webnovel

Chapter 15(Kiss,in second time)

Sa huli ay napapayag din si arriane ni Nathaniel dahil talagang nagpumilit ito.Isa pa ayaw niyang makagawa ng eskandalo sa loob ng kanyang restaurant dahil pinagtitinginan na sila ng kanyang mga costumer doon.Kaya iniwan na lamang niya sa mga tauhan niya ang pag sasara ng restaurant.Hindi niya talaga lubos maisip kung bakit napapayag siya ng kumag ngunit naisip niya rin na baka may pinagdadaanan ito dahil narin sa nakikita niyang hitsura ng binata.

Sa isang bar malapit sa malate sila nakarating at halos alas nuebe na nang gabi sila nakarating doon dahil medyo traffic, first time niyang pumasok ng bar dahil nga simula ng mabuntis siya ay talagang nagpakatino na siya para maipakita sa kanyang kapatid na deserving siya sa pagpapatawad na hinihingi niya.

"bakit dito mo yata naisip na pumunta?"iniikot niya ang kanyang mga mata at pakiramdam niya ay nahihilo siya sa iba't ibang kulay ng ilaw na nakasindi.

"well,,akala ko kasi mas mag eenjoy ka sa ganito".sagot nito na medyo nakainom na.

"enjoy?"do you think ganyan ako kahilig sa mga ganitong klaseng lugar?"napipikang wika niya.

"no,,hindi ganyan ang ibig kong sabihin".

"yeah!!hindi ganyan ang ibig mong sabihin,pero ganyan ang pinaparamdam mo sa akin."tuluyan na siyang nainis rito.

"Im sorry, hindi ko alam na ayaw mo pala sa ganitong lugar.. kasi ang alam ko....pinutol niya ang sasabihin pa nito.

"Mr.Nathaniel Cruz,kung inaakala mo na ako parin iyong dating Arriane na kilala mo, pwes,nagkakamali ka!!matagal nang wala ang arriane na iniisip mong maharot hindi ba?"talagang inis na inis na sabi niya.Nakita niya ang pamumula ng mukha nito.

"Hindi nga ba?"wika nito na mas lalong nagpaalpas ng dugo niya.."kaya nga ba naanakan ka at kung sino sinong lalake na lamang ang pinapatulan mo!! sayang ka arriane!!"Sa sinabi nang binata ay hindi niya napigilan ang paglipad ng kanyang palad sa pisngi nito.Tuluyan na siyang napaluha dahil sa pang iinsulto nito sa kanya.

"Kung isinama mo lamang ako rito upang husgahan ng ganyan at ipamukha saakin ang naging pagkakamali ko noon, pwes nagkakamali ka!! hindi ko man mababago ang tingin mo saakin,pero wala kang karapatan na pagsalitaan ako ng ganyan.!"umiiyak niyang sabi saka tumayo.

"I.--im sorry arriane.. hhindi ko intensiyon na--

"really??"Hindi mo intensiyon pero sinabi mo na.!"

"salamat sa pag imbita ngunit hindi ko hahayaan na bastusin mo ang pagkatao ko.!"pareho lang kayo ng nobya mo!"pagkasabi noon ay dali dali siyang lumabas ng bar at nag abang ng taxi.Nakasunod naman ito sa kanya ngunit hindi niya ito pinansin.

"arriane wait..I--im so sorry.. "hinawakan siya nito sa braso ngunit nagmatigas siya.

"get off!!"bulyaw niya.

"no.. !!ihahatid na kita!!sa ayaw at sa gusto mo".pagkasabi noon ay hinatak siya nito papasok ng sasakyan nito.Papalag pa sana siya ngunit ayaw niyang makagawa na naman ng eksena sa ganung lugar,isa iyon sa mga naging epekto sa kanya simula ng mabuntis siya ang laging pag iwas sa eskandalo kung kaya lagi siyang nagkakaroon ng pader para sa mga tao sa pagitan niya.

Nakasakay na siya ng kotse ng binata ngunit nanatili lamang siyang tahimik habang nag ngingitngit sa galit rito

Hindi niya alam kung saan ito kumuha ng lakas ng loob upang pagsabihan siya ng ganun kanina, alam niyang nakainom na ito ngunit hindi ito ganun kalasing upang bastusin ang pagkatao niya.

"arriane, im sorry."ilang minuto din ang lumipas bago muling nagsalita ang binata.Ngunit nanatili lamang siyang tahimik.Ayaw niyang magsalita dahil baka umiyak lamang siya at ayaw niyang magmukhang kaawa awa sa harapan nito.

"please,,talk to me."muli ay ulit nito ngunit nanatili siyang pipi.

Nagulat na lamang siya ng bigla nitong itinigil ang sasakyan at marahas siya nitong kinabig palapit rito at walang kagatol gatol siyang hinalikan.Halos nagtagal din iyon ng ilang minuto at pakiramdam niya ay isa siyang kandila na natutunaw habang kinakain ng apoy.Gusto man niyang kumawala ngunit sarili na mismo niya ang nagkakanulo sa kanya kung kaya hindi niya namalayang gumaganti na pala siya sa mga halik nito.Pakiramdam niya ay inuugoy siya ng mga halik nito sa alapaap ngunit bigla din siyang ibinagsak nang tumigil ito at itinulak siya papalayo.

"Shit!!"Tanging naibulalas lamang nang binata kasunod ng pagsuntok nito sa manibela ng sasakyan nito at hindi man lamang siya tinitingnan.

Gusto man niyang magsalita ngunit wala rin siyang lakas ng loob dahil hindi niya alam kung ano ang sasabihin.Dahil sa pangalawang pagkakataon kasi ay muli'y niyang natikman ang matamis na labi ng binata.Ang mga labi na pinapangarap niya noon hanggang ngayon.

Walang imikan silang dalawa hanggang sa makarating sila sa makati kung saan mas lalo siyang nagulat dahil sa nalamang sa iisang building lang pala sila nakatira ng binata.Kung maglaro nga naman ang tadhana!.Halos Nasa taas lang siya na palapag ng condo at nasa baba naman ang tinitirhan ng binata.Nagulat pa siya ng magpark ito sa mismong building na tinitirhan niya at nakasabay niya rin itong pumasok ng elavator.Mas lalo lamang siyang nasaktan dahil iniwan lamang siya nitong walang pasabi kagaya ng dati.!Hindi niya alam kung bakit ganun kasakit para sa kanya ang madedma ng binata na kung tutuusin eh wala naman talaga silang pinag usapan.

"eh anong ibig sabihin ng halik ng iyon.?"Mahinang tanong niya sa kanyang sarili at hindi niya naiwasang mapaluha dahil naulit na naman ang kanyang pagiging tanga!!Hindi pa nga yata siya nadadala!!

"lintik naman kasing puso niya!!unting paawa effect lang kasi ni Nathaniel eh kumekerengkeng na!"Napahilamos siya ng kanyang dalawang palad saka naupo sa kaniyang sofa habang unti nting binabalikan ang eksena kanina.

Samantalang hindi makapaniwala si Nathaniel na nagawa niya iyon kay arriane kanina,Iwan ba niya kung bakit hindi niya nakontrol ang sarili niya at nabastos niya ito.Hindi lang kasi siya makapaniwala na ang ganung klaseng babae ay hindi pumapasok sa ganung bar.Sinadya niya talaga itong dalhin doon kanina upang pag nakainom na ay baka lumabas ang karakas nito at umamin sa mga pinag gagawa nito,ngunit nagulat siya ng mapagtantong hindi ito umiinom at hindi rin mahilig sa ganung night out.Kaya mas malaking katanungan sa kanya kung papaano ito na anakan..

"Shitttt!!"nasuntok niya ang sariling hita habang nakasandal sa kanyang sofa!!At talagang hindi niya napigilan ang kanyang sarili na halikan ito kanina..Ngunit mas lalo lang siya nadismaya ng lumaban ito sa mga halik niya,mga halik na nag aalab kung kaya napatigil siya at muli ay napaisip na ganun lang ito kadaling klase ng babae,kapag hinalikan ay sasabay din.Pakiramdam niya ay binuhusan siya ng malamig na tubig at biglang nagising sa katotohanan na kung anong klaseng babae ang kaharap niya.Naalala niya ang nobya at kung ano ang dahilan kung bakit siya naririto sa pilipinas ngayon ay upang magkaroon ng katuparan ang pangarap niya para sa nobya niyang si kaithleen at hindi para maglandi ng babaeng kagaya ni arriane Santañez.Kinuha niya ang kanyang telepono saka nagdial, tatawagan niya si kaithleen upang magkaayos na sila, tama na ang isang linggong tampuhan nila ng nobya para marealize niya kung gaano ito kahalaga para sa kanya.

Kinabukasan,mugto ang mga mata ni arriane ng pumasok siya sa kanyang opisina.Halos magdamag kasi siyang umiyak kung kaya heto talagang namamaga ang kanyang mga mata.gumamit na nga lamang siya ng sun glass para maitago ang pamamaga ng kanyang mga mata dahil alam niyang pag uusapan siya ng kanyang mga tauhan.Hindi narin siya nagpaalam kay niel dahil kahit ang anak niya ay magtatanong din sa kanya.Tatawagan na lamang niya si manang Coreng mamaya para ipaalam dito na maaga siyang pumasok.Naging abala siya maghapon at halos hindi niya namalayang gabi na pala at nakalimutan nga niyang kumain ng lunch kung kaya nagulat siya ng may kumatok sa pintuan ng opisina niya.

Si jane iyon at may dala dalang pagkain sa tray.

"Mam, hindi pa po yata kayo kumakain kung kaya dinalhan po kita ng pagkain.?nag aalalang bungad nito sa kanya.

"Naku salamat jane, mukhang nakalimutan k0 na yata kumain".Mahinang wika niya.

"naku mam, huwag po kayo magpapalipas ng gutom, papaano po niyan pag nagkasakit ka po,.. sino mag aalaga sayo".?Napahanga siya sa pag aalalang pinapakita ng kanyang staff.

"salamat jane, oh siya pakilagay nalang sa table ko please at kakainin ko iyan.."utos niya rito na agad naman tumalima.

Bagamat pakiramdam niya ay hindi siya nagugutom ay mas pinili niyang kainin ang ibinigay na pagkain ng kanyang staff dahil ayaw naman niyang magkasakit at maapektuhan pa ang kanyang restaurant.

Mabilis na lumipas ang mga oras at halos inabot na nang alas dyes ng gabi si arriane kung kaya halos nagmamadali siyang makasakay ng elevator pagdating ng kanyang condo.Tinawagan kasi siya ni manang coreng at ibinalita nitong nilalagnat ang anak niya kung kaya heto siya halos walang pakialam kung sino man ang makakasabayan niya sa elevator basta ang mahalaga ay makasingit siya dahil nag aalala siya para kay Niel.

"You?!!"Isang mataray na tinig ang narinig niya mula sa kanyang likuran kung kaya napalingon siya rito ng bahagya at halos mapatda siya dahil nasa likuran lamang niya ang kinaiinisan niya.Si Nathaniel at Kaithleen, ngunit hindi niya maipaliwanag kung bakit parang may kung anong tumutusok sa puso niya.

"Naturingan pa namang may ari ng Restaurant pero parang hindi man lang marunong mag ayos ng sarili."pag paparinig ni kaithleen.

Alam niyang siya ang pinag iinitan nito lalo na at hindi nga siya nakapag ayos ngayon dahil marami siyang ginawa lalo na at may sakit ang anak niya.Gusto niya itong harapin at ipamukha rito ang nakita niya noong nakaraang araw ngunit mas pinili niyang manahimik.Ayaw niyang tingnan ang mga ito dahil pakiramdam niya ay may kung anong bagay ang tumatarak sa puso niya.Nagseselos ba siya?

"Shit!"bigla siyang napapiksi dahil sa kanyang naisip!Wala siyang karapatan para makaramdam ng ganun, wala na nga siguro siyang pag asa para sumaya, iyon na siguro ang kabayaran sa pagiging matigas ng ulo niya noon.

Gusto na naman pumatak ng kanyang mga luha ngunit pinigilan niya iyon dahil ayaw niyang makita iyon ni Nathaniel lalo na at kasama nito ang nobya.Pakiramdam nga niya ay gusto niya itong sugurin at ipagsigawan ang panluluko nito kay Nathaniel, ngunit sino ba siya?Isang hamak na maharot na babae para sa binata.Kung sasabihin man niya iyon rito na nakita niya ang nobya nito na may kalandiang iba ay baka sabihin lamang nito na sinisiraan niya ang babae dahil siya ang may gustong pumalit bilang nobya.

Tama na ang pangmamaliit nito sa kanya na pinagdusahan niya ng halos limang taon.

Biglang tumunog ang kanyang celphone kung kaya nagulat siya at dali daling hinanap sa kanyang bag,kung kaya nabitawan niya ang dala niyang supot na may lamang gamot at pagkain para kay Niel at natapon iyon sa mismong paanan ng binata.

"oh my God!!'"akala ko ba tauhan mo lang ang tanga!!pati pala amo!"bulalas ni Kaithleen sa kanya!.

Nagkataon kasi na sila na lamang ang naroon at limang palapag pa bago ang kanyang unit.

"hey,, enough kaith!"Narinig niyang saway ng binata rito.

"hey,, sweetheart!! ikaw na nga iyong natapunan ikaw pa ang magpapakumbaba dito sa babaeng ito!"pasigaw nito.

Gusto man niyang harapin ang babae at hambalusin ngunit nagtimpi siya.Hindi siya ganung klaseng babae, at ayaw niyang maging eskandalusa kagaya nito.

"Im sorry.."Naluluhang wika niya na hindi makatingin sa binata.

"I will help you"pagkasbi nito ay agad itong yumuko saka pinulot ang mga nalaglag na gamot at pagkain na dala niya.

Nakita naman niyang hinatak ito ni Kaithleen at inilayo na bahagya sa kanya.

"Ganyan ka naba kamaawain ngayon huh Nathaniel at ikaw na nga iyang naagrabyado ikaw pa iyang tutulong!"sabi nito sabay hablot ng mga pinulot nito at pahampas na ibinigay sa kanya.Talagang nagtitimpi lamang siya sa babaeng ito pero sumusobra na yata ito, mabuti na lamang at bumukas ang elevator at lumabas si Nathaniel kasbay nang paghatak nito sa nobya kung kaya naiwan na lamang siyang nagpupuyos sa galit.Pasalamat ito at kailangan niyang magmadali dahil may sakit ang anak niya.