webnovel

TJOCAM 3: Secluded Feelings

He likes her... She likes him... While Haley and Reed always on an arguing situation, they still can't able to see what they really feel towards each other-- Clumsy and Awkward. Everyone knows except them. At first, they couldn't admit they are inlove but as they've been always together. The sparks and rapid beat of the heart are growing deeply. How will they notice each other's love if there will be another trouble that is coming to their way? Will they have a chance to tell their secluded feelings?

Yulie_Shiori · perkotaan
Peringkat tidak cukup
85 Chs

Menacing Tone of Life

Chapter 53: Menacing Tone of Life 

Haley's Point of View 

 

  Naglalakad ako paloob sa gusali namin papuntang classroom. Sa ilang araw na hindi ako nakatuntong dito, hindi ko maiwasang hindi manibago. Nandoon nerbyos sa hindi malamang dahilan. Parang ang tagal kong hindi nakapasok dito, that's why it feels nostalgic. 

  "Naisip ko lang pala." Panimula ni Reed sa tabi ko kaya tiningnan ko siya mula sa peripheral eye view. "Paano kung na sa paligid lang pala natin 'yung pwedeng umatake sa inyo ng kapatid mo" Bulong niyang tanong sa 'kin. "Baka pagala-gala sa skwelahan na 'to--"

 

  "Alam ko 'yung ibig mong sabihin kaya huwag natin pag-usapan 'yan dito. Mahirap na kung may makakarinig sa 'tin, iba ang teknolohiya ng dalawang nasabing organisasyon kumpara nung sa 'tin." Tukoy ko sa W.S.O at B.R.O. "Kaya hindi natin pwedeng pag-usapan na lang 'yan dito, wala tayong alam sa mga nakapaligid sa 'tin." 

  Hindi na siya nakapagsalita at tumango na lamang bilang sagot. Narating na namin ang tapat ng classroom. Si Reed ang nagbukas nung pinto kaya bumungad sa 'min 'yung mga kaklase namin. 

Napatingin kaagad sila sa gawi namin, inaakala na titser ang pumasok. 

  "Oy! Magkasabay 'yung dalawang couple natin, oh?!" 

  "Sana all, may jowa!" 

 

  "Ano ba 'yang sinasabi n'yo." Hawak ni Reed sa ulo niya't pumasok na sa loob ng classroom. Sinalubong siya ng iba naming kaklase para makipag kwentuhan lalo na ang tanungin kung kumusta ang kalagayan dahil ilang araw nga rin naman siyang hindi nagpakita rito. 

  Tumuntong na rin ako sa loob at hinanap sila Kei sa pwesto namin. Kausap niya ang isa naming kaklase sa dulo samantalang si Harvey naman. Nandoon lang sa pwesto niya't nakasalong-baba na nagbabasa ng libro. Inilipat ko naman ang tingin sa katabing pwesto niya, wala pa si Mirriam, gayun din si Jasper noong hinahanap ko siya. 

  May tumapik sa balikat ko kaya lumingon ako sa taong iyon, laking pagtataka sa hindi pamilyar na mukha. "Bakit ka pa nakatayo diyan? Ayaw mong umupo?" Ngiting tanong sa akin ng lalaking pumatong ng kamay niya sa balikat ko. 

 

  Eh? Hindi ako na-inform na may bagong titser. Sino 'to? 

  Tanong ko sa aking isip kasabay ang pagtaas ng balahibo ko na hindi ko alam kung bakit. Ba't ako kinilabutan bigla? 

  "A-Ah. Mmh." Pagtango ko bilang pagsagot at hahakbang na sana nang mapansin ko na nagbago ang seating arrangement namin. Wait, wait. Saan ako nakaupo? 

  "Psst." Paninitsit ng kung sino kaya sinundan ko kung saan nanggaling. Kay Reed huminto ang tingin ko. Pasimple niyang tinapik ang upuan ko kaya palunok akong tumango bago pumunta sa tabi niya. Magkatabi pa rin pala kami. 

  "Sir, maaga pa, ah?" Pasimpleng sambit ni John na ikinahagikhik naman ng guro. Pumunta siya sa teacher's table at pabagsak na umupo.

  "Gusto ko munang tumambay rito, para naman makilala ko 'yung mga estudyante ko bago kayo grumaduate, 'di ba?" Inilapag ko ang bag ko sa sahig 'tapos at taas-kilay na umayos ng upo. "Sino siya?" Bulong ko kay Reed. 

  Tumungo siya nang kaunti. "Bago nating adviser." Lunok-laway niyang sagot ng hindi inaalis ang tingin sa harapan. 

"Ha? Nasa'n si Santos?" Hanap ko sa adviser namin. Apilyedo lang niya tinatawag ko sa kanya minsan. 

  "Umalis siya sa E.U pero walang sinabi kung bakit. Confidential daw 'yung rason ng pag-alis niya kaya wala rin nakakaalam ni isa sa 'tin kundi 'yung mga nakatataas lang. May mga kumakalat na may nilabag daw siyang patakaran sa skwelahan kaya wala siyang pasabi sa 'tin na aalis siya." Mahabang sagot ni Reed na nagpabuka ng bibig ko. Pumaharap lang ako ng tingin nang mapansin ko 'yung ingay nagmumula sa mga kaklase namin na nakikipagkwentuhan sa bago naming adviser. 

  Ang friendly niya…

  Totoong mabago-bago lang si Sir Santos sa unibersidad na 'to pero kahit hindi ko siya gusto dahil sa ginawa niya kay Kei nung nakaraang taon, 'lagi ko siyang napapansin na 'di kumportable makipag-usap sa mga co-teachers niya gayun din sa mga estudyante niya kaya palagi rin siyang nami-misunderstood dahil sa ugali niya. Kaya imposible-- Hindi, pwede rin niyang gawin 'yon. 

  Minsan kasi, kung sino pa 'yung taong 'd inatin inaasahan na gagawin ang isang bagay, sila pala 'yung may lakas ng loob na gawin. Tinatago lang nila. 

  Pero bakit ngayon lang nangyari kung kailan malapit na kaming grumaduate? Saka bakit nagkataon lalo na't ngayong may nangyayaring hindi maganda sa 'kin? 

"Uy, ano 'yang pinag-uusapan n'yo at kailangan n'yo pang bumulong diyan?" Ngusong tanong ni Kei na kauupo lang sa tabi ko. Katabi ko rin pala siya. 

  Lumingon ako sa kanya samantalang inilipat naman ni Reed ang tingin niya. "W-Wala naman." 

  Luminya ng ngisi ang labi niya. "May something ba kayo na hindi sinasabi sa'min?" At nagtaas-baba pa siya ng kilay niyan bilang pang-aasar sa 'min. 

  Part of it, yeah. May tinatago kami pero… 

  Sumandal siya sa upuan niya. "Pero bakit kaya wala pa sila Jasper? Na sa kanya pa naman 'yung isa sa kailangan naming materials, baka um-absent." 

  "Hindi naman siguro. Late lang." Tugon ni Reed at nagpamulsa. "O baka mamayang lunch pa 'yon papasok." Dagdag niya habang nakatingin lang ako sa kanya mula sa peripheral eye view. 

 

  I'm amazed how he can act natural as if nothing's wrong. He's good. 

Samantalang ako… 

  "Haley, are you okay?" Hinarap ako ni Kei sa kanya saka niya hinawakan ang magkabilaan kong pisngi. She's squeezing them as she glanced at me. "You looked really tired, hindi mo naman siguro ini-stress sarili mo, ano?" 

Sandaling namilog ang mata ko bago ko ibinalik sa dati. Tumango ako. "Napuyat lang kagabi." Sagot ko kaya binigyan niya ako ng matamis na ngiti saka niya ipinatong ang kanan niyang kamay sa ulo ko para I-pat ako. 

Hindi ko iyon tinanggal kaya nanibago siya. "Oh, hindi mo tinatanggal." Medyo gulat niyang reaksiyon at mas lumapad ang ngiti. "Gusto mo rin, ano?" And she patted me. 

  Simangot kong inalis ang kamay niya. "Stop it, then." Pagsusungit ko na tinawanana niya. We won't put you in to danger, I swear. 

Mr. Santos' Point of View 

  Sa madilim na kwarto sa hindi ko malamang lugar ay nakaluhod akong nakagapos. 

Dalawang araw o tatlo na rin yata akong nandito sa lugar na 'to pero wala akong mahingan ng saklolo. Akala ko kapag ginawa ko 'yung gusto nila, papakawalan nila ako, pero hindi pala… 

Flashback: 

  Alas tres ng umaga. Gumagawa ako ng presentation para sa morning class ko habang nagkakape para hindi madaling antukin nang may kumatok sa pinto ng apartment ko. Nagtaka pa 'ko dahil madaling araw, may kumakatok kaya tumayo ako para tingnan kung sino iyon. 

  Sa tapat ng pinto, nagdahan-dahan pa 'ko ng lapit bago ko silipin mula sa peephole 'yong taong kumatok. Napaatras ako nang sumalubong sa akin ang mukha ng kung sino, kinuha ko ang baseball bat sa tabi at pinosisyon ang sarili. 

  Subalit mabilis din akong lumingon sa likod nang makaramdam ako ng presensiya pero huli na bago ko pa man siya mahampas dahil sinikmuraan niya ako na siyang nagpaluhod sa akin. 

At bago pa man ako makatingala, idinikit na niya sa leeg ko ang malamig at matulis na bagay. Kutsilyo. 

  "Kapag nag-ingay ka, mamamatay ka ngayon." Babala niya sa akin. 

Hindi ko mamukhaan ang mukha niya dahil sa madilim. 

Tumulo ang nanlalamig kong pawis mula sa noo bago ko pasimpleng tiningnan ang bandang kwarto ko, nakabukas ang sliding window. Mukhang umakyat siya sa bakod para lang makapasok dito. Pero wala akong narinig ni kaluskos! 

  Malakas na tumibok ang puso ko sa takot at nerbyos. "W-Wala akong pamilya, kaya ano ang kailangan mo sa 'kin?" Tanong ko sa kanya. Tumayo na muna siya habang nakatutok pa rin sa akin ang patalim. Sinipa niya ang hawak-hawak kong baseball bat at tumalbog palayo. 

 

  Binuksan niya ang pinto para makapasok ang isa pa niyang kasamahan. 

"Umalis ka E.U." Panimula ng lalaking may hawak na patalim na siyang nagpagulat sa akin. "Wala kang ibibigay na rason kung bakit ka aalis." Dagdag niya. "Kapag ginawa mo 'yon, hahayaan ka namin. Mananatili kang buhay." 

  "Bakit… Bakit kailangan kong umalis sa E.U? Ano ang kinalaman ng trabaho k--" Hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko ay sinipa na 'ko sa sikmura na siyang nagpahiga sa akin sa sahig. 

  Umubo ako, nadagdagan lamang iyon noong inapakan ako sa dibdib. Unang-unang na sa isip ko ay ang tumawag sa police.   

  Subalit hindi ko naituloy 'yon ng tutukan na ako ng baril. Nakita ko ag hugis nito dahil sa liwanag ng buwan na tumapat bigla sa kanya. "Sasama kami sa 'yo para wala kang rason para tumawag sa mga police." Pananakot niya at ngumisi. Nakasuot siya ng itim na mask! "Pero kahit tumawag ka sa mga police, wala rin silang laban sa 'min. Lahat sila, mamamatay din." 

  Nonsense! 

  Kung hindi lang talaga sila sasama sa 'kin papunta sa E.U. 

May pagkakataon akong makatawag sa police. Pero mayroon nanaman silang isang pananakot na ginawa kaya nag desisyon akong hindi tumawag sa mga police. 

  "Makakita lang kami nang kaunti mong pagkakamali, papatayin ko sa harapan 'yung mga estudyante sa E.U." Idinikit niya ang dulo nung baril sa noo ko. Handa ng iputok kung hindi maayos ang aking sagot. "Ayaw mo naman sigurong mangyari 'yon, 'di ba? Titser ka, ayaw mo naman sigurong mapahamak 'yung mga estudyante. O baka naman gusto mo rin silang pabayaan kasi katulad ka lang din namin." 

  Nanggalaiti ang ngipin kong tiningnan siya. 

*** 

  PUMASOK AKO sa E.U kasama ang dalawang lalaki na pumasok sa apartment ko. Nakasuot sila ng Black surgical mask kaya hindi pa rin nakikita ang kabuoan ng kanilang mga mukha. 

  Kumatok ako sa pinto ng HRM (Human Resources Management) saka pumasok sa loob kasama ang dalawang lalaki. 

Na sa poketa lang nila ang mga baril nila't nakatago, kahit na anong oras pwede nilang ilabas 'yon para itutok sa kung sino't patayin. 

  Ipinatong ko ang resignation letter sa lamesa ng in-charge sa mga taong magre-resign. Huminga ako nang malalim at ibinuka ang bibig upang sabihin ang dahilan kung bakit ako nandito. 

End of Flashback: 

  Pero pagkaalis na pagkaalis ko pa lang sa E.U at pumunta sa isang eskenita para kausapin ang dalawang lalaki, bigla na lang nila akong pinatulog sa pamamagitan ng pag karate ng aking batok. 

  At pagkagising ko, nandito na ako sa madilim na lugar na ito. 

  Tanging tubig lang ang nagpapabuhay sa akin. Walang kain kain kaya nanghihina na ang katawan ko. 

Ngayon nga, hindi ko alam kung bakit pa nila ako hinahayaan na mabuhay rito kung kamatayan din pala maghihintay sa 'kin dahil sa pagkakulong at kulang na pagkain. 

  Bumukas ang jail door kaya tumingala ako para makita ang kung sino mang papasok. Akala ko nga may tubig ulit akong matatanggap ngayong araw pero nagulat ako sa nakita ko, mula sa liwanag sa labas.

Papasok si Mirriam Garcia. Ang isa sa estudyante ko. 

  Hawak-hawak ng lalaki ang braso niya at pahagis na ipinasok dito dahilan para mapaupo siya sa malamig at maruming simento. 

 

  "MABULOK kayo diyan!" Singhal ng lalaki at malakas na isinara ang jail door. Narinig ko na ang mga yabag ng mga paa niyon paalis kaya naiwan na kami sa madilim na lugar na ito. 

 

  Naririnig ko ang mga hikbi ng estudyante ko. 

  Kanina, bago maisara ang jail door, nakita ko ang itsura niya dahil sa nanggagaling na liwanag sa labas.

Punit punit 'yung uniporme niya. Ano'ng ginawa nila sa kanya?

"Mirriam. Ikaw ba 'yan?" Tawag ko sa pangalan niya. Naramdaman kong tumingala s'ya sa akin. 'Tapos ilang minuto na lang nang makarinig na ako ng hagulgol. Pilit ko siyang pinapatahan, gusto ko ring lumapit sa kanya pero hindi ko magawa dahil nakagapos ako. "Shh… Ano'ng ginawa nila sa'yo?" Nanghihina na talaga ako para makapagsalita. Pero hindi ko mapigilan. 

 

  Hindi siya nakasagot kaagad, mas lumakas lang ang paghagulgol niya. Kaya wala akong nagawa kundi ang makaramdam ng galiit o poot. 

Napapikit na lamang ako nang mariin. 

  Bakit ba 'to nangyayari sa'min? Ano ba'ng ginawa namin? 

Haley's Point of View 

  Break time. Hindi na nagawang makapasok nila Mirriam at Jasper kaya hinintay namin 'yung dalawa hanggang lunch. Nag text na kami pero wala kaming nakuhang reply. 

 

  Tumambay kami sa rooftop ngayon. Medyo mainit pero nandito naman kami sa bench kung saan may silong naman. 

Uminum ng Milk in a box si Kei. "Hay naku, kung kailan may gagawin tayo, doon pa sila mag a-absent. Alam naman nilang strict 'yung titser natin." Nag-aalala na sambit ni Kei kaya nginitian siya ni Reed. 

  "Hintayin mo lang. Baka dumating din 'yon mamayang lunch." Pagpapanatag ni Reed bago kami tiningnan ni Harvey na nakaupong pareho sa bench. "Pero medyo nakakapanibago 'yung kay Mirriam. Hindi naman uma-absent 'yon." 

  Tumango si Harvey. "Siya 'yong pangalawang version ni Haley na kahit may sakit. Papasok pa rin dahil nanghihinayang sa perfect attendance." 

  "Ang alam ko nga, gustong makuha ni Mirriam 'yung perfect attendance sa graduation natin." Dagdag ni Kei at ibinaba ang tingin sa akin. "Nasubukan mo na bang tanungin si Kuya Jin?" 

  Hindi ko naman siya nakakausap ever since. 

 

  "H-Hindi." Nag-aalanganin kong sagot. 

  "Hindi naman niya kailangang itanong sa ugok." si Reed. Nagtataka talaga ako minsn kung bakit ganito 'to umarte kapag si Jin na 'yung pinag-uusapan. 

 

  "Kung um-absent 'yon, baka may problema siya sa bahay?" Ideya ni Harvey na hindi ko nagustuhan. Napatayo ako ng wala sa oras. 

  Ayokong mag-isip ng hindi maganda. Pero hindi ko maiwasan lalo na ngayong marami talagang nangyayari na 'di nila alam. 

  "May pupuntahan lang ako." Wika ko bago mag martsa. Umalis ako sa rooftop. Bumaba sa hagdan at tuloy-tuloy sas paglalakad. Pupuntahan ko bahay nung dalawa. 

  Mas maigi kung malaman kong okay sila kahit na sa bahay sila kaysa… Kaysa malaman kong pati sila, damay rin. 

  Sa hallway, naglalakad ako sa gitna nang may humawak sa pulso ko. "Saan ka pupunta?" si Reed. 

 

  Huminto ako. "Diyan lang ako pupunta." Pagsisinungaling ko. 

  "I can read you right now. Pupuntahan mo sila, 'di ba?" Paninigurado niya na hindi ko inimikan kaya bumuntong-hininga siya. "Hindi ba't sabi ni Roxas na huwag tayong lalayo? Alam ko namang nag-aalala ka sa kanila pero hindi pa natin alam--" 

  "Hihintayin pa ba natin na may mangyari?" Mainahon kong tanong at dahan-dahan siyang hinarap. Inalis ko 'yung kamay niya. "I'll ask you…" Paglunok ko ng sariling laway. "Ilang beses na kayong napapahamak ng dahil lang sa akin?" Tanong ko kaya kumunot ang noo niya. 

  "Haley, huwag ka namang mag-isip ng ganyan--" 

  "Huwag mo na 'kong I-sugarcoat, Reed. Alam naman natin na… Na nagsunod-sunod 'yung mga kamalasan na 'to ng dahil sa 'kin, eh." Pagpipigil kong maluha. "Alam mo ba 'yung pakiramdam na 'yon?" Tanong ko na nagpatitig sa kanya. Wala siyang salita na inilabas sa bibig niya kaya huminga ako nang malalim. 

  Tumalikod na ako sa kanya. "Kapag hinanap ako ng mga titser natin, sabihin mo umuwi ako. Wala ka ng ibang sasabihing rason." Sabi ko bago magpasyang maglakad. Subalit bago pa man ako makahakbang, hinawakan na ni Reed 'yung kamay ko. 

Pumikit ako para kumalma. "Hindi ba't sabi ko--" Lilingon pa lang ako noong magsalita siya. 

  "Sasama ako." Litanya niya nang makaharap na ang tingin ko sa kanya. 

Seryoso ang ekspresiyon niya, isabay mo pa ang mahigpit na paghawak niya sa kamay ko. "I won't leave you." Dugtong niya na nagpaaawang-bibig sa akin. 

 

  Kaya nginitian ko siya't tinanguan. 

***** 

Try kong mag update ulit bukas. Kung hindi man bukas, sa susunod na araw.

Sana nag enjoy kayo sa new update. Thanks for reading.

Yulie_Shioricreators' thoughts