webnovel

CHAPTER 7

"Napaka-ganda naman dito," di magkamaway na sabi ni Thadeus.

Sa lahat na ata ng lugar na naikot nila, wala siyang ibang nasabi kundi "maganda". Paano ba naman hindi, talaga namang maganda at bago sa kaniyang paningin ang mga nakikita niya.

Ngayon lang siya nakarating sa siyudad ng Lake Side, at hindi niya akalaing ganito to kaganda. Ang mga matataas na building nito, ang mga tao at masasarap na mga pagkain.

"Bibili muna ako ng makakain," sabi ni Thadeus ng makarating sila sa Parke. May nakita itong pagkain na bago na naman sa kaniyang paningin. "Tanghalian na rin," palusot na lang niya.

Tumango naman ang dalawa at tumakbo na ng mabilis si Thadeus.

Naiwan si Satara at si Kaerius na nakaupo sa isang bench.

Napansin ni Satara na malalim ang iniisip ni Kaerius. Nakaisip siya ng nakakatawang ideya...

"Kamusta ka?" tanong ni Satara kay Kaerius.

"Mabuti naman ako," sagot ni Kaerius pero biglang nagulat ito. Nagtataka siyang tumingin kay Satara. "Nagagamit mo rin ang kapangyarihan mo sa lupa?"

"Oo. Hindi ko alam kung bakit, pero, malaking tulong ito sa akin dito sa lupa."

"Magaling!" Natutuwang si Kaerius. "Kahit ang aking kapangyarihan, aking nagagamit din dito sa lupa."

Ngumiti sa Satara. "Masaya akong makita ka."

"Ako rin." Napakunot ang noo ni Kaerius. "Ano nga pala ang nangyari sa iyong ama?"

Naalaala ni Kaerius, si Satara at ang ama nito na si Frun ang kasama niya nang tumakas sila sa kaharian dahil may kumalat na sumpa galing sa makapangyarihan at ganid na Siren. Nasira ang kagandahan ng kaharian noon at maraming mga Siren ang nagbuwis ng buhay upang patigilan lamang ang sumpa sa pagsakop sa buong karagatan.

Mabuti na lamang ay nalaman ni Satara ang mangyayari kung kaya't nakatakas agad sila. Ngunit, ng malapit na sila sa pampang ay dumagsa naman ang malakas na bulto ng tubig dahilan para magkahiwalay sila. Nadiretso si Kaerius sa tabing-dagat at hindi na niya muling nasilayan pa si Satara at ang kaniyang ama dahil nawalan na siya ng malay noon.

Lumungkot ang mukha ni Satara. "Wala na ang aking Ama. Ginawa siyang statwa at pinaagos papunta sa kailaliman." Nanggilid ang luha sa kaniyang mata.

"Ang sama talaga ng Siren na iyon," nakuyom ni Kaerius ang kaniyang kamay.

"At nandito siya sa lupa, Kaerius."

Lumakas ang kabog sa dibdib ni Kaerius. Sumilay sa kaniyang mga mata ang takot. Alam niya kung gaano kaganid sa kapangyarihan at gaano kalakas ang Siren na iyon.

"Si Keyna... baka mapahamak si Keyna!"

Hinawakan ni Satara ang balikat ni Kaerius. "Wag kang mag-alala, sa tingin ko ay hindi niya iyon magagawa."

"Bakit naman?"

Sasagot na sana si Satara ngunit biglang may nahulog sa kanilang harapan. Galing sa pagkain ni...

Thadeus!

Tiningnan ng masama ni Thadeus si Kaerius habang nakahawak sa kaniyang baba. Tapos kay Satara.

Tila malalim ang kaniyang iniisip. Hindi siya pwedeng magkamali sa kaniyang nakita... Hindi talaga! May tinatago ang dalawang ito.

"Hindi kaya tayo mahuli ng taga-lupang ito?" tanong ni Satara.

"Sa tingin ko naman ay hindi," sagot ni Kaerius.

Nataas ni Thadeus ang kaniyang kanang kilay at nakagat ang kaniyang labi. He crosses his hands. "Bakit magkatitigan kayong dalawa kanina huh? At alam ko, malapit na malapit kayong dalawa sa isa't isa. Maghahalikan ba kayo?" Nasapo niya ang noo. "Talagang dito pa sa malaki at magandang parke na ito? Dito niyo gagawin iyan?"

"Nawala lang ako saglit ay ganoon na ang ginagawa niyo?" dagdag pa nito.

Nakunot ng dalawa ang kanilang noo dahil sa sinasabi ni Thadeus.

"Ikaw Kaerius," tinuro niya ito gamit ang straw sa iniinom niyang palamig. "Akala ko ba may Keyna ka na? Niloloko mo ba siya?"

"Hi-hindi! Loko. Keyna," agad niyang pagtatama dito.

"Anong hindi? Hindi ako bulag! Ang nakita ko ay totoo!" Tumuon naman ito kay Satara. "Ikaw? Bago ka lang namin nakita ni Kaerius, nilalandi mo na agad siya?"

Tila nagulat si Satara sa narinig mula sa bata.

"Bakit ko naman gagawin yon?"

Napaigtad si Thadeus. "Sino yon? Sino yung nag-salita?" Naikot pa niya ang mata dahil sa biglang nagsalitang iyon.

"Ako!" nagsalita muli ito.

Napatabi si Thadeus kay Kaerius at niyakap ito. "Kaerius, baka si Keyna yon. Minumulto ka na!" natatakot talaga ito.

"Satara," ani ni Kaerius.

Humagalpak ng tawa si Satara at pang-asar na niloloko pa ito.

Nakakunot ang noo ni Thadeus at tila nagtataka ito paano niya nagawa ang bagay na iyon. "M-may kapangyarihan ka rin?"

"Oo! Iyon ang aking kapangyarihan," sabi ni Satara. "Kaya kong kausapin ka gamit ang aking utak. Kaya ko rin basahin kung anong nasa isip mo."

Dahan-dahang bumitaw si Thadeus kay Kaerius. "Ano ba kayong dalawa ni Kaerius? Bakit may kapangyarihan kayo? San kayo galing na planeta?"

"Sir-..." sasabihin na sana ni Satara ngunit pinigil siya ni Kaerius.

"Hindi niya dapat malaman ang tunay na pagkatao. Taga-lupa pa rin siya. Tao." sabi nito sa pamamagitan ng kaniyang utak.

Napabuga ng hangin si Satara. Tinuon niya ang mga mata kay Thadeus. "Sabihin nalang natin na... kami ay ang mga tagapagligtas. Ikaw, ikaw ang side kick namin."

Napaisip si Thadeus. "Parang Superman?"

Binuhat ni Kaerius si Thadeus at nagsimula nang maglakad. Baka humaba pa ang usapan at saan pa mapunta ito.

~

Nagmamadaling lumangoy patungo sa kanilang tahanan si Satara. Kailangang sabihin niya agad sa kaniyang Amang Frun ang kaniyang nalaman.

Wala talagang kasing sama ang Siren na iyon.

Totoong, ang bawat Siren ay may kaniya-kaniyang kakayanan. Ngunit, dapat lamang itong gamitin sa kabutihan. Pero, ang Siren na ito ay talaga namang walang awa at ganid sa kapangyarihan. Binigay na sa kaniya ang kaniyang hiling. Ano pa ba ang gusto nito?

"Amang Frun! Amang Frun!" hinahabol pa nito ang kaniyang paghinga.

"Bakit ka naghahangos?" tanong ng Ama nito.

"Ama, ang Prinsipe..." hinihingal pa ito.

"Bakit?" nagtataka na rin siya at nagsisimula nang kabahan.

"Ang Prinsipe ay narito sa Kaharian. May ginagawa siyang kakaibang sumpa, Ama. Nakita naming dalawa ni Kaerius. Sisirain niya ang buong kaharian!"

Nanlaki ang mata ni Frun. "Kailangan na nating makaalis sa kaharian."

"Saan tayo pupunta ama?"

Kuminang ang berdeng mata ni Frun. "Sa Lupa."

"May kilala ba kayong Keyna?" tanong ni Satara sa isang lalaking nakaupo habang nagkakape.

Bigla itong napaiktad. Hinahanap kung sino ang nag-salitang iyon.

Natawa naman siya. "May kilala ba kayong Keyna?" tanong niya muli sa isa pa, at sa isa pa, at sa iba pa. Ngunit, pare-parehas lamang sila ng naging reaksyon.

"Takot. Takot. Sila. Gawa. Mo." sabi ni Kaerius."

Natawa si Satara. "Kesa. Salita. Tayo. Ganito," may punto namang sagot ni Satara.

Napa-iling na lamang si Kaerius.

"Sobrang lawak ng Siyudad ng Lake Side," Thadeus. "Saan naman kaya natin hahanapin si Keyna?" Napadapo ang kaniyang tingin sa orasan sa may malaking building. "Mag-a-ala-sais na rin, gagabihin na tayo. Wala pa tayong matutulugan."

Tinapik ni Satara si Thadeus. "Bahay. Ko!"

"Wow! Bahay mo to?" manghang sabi ni Thadeus nang makarating sila sa tinitirhang condo ni Satara.

Tumango lamang si Satara.

"Wag kang mag-alala, pinagtrabahuhan ko ito," sinagot niya sa isip si Kaerius. Dahil nabasa nito ang nasa kaniyang utak.

"Diyan. Muna. Kayo. Luto. Satara,"

At iniwan na niya ang dalawa sa Salas.

Dumiretso muna si Satara sa kaniyang banyo at nagtampisaw sa tubig na nasa kaniyang buth tub.

Her green tales suddenly appear. Nakikiliti siya sa pagaspas ng tubig sa kaniyang buntot.

"Sarap," nawika niya.

Kelan nga ba uli siya nagtampisaw sa tubig nang ganito? Na-mi-miss na niya ang karagatan. Ngunit, alam niyang hindi pa ligtas doon.

Bigla siyang nakaramdam ng lungkot. Maraming mga Siren ang naiwan, hindi niya alam kung anong nangyari sa kanila.

Ring!

Agad niyang sinagot ang tawag. She connects her power to the other line. Now she can talk using her power.

"Satara," a manly voice. And she knows whose voice it came from.

"Perjes,"

"Nasan si Kaerius? Kasama mo na ba siya?"

Satara smirk, "Maaari mo siyang makita bukas."

Perjes eyes turned red, "Very, well, then, Satara! Hindi talaga ako nagkamali sayo."