"Ang pogi ni Kerby omaygassss!"
"Tapos ang tangkad pa parang basketball player sheetttt!"
" Ang perfect n'ya grabe bagay kameee!"
Nagpintig ang tainga ko ng marinig ang pangalan ni Kerby
"Hoy kayo!" Sigaw ko sa kanila
" Bakit po?" Tanong ng isa sa kanila
"Wag n'yo ngang pagpantasyahan yung BOYFRIEND KO! NAG IINIT ULO KO EH!" sigaw ko na naman sa kanila
"Po? Pero ang alam namin wala s'yang girlfriend eh" sabi naman ng pinakamatangkad sa kanila
" Oo nga, sabi single daw s'ya" sabat din ng isa
"Single s'ya for now pero FUTURE GIRLFRIEND n'ya ako KAYA WAG N'YO S'YANG PAGTSISMISAN!" Sabi ko sa kanila at umalis na
Ayoko pa naman yung pinag uusapan ng mga babae yung labidabs ko
"Oh Jasmine? Bakit ansama ng mukha mo?" Tanong sakin ni Charlyn, kaibigan ko
"Eh kase naman eh, pinag tsitsismisan na naman si Labidabs ko eh! Kumukulo dugo ko!" Sagot ko
"Si Kerby? Sus labidabs daw, labidabs kaba?" Sabi nito na lalong nagpainit ng ulo ko
"Pesteee kaaa!"
------
Nasa canteen kami ngayon at kumakain dahil break time
"Ang talino talaga ni Kerby! Naperfect n'ya yung exam sa math and science!"
"Oo nga eh, balita ko s'ya daw ata magvvaledictorian sa atin"
"AccCckkk mahbebelabs"
Ayan na naman sila, tumayo naman ako at pumwesto sa harap nila
"Sino nagbigay sa inyo ng karapatan na pag usapan yung BOYFRIEND KO?" sabay taas ng kilay
"Huh? Sino ka teh?" Tanong ng isa
"Ako? Ako lang naman ang FUTURE GIRLFRIEND ng pinagttsismisan n'yo, may reklamo?!" Sabi ko sabay irap
"Soon to be girlfriend daw, assumera" bulong ng isa pero narinig ko
"ANSABE MO?" Taas kilay kong tanong dito
"Ah wala, sabi ko po tatahimik na kami"
-----
"What is the difference between external and internal criteria?" Tanong ni Ma'am
"Ma'am" nagtaas ako ng kamay at tinawag naman ako ni Ma'am
"Yes Jasmine? What's the di-"
"Magccr lang ako Ma'am, di po ako sasagot hehe" Sabi ko at napasimangot naman ito
"Bilisan mo"
Dali dali akong pumunta sa CR at doon umihi, takte kanina pa ako naiihi eh
Pagkatapos ko mag CR ay lumabas na ako pero napansin ko na tanggal ang sintas ng isang sapatos ko
Yumuko ako at inayos ito, pagkatayo ay nagulat ako ng makita ko sa harap si Kerby
AccCcckkk yung Labidabs ko 0_0
"Totoo ba yun?" Sabi nito, lumingon ako sa magkabilang gilid at pati na sa likod ko, baka kase mamaya hindi ako yung kinakausap n'ya
"Ako ba kausap mo?" Paninigurado ko
"Oo, totoo bang sinabi mo na FUTURE GIRLFRIEND KITA?" Tanong nito
0_0 ShemayYyyy ano sasabihin ko
"Huh? Ako? Sinabi ko? Ha? Sorry wala akong maalala may amnesia na ata ako" maang maangan ko at pinukpok pa kunwari ang ulo ko
" Seriously?" Tumingin naman ako dito at nakita kong nakapokerface ito
" Hala! May amnesia na ako! T-eka? Sino ka? Kilala mo ba ako? Mag kakilala ba tayo?" Kunwaring sabi ko parin
"Hala? Di mo ako kilala? Talaga? tsk! " Sarkastiko nitong sabi
Pota ka Jasmine! Galingan mo arte mo!
"Hindi eh, Sino ka ba?" Tanong ko
"Hindi mo talaga ako maalala?" Tanong n'ya muli
"Hindi nga"sagot ko
"Nakalimutan mo na yung FUTURE BOYFRIEND MO? Nakakatampo ka naman FUTURE GIRLFRIEND KO"
"Ha?"
0_0 A-ano d-daw?
"Ako yung future boyfriend mo, Tara na nga samahan na kitang bumalik sa room mo FUTURE GIRLFRIEND KO, baka kase nakalimutan mo na eh, may AMNESIA ka diba?"
UMAYGAS? 0_0
**
Update every friday