webnovel

To Capture a Flame

Si Rebel ay laking-kumbento at naghihintay lang ng tamang pagkakataon para maging malaya. Si Bullet ay isang mersenaryo na inupahan upang sundan siya. Isang dalagang rebelde at isang lalaking matalas ang mga mata, saan magtatagpo ang dalawa? Rebel was free! She was done at playing dumb, submissive, and oh-so-obedient. When she turned twenty-one, she got her trust fund. She bought a yacht and planned on a world tour. Bullet was a mercenary who accepts money to hunt a fugitive. And he was commissioned to catch a fugitive lady, Rebel Tiangco. Her name alone said something about her—that she would fight him than let him capture her!

ecmendoza · perkotaan
Peringkat tidak cukup
16 Chs

Chapter Five

NAGTUNGO si Rebel sa isang agency na matagal na niyang nakita sa diyaryo.

"Kailangan ko ng all-female seacraft crew," wika niya sa owner/manager ng naturang employment agency.

"Nagpunta kayo sa tamang lugar, ma'am," ang nagmamalaking pahayag naman ng kausap. "Ilan ba ang kailangan n'yo?"

"Tatlo," ang walang gatol na tugon niya. "Gusto ko ng mga good characters."

Tumawa ang kaharap. "Marami kami niyan dito, ma'am," anito habang kumukuha ng mga folders.

Ibinigay nito ang tatlong folder kay Rebel.

"Ang mga 'yan ang pinakamatitino namin, ma'am," wika nito. "Mukha namang nakahanda kayong magbayad ng mahal para sa mga de-klaseng serbisyo, kaya sila agad ang iaalok ko sa inyo."

Tumango si Rebel. Binasa niya ang mga biodatas ng mga future crews ng kanyang 'Manlalakbai'.

"Gusto ko sila," sambit niya matapos rekisahin ang mga rekord. "Kailan ko sila maaaring ma-interview?"

"Ipapatawag ko sila agad," ang nakangiting tugon nito. "Nandiyan lang sila sa likuran ng opisinang ito."

Isa lang ang itinanong niya sa mga babaeng halos malapit ang edad sa kanya.

"Gusto n'yo ba ng adventure sa inyong mga trabaho?"

"Yes, ma'am," ang halos panabay na tugon ng tatlo.

"Buweno, tanggap na kayo," pahayag niya. "Bibigyan ko kayo ng ganitong suweldo para sa isang taong pagsasama-sama natin."

Nanlaki ang mga mata ng mga babaeng crew. Pati ang sa manager.

"Balak kong maglibot sa buong mundo. Kung may hesitasyon kayo, ngayon pa lang magsalita na." Inilatag niya ang mga kontratang ipinahanda sa isang abogadong nasa tabi-tabi lang.

"Dahil pipirma na tayong lahat dito. At bibigyan ko na kayo ng paunang bayad."

"Payag na ba kayo, mga girls?" tanong ng nasasabik nang manager.

"Payag na payag na, boss!"

"May mga passports na ba kayo?"

"Madali lang kumuha, ma'am," ang maagap na tugon ng manager. "Kahit na mamayang gabi, magkakaroon na sila."

"Hindi peke, ha?"

"Hindi, pero mahal."

Naglabas siya ng isang bungkos ng perang papel. "O, hayan ang paunang bayad. Magbigay ka ng resibo sa mga passports nila para maibawas diyan."

"Libre ang mga passports, ma'am?" paniniguro ng apat na kaharap.

Tumango si Rebel habang tumitindig. "Aasahan kong nakahanda na kayo bukas nang umaga," habilin niya bilang paalam.

*****

"NANDITO ang mga larawan ng aking anak, Bullet." Inilapag ni Don Ramon ang isang makapal na photo album sa center table na bilog.

Binuklat niya ang makakapal na pahinang puno ng mga letrato ng isang babaeng may hugis-pusong mukha at mga matang puno kislap ng katuwaan.

"Tila may kapilyahan ang inyong anak, Don Ramon," obserba niya matapos matingnan ang lahat ng mga pictures.

Tumango ang mag-ama.

"Kaya nga naipasok namin siya sa kumbento. Dahil hindi namin alam kung ano ang dapat gawin sa kanya para madisiplina siya," ang paliwanag ni Richie. "Kalalabas nga lang niya nung isang linggo."

Umiling-iling si Bullet. "Lalo lang siguro siyang nagrebelde," aniya bilang konklusyon. "Sabik na sabik sigurong maging malaya kaya nakaisip maglayas."

Nagkatinginan ang mag-ama. "Paano mo nasabi 'yan?"

"Nabanggit mo kanina na nakatakda pa naman nang ikasal si Rebel, hindi ba?" tanong niya kay Richie.

"At ngayon naman, kalalabas lang niya sa kumbento. Wala kang nabanggit tungkol sa ligawang naganap kaya in-assume ko na arranged marriage ang nakatakdang maganap."

Muling natahimik ang mag-ama.

"May punto ba ako?" untag niya nang humaba ang katahimikan.

"Meron," buntong-hininga ni Don Ramon. "Masyado kaming naging dominante sa kanya."

"Pero para sa kabutihan naman niya 'yon, Papa," bawi ni Richie.

"Huwag na 'yan ang pag-isipan n'yo," awat ni Bullet. "Gaano kalaking pera ba ang dala niya?"

Nagsimulang umiling ang matandang lalaki ngunit biglang napapatda nang may maalala.

Gayon din ang naging ekspresyon ni Richie. "Papa, ang trust fund ni Mama sa amin!"

Halos talunin ng binatang Tiangco ang telepono. "Tatawagan ko ang bangko!"

Balisang-balisa ang matandang don habang naghihintay sa magiging resulta ng tawag ni Richie.

Pinanood naman ni Bullet kung paano mamutla ang lalaki.

"My God! Ibinigay n'yo ang limampung milyon sa isang batambatang babae?" bulalas nito. "Yes, she's twenty-one but she's not like--I know, but we're different from each other!"

Inagaw ni Don Ramon ang awditibo. "Ako na lang ang makikipag-usap sa kanya," anito.

"Hello, Dindo? Si Don Ramon ito. Ano'ng ibig mong sabihin? Ibinigay mo ang trust fund ni Rebel nang hindi ko nalalaman?"

Nanlaki ang mga mata ng matandang don sa itinutugon ng nasa kabilang linya. "P'ano mo natiyak na ako nga ang kausap niya nang mga sandaling 'yon? Nakausap mo rin ba ako?" Napatapik ito sa kulubot na noo.

"Por Dios! Napaglaruan ka ng isang bata? Oo, legal na ang edad ni Rebel pero, compadre, alam mo naman kung saan siya lumaki, hindi ba? Sa kumbento! Ano'ng malay niyang magtanggol sa sarili kapag natunugan ng masasamang-loob na may gayon kalaki siyang pera?"

Naaaliw si Bullet sa panonood ng pabagu-bagong ekspresyon ng matanda, ngunit nananatiling enigmatiko ang kanyang mukha.

"Last week lang siya nakalabas ng kumbento--what? Nung isang buwan pa siya nagpupunta-punta diyan? Bakit hindi mo man lang ako tinatawagan? No, hindi ako nag-a-abroad! My God! Naniwala ka sa kanya na nasa abroad ako?" Hindi talaga makapaniwala si Don Ramon sa mga naririnig.

"I've never been to Italy, compadre! No, hindi sa akin galing ang sulat na dala niya. Peke ang pirmang nakita mo doon. Yes, wala akong pinipirmahang authorization letter!"

Nagpunas ng pawis ang pobre matapos ang maikli pero puno ng tensiyon na telephone conversation.

"Sino kaya sa mga kamag-anak ni Mama ang nagbuyo kay Rebel, Papa?" untag ni Richie. Seryosong-seryoso ang tono.

Umiling ang matanda. "Hindi ko alam, iho. Maraming puwedeng mag-interes sa perang iyon. Iisa-isahin pa natin silang lahat."

"Mawalang-galang na sa inyo," sabad naman ni Bullet. "Ang ibig n'yong sabihin, mayroong hawak na limampung milyon ang inyong anak?"

Sabay na tumango ang mag-ama. "Bukod pa sa perang iniregalo namin sa kanya para sa birthday niya."

"Narekisa n'yo na ba ang mga nawala sa kanyang kuwarto?"

"Oo, pero wala kaming gaanong napansin na nawala," tugon ni Richie.

Bullet stood up in one fluid movement. "Maaari ko bang makita ang silid niya?"

Agad na sumang-ayon si Don Ramon. "Samahan mo siya, iho. Dito na lang muna ako."

"Halika," aya sa kanya ni Richie.

Isang impersonal na kuwarto ang sumalubong sa matalas na paningin ni Bullet. Ni walang bagay na makakapagbigay ng clue sa personalidad ni Rebel Tiangco.

"Maaari ko bang buksan ang mga 'yan?" Inginuso niya ang mga built-in closets.

Tumango si Richie. Tumingin-tingin din sa paligid.

He was always very thorough. Kung nagkaroon nga raw siya ng pormal na edukasyon, puwede siyang maging imbestigador o detektib. Iyon ay opinyon lang ng mga awtoridad na naging kaibigan na niya.

Binuksan niya ang iba't ibang disenyo ng bag na pambabae. Halatang bago pa at hindi pa nagagamit.

Walang clue sa loob ng mga aparador kaya lumipat siya ng lugar.

Maging ang mga abubot sa ibabaw ng dressing table ay tila hindi pa nagagalaw.

Which was very surprising, dahil babae ang may-ari ng mga iyon. At karamihan sa mga babae ay mga vanidosa.

Lumapit siya sa study table. Na may maliit na bookshelves. Binasa niya ang mga titulo ng mga iyon.

Binuklat niya ang mga librong nakahilera sa lapag. Pulos tungkol sa paglalakbay. May isang tungkol sa paglalapat ng pangunang-lunas at mayroong tungkol sa mga sasakyang-dagat.

Hinila niya ang maliit na drawer sa ilalim ng lamesa. Walang laman, maliban sa ilang basyong ballpen.

"May passport ba siya?" tanong niya nang matapos ang sandaling pag-iisip.

"Meron," tugon ni Richie habang inaalok siya ng sigarilyo. "Sa palagay mo ba, nangibang-bansa ang kapatid ko?"

"May balak siya," sagot ni Bullet. Dinukot niya ang sariling lighter para sindihan ang sigarilyong isinuksok sa bibig. "Pero hindi siya sa eroplano sasakay."

"Ano'ng ibig mong sabihin?" Nahinto sa paghithit ang kausap.

"Fascinated ang kapatid mo sa mga sasakyang-tubig," pahayag niya.

"Paano mo nalaman?"

"Marami siyang aklat tungkol sa mga yate, Mr. Tiangco," he pointed out. "At tungkol sa paglalakbay sa tubig."

"What?" Nagkasamid-samid si Richie Tiangco sa tinuran niya. "That's very dangerous!"

"Kayo na rin ang nagsabing medyo 'wild' ang dalaga n'yo," salo niya.

Natahimik sandali si Richie. "Halika, sabihin natin kay Papa ang obserbasyon mo."

"Haka-haka pa lang ang sa akin," bawi niya.

"It doesn't matter. Ikaw pa lamang ang nagpahayag ng siguradong konklusyon."

Gulat na gulat din si Don Ramon nang malaman ang suspetsa niya.

"Unbelievable!" bulalas nito. "Pero maaaring tama ka."

"Are you sure, Papa?"

Tumango ang matanda habang bumubuntong-hininga.

"Ganyang-ganyan ang inyong Mama noong kabataan niya, iho. She was quite a handful. Palaging nagrerebelde at may pagka-radikal. Bukod pa sa pagkakaroon ng matatag na determinasyon. Kahit na ano, kinakayang gawin."

"God! Bakit ba nailabas pa natin siya ng kumbento, Papa? Dapat pala, pinagmadre na lang natin siya!"

"Nakakalimutan mo ang sinabi ni Compadreng Dindo kanina. May isang buwan nang nagpupunta si Rebel sa kanya, gayong isang linggo pa lang siyang nakakauwi dito," pakli ni Don Ramon. "Ibig sabihin, nakakatakas pa rin si Rebel sa kumbento nang di nalalaman ng mga madre!"

Minasahe ni Richie ang magkabilang sentido. "Pambihirang bata!"

Hinayaan lang ni Bullet na mag-usap ang mag-ama. Namataan niya ang mga telephone directory sa ilalim ng lamesita.

Kinuha niya ang may yellow pages at naghanap ng tindahan ng mga yate.

Kinopya niya ang lahat ng mga numero sa kanyang notebook na maliit.

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

ecmendozacreators' thoughts