webnovel

Sorry na!

Chapter 5

Kinagabihan habang gumagawa ng homework si Prince tumunog ang kanyang cellphone. Nang buksan niya ito may message sa kanya si Sen at sinabing

"Magpapatutor ako ulit sayo bukas ng hapon. Bawal tumanggi."

Hindi alam ni Prince ang kanyang isasagot. Pero sa totoo lang kinikilig siya. Ilang beses niyang binasa ang message ni Sen. Paulit-ulit niya itong binabasa at habang binabasa niya ito may pa padyak-padyak pa siya at pangiti-ngiti. Ngiting kinikilig.

"Kinikilig ako grabeh. Bakit ba siya genyen. Ane be yen?" kilig na kilig si Prince at binasa ulit ang message ni Sen.

Tinawagan ni Sen si Eithan.

"Hello pare!"

"Uyy, napatawag ka Sen"

"May pinapasabi si Prince di niya kasi nakuha number mo, di daw siya pwede kasi may babayaran pa siya sa akin. Nahiya daw siya sa akin. Tapusin na lang daw muna niya utang niya sa akin tapos saka kanya i-tutor"

"Ay ganun ba pare, o cge tawagan ko na lang siya"

"Tulog na siya pare, nag goodnight na eh"

"Aga naman niya natutulog"

"Ganun talaga yun pare, lagi kasing pagod sa school"

"O cge pare, pakisabi na lang sa kanya next time na lang."

Pagkatapos tawagan ni Sen si Eithan tinawagan niya si Prince.

"Hoy!!!!"

"O, napatawag ka?"

"Bakit di ka nagreply sa message ko?"

"Wala akong load"

"Lagi naman, siya nga pala tinawagan ko si Eithan"

"Ano sinabi mo?"

"Sabi ko di ka pwede"

"Ha???"

"Sabi may babayaran ka sa akin kaya itu-tutor mo ako ulit"

"Ayyy...bakit ay?"

"Ayaw mo na ba sa akin?"

Napahinto si Prince sa tanong ni Sen. Napangiti siya at napatayo sabay padyak at may pahampas hampas pa sa pader. Kilig na kilig si Prince. Di maipaliwanag ang tamis ng kanyang mga ngiti.

"Uyyy, bakit di ka na sumagot?"

"Ah wala, may inayos lang ako"

"Bukas after class, start ulit ang tutor naten"

"O cge,"

"May sasabihin pala ako"

"Ano iyon?"

"Sorry"

"Sorry ? para saan?"

"Basta sorry, bati na tayo ah"

"Di ka na galit?"

"hindi na po, sorry, cge goodnight na"

"Good night din, sorry din"

Binaba na ni Sen ang cellphone. Hindi naman maipaliwanag ang nararamdaman ni Prince. Masayang masaya ang kanyang gabi. Pakiramdam niya siya na ang pinakamasayang tao sa balat ng lupa.

Kinaumagahan pagpasok ni Prince. Pagbukas niya ng kanyang drawer ay nakita niyang may lunch para sa kanya at nakalagay sa sticky note "Sorry na, sana magustuhan mo ako ang nagluto niyan. :-)"

Tumingin siya kay Sen at nakita niyang nakatingin rin sa kanya ito. Nginitian siya ni Sen at ginantihan niya din ito ng ngiti.

-Afternoon dismissal- (Inside the coffee shop)

"Kumusta ka?" tanong ni Sen

"Eto ok lang."

"Ahhh...ok"

"Ikaw, kumusta ka?"

"Eto pogi pa rin" nakangiting sabi ni Sen.

Di napigilin ni Prince ang mapangiti din. At sinimulan na nila ang mag tutor. Bumalik sila sa dati. Yung masaya at walang ilangan.

"Hatid kita sa bahay niyo"

"Luhh, huwag na"

"Basta ihahatid kita, ayaw mo bang ihatid kita?"

"Ahhh, hindi naman pero gabi na"

"Sakay na, ihahatid kita"

Walang nagawa si Prince kung hindi ang magpahatid kay Sen. Hindi na pinapasok ni Prince ang sasakyan kay Sen at bumaba na ito. Napakaganda ng gabi ang daming mga bituin sa langit at malamig ang simoy ng hangin.

"Saglit lang," sabi ni Sen at bumaba siya sa sasakyan.

"Bakit? May sasabihin ka?"

"Ahhh...kasi"

"Ano?"

"Meron pa ba yung nararamdaman mo sa akin? totoo ba yun?" seryosong sabi ni Sen.

Napangiti si Prince. "Ayaw ko magsinunagling, pero oo, meron pa sorry ah"

"Pwedeng kalimutan mo na yang nararamdaman mo?"

"I'm doing all my best, sana nga mawala na ito"

"Kaya mo yan, may tiwala ako sayo"

"Thanks"

"I'll go ahead."

"Ingat ka"

Hinintay ni Prince si Sen na makaalis at pumasok na rin siya sa loob.

Pagbaba niya ng kanyang bag sa kanyang higaan ay nag ring ang kanyang phone. Nang kunin niya ito tumatawag si Eithan.

"Hello, sino po sila?"

"Prince si Eithan to,"

"O, Eithan ikaw pala yan, napatawag ka"

"Tinawagan kasi ako ni Sen nung isang gabi"

"Oo nga, pasensiya ka na"

"Ok lang yun, pwede kaba tuwing sabado?"