webnovel

Unpredicted Stories

maligue · Realistis
Peringkat tidak cukup
30 Chs

MESSAGE PRANK

Wala akong magawa dito sa bahay. Dahil sa sobrang kaboring-an, naisipan ko nalang na mang-trip. Nagtype ako ng random number at nagmessage.

To: 09123456789

I love you, love!❤

'Magrereply kaya 'to?'

Ilang minuto lang ay narinig ko ng pagtunog ng phone ko.

From: 09123456789

Who's this?

Ay wow, spokening dollars pala 'tong may-ari ng number.

To: 09123456789

Kinalimutan mo na agad ako? May iba ka na siguro. Akala ko ba ako lang?

From: 09123456789

What are you saying? Wrong number ka 'ata.

To: 09123456789

No love, hindi. Ganun nalang ba ako kadaling kalimutan? Pagkatapos ng nangyari sa atin?

Hindi ko maiwasang mapahagikgik sa ni-reply ko.

From: 09123456789

What the fuck?! Sino ka ba? I'll trace your number.

Agad nanlaki ang mata ko sa nabasa ko. Omg, baka mamaya sindikato pala 'tong naprank ko at patayin ako!

Dali-dali kong tinanggal ang sim at tinapon sa basurahan. Hindi naman na siguro ako mate-trace nyan diba?

Nahiga nalang ako sa kama ko at napagpasyahang matulog. May pasok pa ako bukas.

***

Habang naglalakad sa hallway papuntang room namin, nakasalubong ko yung kaibigan ko, si Marga.

"Anne!" pagtawag niya sa'kin.

"Oh bakit?"

"May naghahanap sayo." Sabi niya at tila'y kinikilig pa.

"Huh? Sino naman?" pagtatakang tanong ko.

Tapos bigla kong naalala yung prinank ko. Hala, baka siya 'yun!

"Bastaaa, sumama ka nalang sa'kin." Sabi niya at hinila-hila pa ako.

"Ayoko Marg! Ayoko pang mamatay!" Sabi ko at hinahatak pabalik ang braso ko.

"Gaga! Ang oa mo naman! Sumama ka nalang at baka maihi ka pa mamaya sa kilig kapag nakita mo siya." Sabi niya at tuluyan na akong nahila.

Patakbo kaming nagtungo sa may field, habang ako ay nanlalamig ang kamay.

Nakarating na kami sa field at bigla akong iniwan ni Marga at gumilid. Tsaka ko lang napagtanto na ang dami palang tao rito.

Gigilid na rin sana ako ng may biglang tumikhim sa likod ko.

Pagkalingon ko, nanlaki ang mata ko ng makita ko si Alex.

Yung sikat dito sa school… Yung c-crush ko!

"Love pala ha? Hmmm." Nakangising aniya.

'Hala, w-wag mo sabihing, siya 'yun?!'

Naiyuko ko nalang ang ulo ko sa hiya at para itago ang pamumula ng mukha ko.

"Aamin na dapat ako sayo kaso naunahan mo 'ko. Love mo pala ako?" Nakangiting tugon pa nito.

"A-ano… Pra—" Hindi ko na tuloy ang sasabihin ko ng bigla siyang nagsalita.

"Patapusin mo muna ako o baka gusto mong may mangyari talaga sa atin ngayon dito?"

'Yieeeeeeeeee!'

'Wag dito oy!'

'Walang forever!'

Kanina ko pa gustong magpalamon sa lupa dahil sa hiya, pero hindi ko naman maitatanggi na kinikilig ako.

Tumingin siya ng diretso sa mata ko at nagsalita.

"Bakit hindi natin totohanin yung sinabi mong mahal mo'ko? Nakakabakla pero, kinilig ako nung malaman ko na ikaw 'yun. Panindigan mo 'yan Anne, panindigan mo 'ko. I'll court you whether you like it, or you love it. I love you, love."

**

~~~~~One short story ever friday~~~~~