webnovel

Chapter 14( Investigating arriane)

Araw ng lunes at kailangan nang mag grocery ni arriane dahil wala na silang stocks sa kanilang bahay.Ayaw naman niyang mag grocery ng weekends dahil nga napakahaba ng pila lalo na pag araw ng sabado at isa pa halos nauubos ang oras niya sa traffic.Kasama niya ngayon sila manang coreng at Niel kung kaya kampante siya sa pag lilibot sa malawak na supermarket.Hindi na siya mag aalala habang nangunguha ng kailangan nila dahil nariyan ang matanda na siyang magbabantay sa kanyang anak.Habang abala siya sa pamimili ay iniwan niya ang dalawa sa isang foodcourt kung saan katabi lang mismo ng supermarket.

Samantala, napag isipan naman ng magpinsan na dumaan sa isang foodcourt kung saan gusto kumain ni melvin dahil may masarap doon na sisig stall.Naiwan si Nathaniel sa isang Table dahil ang pinsan na niya ang nag order para sa kanya.May hang over pa kasi siya kung kaya tinatamad siyang maglakad.Ito naman kasing pinsan niya masyado siyang kinukulit na samahan ito sa mall at may bibilhin daw ito para sa nobya nito, kung kaya kahit masakit pa ang ulo niya ay napilitan siyang samahan ito.Abala siya sa pagpipindot ng kanyang celphone ng mapansin ang kanyang katabi.

"Niel,dito ka lang muna huh,huwag kang aalis kasi mag ccr lang ako..huwag kang aalis dito at pag nawala ka naku malilintikan ako sa mommy mo".narinig niyang sabi ng matanda habang kinakausap ang batang lalake habang kumakain.

"balik ka po agad yaya ah."anang bata na parang ayaw pa yata magpaiwan doon.

"oo, promise basta diyan kalang at talagang naiihi na ako."hawak pa ng matanda ang puson nito na talagang naiihi na kung kaya hindi siya nakatiis at sumali sa usapan ng dalawa.lalo na at nakilala niya ang mga ito kung kaya Nagkaroon siya ng pagkakataon na makausap ang matanda.Bagamat hindi siya nito naaalala dahil sa tagal na nakita siya nito at nagkakaedad narin ito.

"sige manang, tingnan ko nalang iyong bata para hindi umalis."wika niya na ikinasiya ng matanda.

"ay naku salamat sir".masayang wika nito saka dali daling umalis. Siya naman ay lumipat sa kinauupuan ng paslit na napatigil sa pagkain.

"Hi baby boy,do you remember me?"nginitian niya ito ng matamis upang hindi ito matakot sa kanya.Bahagyang nag isip ang bata saka ngumiti din nang makilala siya.

"yeah, you are mommy's friend po."sa sinabi ng bata ay mas napangiti siya.Napatitig siya sa cute na mukha ng bata at tela ba parang may kung anong bagay na tumusok sa puso niya dahil naawa siya sa bata dahil maaring biktima din ito sa ginagawa ng nanay nito.

Tumigil sa pagkain ang bata saka nilaro laro na lamang ang kutsarang hawak nito.

"eat ka pa little boy,sayang iyang food mo."inilapit pa niya ang plato nito rito upang kumain.

"anyway im Nathaniel, pagpapakilala niya sa paslit na naiilang parin sa kanya.

"my name is Niel po."nahihiyang sagot nito.

"wow huh,, halos magka name pala tayo.,"pagbibiro niya upang makuha ang loob nito.

"anyway hindi mo yata kasama ang mommy mo."?inikot niya ang paningin upang hanapin si arriane dahil hindi nga nito kasama.

"Uh,she's inside the grocery store po."

"really?with your dad?"curious niyang tanong dahil iyon naman talaga ang gusto niyang alamin.Nakita niya ang pamimilog ng mata ng bata na animo'y naguguluhan sa sinabi niya.

"dad?!ulit nito na bakas sa mga mata ang pagtataka.

"I don't have dad po".bulalas nito na ikinagulat niya.Mas lalo siyang naguluhan dahil sa sinabi ng bata at nagtataka siya kung sino iyong lalakeng kasama ng mga ito na nakita niya.Parang ang dami nga niyang hindi alam tungkol sa buhay ni arriane,magtatanong pa sana siya rito ngunit bigla lamang itong umiyak.

"mommy,, yayyaayyaa!!"iyak nito na ikinataranta niya.

"heyy.. 'that's fine.. don't be scared'.alo niya rito dahil natakot marahil ito dahil medyo natagalan ang matanda na bumalik..

"I want mommy.".iyak nito.

"ssshhh.. she will be here okay.."do you want ice cream.?tanong niya rito upang manahimik lang.Tanging tango lamang ang isinagot ng bata habang humihikbi.

"just promise me na hindi kana iiyak okay.?

"okay po."sagot nito saka pinunasan ang mga luha at ngumiti kung kaya tinawag niya ang crew at nag order siya ng ice cream para rito.

Maya maya pa ay humahangos na nakabalik ang matanda sa pwesto nila.

"Naku sir, pasensiya kana po at medyo mahaba kasi ang pila eh.,nahihiyang wika nito sa kanya.

"That's fine manang'"nakangiting sagot niya."iyon nga lang umiyak itong alaga mo at natakot yata sa akin.. pero nag order ako ng ice cream para sa kanya."ngumiti siya sa bata.

"naku nag abala ka pa sir."wika nito na bumalik na sa pag kakaupo.

"o panu manang, balik na ako sa upuan ko"itinuro pa niya ang katabing mesa na siyang inuupuan niya kanina lalo na at nakita niya si Melvin na parating na at bitbit ang pagkain nila.

"Naku, salamat talaga sir ng marami,".

"walang anuman manang.."hindi naman kasi pwede na iwan mo mag isa itong bata at baka mawala pa."pahayag niya.

"oo nga po sir."saka naku baka anong gawin sa akin ng nanay nito pag nawala itong anak niya."wala sa sariling sabi nito.

"bakit, nag iisang anak lang ba ito?"kunyari ay hindi niya alam ang tungkol kay arriane.

"opo.. nag iisa lang naman po ito."

"Naku sayang ang lahi nito, ang gwapo pa naman tapos nag iisa lang.. wala bang balak ang mga magulang nito na magdagdag nang anak?"alam niyang masyado na siyang tsismoso sa mga tanong niya ngunit ayun na yun eh, malalaman niya na rin.

"ho?naku sir, papaano nga madadagdagan ito eh, parang wala yatang balak mag asawa ang nanay nito."nagulat siya sa sinabi ng matanda.

"walang balak mag asawa!?bulalas niya.

"yaya let's go na."hindi na nakasagot ang matanda sa tanong niya dahil hinila na ito ng bata palabas ng foodcourt.

"naku sir maiwan na po namin kayo, salamat uli."nagmamadaling sumunod ito sa bata.

Siya naman ay naiwan na nakasunod ang mga mata sa mga ito, mabuti na lamang at tinapik siya ni melvin kung kaya nabaling ang tingin niya rito.

"kanina ko pa kayo nakita na nag uusap ng bata na yun ah.. mukha naging yayo kapa?natatawang biro nito sa kanya.

"bumalik ka na nga sa table natin, nagugutom na ako.. saka haba ng pila sa inorderan ko ng sisig.. tagal."reklamo nito.Pero wala roon ang isip niya kundi naroon sa kausap kanina.Bumalik na siya sa upuan niya kanina ngunit hindi naman niya nagagalaw ang pagkain niya, talagang paulit ulit na bumabalik sa isip niya ang sinabi ng matanda kanina.

"walang balak mag asawa..kung ganun tikim tikim lang!!"ganun ba ang naging gawain ni arriane simula noong nagalaw niya ito!"

Huminga siya ng napakalalim na agad napansin ni Melvin.

"oh, parang ang lalim nang pinanggagalingan ah."wika nito habang abala sa pagkain.

"yeah..maiksing sagot niya.

"tawagan mo na kasi para malaman mo kung ano ba ang plano niya sa relasyon niyo?".wika nito na ang tinutukoy ay si kaithleen.

"hindi siya bro."

"o, eh sino ba? aba,couz parang may naaamoy ako na something ah."natatawang biro nito.

"baliw!! wala.. may naalala lang ako."sagot niya.

"ay naku couz, kung ano man iyan ikain mo nalang yan pra mawala iyang hang over mo.. iwan ko ba sayo at talagang ginawa mo na yatang hobby ang alak ah."oh.. tingnan mo nga sarili mo hindi kana nakapag ahit,parang ermitanyo kana.."alam ko couz broken hearted ka ngayon pero life must go on.."seryusong wika nito.Ngunit wala doon ang isip niya kundi naroon kay arriane.Hindi niya kasi alam kung ano ang mararamdaman niya ngayon para sa babae, maaawa ba siya o magagalit dito dahil sa pinag gagawa nito.

Buo na ang desisyon niya, kailngan may gawin siya para mailayo ito sa anumang pinag gagawa nito sa buhay pero hindi niya alam kung paano, isa pa matindi ang galit nito sa kanya dahil narin sa ginawa ni kaithleen rito.Pero papaano niya rin sisimulan at sa paanong paraan.?Naguguluhan siya ngunit hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya.Kung pwede lang nga sana na mabago agad ang isip ni arriane ngunit alam niyang bratenilya ito at talagang lumalaban.Hanggang sa nakauwi siya sa kanyang condo ay iyon lamang ang laman ng isip niya. Si arriane, si arriane!!iyon ang paulit ulit na umuukilkil sa utak niya.Hindi na nga sumama sa kanya si melvin dahil may lakad pa ito kung kaya siya lamang mag isa ang bumalik ng condo.Sa halip na uminom na naman ay nagtimpla siya ng kape at naupo sa kanyang couch.

"ano bang nangyayari saakin!!"usal niya dahil hindi parin mawaglit sa isip niya si arriane.Hindi ka matinong babae!!bakit ikaw pa!!

Mahigpit niyang nahawakan ang kanyang tasa habang naiinis sa sarili dahil sa mali niyang nararamdaman.Naiinip na rin siya dahil Isang linggo pa bago niya malalaman ang totoo galing sa pinapaimbestiga kay arriane.Gusto na niyang malaman ang totoo para makagawa na siya ng hakbang upang maalis sa ganung klaseng buhay si arriane.Nanghihinayang talaga siya rito at ayaw naman niyang basta basta na lamang pumasok sa buhay nito.Kaya nakabuo na naman siya ng plano.

Samantala, nakabalik na si arriane sa opisina niya.. pinauna na niyang umuwi si mang coreng at Niel dahil mag oovertime siya para mabawi na ang oras na wala siya roon kanina.Halos alas syete na nang gabi at marami pa rin ang kumakain sa restaurant niya kung kaya hindi na muna siya lumabas.Alas dyes naman ang sara nila dahil naglilinis pa naman ng kitchen ang mga staff niya. Iyon kasi ang isa sa mga rules niya ang laging malinis ang kitchen at dining area para hindi sila masira sa mga costumer nila.Abala siya sa pag ka counting nang may kumatok sa pintuan niya.

"sino yan?"tanong niya sa kung sino mang nasa labas.

"uhm mam, si jane po ito may naghahanap po kasi sainyo mam."Napakunot noo siya dahil wala naman siyang kakilalang maghahanap sa kanya lalo na at hindi naman na babalik doon si mat.

"sino raw?tanong niya nang mapagbuksan niya ito pintuan.

"Mr.Cruz daw po."Parang nag init ang mukha niya nang mapagtanto ang tinutukoy nito na mr.cruz.

Si Nathaniel iyon at nasa gilid na bahagi ito ng kainan

nakaupo at itinuro pa ni jane ang kinaroroonan nito.

"okay, salamat jane."aniya sa tauhan saka nilapitan ang panauhin.

Agad namang tumayo ang binata ng makita siya.

"Hhhi."alangan nitong bati sa kanya.

"hi, napadalaw ka yata.?"hindi ngumingiting wika niya.

"uhm, yeah.. gusto ko sanang ayain kang kumain, uhm to show my apology about what happened last time."

"really, apology accepted mr.cruz, isa pa busy ako ngayon at wala akong time para lumabas dahil may tinatapos ako.. isa pa ano nalang ang sasabihin ng girlfriend mo kung malaman niyang nakikipagdate ka sa iba.?naiinis niyang sabi.

"Like what I said, This is not a date,im just showing my apology"sa sinabi nito ay para siyang napahiya.Oo nga naman, kakasabi nga lamang nito na pag papakita lamang iyon ng kanyang pag hingi ng tawad at hindi date.

"masyado kang assuming!"pagalit niya sa sarili.

"uhm ano.. papayag kaba?"maya maya'y tanong nito na talagang tinitigan pa siya.Pakiramdam niya ay bumabalik siya sa pagiging teenager dahil sa nararamdaman niya ngayon.Pero sinaway niya ang sarili dahil ayaw niyang magmukhang tanga na naman.

"pwede naman siguro dito sa restaurant namin,."sabi niya sabay iniikot ang kanyang mga mata.Ayaw niya kasing madala sa nararamdaman niya kung kaya hanggat kaya niyang pigilan ay pipigilan niya.