webnovel

Chapter 18

PUMASOK ako sa hashtag bar saka hinanap si biatch. Nanggigigil ako! Paano naman kasi, tunawag sa akin si biatch. Lasing na lasing daw siya. Tinanong ko kung bakit at ang sabi niya nakipaghiwalay daw si Duke.

Jusko, dalawang araw na ang nakalipas at okay naman ang lahat. Masaya na nga ulit ang squad namin e. Umuwi na rin si Kenshin sa kanila dahil tumawag si Tito Jerome niya at sinabing magsu-suicide ang Daddy niya kapag hindi pa siya umuwi. Syempre natakot si Kensh, so ayun, bumalik na siya sa kanila.

Natanaw ko agad si biatch. Nasa bar counter siya. She looked wasted. Grabe, as in grabe ang Palermo na 'yon! Botong boto pa man din ako sa kaniya kasi nakita ko namang mahal niya si biatch saka isa pa mahal na rin siya ni biatch. Tapos biglang makikipaghiwalay? Damn him!

Dinaluhan ko si biatch nang subukan niyang tumayo. Hindi ko alamkung gaano na karami ang nainom niya pero sa itsura niya ngayon ay siguradong naabot na niya ang limit niya.

"Biatch, ano ka ba! Bakit ka kasi nag-iinom mag-isa. Sana sinabihan mo agad ako para nasamahan kita." Sermon ko sa kaniya.

Bukod sa pamilya ko ay si Cherrypink ang sunod na tinuturing kong pamilya ko. We've been bestfriends since we were child at kami iyong magkaibugang hindi mo pwedeng paghiwalayin.

"Frey!"

Tumingin ako sa gawi nila Kenshin. Tinawagan ko rin kasi sila at sinabi ang nangyari. Nagulat nga sila at hindi din makapaniwala sa nangyari. Wala naman daw nabanggit si Duke. Saka tulad nila, sa pagkakaalam nila ay maayos naman ang lahat at walang problema.

In short, we don't have any fucking idea kung bakit niya nagawang saktan si biatch. I hate him to death!

"Biatch... please... dalhin mo ako kay Duke."

Huminga ako ng malalim. "No way! Bakit mo pa siya pupuntahan kung nakipaghiwalay na siya?"

"I'll beg him. Mahal niya ako... mahal niya ako..."

One word. Tanga. "Hindi. Hindi ako paoayag na magpapakababa ka para sa kaniya! Konting pride naman, biatch! Kung ayaw na niya sa 'yo, let him be! Hayaan mo siyang nagsisi sa ginawa niya sa 'yo. You deserve someone better. Hindi katulad niya na bakla! Walang paninindigan!"

Inis na inis aki. Kapag nakita ko talaga ang Duke na iyon, idudukdok ko ang mukha niya sa pader! Anong karapatan niyang saktan ang bestfriend ko?!

Pilut tumayo si biatch. Muntik pa siyang matumba. Mabuti nalang at nasalo siya ni Drake.

"Let's take her home. She needs rest. She's wasted." Kaswal na sabi ni Drake.

Mabuti pa nga. "Sige, ihatid mo nalang siya sa kotse ko." Sabi ko.

Tahimik sina Kenshin. Siguro ay dahil wala silang masabi sa pangyayari. Sinira talaga ng bestfriend nila ang gabi ko!

Binuhat ni Drake si biatch na pang bridal style. Sumunod kami ni Kenshin sa kaniya palabas ng bar.

"Let's use my car. Hindi mo rin naman siya makakayang buhatin pababa mamaya."

Sabagay. May tama siya. "Okay sige. Pwede ko naman balikan ang kotse ko anytime." Sabi ko.

Tinungo namin ang kotse ni Drake. Isinakay niya si biatch sa likod saka ako tumabi. Isinandal ko siya sa balikat ko. Jusko, ang kaibigan ko lasing na lasing.

Ngayon ko lang siya nakitang ganito kalasing na halos wala na siya sa sarili niya.

Sumakay na din sa unahan si Kenshin habang si Drake ang nagmaneho.

Tahimik ang byahe namin. Nakakuyom ang kamay ko. Gusto kong sabunutan ang Duke na 'yon. Bwisit talaga siya!

"Huwag lang magpaoakita sa akin iyang kaibigan niyo! Bwisit siya! Wala ba siyang itlog?!"

"Huh? Frey, sa bahay maraming itlog. Bakit?"

Argh. "What I mean is, si Duke! Hindi literal na itlog. Wala siyang balls! I hate him to the ninth power!"

"Susubukan namin siyang kausapin at alamin ang nangyayari." Sabi ni Kensh.

Huminga ako ng malalim. Maya maya pa ay nakaratign rin kami sa building kung saan naroon ang unit ni biatch.

Ipinasok ni Drake sa parking lot ang kotse saka kami bumaba. Binuhat nuya ulit si biatch.

Mabuti nalang at narito sila. Dahil kung ako lang? Baka mabali ang buto ko sa pagbuhat kay biatch.

Sumakay kami ng elevator mula dito sa basement diretso na sa floor ng unit ni biatch. Kilala na naman kami ng guard sa parking lot kaya malaya kaming nakakapasok dito.

Napansin kong tahimik si Kenshin at abala sa pagtitipa sa cellphone niya. Sino kaya ang katext niya? Hindi aki nagseselos. Curious lang ako.

Bumaba kami ng elevator. Nauna aking lumabas saka tinakbo ang unit ni biatch. Binuksan ko ang pinto dahil alam ko ang passcode. Niluwangan ko ang pagkakabukas ng pinto saka pumasok si Drake. Pumasok na rin ako kasunod ni Kenshin na abala pa rin sa cellphone niya.

"Sa taas nalang, Drake. Sa kwarto." Sabi ko.

Tumango lamang si Drake saka unakyat sa taas. Sumunod naman ako. Nauna akong pumasok sa kwarto saka inayos ang higaan ni biatch.

Nang maihiga ni Drake si biatch sa kama ay binuksan ko ang aircon. Papalitan ko siya mamaya ng damit.

"Kukuha lang ako ng bimpo saka warm water para mapunasan ko si biatch bago ko siya palitan ng damit." Sabi ko kay Drake.

"Alright. I'll stay here."

Lumabas na ako ng kwarto. Pababa na ako ng hagdan pero napatigil ako nang amrinig ko ang boses ni Kenshin.

Sinilip ko siya mula sa baba. May kausap siya sa cellphone.

"Putangina, gago ka pala? Mahal mo 'diba? Bakiy mo sinasaktan? Kaibigan kita pero kaibigan ko na rin si Cherrypink at alam kong sa pagkakataong ito ikaw ang may kasalanan. Alam mo kung bakit? Dahil alam kong may pina-plano kang gawin."

Kumabog ang dibdib ko. Ito ang Kenshin na hindi inosente. This is the real him. Iyong na-e-express niya ang sarili niya.

"No, asshole. Bakit mo pa minahal at pinaasa kung hindi mo naman pala paninindigan? Gago ka talaga e. Mahal na mahal ka ni Cherrypink! Oo may nagawa siyang mali nuon pero tapos na iyon. Mahal ka naman niya. Iyon ang mahalaga pero ikaw ang hindi ko maintidihan. Putangina mahal mo din siya pero bakit nababakla ka? Putangina bakit hindi mo magawang piliin ang girlfriend mo? Putangina, Duke! Nahihiya akong kaibigan kita."

Ngayon ko lang narinig si Kenshin na magmura ng hindi lang iisang beses.

"Alam mo ba kung bakit binabara ko palagi si Frey? Alam mo ba kung bakit sinasabi ko sa kaniya palagi na hindi ko siya mahal? Dahil putangina ayoko siyang umasa! Hindi ko sinasabing hindi ko siya gusto. Ang point ko, ayoko siyang umasa dahil hindi ko alam kung kaya kong panindigan kapag hinayaan ko siya! Walang kasiguraduhan kung hindi ko siya masasaktan. Walang kasiguraduhan kung mapapanindigan ko siya hanggang huli at wala akong kasiguraduhan kung mamahalin ko siya tulad ng pagmamahal niya. Ang babae, marupok sila. Pakitaan mo ng motibo, iisipin nila may gusto tayo sa kanila. Maging sweet ka, bibigyan din nila ng kahulugan. At sila, kapag nagmahal, sagad. Kaya putangina, napakahirap saktan ang mga babae. They are stong outside but inside, they are fucking fragile! Putangina talaga, Duke. Ibabalik kita sa elementary hayop."

Kusang tumulo ang luha ko. Ramdam na ramdam ko iyong sinabi ni Kenshin. Ngayon ko naintindihan kung bakit ang harsh niya sa akin. Ang hindi ko alam, ayaw niya lang akong mas masaktan. Dahil hindi siya tulad ng ibang lalaki na kapag nalaman nilang gusto sila ng babae, papatulan na nila. Halo halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon.

"Gusto mo bang malaman kung bakit galit na galit ako ngayon? Dahil putangina naka-text ko si Phia. Nagsorry siya sa akin at sinabi niyang pupunta kayong US bukas. Sa pagkakaalam ko kasi, si Cherrypink ang mahal mo at ang girlfriend mo pero sasama ka sa US? Putangina, wala kaming kaalam alam sa mga plano niyo? Kaibigan niyo din kami baka nakalimutan niyo? Kung hindi naman pala mahalaga ang nararamdaman namin ni Drake sa inyo ni Phia then got to fucking hell. From this day on, you're no longer my friend."

Pinutol niya na ang tawag pero nakita kong pinahid niya ang luha sa mata niya. Alam kong masakit din sa kaniya ang mga sinabi ni kay Duke.

Pupunta sa US sina Duke at Sophia? Mas pinili niya ba iyong malaking butas na ilong na 'yon?

Huminga ako ng malalim. Pinahid ko ang luha ko saka kinalma ang sarili ko. I need to act like I didn't hear anything. Alam kong nasasaktan din si Kenshin.

Maingat akong humakbang paurong saka muling huminga ng malalim. Ngumiti ako saka pinasigla ang boses ko.

"Kensh!" Patakbo akong bumaba.

Nilingon naman niya ako. Nakita ko pa ang lungkot sa mga mata niya pero ayokong ipahalata sa kaniya.

"Pakibilihan naman si biatch ng gamot sa baba. May drugstore diyan. Iyong sa sakit sa ulo saka pati na rin pala salonpas kasi paniguradong mananakit ang katawan ni biatch. Ihahanda ko pa ang bimpo saka tubig e." Pagsisinungaling ko.

Gusto ko ding makalanghap siya ng hangin sa labas at mailabas niya ang nararamdaman niya.

"Sige, Frey."

Tumalikod na siya saka lumabas ng pinto. Napahawak ako sa dibdib ko. Sa mga narinig ko, mas lalo ko siyang minahal.

He's not the innocent Kenshin. He's the mature one.