webnovel

Throne Ring [battle of two kingdom]

Ring for god, book for darkness, power for man, throne for king. Singsing para sa mga diyos at libro para sa kadiliman at kapangyarihan para sa kalalakihan,trono para sa hari. Bawat lahi ay may mga tungkolin na kailangang gampanan sa nuhrim eartin at bawat hari ay may karapatang pamunuan ang kanyang masasakop. Ang singsing ng mga diyos ay pipili ng karapat-dapat na magiging hari ng white mountain, ang singsing ang magsasabi kung sino ang itinakdang mauupo sa gintong trono ng mga elves. Written by Chris servano

iamkuyachris12 · Fantasi
Peringkat tidak cukup
49 Chs

chapter 17

BATTLE OF TWO KINGDOM

ANG HINDI MATAPOS-TAPOS NA DIGMAAN

MAY mga dragon na nagliparan sa himpapawid patungo sa mga tore ng tarzanaria, bumubuga ang mga ito ng apoy na nakasisira ng mga pader at tore.

Ang ilang parte ng palasyo ay nabalot ng apoy kabilang na ang mga bahay at ang ilang maliliit na bayan ng tarzanaria ay natupok ng apoy. Walang awa si haring thron sa pagkitil ng maraming buhay dahil ang nais nya'y kapangyarihan at tagumpay.

"Panginoon!ang panahon ng wrin ay matatapos na at muli nating ibabalik ang panahon ng evilders at tayo ang maghahari sa buong mundo"

Sigaw ni haring thron habang nakatuon ang pansin sa digmaan, inutusan nito ang mga mandirigma nya na maglakad na papasok ng tarzanaria at ipinag-utos nya ring wasakin ang sentro ng lungsod.

Ngunit ang pader na humaharang sa mga evilders ay matibay kaya't nagsumamo si haring thron na pagbigyan ang kanyang hiling sa reynang nasa tabi nito.

"Ako na ang bahala mahal ko!"

Inilapat ng snow queen ang kanyang mga kamay sa lupa at ang hangin na pumapagaspas sa paligid ay nabuo bilang isang malaking buhawi. Tinungo ng buhawing iyon ang tarangkahan ng tarzanaria.

Ang gate of tarzanaria ay nawasak at ang pader sa magkabilaan nito'y bumagsak na. Ang pader na matibay at nagbibigay proteksiyon ngayo'y wasak na.

Naglakad papasok ng tarzanaria ang hukbo ni haring thron. Hinalughog ng mga ito ang bawat sulok ng gusali at kabahayanan ng tarzanaria, mula naman sa malayo natatanaw ng mga hari ang pagsunog ng mga evilders sa mga bahay ng mga inosenting tao.

Ang hukbo ng white counsel at hukbo ng toretirim ay kasama sa mga umatras sa laban.

Ang sentro ng tarzanaria ay malayo sa palasyo, ang sentrong lungsod ay naroroon ang mga taong tumakas mula sa gate of tarzanaria.

"Pipigilan ko ang pagdating nila dito sa lungsod! Kakailanganin ko ang tulong mo haring rieuin tiriin!"

"Kung gano'n wala na dapat tayong inaaksayang oras at tayo'y sumugod na haring reviin sel!"

Ang kanilang hukbo ay hindi na aabot sa isang daang libo. Ngunit kinailangan nilang sumunod sa kanilang hari upang pigilan ang pagdating ng mga evilders sa sentrong lungsod ng tarzanaria.

*DOM! DOM! DOMMM!*

(Tunog ng tambuli)

"Tigil!papuntahin ang mga rebdi sa tulay ng lungsod at wasakin ang mga tore at pabagsakin ang kanilang hanay!"

Iniutos ni haring thron sa kanyang mga tapat na alagad na lusubin na ang sentrong lungsod, alam ni haring thron na ang itim na aklat ay babalik na sa mga kamay ni lord teraiziter dejirin.

"Humanda na kayo! Nandito na sila!"

Sa tatlong sunud-sunod na pagtunog ng tambuli ang mga kawal ng randeror at toretirim ay sabay sabay na lumusob sa mga halimaw.

"Sugod!!"

Sigawan na may galit at pagkagalak

Nakikipaglaban sila na may mga ngiti sa mukha, labis ang tuwa ng mga evilders na dumadanak ang dugo sa lupa. Ang dugo ng mga dwarves na kumakalat sa lupa ay labis na ikinatutuwa ni haring thron.

"Kailangan madala ang aklat sa white counsel upang protektahan ito laban sa diyos ng kadiliman!" Saad ni haring lurril steil habang tinatanaw ang nagaganap sa gate of tarzanaria.

"Ngunit ang diyos ng white counsel ay nahibang na! Nagpadala siya ng hukbo dito upang protektahan ang mga tao! Ngunit ang sarili nya'y hindi nya maprotektahan laban sa kadiliman!"

Galit na saad ni haring vinner kay haring lurril steil.

Ang paglusob ng hukbo ng andican at randeror ay hindi sapat para pigilan ang hukbo ni haring thron. Mas lalo pang dumami ang mga mandirigmang evilders at goblins na pumasok sa gate of tarzanaria.