webnovel

Chapter 4 (Family)

AGRIANTHROPOS CITY

ALEA

"I'm here, kuya! Huwag ka OA!" nakasimangot na lapit ni Paige kay Trace.

He just gave her an eye. Mukha naman natakot na ito kaya tama na iyon at kailangan niya na sundan si Lev pagkatapos ng ilang sandali na commercial na gagawin niya kapag napahatid na niya ang kapatid sa hotel-resort niya.

"Ihatid mo na 'yan sa hotel," utos ni Trace kay Hector, ang isa sa mga henchman niya na paborito yatang gawin ang sundan siya kahit ayaw niya. Alam niyang kanina pa naghihintay ito kung may ipapatrabaho siya.

"Yes, Boss Trace." Mabilis na lumapit si Hector kay Paige. "Tara na, Miss Paige."

"Ayoko pa umuwi!" biglang inarte na naman ang kapatid niya na nagdadabog na humila ng stool chair na naroon sa audio room at naupo sa harap niya.

Si Hector ay napakibit-balikat lamang na tumingin sa kaniya at hinihintay ang kasunod na sasabihin niya.

"Okay, maiwan ka na lang rito at babalikan kita," nakangiti ng peke na sabi niya sa kapatid. Tumatango. Why not? Paige wanted to act like spoiled brat then he will spoiled her more. Habang tumatagal ay padagdag ng padagdag kamalditahan ng kapatid niya kaya tama na rin patinuin niya ito ngayon.

Paige smiled widely. Spoiled na spoiled na feeling nagtagumpay na naman sa pagmamaldita nito.

"You will really let me stay here in your casino?" naninigurong tanong nito, nakangiti at mukhang masayang-masaya talaga.

"Yes," he gave Paige a tolerating smile. "Hector, Let's go! I-lock mo itong audio room para siguradong hindi makakalabas ang bratinella na kapatid ko. Ayaw ko mawala 'yan at wala na ako mahanap na kapatid na tulad niyan."

"What?!" nanlalaki ang mga mata ni Paige sa narinig na utos niya.

"Ayaw mo na naman?! Mamili ka at may usapan pa kami ni Lev. Ihahatid ka ni Hector sa Deversorium o maiiwan ka rito?" nang-aasar na tanong niya kay Paige.

"Susumbong kita kay Kuya Lev!" parang bata na banta na nito na tinawanan niya lang.

"Woah! Natakot ako. I'm scared, Paige!" He walked away at lumabas na siya ng audio room. Alam na ni Hector ang gagawin. Susunod na lang ito sa club ni Lev kapag naihatid na si Paige at naibilin kay Nite, ang isa sa magagaling na assassin ng Foedus. Nasa hotel niya si Nite dahil may kailangan siya ipagawa sa labas ng isla. May advance payment na nga siya at siguradong nag-enjoy na iyon kanina nang iwan niya kasama mga angels ni Chase.

Mabilis siyang bumaba sa area ng mga naglalaro, as he was seeing ay marami na agad sugarol ang nasa loob ng casino kahit papadilim pa lang naman. He saw some known wealthy people na naglalaro ng poker nang pumasok siya sa VIP room na para lang sa mga kaya pumusta ng hindi bababa sa 20 million sa isang round.

"Trace!" nakangiting bati ni Congressman Rodillo nang makita siya. Nagmamadali siya but he need to check kung tama ang itinimbre sa kaniya ni Keros na nakarating na sa isla ang isa sa mga espiya ng kalaban nilang grupo.

He scanned the men playing poker with their b*tches na abala sa paglalandi sa mga ito. The b*tches' eyes gave him a look na alam naman niya na pinagnanasaan na naman siya. He smirked. May usapan sila ni Lev kaya wala siya panahon sa mga ito. But probably he could give them to Elliot or Logan. Pa-welcome back niya sa dalawa pagbalik ng mga iyon sa isla.

He again gave an eye to the foreign man na kalaro ngayon ni Congressman Rodillo. Regular si Congressman Rodillo sa isla pumupunta. Applying to be an associate. Naka-schedule na nga sana ito para sa initiation but he doubt him, sisiguraduhin niya na ang gabing ito ang huling tapak ni Rodillo sa isla kasama ng kaibigan nito na pasimpleng dinala para lang mag-espiya sa kanila or mostly sa kaniya.

"I'm busy but I just want to see if what I heard is right, congressman…." nakangiti niyang sabi sabay lapit dito at mabilis na hinawakan ang likod ng ulo nito at inuntog sa poker table. He pulled his Glock G19X, his favorite 9mm na lagi nakasuksok sa likuran niya lagi.

He aimed the gun to the British man na alam niyang espiya and pulled the trigger bago pa makabunot ng baril iyon. He smirked when he saw the man's body drop dead na may tama sa mukha. One down! Nagsigawan ang mga babae at mabilis na nagtakbuhan palabas. Natakot agad. He laughed.

Mabilis niyang itinutok kay Congressman Rodillo ang baril nang ramdam niya na gumalaw ito.

"You know what I f*cking hate?" tanong niya rito.

Hindi naman ito sumagot. Napabuga siya sa inis, ayaw sumagot at mukhang walang kwenta kausap. Isinuksok na lang niya muna ang baril muli sa may likuran niya. Inayos niya ang upo ni Congressman Rodillo, sinuklay pa niya ang buhok nito gamit ang mga daliri niya at inayos ang nagulong kuwelyo at kurbata nito.

He stared at his face at natawa siya sa nakikita niyang dugo na tumutulo sa ilong nito. He was chuckling at nang makalma ang sarili ay muling kinausap ito.

"Sino 'yang p*tanginang 'yan?" tanong niya. Alam na niya kung sino iyon. Keros already told him pero gusto niya malaman kung magsasabi ng totoo si Rodillo.

"Hindi ko kilala 'yan. I was playing here and you did this to me. Ano ba ang proble–"

He immediately gave a straight punch to Rodillo's face kaya hindi na nito natapos ang sasabihin.

"Again, sino 'yang putanginang 'yan na dinala mo rito sa isla?" muling tanong niya. Nakangisi at tuwang-tuwa. Matagal na siyang walang tino-torture at okay sana si Rodillo pero ang dramatic actor ng taon na si Lev ay kailangan niya puntahan.

"Once I got home ay isisiwalat ko ang lahat ng tungkol sa gawa ninyo rito! Trace Dimagiba, sisirain ko ang pangalan ng ama mo!" pagbabanta nito.

"Gusto ko 'yan! Gusto ko 'yan na sirain mo pangalan ng tatay ko. Magkakasundo tayo d'yan but not with your idea. Hindi ka na makakauwi, Rodillo. Magiging pagkain ka na ng mga alaga ko," nakangisi na imporma niya rito.

He saw how Rodillo's eyes grew bigger in fear. He walked away from him nang makita niya si Isaiah, another member of Foedus, na papasok na para makalapit sa kanila.

"Save him for the Game of Beast tomorrow," bilin niya at iniwan na ito.

IDÉE FIXE (Lev's Club)

Pumapalakpak siya sa nakitang pambubugbog ni Lev. Kawawang senador na biktima nito. Plano niya ikwento rito ginawa niya kay Rodillo pero huwag na at iba na ang epekto ng droga sa kaniya. Kailangan niya ng babae.

Ang mga g*gong Raj at Zech na kasama ni Keros kanina sa casa ni Chase ay nakita niya na bumibira ng droga, bagong produkto raw at baka gusto niya raw subukan. He was dead tired sa sunod-sunod na pangyayari sa linggong iyon. Nagbyahe siya papunta Salvacion para makipag-away sa ama, sinundo si Paige sa Baguio, bumalik sa isla dahil sa drama ni Lev at simula nasa isla siya ay sunod-sunod rin iniintindi niya. Pinaliguan niya pa isa-isa mga alaga niya. Kagabi nga lang siya nagka-time sa mga angels ni Chase hanggang kaninang umaga na ginulo pa nina Paige at Lev.

Nang lapitan niya si Lev ay mas mukhang bangag pa sa kaniya dahil mukhang nasa 'no touch' mode na naman ito. There was a problem with Lev, kapag nagalit ay gusto pumatay. Hindi naman siya gano'n, he wanna kill kapag alam niya na dapat na niyang patayin ang tao dahil istorbo na sa katiwasayan ng grupo ng Foedus.

Hindi rin siya nagpapadala sa galit. Pumapatay lang siya na matino ang lagay ng utak niya, walang drugs sa sistema niya at kahit alak ay hindi siya apektado. His way of killing is part of his happiness, katuwaan lang. Kapag may nalaman siya nakapasok sa isla na may hindi magandang motibo ay patayin na niya agad, ayaw niya ng alalahanin, at kailangan din ng kalaro ng mga alaga niya kaya natutuwa siya kapag may mga malalakas ang loob na pasukin ang isla, nangangahulugan lang iyoon na may magiging kalaro mga pusa niya.

His big cats won't eat anyone unless he said so. Hindi naman totoo ang kwento sa isla na tinuturuan niya ng kung ano-ano ang mga alaga niya. He won't do that dahil kung tuturuan niya mga alaga niya ay baka maubos na myembro ng Foedus, baka pati mga co-founders niya ay nilapa na. He can't do that to them. Foedus became his family.

"Anong tinira mo?" tanong ni Lev sa kaniya.

He laughed. "Babae o drugs? Paki-klaro."

"You know what I mean. Damn it!" badtrip na sabi ni Lev.

Lalo lang siyang natawa at napangisi sa kaartehan ni Lev. Para itong nasa menopausal stage sa kasungitan. Hindi na niya ito inintindi at naglakbay ang isip sa droga na tinira niya kanina.

Ang sabi ng mga siraulong kasama niya kanina ay maganda ang drugs para hindi siya tablan ng antok. Okay naman at gising na gising na nga diwa niya at nagawa niya pa kunin ang belt bag na nakita niya kanina sa nagtitinda ng yosi. Nagtataka siya kung kanino tao 'yong nagtitinda ng yosi pero naawa naman siya kasi happy pill yata ang drugs at kanina pa siya masaya. Patayin niya nga sana kasi hindi niya kilala iyong tao pero mabuti at may belt bag ito na kursunada niya. At pasalamat si Yosi Man at hindi siya pumapatay kapag naka-droga. Mabait naman kausap kasi, aalamin niya rin bukas ang pangalan nang tindero na iyon.

"Boss Trace, ba't ho amoy isda 'yan?" tanong ni August sa kaniya na tinutukoy ay ang belt bag na suot niya. Si August ang kanang-kamay ni dramatic actor Lev.

He sniffed it, mukhang may diperensya ilong niya sa kakasinghot kanina o baka naman nawala pang-amoy niya dahil sa drugs nina Raj. Parang amoy-isda nga sa pang-amoy niya.

"Really? Tangina. Naisahan ako doon ah!" natatawa niyang sabi. Pupuntahan niya talaga bukas ang nagtitinda ng yosi. Bakit amoy isda? Dapat amoy yosi.

Badtrip naman si Lev na iniwan sila ni August. Natawa na lang siya. Nabitin siguro sa babae si Lev kaya drama ng drama. Sign of ageing na talaga.

"Pikon ng amo mo, August. Kanina lang kita ko matambok na puwet n'yan. Panay giling 'kala mo gigolo," natatawa niyang kwento kay August at tumawa rin ito.

Alam niya na pikon na naman si Lev sa kaniya pero balewala. It won't matter. Lev is Lev. Praning. Pero sino ba hindi praning sa kanila?

He was about to follow Lev when he saw a new woman na ngayon niya lang nakita sa isla, he stared at her at napailing. Nilalaro siya ng paningin. Unang tingin niya ay parang mukha nang nakabangga na teenager sa airport ang mukha ng babae. Ipinilig niya ang ulo, lakas na talaga ng tama niya at hindi niya rin maunawaan ang sarili kung bakit niya lagi nasa isip iyong teenager na iyon. Baka sign na kailangan na niya hanapin.

"Tangina!" napamura na siya sa sarili na natatawa.

He can't let himself be haunted by the teenager's face. Mukhang nilalaro na siya ng imagination niya dahil sa droga. Iniwan na niya si August at sumunod na kay Lev. Samahan niya muna magdrama at baka magpakamatay pa.

DEVERSORIUM

A day later…

"I wanna go home na!" nagdadabog na sabi ni Paige bago hinila ang upuan sa harap ni Trace na kasalukuyan na nag-aalmusal. "I should have not contacted you when I was in Baguio! You.Are.So.Irritating.Kuya!"

Hindi naman pinansin ni Trace ang kapatid. Patuloy lang siya sa pakikipag-usap. Masakit ang ulo niya sa dami niya nainom na alak kagabi at dahil na rin sa droga. Bangag siya kagabi at halos ubos ang semilya niya sa pagbi-BJ sa kaniya ng tatlong babae na gumawa ng paraan para lang matulungan siya matanggal ang epekto ng droga sa kaniya.

Napabuga siya sa inis nang maalala na hindi niya natanggihan ang rason ni Lev kagabi sa kabangagan niya. Umoo na lang siya kasi happy nga siya. Ang naalala niyang sabi ni Lev ay hindi naman maiiwan sa kaniya ang buong pamamahala. Lev would stay as the Foedus' advisor.

"I said gusto ko na umuwi!" muling dabog ni Paige at pinukpok pa ang mesa at napangiwi nang masaktan.

He smirked. "Tatapusin ko lang ang kasunod na meeting with the founders at ihahatid na kita agad pauwi. Mas mabuti pa nga na nasa Salvacion ka."

"Meeting with your co-founders? With your six besties?" biglang excited na tanong ni Paige na ikinakunot naman ng noo niya. Parang alam na niya kung bakit bigla na naman baliw-baliwan ang kapatid niya. Hindi niya sinasabi na dumating na sina Jeru pero mukhang hindi na kailangan sabihin at nasa mukha na nito ang expectation.

"Ipahatid na lang pala kita kay Hector para makauwi ka na at hindi na ako natutuwa sa'yo," bigla niyang sabi dahil sa hindi na talaga siya natutuwa sa pagdi-daydream nito. Lev was right, hindi na bata ang kapatid niya at hindi niya alam kung hanggang saan ang kontrol ng mga myembro ng Foedus.

"Kuya! I could stay here for a week pa naman eh or even for a month..." nakangiti na nitong suggestion.

"Jeru's not coming, busy raw siya gawa porn," he just said it para mang-asar at nakita naman niya kung paano nainis si Paige at sumimangot na lang sa harap niya.

"I want you to meet my friends pero huwag na lang dahil sa ugali mo!" Paige made a face after saying that. "And don't say na gumagawa ng porn si Jeru. He isn't like you na proud pa ikalat mga scandals mo!"

"Your friends would still like me kahit pangit ugali ko. Ilang taon na ba mga 'yan? Kasing-edad mo? Bigay natin kay Lev at mahilig sa daisies 'yon."

"My friends are decent girls like me, kuya. They are the same age as me. Harriet was the one I am telling you and her cousin Chloe, they wanna visit me in Salvacion. Kapag nando'n sila eh huwag ka pupunta at ayoko makita nila kalokohan mo."

"Hindi ako pupunta at dalawa lang pala. Kapag may ipapakilala ka sa akin ay gawin mo tatlo, iyon ang minimum ko."

"Eww… I know what you are implying but no! Don't ever include my friends sa mga kalokahan mo! Kadiri ka, Kuya! What I saw yesterday is freaking me out and you let me see it!"

"Lev let you see it! Huwag puro ako sinisisi mo…"

"You are not allowing me to have a boyfriend but you are having s*x with your three girlfriends!"

"They are not my girlfriends. Mga regalo lang ni Chase. At hindi ka talaga dapat mag-boyfriend hanggang wala ka pa thirty. You are impulsive, Paige. Hindi ako papayag maulit nangyari noon sa inyo ni Apollo."

"Wala naman nangyari sa amin talaga. Sana nga mayro'n na lang para may reason pananakit mo sa tao. You even left a scar on his biceps, kuya. Mabuti na lang at loyal siya sa Foedus, kung hindi ay baka matagal ka na pinatay."

"May gusto ka pa rin doon?" natawa niyang tanong sabay higop ng kape.

"Of course wala na! Hindi ko pagtataksilan si Jeru ko. Kailan dating niya, kuya? Pasama naman ako kay Hector sa house ni Jeru…" biglang nag-change ang tono ng boses nito at naging sweet na.

"Pasamahan kita sa mansion ng mga pusa gusto mo?"

"Ayoko nga! Saan ba ganapin meeting niyo? Sa place ni Kuya Lev o dito?" muli ay nakangiti ito ng pagka-sweet-sweet sa kaniya.

Nailing na lang siya. "Dito sana pero nagbago na isip ko, sa club na lang ni Lev."

"I hate you!" nakasimangot na sabi nito.

Natawa lang siya. Hindi kasi pinapayagan ni Lev si Paige pumunta sa Club Idée Fixe kaya wala na ito nagawa kung hindi sumimangot na lang.

"Isusumbong kita kay papa…" pabulong na sabi nito.

"Wala ako pakialam sa papa mo!" inis niyang sabi.

"Why do you hate papa so much, kuya?" biglang tanong ni Paige sa kaniya at naging seryoso na ang boses. Hindi siya umimik. "Hindi na ba talaga kayo magkakaayos. I love papa, kuya. I love you too. Minsan masakit din sa akin na naiipit ako sa away ninyo. And to tell you the truth, papa kept on telling me na gusto niya maging okay kayo."

"He was the one who cause mama's death, Paige…" masama ang loob na niyang sabi. "If he could turn back the time at ibalik sa panahon na buhay si mama ay baka mapatawad ko na siya."

Hindi na rin nagsalita pa si Paige. Again the feeling of betrayal succumbed to his system. Paige was only eight when it happened. Wala naniwala sa kaniya sa nakita, not even his father and he was even accused of creating a story dahil wala lang siyang magawa kung hindi siraan si Louisianna.

"What papa could do para maayos lang kayo?" tanong ni Paige, wala na siya marinig na kaartehan sa boses nito.

"Wala na siya magagawa pa, tanggapin na lang niya na ikaw na lang ang anak niya na kayang magmahal pa sa kaniya."

"Hindi ko ba pwede i-request na kahit para sa akin man lang."

"Don't expect too much from me, Paige. Mabibigo ka lang." Tumayo na siya at iniwan ang kapatid. He don't want to talk to anyone at this point. Masama ang loob niya. Naulit na naman lahat ng sakit na nadama niya noon.

Naisip niya ang ina. Si Louisianna at ang ama. Si Paige na eight years old pa lang. Si Logan na alam ang lahat mula sa kwento niya. Si Lev. Ang Foedus. He was thinking of them when he remember the eyes of the teenager again at the NAIA. Bigla siyang nabadtrip sa huling naisip.

"Fuck! I think I need a doctor!"