Chapter 44: Yield
Haley's Point of View:
Takot. Iyon kaagad ang aking napansin sa kanilang mga mata habang naglalakad ako palabas sa basement ng White Stone Organization.
Bawat lugar ng aking tatapakan ay siya namang layo ng mga tao sa organisasyon.
Nakasunod lang sa akin si Roxas dahil nasabi niya sa akin na dumiretsyo lang ako.
Napatungo ako ng wala sa oras.
Nakasuot na ako ng puti't buong maskara, pero parang kilalang-kilala na nila kung sino ang na sa likod ng aking suot kahit hindi ko tinatanggal.
Napupuno nanaman tuloy ng katanungan ang isip ko kung bakit ganito sila sa kapatid ko. Sino ba talaga si Lara sa harapan nila? Oo, nabanggit ni Roxas na siya 'yung pinaka bata na miyembro sa organisasyon, at siya ang kinatatakutan pero,
…pwede bang mangyari 'yon sa maikling panahon? Bata pa si Lara, wala siyang gano'n karanasan-- o posible bang hindi ko na talaga siya kilala?
Naramdaman ko ang hininga ni Roxas na lumapit sa aking tainga. "Medyo bumabagal kang maglakad, bilisan mo nang kaunti para makaalis na tayo rito."
Tumango na lamang at walang imik na naglakad. Subalit makalipas ang ilang minuto't palabas na kami sa basement. Nagtanong ako.
"Sinabi mong may potensiyal ako, 'di ba?" Panimula ko't tukoy sa pakikipaglaban. "Hindi ba pwedeng tulungan ko sa pagkakataon na 'to 'yung kapatid ko? Kahit ngayon lang? Nang matapos na?"
"When you are trying to accomplish something, you will always be alone." Tugon niya at sumabay sa paglalakad ko. "And are you even sure about that?" Tanong niya sa akin kaya inilipat ko ang tingin sa kanya mula sa peripheral eye view.
"What do you mean?" Taas-kilay kong tanong mula sa loob ng aking maskara.
"Kapag natapos ang lahat ng mga 'to, hindi mo na makikita 'yung kapatid mo. Aalis siya sa lugar na 'to pagkatapos."
Namilog ang mata ko ngunit ibinalik din sa dati't napayuko.
"Nabanggit naman niya iyon sa 'yo, 'di ba?" Paanas niyang tanong at tukoy kay Lara. Hindi na nga ulit ako sumagot at tumango na lang muli.
***
NAKALABAS NA kami. Gumamit kami ng sasakyan para makalabas sa area ng W.S.O kaya kasalukuyan lamang akong nakatingin sa labas ng bintana habang nakaupo nang tahimik dito sa passenger seat.
Sa sobrang tago ng W.S.O. I don't think somebody will find it. Sobrang mapuno, at bago ka pa makapasok, iilang security area ang dadaanan. Sobrang higpit.
"Wow, parang ilang taon akong nakulong at sobra akong naninibago sa lugar." Sarkastiko kong sabi.
Natawa naman si Roxas. "Maninibago ka talaga, hindi ka pa naman nakakapunta rito, eh." Sagot niya na hindi mo malaman kung namimilosopo o nagpapakatotoo lang sa sagot niya.
Nanahimik na lang ako't nagsalong-baba. Tumapat ang liwanag ng araw sa mukha ko dahilan para maningkit ang aking mata. Nag automatic na nag activate 'yung black tinted ng window.
Namamangha pa rin talaga ako sa mga gamit pang mayaman. Lalo na siguro sa mga advance technology ng secret organization na ngayon ko lang din nadiskubre.
"Pinayagan ka ng kapatid mong gumala, pero saan mo ba gustong pumunta?" Tanong ni Roxas kaya lumingon ako sa kanya. "Hindi lang pwede sa lugar na malapit sa inyo."
Sandali akong 'di nagsalita nang mapatingin ako sa radyo ng sasakyan nang mabanggit ang MRT Train.
Roxas' Point of View
Matapos sabihin ni Haley 'yong gusto niyang puntahan. Dumiretsyo na kami. Nag park lang ako sa private parking na pagmamay-ari rin ng W.S.O.
May property rin kami rito for mission purposes. Hangga't maaari, bawat area ay mayro'n kaming pwesto para madali kaming makagalaw.
Lumabas na ako sa sasakyan at naglakad sa kabila para ipagbuksan ng pinto.
Nang mabuksan ko na ang pinto, ang sama na ng tingin niya sa akin kaya nginitian ko siya. "Bakit ang sama ng tingin mo sa'kin?" Tanong ko sa kanya.
"Ba't pati rito, may tao rin sa W.S.O.? Mayro'n pa ba akong freedom?" Nakasimangot niyang wika kaya humagikhik ako.
"Bawat area sa lugar, mayroon kaming property. Kaya lang tayo rito nag park dahil ang daming mga siraulo sa public parking lalo na't sa open and public market pa tayo pumunta. Ano ba kasing gagawin mo rito?" Taas-kilay kong tanong kasabay ang kanyang paglabas sa sasakyan. May ideya ako kung bakit dito siya nagpasya na pumunta kami. Maraming tao, madali siyang makakatakas. Marami siyang paraan.
Napatingin din siya sa radyo ng sasakyan noong mabanggit 'yung MRT.
Tiningnan ko sa hindi kalayuan ang riles ng tren.
"Nandito 'yung mga kailangan ko." Sagot ni Haley bago itulak para ang pinto. Ni-locked ko na rin ang pinto sa hawak kong remote key.
"Tulad ng?" Tanong ko.
"Craft Bracelet. I'm not expecting her to wear nor accept it. Pero gusto ko lang itago niya, para kung sakaling hindi na nga kami magkikita pagkatapos lahat ng mga 'to. She'll atleast, remember me."
Bahagyang napaawang-bibig ako. Namilog din ang aking mata.
It's amazing what one smile can do. You could see that she's happy but at the same time, pain is written all over her face.
Right at this moment. I wonder kung ano ang nararamdaman niya. Is she happy? Or lying to herself? How 'bout Vivien?
She told me she abandoned her emotions, yet I could see there's something within her that she doesn't want to show. Sinasabi niya sa akin na responsibility lang itong nararamdaman niya kaya niya ito ginagawa pero,
These sisters are something else.
Hinawakan ko ang kamay niya kaya napapitlag siya��t binawi pero hawak-hawak ko pa rin. "Hoy, tsonggo. Bitawan mo 'ko!"
Ngumisi ako. "Masyado ka namang grabe sa akin para ikumpara sa tsonggo. Hindi ba pwedeng aso para cute?" Biro ko pero namumula lang ang mukha niya kaya iginiya ko na siya. "Tara na, tara na. Para mabili mo na dapat mong bilhin."
"B-Bitawan mo muna kaya ako?!" Nauutal niyang sabi na ikinatawa ko.
"Hindi pwede. Mas magandang hawak kita para wala ka talagang takas." Tugon ko at inilagay ang kanang kamay sa aking beywang. "At ba't nahihiya ka? Ah, virgin pa 'yong kamay mo 'no?" Pag-angat ko sa kamay namin.
"You know how to die?!" Asar niyang sabi.
***
PUMASOK KAMI sa malawakang market. Binuksan na pala nila 'yong aircon dito at kumpara noong huli kong punta rito. Rumami 'yong mga benta.
Mayroon na ring iilang kainan sa baba.
"Hoy, Juan. Baka gusto mo ring hawakan kamay ko?"
"Eh, ayoko. Pasmado ka."
"P*ta, break na tayo. Bakla ka, bakla!"
Pasimple kong sinundan ng tingin 'yong dalawang magkasintahan na papalayo. Pagkatapos ay bumungisngis na lumingon kay Haley na hindi pa rin gumagalaw sa pwesto niya.
"Oh, bakit hindi ka pa pumipili?" Na sa loob kami ng store na puno ng beads. Ilang minuto na rin kaming nakatayo rito pero nakatulala lang siya ro'n sa rainbow colored beads na parang bato.
Huminga siya nang malalim. "Paano ako makakapili?" Inangat niya ang kamay namin. "Tingin mo makaka-focus ako sa pagpili ngayong hawak mo kamay ko? Ta's ano ba 'tong mga palad mo, nagwa-water bend."
Ngumuso ako. "Ang arte mo, ah? Magtiis ka diyan, ayoko lang na bigla ka na lang tatakbo diyan para lang makatakas."
"Ano tingin mo sa 'kin? Bata?" Taas-kilay niyang tanong sa akin.
"Oo, bata ka naman talaga."
Humarap siya sa akin. "Bakit? Ilang taon ka na ba?"
"21--"
"Pfft! 21 ka lang naman. Kaka-legal mo lang pero bata ka pa rin."
"An--" Naglabas na lamang ako nang hininga bago ko marahan na inalis ang kamay ko sa pagkakahawak sa kamay niya. Bumaba ang tingin niya sa kanyang kamay bago inangat ang tingin sa akin. "Hahayaan kita, pero dito lang ako sa tabi mo. Kapag napansin ko na may gagawin ka, hindi ako magdadalawang-isip na patulugin ka para bumalik ulit sa kwarto mo."
Inirapan niya ako. "Ge." Tipid niyang sagot. Tinalikuran niya ako't naglakad kaya hindi naman ako makapaniwala na tiningnan siya.
Napakamot-ulo na lang ako. Pambihira, magkapatid nga talaga sila ni Vivien.
***
"Thank you, come again!"
Lumabas na kami sa store dala-dala ang paperbag. Iilan lang ang binili niya tulad ng Silicone Yarn ta's iyong mga beads. "Iyan lang pala bibilhin mo, ba't hindi ka na lang sa mall naghanap ng mga ganyan? Malamig pa."
"Mas marami kasing mapagpipilian dito, mura pa." Sagot niya 'tapos walang gana na tiningnan ako. "Saka nakakahiya naman sa'yo." Pataray siyang naglakad muli kasabay ang kanyang pagpitik ng buhok sa ere. Sumunod lang 'yong tingin ko bago labas sa ilong na ngumiti't nagpamulsa.
Kung saan-saan lang kami nagtititingin sa open market na ito. Wala naman na siyang binili, window shopping lang ang ginawa niya. Pero naubos halos 'yong pera ko kakakain niya nang marating namin ang food court.
Ibinaliktad ko pababa ang wallet ko upang tingnan kung may barya pang natitira. Napabuntong-hininga ako ng wala sa oras noong walang mahulog. "Hihintayin ko nanaman 'yung next pay ko." Parang nangingiyak kong sabi habang patuloy pa rin sa kakakain si Haley sa harapan ko. "Hoy, kailan ka ba mabubusog diyan?"
"Nagutom ako, dami nating nilakad." Tugon niya at kinuha ang Iced tea na nasa kanan niya. Pagkatapos ay pabagsak na ibinaba ang iniinum kasabay ang kanyang pagtayo. "Oh, siya. Punta naman tayo ro'n." Turo niya sa hindi kalayuan at naglakad.
Tumayo na rin ako upang sumunod sa kanya. "Sandali, Haley. Hintayin mo ak--" Tumunog ang cellphone ko kaya napahinto ako't napatingin sa aking bulsa. Kinuha ko iyon upang sagutin dahilan para mapatigil si Haley sa paglalakad at nilingon ako.
"Hello." Sagot ko.
"Code 3. We need you to assist at the 6th area of St. Berlin near Triangle Street. Be here before 11PM. I put the data task to General Royale, you'll be receiving extra pay after this." Sabay baba ng tawag. Tiningnan ko ang wrist watch ko.
"Sh*t." I cussed. Medyo malayo-layo 'yung lugar na nabanggit.
"Bakit? Sino 'yong tumawag? Si Ate ba 'yon?" Tanong ni Haley nang makalakad palapit sa akin. Hindi kaagad ako nakapagsalita.
Hindi ko pwedeng dalhin si Haley ngayon pabalik sa W.S.O dahil matatagalan. Ilang oras pa bago kami makarating, malay ko ba namang may sudden task na ibibigay sa akin ngayon? Eh, naka-leave nga ako.
Napakamot ako sa ulo ko't tumingala. "Augh!" I groaned. "Haley!" Tawag ko sa kanya pagkapatong ko ng dalawa kong kamay sa balikat niya. Namilog naman ang mga mata niya, takang-taka na nakatingin sa akin.
Hindi ko rin siya pwedeng iwanan sa private parking ng property ng W.S.O dahil wala namang nakakaalam sa family background ni Lara maliban sa akin, o kay General Royale. Saka madali ring magpalusot si Haley kung iiwan ko siya ro'n. Kaya ang mangyayari, makakalabas at makakalabas pa rin siya.
Seryoso lang akong nakatingin sa kanya nang gumuhit nang ngisi ang labi ko. "You can do whatever you want, pero ngayon lang 'to dahil may kailangan akong asikasuhin. But please," I paused. "Kapag alam mong delikado, lumayo ka na. Kung pwede lang kitang pilitin na dito ka lang sa lugar na 'to, gagawin ko. Pero ikaw si Haley, hindi mo 'ko susundin."
Nakaawang-bibig lang siya nang itikum niya iyon saka hinawakan ang dalawa kong kamay para tanggalin sa balikat niya. Seryoso na rin 'yong tingin niya.
"I'll tell my sister na ako ang nagpumilit. Wala rin akong balak magpapakita sa mga kaibigan ko ngayong hindi pa tapos ang lahat. Para hindi rin magkaroon ng problema. Gusto ko lang makatulong nang kaunti sa kapatid ko."
Wala na akong iniwan na salita at tinapik lang ang kanyang balikat bago mabilis na tumakbo paalis para puntahan ang aking misyon.
Good luck.
Lara's Point of View
"Hindi naman kayo 'yong naglilinis pero kalat kayo nang kalat!" Bulyaw ng kasambahay nila Jasper habang pare-pareho lang kaming mga nakaluhod sa malagkit na sahig nang dahil sa mga nagkalat na whipped cream.
Nakahilera kami't may mga kanya-kanyang tingin sa kung saan.
Humawak sa batok si Jasper. "M-Manang, kami maglilinis. Huwag kang mag-alal--"
"Anong kayo ang maglilinis?! Akala n'yo gano'n kadaling linisin 'tong kinalat n'yo?! Bawat sulok may kalat!" Nakukunsume na suway ng kasambahay habang nakatingin lang ako sa kaliwang bahagi.
Nag vibrate ang phone ko kaya pasimple kong kinuha ang phone ni Haley sa bulsa para tingnan ang message. Phone niya ang ginamit ko para hindi magtaka sila Mama na hindi ko sinasagot 'yong tawag nila. 'Yung last time kasi, tawag sila nang tawag. Hindi lang masagot ni Roxas, hindi naman daw niya maibigay kay Haley.
From: 09**-***-****
Hi and good day! This is Mrs. ***** from Enchanted University under Information Technology Management. Please come at the…
Binasa ko nang tahimik ang message habang hindi nagpapahalata sa mga kasama ko ngayon. Ibinulsa ko na pabalik 'yong cellphone at tumayo. "Manang, pasensiya na talaga. Kailangan ko na pong umalis." Hindi ko na sila hinintay magsalita at tumalikod na ako para tumakbo paalis.
Naramdaman ko ang pagtayo ni Reed. "Hoy! Tumatakas ka na ngay-- Aray, manang! Hindi ako tatakas!" Isinara ko na ang pinto ng Villanueva at nagmasid sa paligid bago pumunta sa E.U.
Haley's Point of View
Nakasakay na ako sa tren papunta sa lokasyon na pupuntaha ko ngayon. Nakatayo't nakahawak sa train handle habang nakatingin sa labas.
Hindi ito 'yong gaya ng inaasahan ko. Inaya ko rito si Roxas dahil maliban sa totoo ang sinabi ko na may bibilhin ako para makagawa ng craft bracelet, balak ko rin talagang tumakas sa gitna ng dami ng mga tao dahil ito 'yong mga araw na marami talagang mga namimili sa open market.
Parang ang gagawin ko sana, habang naglalakad kami sa mga matataong lugar, sisigaw ako ng "Manyak" para mag panic ang mga tao't magkagulo.
But either way, atleast nakaalis ako.
Ngayon, iniisip ko lang talaga kung saan ako pupunta. Wala akong cellphone at iilan na lang 'yong pera na mayro'n ako. Buti na lang talaga hindi kinuha ni Roxas 'yong sukli galing sa pinamili naming beads dahil tamang-tama lang sa pamasahe.
Nakakapanibago lang talaga nang kaunti itong kinalalagyan ko ngayon, medyo ramdam ko 'yong takot dahil sa dami ng tao. Kinakabahan ako.
Huminto ang tren sa isang station saka bumukas ang pinto. May mga iilang tao na pumasok, mayroon ding mga lumabas, samantalang nanatili lang ako sa aking pwesto.
Lumingon ako para tingnan naman ang side na 'to sa labas. "Saan ba dapat ako pumunta?" Bulong sa sarili. Hindi naman pwedeng bumalik ako sa Rouge Residence.
Sandali pa akong nakalingon bago ibalik sa harapan at tumungo. "Sa E.U." Wika ko. Tingin ko naman, mapapapasok ako ni Manong Guard kahit walang I.D.
Susubukan kong humanap muna ng pwedeng pagtulugan ng hindi mahuhuli, saka ko hahanapin kapatid ko.
*****