ng dalawa sa isa't isa at ano ang mangyayari sa pagibig na meron sakanila.

Hephaestus4 · Sejarah
Peringkat tidak cukup
32 Chs

KABANATA XIII

Patuloy na bumabagabag sa isip ko ang pag amin saakin ni Ethan, di ko alam kung pati ako nahuhulog na sakanya, nahihirapan ako at nalilito sa nararamdaman ko, hindi ako mapakali narito ako ngayon sa aking kama at nakahiga nakatingin sa itaas ng kisame at nag iisip ng malalim, hindi ko talaga maintindihan. Mahal ko na nga ba talaga si Ethan? Hay ewan, kung narito lang sana si Leonor ay may makakausap ako ngayon. Bakit ko ba nararamdaman ulit itong pag ibig na ito, hindi maaari ito, mahal ko si Carlos at ayokong kalimutan siya ng ganun ganoon na lamang. Maya maya ay kumatok si Rosalinda sa cuarto ko

"Porque Rosalinda?" tugon ko sa katok niya

"Pinapatawag po kayo ng inyong ina sa baba" pinagbuksan ko siya ng pintuan at nginitian, baba na sana kami ng hagdan ng kinausap ko siya

"Ro-rosalinda, teka sandali" napalingon naman siya saakin at tinignan ako ng nagtataka

"Uhm, Paano mo masasabing nahuhulog o umiibig ka na sa isang tao?" halatang nagtaka si Rosalinda dahil tinanong ko siya ng katanungang hindi niya alam kung saan ko hinugot

"Paano niyo po ba nalaman na mahal niyo na po si Señor Carlos?"

"Uhm, ano, hindi ko makontrol ang tibok ng puso ko, natutuwa ako pag nariyan siya pati lahat ng problema, lungkot at galit saaking puso ay nawawala pag tuwing kasama ko siya, parang nasa langit ako pag nariyan siya. Mahirap sabihin pero hinding hindi ko makakalimutan ang naramdaman kong iyon para sakanya"

"Kung gayon po Señora, alam niyo na po pala ang kasagutan, maaari na po ba tayong bumaba, hinihintay na po kayo ng inyong mga bisita?" nakangiting tugon saakin ni Rosalinda, hindi ko siya nginitian, napaisip ako ng pandalian, hinawakan ko ang braso ni Rosalinda at pinatigil ko siya dahil ibinaba na niya ang isa niyang paa sa baitang ng hagdanan

"Pe-pero paano kung natatakot ka para sa nararamdaman mo, paano kung may pangamba kang nararamdaman para sa taong iyon?"

"Señora, kung talaga pong totoo ang nararamdaman mo para sakanya, iwaksi niyo po ang takot sa iyong puso. Wala naman pong masamang maging matapang, alam ko po mahirap pero subukan niyo pong maging matapang, subukan niyo pong pagbigyan muna ang nararamdaman niyo po. Alam ko pong hindi niyo pa rin po nakakalimutan si Señor Carlos at alam ko pong nananatili po siya saiyong puso hanggang ngayon pero po Señora hindi po porque na nagmahal po kayo ng bago o susubukan niyo po ulit magmahal ng bago ay ibig sabihin na kinalimutan niyo nap o si Señor Carlos, alam ko pong totoong mahal niyo siya at totoong mahal ka po niya pero kung nakakapagsalita lamang po si Señor Carlos sa ngayon alam ko pong kasiyahan po ninyo ang hangad niya at hangad niya po na mayroong taong magaalaga at magmamahal saiyo"

"Ah ganoon ba, sige Rosalinda maraming maraming salamat saiyo at naliwanagan ako" Nginitian ko siya at niyakap, niyakap niya rin ako pabalik, tinawag naman kami ng isa pang ayudante para pababain sa salas

"Tayo na po Señora at baka hindi na natin maabutan ang bisita niyo" inilalayan ako pababa ni Rosalinda, nagulat ako dahil may bisita kami, hindi ko maintindihan kung bakit lagi kaming may bisita, bumaba kami ng hagdan, ikinagulat ko nang makita ko ang bisita sa may salas ay sila

Dolores at Doña Victoria

Ano kaya ang pakay nilang dalawa dito? Nakakapagod makipagtalo lalo na sa kalagayan kong ito, gusto kong malaman kung ano ang pakay nila, sana ay malinis iyon upang maging matiwasay ang pagbisita nila dito sa casa

"Nariyan ka na pala aking anak, dahan dahan sa pagbaba, narito sila Doña Victoria upang makipagayos at kumustahin ka" nakangiting sabi saakin ni Ina, hindi ko maintindihan kung anong masamang hangin ang umihip sakanila at bigla silang bumuti at gustong makipagayos

"Tama ang iyong ina Esperanza, bagkus ay mayroon kaming regalo para sainyong dalawa, tanggapin mo nawa ito" nakangiting sabi ni Doña Victoria, binigyan ako ng alahas at panuelo nila Doña Victoria at Dolores, ngintian ko na lamang silang dalawa at tumingin kay ina na nakatingin sakanilang dalawa at nakangiti

"Ito naman po Doña Teodora ang para sainyo, tsokolate, at halaman para po saiyong cuarto, pupuede niyo na po itong gawin tsaa, mainam po ito para sainyo Doña Teodora" nakangiting sabi ni Dolores kay Ina, tinanggap naman iyon ni Ina at nagpasalamat ng lubos

"Kay gandang halamang bulaklak naman nito Dolores, maraming salamat ha, pagpalain nawa kayo ng panginoon, ilalagay ko ito saaking cuarto para pandagdag sa mga halaman na naroon, salamat muli" ngiting tugon ni Ina kila Dolores, ngitian din sila nila Dolores at Doña Victoria, naguguluhan talaga ako sa mga nangayari ngayon at hindi ako mapakali pero dahil gusto ko din namang magkaayos ang pamilya namin at pamilya ng Del Olmo, masaya na ako na nagkaayos na kami ngayon kung narito lang si Leonor at Samuel tiyak na matutuwa sila, nagusap at kumain sila saaming Casa, pinaghandaan namin sila ng mga putahe at masaya kaming nagkausap, matagal din silang namalagi sa casa bago sila umalis ay ininyayahan ako ni Dolores na magpyano kapag nanganak na ako, pumayag ako at nagpaalam sila na may ngiti sa mga labi, ganoon din kami dahil maayos na ang lahat kahit na may nararamdaman akong pangamba, sana wala lang ito, sana mali itong nararamdaman ko, masamang pagisipan ko sila ng masama pero bahala na. Kinabukasan pumunta kami ni ina sa palengke ng San Francisco, malaki na din ang pinagbago ng palengke dito, mas dumami ang mga nagbebenta at iba na din ang itsura ng palengke, una na diyan ay kung dati ay español lang ang nakasulat sa cartola sa itaas ng palengke ngayon ay may Ingles na din, marami na ding amerikano ang nagkalat sa paligid mapababae o mapalalaki man, may mga bagong disenyo na din ng mga Baro't saya o Maria Clara, tinatawag nila itong Traje de Mestiza na maayroong malaking manggas, mas mahaba ang dulo ng palda na tinatawag nilang Saya de Cola at mas lumiit ang panuelo na sumasalamin sa moda ng Edwardian sa kanlurang bansa, ito ang nauusong kasuotan ngayon kaya sinubukan ko na rin para matignan kung babagay ba ito saakin at napagiiwanan na ang mga Baro't saya noon, sa mga lalaki naman ay nakaAmericana mas pinili nila itong suotin kaysa sa Barong tagalog. Mayroon na ding natayong mga clinica kagaya nalamang ng Dispensary of St. Lukes the Beloved Physician na itinayo ng mga Misyonaryong Amerikano Episcopalian bilang libreng dispensaryo para mga mahihirap sa Calle Magdalena sa Tondo Maynila nila ito unang itinatag.

(Dispensary of St. Luke's Entrance)

(St. Luke's Medical Center)

(Both photos are from: http://anglicanhistory.org/asia/ph/missions1923/)

Mayroon na ding mga aeropuerto (Paliparan) na itinayo para sa mga sundalo at hukbong sandatahan ng mga amerikano sa Pampanga, mayroon na din itinayong mga simbahan ng mga protestante presbyterian ang nasa San Francisco, at marami pang ibang pagbabago na kung mapapansin ay niyayakap na ito ng paunti unti ng mga Pilipino siguro dahil medyo nakakaramdam sila ng kaunting kalayaan na di nila na tamasa noong panahon ng mga kastila. Patuloy kami sa paglalakad at pamimili ni Ina sa palengke ng mapansin kami nila Lago at Felipe ang pangalawang anak at bunsong anak nila Doña Victoria at Don Rafael.

"Doña Teodora at binibining Esperanza" masayang tawag nila saaming pangalan

"Kayo pala Lago at Felipe" ngiting tugon ni Ina sakanila nginitian ko din silang dalawa, matagal din kaming hindi nagkita nila Lago at Felipe. Matangkad na lalaki si Lago, matipuno ang pangangatawan, matangos ang ilong at medyo may kakapalan ang labi, si Felipe naman ay batang bata pa mga nasa edad sampu, maputi, at napakaguapong bata.

"Kumusta na kayong dalawa? Hindi na kayo nakakadalaw sa aming casa ha" ang masaya kong sabi sakanilang dalawa

"Kaya nga po binibini, patawad po, hayaan niyo po babawi po kami sa susunod" nakangiting sagot ni Lago saakin, nakangiti lamang si Felipe at nahihiya

"Ano ang ginagawa niyong dalawa dito sa palengke at sino ang inyong kasama?" tanong ni ina sakanilang dalawa

"Narito po kami upang bumili ng mga kagamitan para sa paglalakbay ni kuya Lago sa Hawaii" sagot ni Felipe kay Ina

'Hawaii? At ano naman ang iyong gagawin doon Señor Lago?" pagtatakang tanong ko kay Lago

"Doon na po ako nakadestino, doon po muna ako maninirahan ng panandalian para po sa pagsasanay militar dahil teritoryo o kolonya po ng mga amerikano ang Hawaii kaya po ako naidestino doon at kung papalarin ay baka doon ko na din mahanap ang aking iibigin" nakangiting tugon ni Lago saamin, napangiti naman ako sa sinabi niya, magkahawig talaga si Lago at Carlos lalo na kapag ngumingiti kaya mas lalo akong natutuwa at nangungulila kay Carlos dahil nakikita ko siya kay Lago

"Bien,kung magkakaroon ka man ng iibigin mula roon ay ipakilala mo saamin ha, para na din kitang anak Lago kaya mag iingat ka doon at palaging magdadasal"

"Opo Señora Teodora, maraming maraming salamat po, o sige po mauna na ho kami at may mga kailangan pa po kaming bilhin ni Felipe, Maraming salamat po"

"Maraming salamat din, paalam"

"Paalam po sainyo" ang sagot ni Felipe saamin na kumakaway at ngumiti saamin bago tuluyang umalis, natapos kami sa pamimili ni Ina, nakakapagod din pala pero masaya dahil kahit papaano ay nakita ko sila Lago at Felipe, nakita ko muli ang maamong mukha ni Carlos mula sakanya dahil sa malaking pagkakahawig nilang dalawa. Carlos, mi amor kung nasaan ka man, alam ko masaya ka na at kapiling mo na ang dios ngayon, lagi mo iisipin na mahal na mahal na mahal kita at kahit anong mangyari mananatili akong tapat saiyo at mananatili ka dito sa puso ko pangako ko iyan saiyo. Te amo mi amor at tuluyan nang tumulo ang mga luha saaking mata kasabay ng pagbuhos ng ulan at hanging dumadampi saaking mga pisngi, tila ba pati ang klima ay nakikisabay sa kalungkutan at pagkaulilang nararamdaman ko sa mga oras na ito.