"SALAMAT," aniya matapos maupo sa isang canvas chair. "Si Kapitan?"
"Natutulog na."
"Kayo? Bakit hindi pa kayo natutulog?"
"Nagpapainit lang kami nang kaunti, bosing," paliwanag ni Andong. "Tigda-dalawa lang naman kami, e."
"Tapos na ba ang misyon, boss?" tanong ni Leroy.
Umiling si Bullet bago tumungga sa hawak na bote.
"Nandiyan lang sa unahan ang hinahanap natin, a?"
"Alam ko," aniya. "Pero hindi naman natin siya huhulihin. Susundan lang natin siya.
"Kahit na saan magpunta?" paniniguro ni Domeng.
"Oo. Hindi siya puwedeng saktan," tugon niya.
"Isa pa, bosing?" alok ni Domeng nang maubos na niya ang serbesa.
"Hindi na. Pupunta na ako sa kuwarto ko. Kayo, magpahinga na rin kayo. Maraming ipapagawa si Kapitan bukas."
"Yes, boss!" ang sabay-sabay na tugon ng tatlo.
He took a quick shower and rubbed his whole body briskly. Not bothering to wear anything, he stretched out on the bunk.
Matagal siyang tumitig sa kisame bago niya natanggap na hindi siya makakatulog agad.
Bumangon siya para kumuha ng alak sa drawer ng writing desk.
Nakaka-dalawang salin na siya ng alak sa baso nang kumuriring ang cellular phone.
Alam na niya kung sino ang caller kahit na hindi pa tinutugon iyon.
"Hello?"
"Bullet," anang boses ni Richie. "Bakit hindi ka na nag-follow-up report?"
Inihilamos ni Bullet ang isang palad sa mukha nang maalalang tinawagan niya ang nakakabatang amo kaninang dumaong sila sa Cebu City Port.
"Kanina pa ako hintay nang hintay dito," patuloy ni Richie nang hindi siya kumibo.
"Hindi ko alam na kailangan ko pang tumawag uli sa 'yo," katwiran niya matapos ubusin ang ikatlong shot ng mamahaling scotch.
The other man snorted loudly. "Nakalimutan mo na bang may iniutos ako sa 'yo, Sanchez?"
"Hindi naman," tugon niya. Malumanay pa rin ang kanyang tono. "Pero hindi naman madali ang iniutos mo."
"Ano'ng mahirap sa ipinapagawa ko?"
"Mahigpit ang bilin ng Papa n'yo na hindi dapat masaktan si Rebel."
"Alam ko," pakli ni Richie. "Patutulugin mo lang naman siya, a? At—presto!--tapos na ang trabaho mo."
"Hindi pumayag si Don Ramon na ganyan ang gawin ko kay Rebel," pagtatapat niya.
"S-sinabi mo kay Papa--?" Richie almost exploded with anger. "Bakit sinabi mo kay Papa?" dugtong nito. Nang-uusig ang tono.
"Bakit hindi? He pays my wages."
"Aba't--sira pala ang ulo mo, ano? Gusto mo bang maalis diyan sa posisyon mo? Sasabihin ko kay Papa na tapusin na ang pagkuha sa serbisyo mo," pagbabanta nito.
"Nobody's stopping you," pahayag niya. "Bye."
Pinindot niya ang buton bago pa nakapagsalita uli ang kausap sa kabilang linya.
"Alam kong may sikreto ka, Richie Tiangco. At iyon ang dapat kong malaman," bulong niya sa sarili habang napapangiti.
Nakatulugan niya ang iniisip na iyon. Maliwanag na nang magising siya.
"Magandang araw, Bullet," ang masiglang bati ni Kapitan Ping.
"Magandang araw rin sa 'yo, Kap. Dinalhan kita ng kape." Pagkaabot ng malaking coffee mug sa kaharap, ibinaling niya ang paningin sa kalangitan.
"Maaliwalas ang panahon," pahayag ng kasama sa control room. "Kailan ba tayo aalis dito?"
Hindi muna tumugon si Bullet. Sinilip niya sa largabista ang kinaroroonan ng 'Manlalakbai'.
Nakaalis na ang karamihan sa mga nakadaong na sasakyan kaya kitang-kita na ang yate ni Rebel.
"Baka bukas o sa makalawa pa," aniya. "Habang nandito tayo, magpabili ka na ng mga dagdag na stocks."
"Oo, mamimili ako ngayon."
Habang nagsasalita siya, nakapagkit pa rin ang mga mata sa hawak na binokular. Kaya nakita niya ang eksaktong sandali ng pagdating ni Rebel sa deck.
May kausap itong isang tomboy na may edad na.
Nawalan ng tinag si Bullet.
Bigla siyang nakaramdam ng di-maipaliwanag na galit.
Para bang gustong magsikip at sumabog ng kanyang dibdib.
God, he's jealous! bulalas niya sa sarili.
Minasdan niya body language ng dalawang babae. Pilit binabasa kung may intimacy na namamagitan.
Ngunit mahirap basahin kapag nasa malayo. Dapat ay sa malapitan.
"Bakit, iho?" taka ng kaharap, pagkakita sa nagdidilim na ekspresyon niya.
"Wala, Kap," he denied while taking angry strides towards the iron stairway.
"S'an ka pupunta?"
"May kailangan lang akong kausapin," aniya habang maliksing pumapanaog.
Ilang sandali lang ang inubos niya bago nakarating kay Rebel.
"Reb! May tao!" hiyaw ng isang binatilyong Aeta.
Sabay na luminga ang tomboy at ang dalaga.
Saglit lang ang pagkabigla ng huli. Humakbang itong palapit sa kanya habang nakakunot ang noo.
"Ano'ng kailangan mo?"
"Ikaw," tugon niya. "Maaari ka bang makausap?"
Wala pa ring reaksiyon ang babae. Kumiling lang ang ulo nito bilang pagpayag.
"Puwedeng tayong dalawa lang?" dugtong niya.
"Dito tayo," wika ni Rebel habang humahakbang patungo sa bandang likuran.
"Hindi na nila maririnig kung anuman ang sasabihin mo, Sanchez."
"Pero nakikita pa rin nila tayo," he pointed out tightly.
Nagkibit lang ito ng mga balikat.
Nagtagis ang mga bagang ni Bullet ngunit wala siyang ibang opsyon.
"May relasyon ka ba sa tomboy na 'yon?" pang-uusig niya.
Bahagya lang tumaas ang mga kilay ng babae. "Ano sa 'yo kung meron?"
"Wala," pagsisinungaling niya. "Pero tiyak na hindi magugustuhan ng Papa mo kapag nalaman niya."
"Isusumbong mo kay Papa?" Puno ng sarkasmo ang tono ng dalaga.
"Trabaho kong pangalagaan ka, Rebel."
"Ows?" pambubuska nito. "Bakit kagabi? Ikaw pa ang umaatake sa akin?"
Namula nang husto ang mukha at leeg ni Bullet.
"I don't have to explain myself to you," pakli niya.
"Well, I don't need your explanation," bawi nito. "Ano ba ang importanteng sadya mo?"
This was not the way he planned their next meeting!
Tumikhim siya. "I'd like to apologize for my behaviour last night." He tried to backtrack the conversation.
Tumawa ang babae. "Tutoo ba 'yan sa loob mo?"
Bullet hid his surprise. Watching her laughing genuinely was a spectacle. Nakakatulala.
Tumango siya. "I lost my head." He said with a sigh.
Nakangiti pa rin si Rebel nang tugunin siya.
"Sumakit ba nang husto ang ulo mo?"
Hindi agad niya nasundan ang ibig sabihin nito, kundi pa isinenyas ang gawi ng batok niya.
"Kumusta na ang pinalo ni Juana?" tanong nito.
"Medyo masakit pa, pero dapat lang naman sa akin 'yon, hindi ba? Naging bastos naman talaga ako."
Umiling-iling ang babae. "Ano naman kaya ang bago mong plano ngayon?" tanong nito.
Napamaang si Bullet. "Ano'ng plano?"
"Huwag mo na akong paikutin, Sanchez."
"Hindi ba talaga tayo puwedeng maging magkaibigan?"
"You'll always be an enemy to me, Bullet Sanchez." She said without conviction.
He pretended to be unperturbed.
"Maybe, I can be your lover?" he asked her with marked nonchalance.
Hindi agad nagsalita ang dalaga. Tila nag-iisip.
"Well?" untag ni Bullet.
"You could be… but I'm still thinking about it," she said saucily at last. "I am insatiable, you know." Tumaas-taas pa ang mga kilay habang tumatawa.
"I think I would like an insatiable lover. It'll be a challenge to keep you satisfied!"
Namula ang mga pisngi ni Rebel. Nangislap ang mga mata.
"But I'm still thinking about it."
"Don't take too long. Life's too short."
Tumalikod na si Bullet. He was getting aroused with their banter.
He didn't want to lose his head the second time. Baka mabali na ang leeg niya sa susunod. Masakit pa rin ang batok niya.
Si Juana ang naging tagapagligtas ni Rebel.
At hindi pa rin niya alam kung ano relasyon ng dalawang babae.
Pero hindi na mahalaga iyon. May binabalak si Richie Tiangco.
Ang dapat niyang paghandaan ay ang susunod na hakbang ni Richie. Ano ang gagawin niya kapag nagpasiya si Don Ramon na bawiin ang misyon?
His fascination with Rebel was just starting. He was intrigued. Ngayon lang siya narahuyo sa isang babae.
Parang ayaw niyang tapusin. Gusto niyang makita kung saan sila hahantong?
Gayon din si Rebel. Nararamdaman niya ang pagka-intriga nito sa kanya.
Ano ang mangyayari kapag nagpadarang sila sa di-mapigil na apoy ng atraksiyon?
Kapag iniurong ni Don Ramon ang misyon, itutuloy niya. Susundan niya si Rebel kahit saan ito magpunta.
Iyon ang naging desisyon ni Bullet.
Lingid sa kanilang dalawa, isang pares ng mga mata ang nakasilip sa kanila sa largabista.
Nagngangalit ang mga ngipin. "Akin ka lang, Rebel!"