webnovel

TJOCAM 2: The Authentic Love

The tragic incident had finally ended but now that Haley Miles Rouge lost all of her memories and became a different person. Magagawa bang maibalik ng mga kaibigan niya ang kanyang alaala? How about her feelings? Nagbago ba o nanatili? Magagawa nga ba ni Reed sabihin ang kanyang nararamdaman lalo na't ngayong ibang-iba si Haley sa kanyang nakilala?

Yulie_Shiori · Masa Muda
Peringkat tidak cukup
65 Chs

Long Straight Roads

Chapter 51: Long Straight Roads 

Harvey's Point of View

"Hindi naman niya malalaman, eh. I really like you, Harvey. I really do." Sabi ng babae na kung hindi ako nagkakamali, Claudine ang pangalan. Nung unang nagkakilala na kami, may kutob na talaga ako na hindi ko siya magugustuhan.

I don't like people like her who looked so innocent, nakakatakot sila. Marami silang tinatago na 'di madalas makita ng mga tao. Maging masama man o mabuti.    

Inalis ko 'yung kamay niyang hinihimas-himas ang pisngi ko. Mayro'n na akong Gynophobia nung araw na 'yun kaya hangga't maaari ay hindi talaga ako lumalapit sa babaeng ito. "Stop it--" Hindi niya ako pinatapos. Itinulak na lang niya ako sa pader para gawin ang mga gusto niyang gawin sa akin.

Hinawakan niya 'yung bagay na hindi dapat hawakan habang pumapailanlang ang ungol niya sa paligid.

Humiwalay siya sa akin at nginisihan ako. "Let's keep this a secret." Papalapit pa lang 'yung mukha niya sa akin nang bigla kong imulat ang mata ko dahil sa ingay ni Jasper na nagkakakanta na sa likuran. Bigla kasi siyang sumigaw at hindi talaga siya kaaya-ayang pakinggan kaya nakakagulat din talaga.  

"We do this every time

Seasons change and our love went cold

Feed the flame 'cause we can't let go ~!"

Binasa ko ang orasan ko sa wrist watch 'tapos pabagsak ulit na isinandal ang ulo sa pinto ng sasakyan. Alasingko pa lang ng umaga, bale si Reed na 'yung pinag drive ko dahil inantok din talaga ako.

Naglabas ako ng hangin sa ilong 'tapos pasingkit na tiningnan ang labas ng bintana, paangat na rin pala ang araw.

Isinara ko ulit ang mga mata ko.

It's been awhile since I dreamed about that woman. Pero bakit ngayon pa?  

 

Nakarinig ako ng malakas na bagay na mukhang binato ng isa sa kanila. "Manahimik ka diyan!" Pikon na udyok ni Haley na mukha namang kinakalma ni Kei.

Hindi pa rin talaga ako sanay sa pagbabalik ni Haley. Noong nakaraan, para lang siyang isang maamong tupa pero ngayon, 

...nagbabalik nanaman siya sa pagiging dragon na uusok na lang ang ilong kapag galit.  

"Kumakanta lang ako, eh!" Rinig kong katwiran ni Jasper na hindi sinang-ayunan ni Haley at panay pa rin sa kakabulyaw kay Jasper. 

I heard Kei's soft voice as she laughed.

Damn it. I miss her so much, I want to stare at her, hug and hold her hands, but I can't. Hihintayin ko na munang matapos ang problema namin na 'to bago ko ulit siya harapin. 

Na sa Antipolo na talaga kami ngayon pero umabot kami ng ilang oras dito sa kotse dahil wala kaming pwedeng pagtuluyan at hindi available ang karamihan sa mga rest house.

Kaya ngayon, nagpasya nga kami na bumiyahe pa ng malayo-layo habang naghahanap ng pwedeng matuluyan.  

"Kung wala tayong mahanap na rest house. Ayaw n'yo ba sa Smith Hotel na lang?" Suhestiyon ni Reed na bigla ko namang sinagot.

"Hindi, huwag tayo ro'n. Mas maganda kung mananatili tayo sa lugar na hindi malalaman ng kung sino" Tugon ko nang hindi iminumulat ang mata. Naramdaman ko naman ang paglingon ni Reed sa akin.

"Eh, kaysa naman wala tayong matuluyan?" Hirit pa ni Reed.

"Pwede naman, roadtrip." Sabi ni Mirriam. "Iyong parang sa mga movies ba na sinusubukan nating mag survive sa mga zombie apocalypse? Ta's sa kotse lang din tayo natutulog?"  

"Gustong-gustong mangyari 'yan karamihan ng mga gamers!" Bungisngis ni Jasper.

Humagikhik naman si Kei. "Hindi ko gusto 'yung idea na 'yon kung magkakaro'n man tayo ng zombie apocalypse. Pakiramdam ko, maaga akong mamamatay."

Ako naman po-protekta sa 'yo. 

Bumuntong-hininga si Haley. "Wala naman tayo sa fictional world. Na sa reality tayo kaya ro'n muna kayo mag focus." Seryoso namang sabi ni Haley.

"Ang seryoso mo masyado. Gusto mo ng hug, Haley?" At ayon sa tunog, mukha ngang niyakap ni Kei 'yung kapatid niya.

"Get off me." pataray na udyok ni Haley na tinawanan naman ni Jasper.

"Sali ako!" Pakikisali ni Jasper.

"Manahimik ka sa isang tabi!" Bulyaw sa kanya ni Mirriam.  

Hindi ako umimik at nanatili lamang na nakapikit. "Gising ka pa, p're?" Tanong ni Reed na mukha namang ako ang kausap. Iminulat kong muli ang mata ko para tingnan siya sa pamamagitan ng peripheral eye view ko. Sandali niya akong tiningnan bago iharap ang tingin. "Wala, tinanong ko lang talaga kung gising ka pa." Parang nang-aasar na sabi nito dahilan para may pumitik sa aking sintido.

"Reed, kailangan kong mag banyo.." Napalingon naman kami ni Reed kay Kei.

Tinuro ni Reed ang sarili niya na may pagtataka sa kanyang mukha. "Bakit sa akin ka nagpapaalam?" Tanong niya 'tapos tinuro ako. "Nandito 'yung ex mo, o--" Naputol ang sasabihin niya dahil sinuntok ko 'yung braso niya.

"T*ngina mo, naghahanap ka ba ng away?" Napipikon kong tanong. Sabihin ba namang ex? P*ta.  

 

Ngumiti nang pilit si Kei. "Ikaw kasi 'yung nagda-drive." Sabi na lamang niya para maiwasan 'yung awkwardness kaya huminto muli kami sa gasolinahan. Mabuti na lang din at may nakita kaagad kami.

Bumaba kaagad si Kei at dali-daling pumunta sa banyo. Sumunod na rin si Haley dahil mukhang mayro'n ding gagawin.

Naglabas naman ako ng hininga, napapagod ako kahit nakaupo lang ako rito ng ilang oras.

"Ayaw n'yo bang kumain na muna?" Tanong ni Mirriam para ayain kaming kumain.   

Wala rin naman akong gana dahil kakagising ko lang. Mas gusto ko pang matulog.  

Nilingon naman siya ni Reed. "Nagugutom ka na ba?" Tanong niya 'tapos bumaling ang tingin kung nasa'n iyong convenience store. "Pwede kang bumili riyan." Turo niya sa Convenience store.

"Hmm… Wala naman kasi yatang kanin diyan. Pero sige, magtiis na lang muna siguro ako sa noodles." Ibinaba ni Mirriam 'yung sandalan para makaalis siya sa pwesto niya.

"Sama na ako." Sumunod nga si Jasper kay Mirriam kaya kami na lang ni Reed 'yung naiwan.

Namagitan sa amin ang ilang minutong katahimikan, wala rin naman kasi kaming pag-uusapan dahil pareho kaming pagod. Hindi rin naman kami makakapagsaya dahil sa mga nangyayari ngayon.  

Nakapikit na ako habang nakapatong ang kamay sa noo.

Tinawag ni Reed 'yung pangalan ko kung kailan patulog na ako. Huminga ako nang malalim 'tapos nilingon siya habang magkasalubong ang aking mga kilay. "T*ngina mo, Reed. Kung wala kang magawa. Matulog ka na r'yan."

Narinig ko ang kaunting paghagikhik niya bago siya sumandal sa lean seat. "Pasensiya na, naisip ko lang kasi na parang kailan lang din nung makasama natin sila Haley at Mirriam. Sa sobrang dami ng pangyayari, parang ang tagal na nating magkasamang anim." Ngiti niyang kwento 'tapos iwinagaway 'yung mga kamay sa tapat ng kanyang dibdib. "But I'm not implying anything else! If you had something in your mind then--"

Bumuntong-hininga ako. "I even have no idea what you're talking about." Panimula ko 'tapos sumalong-baba para tingnan ang labas ng bintana. "I just thought your personality changed due to excessive stress." Simpleng sabi ko

"Gag* ka. Kaya ayoko nagku-kwento sa 'yo minsan, eh." Naiiritang sabi ni Reed.

Hindi lang ako sumagot kaagad at ngumiti lang nang kaunti.

As long as we're together, matatapos din lahat ng mga problemang ito.  

Mirriam's Point of View  

Sa harapan ng dispenser, naglalagay ako ng mainit na tubig sa cup noodles ko. Samantalang si Jasper, nandoon sa glass refrigerator at naghahanap pa ng pwede niyang maiinum. "Whoa! Tagay tayo ng alak, Mirriam!" Biro ni Jasper na 'di ko lang pinansin.

Wala pa masyadong customer rito sa convenience store, kami pa lang ang ang tao.

Pumunta na nga ako sa bakanteng pwesto 'tapos ibinaba ang cup noodles ko sa lamesa kasama ang bottled juice ko na Green apple flavor kasabay ang aking pagbuga ng hininga.

Hindi ko talaga maintindihan 'yung mood ko ngayon, napapagod ako na 'di ko malaman. 'Tapos may something na hindi ako mapakali. May gusto akong gawin, but at the same time. 'Di ko rin alam kung ano iyon.

Dahil ba 'to sa pagod? Stress sa mga nangyayari?

O baka dahil sa napanaginipan ko kanina?

"Hindi ka pa nagsisimulang kumain?" Tanong ng kararating na si Jasper dala-dala ang footlong niya at energy drinks niya. "Hinintay mo 'ko?" Dagdag niya na sinimangutan ko.

"Iyong noodles ko ang hinihintay ko, hindi ikaw." Pagtataray ko kasabay ang kanyang pag-upo.

Tumawa siya kaunti. "You're not honest at all, aren't you?" Wika niya na parang inaasar ako na ewan.  

Inirapan ko siya 'tapos tiningnan ang noodles ko. Nagugutom na talaga ako.

"Siya nga pala, Mirriam. Ano ba 'yung napanaginipan mo?" Tanong niya at binuksan ang drinks niya.

Nakatitig naman ako sa kanya nang makaramdam ako ng hiya, dahilan para mamula ang mukha ko.

"B-Bakit mo natanong?" Nauutal kong tanong.

Ginupit ni Jasper 'yung maliit na pack ng ketchup sa pamamagitan ng kanyang ngipin saka niya ikinalat iyon sa hotdog niya. "You were calling my name earlier. Kaya gusto ko lang malaman kung ano 'yung nangyayari habang nananaginip ka." Sambit niya ng hindi tinatanggal ang tingin sa pagkain niya.

Pagkatapos ay bumungisngis. "Hindi ka naman siguro nanaginip ng kung ano, 'di ba?" Ngisi niyang pang-aasar kaya kinuha ko 'yung bottled juice ko para sana ihampas 'yun sa kanya nang mapaurong siya't iharang ang mga kamay sa kanyang ulo.

"Joke lang, eh!"

Nakatayo ako nang mapaupo ako. "Damn you." I cussed. "It's nothing important, gaya naman ng sinabi mo. Bad dream lang siya but," Inilayo ko 'yung tingin habang nakita ko sa peripheral vision ko 'yung pag-angat niya ng tingin sa akin. "…you were stabbed." Panimula ko sa kinukwento ko. "I tried to wake you up, pero kahit na ano ang gawin ko. Hindi ka na magising. Naliligo ka sa sarili mong dugo, and it scares me. I couldn't even move nor speak. Haley and the others were striving to beat those guys-- I mean in my dreams habang ako, nandoon lang sa likuran nila't walang ibang ginawa kundi ang mag-iiiyak. I'm totally useless." Pagtungo ko pagkatapos.

"I'm not sure but you are having a mild anxiety, the way na ikinu-kwento mo." Sabi niya at ininum ang energy drinks niya. "Aside of what Sigmund Freud told how dreaming preserve sleep by expressing unfulfilled desires and wishes. You're having bad dreams due to psychological stress or maybe trauma. Kumbaga you feel powerless or out of control. You're afraid of what will happen in the future that triggers your emotions." Paliwanag niya at nginitian ako. Laking gulat ko rin nang hawakan niya 'yung kamay na nakapatong lang din sa lamesa. "As much as possible, manage your emotions. Huwag mong ini-stress sarili mo." Paalala niya sa akin.

Mabilis ko namang inalis 'yung kamay ko. Sa sobrang pagka-tense, hindi ko alam kung sa'n ako titingin. "I-I know." Sagot ko 'tapos ipinatong ang dalawang kamay sa kandungan ko. "Pero ngayon ko lang nalaman na maalam ka sa mga ganyan. Bagay nga talaga sa 'yo iyong pagiging psychologist."  

Namilog nang kaunti ang kanyang mga mata. "Wala naman akong binabanggit about being psychologist, ah? So, how did you know?" Tanong niya sa akin kaya mas nadagdagan 'yung pagka-tense ko.

Lumingon-lingon na ako sa kung saan. "A-Ah! Narinig ko lang sa iba." Palusot ko at pilit na lamang na natawa. Nawala lang iyon noong maalala ko nanaman 'yung hindi niya pagtanggap sa malaking oportunidad para sa kanya. "Jasper." Tawag ko sa pangalan niya.

"Hmm?" Tugon niya at sumubo ro'n sa footlong niya.

"Kapag natapos na 'tong mga problema natin na 'to," Inangat ko na ang tingin ako sa kanya. "Sana maipaliwanag mo sa 'kin kung ba't mo tinanggihan 'yung pagiging exchange student sa SJSU. Gusto ko, manggaling talaga sa 'yo.. Hindi sa coach natin." Seryoso kong saad sa kanya dahilan para ibaba niya 'yung kinakain niya't mapatitig sa akin.

Mayamaya pa nang labas sa ilong siyang mapangiti. "I see, kaya pala." Tukoy niya siguro sa pagbanggit ko ng pagiging Psychologist niya kanina.

Binigyan niya ako ng thumbs up. Lumapad din 'yung ngiti niya. "Oo naman. Sana maghanda ka rin sa sasabihin ko pagkatapos."   

Napaawang ang bibig ko 'tapos taas-kilay siyang nginitian. "Now, you're making me curious about it."  

Tumawa lang din siya nang kaunti 'tapos tinuro ang noodles ko. "Kainin mo na 'yan, para makaalis na tayo pagkatapos."

Tumango naman ako bilang pagsagot at kumain na nga.

We have no idea kung sa'n kami dadalhin sa mga susunod na raw, pero kung sila ang makakasama ko. It'll be worth it. 

'Sup! Sana nag enjoy kayo sa chapter ko na 'to ngayon. Hahahah! Slow pacing tayo para ma-appreciate n'yo iyong bawat moments ng Trinity6 at 'yung iba pang kwento. I hope hindi kayo na-bored. Pero okay lang kung i-comment n'yo na boring siya (kung iyon ang nafe-feel n'yo.) Hehe. Anyway, sana ma-rate n'yo rin ang storyang ito. :( Hahaha! Thank you for reading!

Yulie_Shioricreators' thoughts