webnovel

Chapter 4

What the heck?! Did I just... really? Did I really say that?! Shit! I shouldn't have said that.

I kept a straight face even when I'm already panicking inside. Shit! Nadala nanaman ako ng competitive side ko. Was it adrenaline? Or was it just because of my earlier frustrations? 

Well, what done is done. Ginusto ko rin namang sabihin 'yon... uh except for that last sentence.

"Ms. Lim, Mr. Vegas, go to the SC-Room later after class. If you don't know where it is, you can just look at your maps. Anyway, thanks for the time Class 1-A."

"Wait!" Naomi raised her hand, stopping the President on his way out. He, then, looked at Naomi with a serious face. "Is that it?" Alanganing tanong ni Naomi. Kinabahan siguro bigla nang makita ang ekspresyong binibigay ni Shoichi.

"What do you mean, Ms. Salazar?" he didn't even changed his face or moved at that!

"I mean. Have you already choose the nominees? Is it really that Nami? No doubt for Hiro dahil kahit ano pang sinabi niya kanina sa harap, he still deserves to be in it. But that Nami! She was nothing! But just full of selfishness and arrogance talking!" She ranted. She even glanced at Hiro's way then slightly blushed.

Pero bakit nga ba? Pareho lang din kami ng tanong ni Naomi. I know what she just said about me wasn't good but, at some point, I agree with her. That was arrogant and selfish of me.

I can still vividly remember their reactions after of what I just said. The whole room fell into silence, and I can feel the deadly stares most of my classmates were giving me. If looks could really kill, I don't know how many times would I be dead by now, if it is even possible.

A laugh then broke the silence. It was Ryu's. He was looking at me, still with the amusement in his eyes. The side of his lips curved, giving me a smirk. Siya lang ang may kakayahang tumawa sa gitna nang inis na nararamdaman ng iba pa naming kaklase. Oh! Meron pa pala. Jacob was also smirking at me while Wayne looked at me with his lips pursed. Maliban pa roon, I can feel a stare at my side at nang tiningnan ko ay nagtama ang tingin namin ni Hiro. He wasn't giving me a reaction but just a dark stare. Napaiwas ako ng tingin, hindi kinakaya ang tension ng tingin na ipinupukol niya. Nakakaintimidate.

Gusto kong mapaface palm sa mga pinagsasabi ko kanina. Ugh, ang lakas ng loob ko para sabihin 'yon pero ngayon, titiklop din pala ako. Nangyari na rin 'to noong Junior High ako, e, leaving me with no friends at all. We were given an activity nang biglang umiral ang pagiging competitive ko making me do something stupid na kinainisan na nila sa akin. Uh, I just didn't let them help me. It was a groupwork but I became so bossy and I did most of the work because I didn't want us to lose and that's what I told them.

"Why Ms. Salazar? If it is not Ms. Lim, then who do you think it should be?"

"Uh, I-I t-think that, uh, it should be, uh, -m-me---Ms. Vegas. Right! It should be her! Besides, Ms. Lim already said that she is not interested in Student Council." Naomi stuttered but the President slowly nodded. He looked at Ms. Vegas before turning to me with a brow raised.

"Ms. Lim? Do you object?" Napaayos ako ng upo nang bigla akong tanungin ni Pres. I sighed. I can feel the glare of Jacob so I glanced at his way and he immediately shook his head, as if pushing me to disagree. I rolled my eyes at him and turn my sight at the President.

"I...." I sighed. I am not really interested but maybe, it would really be an advantage for me if ever. And if Hiro would be one of it, then... "...no, it's okay," I answered slowly, the last word was almost a whisper.

"It's settled then. Ms. Lim and Mr. Vegas, it is. Oh, and to answer why is it her. It is because.... she wasn't.... boring," wait-- what? The president watched me meaningfully, though I wasn't sure what's behind that look.

"Class, dismissed."

Niligpit ko ang gamit ko pagkatapos nang huling klase namin para sa araw na 'to. First na first day pero andami nang nangyari. Kailangan ko pa palang pumunta ng SC-Room. Inilabas ko ang school map at tiningnan kung nassan ito. Tsk. Next building pa kasama ng mga faculty rooms and club rooms.

Bubuksan ko na sana ang pintuan ng student council room nang biglang may humawak rin sa doorknob kasabay ko.

"Ah--" napahila ako sa kamay ko na parang napaso at hinawakan ito. Iniangat ko ang tingin ko sa taong papasok din sana sa room.

"Hmm..." he smirked. "Nagkita ulit tayo."

"Hindi ko maisip na tatakbo ka rin pala as batch representative." sabi ko at tuluyan nang pumasok nang buksan niya ang pinto. Nakasunod lang siya sa akin sa likod.

Naghanap ako ng mauupuan at nakita ko si Hiro na nakaupo sa isang monoblock chair malapit sa bintana. Nakatingin rin siya sa labas.

"Kio," tumingin ulit ako kay 'bus boy', 'yung nakabungguan ko kanina sa harap ng bulletin.  Inalok niya ang kamay niya sa'kin.

"Hindi ko tinatanong," tinalikuran ko siya at kumuha nalang din ng monoblock at tinabi kay Hiro para umupo. Gusto ko talaga ang puwesto sa tabi ng bintana, e, kaya doon nalang ako pumwesto kahit na may sofa at couch naman sa gitna.

Nilingon ako ni Hiro at kumunot ang noo niya. Ang awkward naman nito.

"Uh, nauna ka na pala dito," I said, trying to start a conversation with him. I don't even know why I'm trying. Siya ang kailangan kong lagpasan, e, kaya natural lang na dapat kilalanin ko siya.

Tumango lang siya bago iniwas ulit ang tingin sa akin at ibinaling iyon sa labas.

"Hoy! Telling me your name won't hurt, right?" Napairap nanaman ako nang maramdamang tumabi naman sa akin si... Kio.

"Nami," sabi ko nalang.

"Ano? Nickname mo 'yan? Japanese ka 'no?" Nagiging madaldal na ang isang 'to, ah. Malapit nalang magkakapareho na sila ni Jacob. Eh unang kilala ko sa kanya ni parang ayaw nga magsalita.

"Nazuki Mio kaya Nami. One-fourth japanese."

"Oh. Ayoko ng Nami," tiningnan ko siya nang masama nang marinig ang sinabi niya. Tinaasan niya lang ako ng kilay.

"Wala akong pake."

"Mio," he laughed as he mentioned my second name. Kairita! Bakit ko pa kasi sinabi sa kanya 'yon. Asar.

"Shut up, Kyo." Tumawa lang siya nang iniba ko ang pagbigkas sa pangalan niya.

"Myo." Hindi ko nalang pinansin ang panggagaya niya.

Kumpleto na kaming walo nang pumasok si Mr. President kasama si Athena at may isa pang babaeng nakasalamin na nakasunod sa kanila. Umupo si Pres sa isang swivel chair, kaharap ng isang office table. Nasa likod niya si Athena at ang babae na pinakilala nilang si Victoria, vice president ng Student Council.

"Okay, let's start. Do any of you know who's the official founder of this school?" panimula niya. Huh? Anong konek ng founder ng school sa election na 'to? Pero founder...? Napaisip ako nang mapagtantong hindi ko nga pala kilala. Isang beses ko na 'tong sinearch sa google pero walang lumalabas. 

Tiningnan ko ang iba ko pang kasama sa loob at nakitang nakayuko lang din sila at tila nag-iisip. Sinulyapan ko ang dalawang katabi ko na ganoon rin ang ginagawa.

"Of course... not," sabay-sabay kaming napatingin kay Pres nang sabihin niya ito. What does he mean? So, the founder of this school was really anonymous?

"That would be your task. You have to find out who it is. By the end of this month, you should already have the answer which could only be found at a certain place within the school grounds. Hints and clues were set up anywhere at this campus. You can even do your own research. Just to be clear, this will still need your teamwork. So, every class nominees should work together. And for your information, only the current and past student council officers know."

'Yon ang naging laman ng utak ko sa mga sumunod na araw. Wala pa kaming nasisimulan ni Hiro, ni 'ha' ni 'ho', wala manlang kaming pag-uusap. Apat na araw na ang nakalipas mula nang ibinigay sa amin ang task. May ilang linggo pa naman kami para gawin iyon kaya sa ngayon ay pinagtutuonan muna namin ng pansin ang academics. Kahapon, nang makasalubong ko si Kio ay tinanong ko kung may nasimulan na ba sila ng kasama niya pero wala pa raw kaya medyo nakahinga naman ako ng maluwag.

Papunta ang buong klase ngayon sa gym dahil P.E. time namin. Tiningnan ko ang suot ko. May dalawang uri kasi kami ng P.E uniform. Isang jogging pants na blue at white shirt with blue linings sa sleeves and around the neck, at may maliit na print rin ng P.U. logo sa left chest. Ang isa naman na siyang kasalukuyang suot namin ay pareho lang rin sa naunang pares, ang kinaibahan lang ay ang pang-ibaba. Instead of jogging pants ay isa itong blue jersey short, kasing ikli ng mga sinusuot ng mga babaeng volleyball player, na may dalawang puting linya sa left outer thigh. Sinuotan ko nalang ito ng itim na cycling shorts. Sa mga lalake naman ay pareho lang din, sadyang normal na blue jersey shorts lang na kagaya ng mga pang basketball.

Nang makita ko si Hiro na nasa unahan naglalakad ay humabol ako para masabayan ito. Tingin ko dapat na naming pag-usapan ang dapat naming gawin at paano kami magsisimula.

Tinapunan niya ako ng tingin bago ito ibinalik sa dinaraanan. Uh, pipi kaya 'to?

"Do you already have a plan?" Mahinang tanong niya kaya gulat akong napatingin sa kaniya. 'Yon na rin nga sana ang tatanungin ko nang naunahan niya naman ako.

"Uh, for now, wala pa rin. I was just about to ask you ," sagot ko, nakayuko na. Siya ang gusto kong matalo at malagpasan pero naiintimidate ako sa kaniya at ngayon naman ay nagtutulungan kami. Hays.

"Why don't we talk about it this weekend, tomorrow? Do you have anything to do?" He asked. Inangat ko ang tingin sa kaniya at nakitang nakatingin na din pala siya sa akin. Matangkad na ako para sa isang babae pero matangkad rin si Hiro kaya kapantay lang din ng mata ko ang baba niya.

"Wala naman. Okay, tomorrow para masimulan na rin natin. Sa library, 9am?" Tanong ko at tumango lang ulit siya. Binilisan ko ang paglalakad ko para maiwan ko siya kaya nang malagpasan ko ang magkasamang naglalakad na si Naomi at Hakina ay naramdaman ko ang nanlilisik na tingin ng malamang na si Naomi.

Pagkarating sa gym ay nagulat ako nang makitang hindi lang kami ang naroon.

Sobrang lawak ng loob ng gym. Kasing laki na nga ito ng arena na pinaggaganapan ng UAAP, e. Nilibot ko ang tingin at nakitang nandito ang lahat ng sections sa batch namin. Sa left side nakapwesto ang Class 1-C at D samantalang sa right side kami banda kasama ng section B. Kapantay ng D ang B which is sila ang malapit sa main entrance at sa unahan naman kami ng C.

Sumunod ako sa mga kaklase kong naglalakad na papunta sa nakatokang benches sa amin. Sa pinakababa lang ako pumwesto.

Nang makumpleto ang lahat ay naglakad ang P.E teacher namin sa gitna ng court at may hawak pa itong wireless mic.

"Good day First years! You guys might already know why all of you are here. I changed a bit of your schedules for today. You will be playing Mintonette," Volleyball? It was originally called Mintonette, right?

The first activity for this subject. I sighed. Yeah, right. This will definitely test our teamwork. The teacher said that we have to do all the meetings and plans on our own. We will also be the ones to choose the players for the starting line-up. Since it is a versus between the four classes, at the side of the court was a chart that shows the set up. The first one to play will be the Class C vs D then us vs the Class B. Kung sino ang mananalo sa kanila ay siyang makakalaban ng mananalo sa laban namin. Magkaiba rin ang laro ng babae sa lalaki. Malamang. Mauuna nga lang ang laro ng mga lalaki.

"Okay, form your starting line-up. Then, we'll start."

Nagtipon-tipon ang mga boys sa side ng court, sa baba lang namin. I was watching them nang inangat ni Jacob ang tingin niya sa amin at nang nakita ako ay ngumiti at kumindat. Parang tanga. He even made that sign just like Stephen Curry's, the one where he put his fist on his chest, then on the lips before pointing his index finger up. Ugh, this is not even basketball.

The first six for the boys will be Jacob, Wayne, Donny, Carl, John Jim, and Mike. Wala si Hiro? kahit si Ryu? No doubt for Ryu pero kay Hiro, well, kung sabagay, unfair man 'to pero wala talaga kasi'ng additional points ang players. Though ang magiging score ng boys at grade ay sa kanilang boys lang din yon, same rin sa amin sa girls. Kaya kung matatalo ang boys at mananalo kaming girls, ibig sabihin lang na kaming girls lang din ang magkakaroon ng mataas na grado.

The game started. We are playing the game with three sets and with the best of two. Oh, magaling pala 'tong si Wayne, e. He's actually the setter, left wing spiker naman si Jacob playing as the ace, huh, well, he's not that excellent, but not bad either. Nadadala lang din naman siya ni Wayne. Magaling din ang middle blocker namin, his name was Donny, I think. Ang tangkad lang talaga, eh, tapos intimidating din. Okay lang din ang nag-act as the libero, pinakamaliit sa kanila, mukhang matagal na rin 'tong naglalaro.

They're all doing good but not good enough. Matindi ang laban. 2nd set na at nanalo sila kanina sa 1st set with the score 25-22. Ngayon naman, mukhang hindi kakayanin. 23 na ang Class B at nananatili pa rin silang 18. Mukhang malalandslide 'to.

Tama nga ako. Bago pa makahabol ang boys ay nakaabot na ng 25. The scores for second set was 20-25.

Nang sa last set na, nagulat ako nang pumasok si Hiro. Nakaupo na ngayon si Wayne sa bench, may nakasabit na towel sa leeg, nakatukod ang dalawang siko sa magkabilang binti at may hawak na water bottle. So, Hiro will play as the setter? Magaling si Wayne pero baka nga pagod na siya. Kanina pa siya hindi nasu-sub, e.

Nagsimula na ang laro. Magaling nga rin si Hiro. Kayang tapatan si Wayne. Mas naging malakas ang cheer ng mga girls namin.

Ang bola ay nasa kabilang panig. Isang simpleng serve lang ang ginawa kaya madaling nareceive ni Carl. He tossed it straight to Hiro. My heart was beating so fast, pinaghalong kaba at excitement. Ang higpit ng laban. Everyone was then expecting Hiro to set the ball for John Jim or Jacob but we were all shocked when the ball hits the floor of the opponent. Instead, he also tossed the ball right at the other side of the net, doing a setter dump! It is a technique for setters by faking it! Wherein the setter will drop the ball in the opponent's net instead of setting it for their spikers. One could only do this when the opponent's blockers least expect it.

The game for the boys ended with the score of 2-1, with our Class on the lead. The last set was a thrill! They even had a deuce! With a score of 18-16.

With the men's game, our Class won against the Class B at Class D naman ang nanalo sa kabila kaya muling humarap ang boys namin sa Class D. Wala man lang pahinga, kaya binago nila ang starting line-up ng players pero pinasok pa rin naman si Hiro. Mukhang isu-sub nalang nila ang mga naunang players kanina.

Huminga ako ng malalim nang matapos ang laro nila. Our class won. The boys and some of our girls cheered and celebrated their win. I smirked. Hindi ko na naiisip pa ang laro nila kundi ang susunod na magiging laro. Our game. I glanced at my side only to see Hakina, Dana and a girl wearing eyeglasses looking so serious. Mukhang kami nga lang ang hindi man lang nagpapakita ng ngiti rito.

"Gather round, girls." Bumaba kami ng bleachers habang paakyat naman ang boys. We all gathered at the bleachers and the tension was rising undeniably. Umupo ako sa pinakadulo, ang ibang girls ay nakatayo lang.

"Start planning, girls. The game will start in 10 minutes."

I looked at all the girls and they all also looked at each other. Naputol lang ang tinginan nang magsimulang magsalita si Hakina.

"Let's start."