webnovel

Trying Again (Tagalog)

Nabigo ka na ba sa pag-ibig? Nawalan ng pag-asa magmahal muli? Hindi madaling umibig muli lalo na pag nasaktan ng sobra. Andyan ang takot na baka masaktan lamang muli pero hindi nito matatalo ang saya na mararamdaman sa muling pag-ibig. Subaybayan ang muling pagsubok ni Risa sa pag-ibig na muli niyang nakita kay Lance na kamukha ng dati niyang kasintahan na umiibig naman sa kanyang ate na si Liza o makikita niya ito sa iba. Photo by Artem Kim on Unsplash

wickedwinter · Masa Muda
Peringkat tidak cukup
69 Chs

Syeteng Kalabaw

Nakalipas na ang tatlong araw na hindi pa din kami nagkakaayos ni Stan.

Hindi siya nagsorry at lalong hindi ako nagsorry pero ilang beses ko ng sinubukan na tawagan siya o di kaya itext pero wala pa din kasi ang nangibaw pa din yung pride ko.

Ang awkward lang talaga nung nangyari ng sinundo ko ang mga kapatid ko sa bahay nina Chester na kapatid ni Stan. Syempre medyo nagulat yung Denise ng nakita niya ako sa labas ng bahay. Nagtatakbo si Chester, little brother ni Stan at kasing edad ni Tommy, nung nakita ako.

"Ate Risa!" sigaw niya habang papunta sa akin at niyakap sa binti ko.

I tapped his head, "Chester, kamusta ka na?"

"Ayos lang ate," sagot niya, yung ngiti niya katulad ng kay Stan pati kutis kaso ang buhok niya medyo mahaba. "Kanina pa ikaw namin inaantay. Bakit ngayon ka lang ate?"

Sina Stan at Denise hindi kumibo pati na din tong kasama kong si Lance na mukhang nagulat din ata.

Ang sunod na lumabas sa pinto ay si Tita, nanay nina Stan at Chester, binati niya ako, "Iha, bakit ngayon ka lang? Kanina ka pang hinahanap ng mga bata."

Napangiti naman ako at nag-isip ng sagot, "May pinuntahan lang po ako Tita."

Mukhang napansin ata ni Tita si Lance kaya napangiti ng nakakaloko si Tita, "Okay lang yun basta sa susunod pupunta ka dito ha. At tsaka kasama mo ata yung boyfriend mo kaya okay lang iha."

Nasamid ako at agad tumanggi, "Naku Tita, hindi ko ho boyfriend yan. Manliligaw po yan ni ate."

"Ganun? Sayang naman," lumapit si Tita kay Stan, "Tingnan mo tong anak ko, may girlfriend na. Makakapagdouble date sana kayo."

Tumawa si Tita at nagreact agad si Stan, "Ma!"

Nginitian ko lang si Tita kasi wala na akong maisip na isagot. Buti na lang at lumabas na ang tatlo kong kapatid.

"Atee!" sigaw nilang tatlo sabay-sabay at nagtatakbo papunta sa akin.

Pagpunta nila sa akin si Lance naman ang kinulit nilang apat hanggang sa nagpaalam na ako, "Tita uuwi na po kami. Pinasundo lang po sa akin nila Papa tong tatlo."

"Sige iha, ingat kayo ha," sabi ni Tita kaso mukhang may naisip pang iba si Tita, "Oh anak bat hindi mo idaan sina Risa sa kanila bago mo ihatid yang nobya mo."

Sasagot pa sana si Stan kaso inunahan ko na talaga siya, "Wag na po, kasama ko naman po si Lance."

Kokontra pa si Tita kaya talagang ngumiti na ako ng todo para hindi na niya ako mapilit pa. Nagpasalamat ako kay Tita at umuwi na din kami.

Saturday nangyari yun at ngayon Tuesday na, ang araw na magtatapat si Lance kay ate.

Sa loob ng dalawang araw na nakaraan, tinulungan ko siyang magprepare sa araw na to. Binigyan ko siya ng tips, lalu na yung mga gusto at away ni ate at syempre nagfeeling expert ako sa panliligaw.

Nung Monday kami magkasama at noong Saturday ay magkatext kaming maghapon habang katext niya si ate. Ako din kasi nagbigay ng number ni ate sa kanya.

Ngayon maaga ako nagising at pagkabihis na pagkabihis ko tinext ko agad siya, Good luck tol, wag kang papalya ha.

Tol na ang naging tawag ko sa kanya kasi soon-to-be-brother ko siya in case mapasagot niya si ate.

Agad tumunog ang cp ko, Don't worry sis, yakang yaka ko ata to.

It sounded gay yung tawag niya sa akin at matawa-tawa talaga ako ng tinawag niya akong sis pero talagang pinandigan niya.

Nagreply naman agad ako, Haha, bakla ka talaga tol! XD Yabang mo ha. Basta wala ng atrasan. Masasayang lahat ng pinaghirapan ko tapos nareject mo pa ako. XD

Magaayos na sana ako ng bag na dadalhin ko kaso bigla ulit tumunog yung cellphone ko, Bakla ka dyan! Lalaking lalaki ako nu :P Sure, magiging boyfriend ako ng ate mo basta no hard feelings ha.

Type naman agad ako sa cellphone ko, Asa ka tol! Natripan ko lang naman talaga nung nagconfess ako sayo. Text na lang kita maya. Update mo ko ha. Good luck!

Slight na totoo yung sinabi ko sa kanya pero heto ako ngayon, tumatakas at iniiwasan na makita siya na kasama si ate.

Kahit na kamukha lang siya ng ex ko, medyo napalapit na yung loob ko sa kanya sa tatlong araw na lagi kaming magkausap kasi mabait at napakagentle man niya kahit lagi niya akong inaasar na may gusto sa kanya.

Kaya ito, nagpaschedule ako ng piano lessons ngayon.

Pagdating ko dun sa room wala pa si Miss Martha kaya nagpiano muna ako. Hindi ako masyado makapagconcentrate kaya medyo nagkakamali-mali yung pagtugtog ko na umabot sa point na maling mali talaga na masakit sa tenga.

May biglang pumindot nung tamang key at nagsalita, boses lalaki, "Dito dapat."

"Ay syeteng kalabaw!" sigaw ko dahil sa sobrang gulat ko sa kanya.

"Nasaan?" tanong niya habang nagpipigil ng tawa.

Nilingon ko siya at nakakita ako ng model. Ang kinis ng mukha niya at ang puti, ang mata niya, itim na para bang mata lang ng manika. Tapos yung buhok niya na natatakluban ang noo niya at tenga niya. Mas lalo pang bumagay sa kanya yung salamin niya.

Slim siya at bagay na bagay ang suot niyang gray na vneck, plain at faded jeans. Mukha talaga siyang model.

"Si-sino ka?" tanong ko sa kanya na medyo nautal-utal.

Natawa siya, yung hindi na pigil, rinig na rinig sa buong room yung tawa niya, "Hindi mo pa din pala ako kilala. Jared Gray Rivera."

Inabot niya yung kamay at ako naman nahiya-hiya pa bago hawakan ang kamay niya.

Infairness ang lambot at ang haba ng mga daliri niya kaya nacurious ako at talagang tiningnan ng ayos. Nakakainggit yung kamay niya, yung akin ang liit kaya ang hirap minsan abutin nung ibang keys.

Narealize ko lang na hawak ko yung kamay niya ng may umehem. Napalingon ako at nakita ko si Miss Martha, ngiting ngiti. Agad akong bumitaw sa kamay niya. Instant pula agad yung mukha ko.

"Jared, manuod ka na lang muna sa amin. Sa Thursday na lang yung lesson talaga natin kasi tong batang to ayaw pumayag na bukas na lang siya," sabi ni Miss Martha habang nag-aayos ng gamit niya.

"Sige po," sagot ni Jared at naupo na siya sa may tabi.

After 3 hours na practice without break, inabutan ako ni Jared ng mineral water.

"Salamat," sabi ko ng mahina sa kanya.

"You're welcome," sagot niya sa akin habang may kinukuha ata sa bag niya.

"Sorry nga pala kung nasuspend yung lessons mo ngayon ha," humingi ako ng patawad sa kanya at yumuko ng konti.

"Anu ka ba? Okay lang yun, nag-enjoy naman ako sa panunuod sayo kanina."

"Sus, binobola mo naman ako. Ang dami ko ngang mali kanina."

"Risa, right? Kahit marami ka pang mali, nakakaaliw ang pagtugtog mo. Hindi nakakasawang pakinggan."

Blush naman agad ako, "Thank you. Sayang hindi pa kita naririnig tumugtog lagi kasi ikaw yung kasunod ko."

"Napapansin mo pala ako," nakangiti siya at grabe mas lalo siyang naging gwapo.

"Yep, I always wondered what you look like."

"So? Anong masasabi mo ngayon na nakita mo na itsura ko?"

Medyo natawa ako ng tinanong niya yun, kunwaring nag-isip muna ako saka sumagot, "Ahhm, okay naman. Hindi ko inexpect na gwapo ka pala,"

Pabulong ko sinabi yung 'gwapo ka pala' pero narinig niya kasi medyo namula ang puti niyang pisngi.

"Marunong ka din pala mambola eh," sabi niya.

"Totoo kaya yun at sobrang nakakainggit yun kamay mo. Ang haba ng daliri mo, gusto ko tuloy lalong marinig kung paano ka tumugtog."

Hinila niya yung kamay ko na medyo kinagulat ko. "Mukha nga kasi hindi mo bibitawan kung hindi dumating si Miss pero cute din naman tong kamay mo. Masarap hawakan kasi ang lambot."

"Bolero ka Jared at ikaw din naman oh, feel na feel mo paghawak sa kamay ko."

Nagblush siya pero hindi pa din niya binitawan ang kamay ko. Kinikilig ata ako. Grabe, ang landi ko ba? Hindi kaya ako, siya kaya. Siya tong humigit sa kamay ko.

"Saan ka nga pala nag-aaral?" tanong ko sa kanya at binitawan na niya yung kamay ko.

"Sa St. Gregorian University," sagot niya at nilagay na niya yung kamay niya sa bulsa niya.

"What? College ka na? Wala sa itsura. Anung year mo na?" tanong ko sa kanya sunod-sunod.

Natawa siya ng konti, "2nd year, nursing ako."

Kwentuhan pa din kaming dalawa hanggang sa narealize na namin na medyo gumagabi na. Sabay na din pala kaming naglunch sa KFC kaya parang maghapon na kaming magkasama. Ang sarap niya kakwentuhan at enjoy talaga ako makipagkwentuhan sa kanya kahit kakikilala pa lang namin. Marami kaming common interests.

"Saan ka ba nakatira?" tanong niya sa akin, "Gusto mo ihatid na kita?"

"Hindi wag na. Kaya ko naman sarili ko," decline ko sa kanya.

"But I insist. Baka on the way din naman yung sainyo," pagpilit niya sa akin.

Nagdadalawang isip pa din ako at mukhang naisip niya yung nasa isip ko.

"Wag kang mag-alala, wala akong gagawin sayo. Ihahatid lang talaga kita sa inyo."

"Pero-" pinutol niya yung sasabihin ko ng hinablot niya yung bag ko at kamay ko.

Nga pala, nakakotse siya since nasa legal age na naman siya. Binuksan niya yung pinto at pinapasok na ako. Nawalan na ako ng choice kaya sinabi ko na din kung saan ako nakatira. At super coincidence, nakitara din siya sa isang subdivison.

In no time, nakarating na kami sa amin.

"Thank you talaga Jared."

"No prob, good night Risa. Sana magkita pa din tayo sa susunod."

"Sana nga, ikaw naman ang tutugtog. Bye. Ingat ka."

Inantay ko muna na makaalis siya bago ko binuksan yung gate namin pero nagulat na lang ako ng may humawak sa kamay ko.

Si Lance.

Bigla niya akong niyakap.

Hello! Thanks for reading. I'm just here to promote my other story called Ugly Little Feelings. It's in English but set in Japan and for 18+ readers. If you're interested and you're 18 and above, please do check it out. Btw, I will update this again on Wednesday. Updates are on Sun and Wed. Thanks for waiting. I hoped you enjoyed reading.

wickedwintercreators' thoughts