webnovel

Throne Ring [battle of two kingdom]

Ring for god, book for darkness, power for man, throne for king. Singsing para sa mga diyos at libro para sa kadiliman at kapangyarihan para sa kalalakihan,trono para sa hari. Bawat lahi ay may mga tungkolin na kailangang gampanan sa nuhrim eartin at bawat hari ay may karapatang pamunuan ang kanyang masasakop. Ang singsing ng mga diyos ay pipili ng karapat-dapat na magiging hari ng white mountain, ang singsing ang magsasabi kung sino ang itinakdang mauupo sa gintong trono ng mga elves. Written by Chris servano

iamkuyachris12 · Fantasi
Peringkat tidak cukup
49 Chs

chapter 11

BATTLE OF TWO KINGDOM

ANG SAGADOR AT ANG BUNDOK NG BANGUNGOT

MATAPOS ang matinding digmaan noon isang kaharian ang nabalot ng kadiliman. Kinalimutan at hindi na muling inalala ang kasaysayan.

Sinasabi sa aklat ni aces tactirien ang mga halimaw na sumakop dito ay walang kamatayan, Walang buhay ngunit humihinga.

Nagdudulot sila ng matinding sakit na panghabang buhay, bangungot ang sino mang makakakita sa kanilang wangis.

"Dahan dahan! Ang mga narcan ay nagtatago lamang sa mga pader, kung nasaan ang madilim na bahagi ng palasyo ay naroroon din sila!"

*SIGAW*

Nakakakilabot ang sigaw na iyon na siyang nagpaatras sa mga elves na kasama ni tamberow.

Nakatuon ang pansin ni tamberow laurhim sa unahan nito, may malaking puno sa harapan nya at makikitang may lagusan papasok do'n.

"Sa hinaba-haba ng panahon tinubuan na ng kahoy ang loob ng palasyo! Bilis na!"

Sinuong nila ang lagusan papasok sa pinakadulo ng palasyo ngunit ang bumungad sa kanila ay ang napakadilim na paligid at maalikabok na pasilyo.

*SIGAW*

Paulit-ulit na naririnig ang mga sigaw na iyon,ang mga elves ay natataranta na at mapapansing ang mga taynga nito'y gumagalaw.

"Walang maaaring pumasok sa aking kastilyo! Sinong mga hangal ang nagtankang pumasok?"

Ang boses na iyon ay umalingawngaw sa buong paligid ng palasyo. Wala silang makita dahil sa dilim kahit na ang sisidlang apoy ay hindi nito maaninag ang nilalang na nagsasalita.

"Liwanag!liwanag! Liwanag!"

Sigaw ng ibang nilalang, hindi lang iisa ang nando'n.

"Liwanag!hindi! Hindi!"

"Tahimik!" Pagsasaway pa ng isa.

"Narcan!mga nilalang na walang kamatayan! Magpakita kayo!"

Sigaw ni tamberow laurhim sa napakadilim na paligid ngunit lalong nagalit ang mga narcan sa winika ng matandang salamangkero.

Ang paligid ng palasyo ay unti unting sumisikip hanggang sa isa isang nagsigawan ang mga kasamahan ni tamberow laurhim. Naglaho ang mga ito at maririnig ang kanilang sigaw mula sa ilalim ng kastilyo.

Ang anim na elves ay tinangay ng mga narcan patungo sa ilalim ng palasyo, ngunit hindi nila nagawang makuha ang matandang salamangkero.

"Bagong alagad na naman ang mabubuhay! Hahaha!"

Nagtaka si tamberow laurhim sa sinabi nito kaya't dahan dahan itong naglakad pa atras upang takasan ang boses na iyon ngunit ang lagusan sa kanyang likoran ay unti unting binalot ng mga ugat ng kahoy.

"Patayin siya!"

"Gawing harwhid (puppet)"

"Walang aalis!"

Hindi nakita ni tamberow laurhim ang tumamang usok sa kanyang likoran kaya't bumagsak ang matandang salamangkero sa sahig.

Mabilis na nakatayo si tamberow laurhim ngunit ang tungkod nya ay nahulog sa bangin. Nagtataka ng labis si tamberow laurhim dahil wala naman kaninang bangin sa harapan nya kaya't gano'n na lamang ang kanyang takot nang makita ang nagbabagang apoy at mga naglalakihang bato sa ilalim ng palasyo ni haring haring hruen sturin.

May mga rebri doon at mga orcs na abalang nagpapanday ng mga sandatang pandigma.

"Paghaharian nya ang mundo at siya ang magiging diyos ng lahat!" Saad ng isang narcan na nagtatago sa dilim.

Sunud-sunod na tumama sa katawan ni tamberow laurhim ang usok hanggang sa umangat ito sa eri. Napapaligiran siya ng itim na usok habang ang kanyang leeg ay unti unting kinakapitan ng ugat at sumisikip iyon.