Chapter 44: Love Always Wins!
Harvey's Point of View
Nakabalik na kami ni Jasper sa classroom at kasalukuyan na nilang isinasagawa ang bunutan para sa outreach namin para sa susunod na linggo. Kasama namin sa activity na ito ang klase nila Kei.
Lalaki ang bumubunot para sa magiging partner nila kaya pumunta na kami ni Jasper sa harap upang bumunot. May nakaabang na nga ring babae mula sa class section nila Haley para malaman kung sino ang mga nakuha namin.
Ipinasok ko na ang kamay ko sa malaking kahon at kumapa kapa na muna bago kumuha ng papel. Tahimik kong tiningnan iyon at laking gulat na malamang si Kei itong nakuha ko.
Napaawang ako at pa-simpleng tinupi habang tumitikhim. Kaagad naman akong inakbayan ni Jasper para makisosyo sa nabunot ko, "Sino nakuha mo?" tanong niya sa akin saka pumasok ang class nila Reed sa classroom.
Ibinulsa ko lang ang nabunot ko at iniwan lang doon si Jasper para lapitan si Kei, nginitian naman niya ako at tinanong kung sino ang partner ko. Umiwas na muna ako ng tingin bago ipakita sa kanya ang papel.
Hindi ko man nakikita si Jasper pero alam kong duro-duro niya ako habang nagmamaktol na sa likod. "Taksil ka! Palit tayo, Harbe! Ayoko kay Mirriam!" sa sinabi niya ay nakatanggap siya ng malakas na suntok sa sikmura. Mirriam did it.
Sina Reed at Haley ay nandoon lang sa sulok at mukhang may pinag-aawayan pa yata. Kaso mukha namang okay ang nabunot ni Reed kaya wala namang problema.
"Please, take care of me." nag bow pa si Kei niyan. Humawak ako sa batok at mas nag-iwas ng tingin. Nacu-cute-an ako kapag ginagawa niya 'yan, eh.
"You don't have to be so formal." sabi ko pero nginitian lang niya ako.
"Sa Wednesday na ang preparation day ninyo kaya maghanda na kayo para sa mga dadalhin, naiintindihan n'yo? mamaya ko ibibigay ang parental consent para sa outreach" sabi ni ma'am Nim na tinatango tanguan lang ng adviser nila Reed na si ma'am Kim.
Itinaas ng isang estudyante sa section nila Kei ang kamay para magtanong, "Pero para saan po ba itong outreach? For a cause?"
Humarap ro'n si professor Nim, "Kailangan ito sa Personal Development ninyo para makilala niyo pa ang mga sarili ninyo, napansin kasi ng school na medyo nawawala pa ang karamihan sa inyo kaya kinakailangan naming gumawa ng ganitong klaseng activity bawat klase. Maliban sa makakatulong ito sa inyo ay matutulungan niyo pa ang ibang bata-- isa rin sa for a cause." mahabang litanya ni ma'am Nim at ngumisi, "Huwag kayong mag-alala, ang pupunta ay exempted na sa subject namin ni ma'am Kim." segunda niya kaya na-thrill naman ang halos lahat.
Nagulat naman si ma'am Kim sa na-deklara ng kapwa niya titser at balak pa sanang bawiin nang maghiwayan na ang lahat. Minsan talaga napaka abnormal ng estudyante sa unibersidad ni Kei, mga takas sa mental.
Kei's Point of View
Dumating na nga ang araw ng outreach, magkatabi kami ni Harvey dahil sa kami nga ang mag partner. Nagdala kami ng mga kailangan like goods para sa mga bata gayun din sa mga kagamitan namin para sa tatlong araw na stay namin sa Tagaytay.
Ngayon na lang ulit ito nangyari kaya excited na excited din talaga ako para rito. Halos 'di nga rin ako makatulog kagabi kakaisip sa kung ano ang pwedeng maganap.
Naglabas ako ng hininga at pasulyap na tiningnan si Harvey na kasalukuyang nakahalukipkip habang nakapikit. Gumagamit lang siya ng neck pillow kaya hindi na niya kinakailangan pang sumandal sa akin. Aww.
"Harvey." tawag ko sa kanya pero hindi lang niya ako pinansin. Tulog ba siya?
Pumaharap ako ng tingin at muling bumuntong-hininga. No. It looks like he isn't in the mood to care about anyone else anymore.
Isinuksok ko na lamang ang earphone ko sa aking tainga para makinig sa kanta. Tutal hindi naman na niya ako papansinin. Mayamaya lang nang bumagsak ang ulo ni Harvey sa balikat ko kaya kamuntik muntikan pa akong mapatili.
Nawala na nga rin sa pagkakasuksok ko 'yung earphones, eh.
Dumungaw si Haley mula sa upuan niya, "Kei, you wa--" napatigil si Haley sa pag-abot niya sa akin ng Stick-I-- isa sa wafer stick.
Unti-unti siyang ngumisi, "Wanna take a picture?" taas babang kilay nitong tanong kaya mas lalo akong namula. Kinuha na rin niya ang cellphone para kuhanan kami ng litrato nang bigla namang gumalaw ang sinasakyan naming bus.
Napasimangot si Haley at bumalik na sa pagkakaupo niya, "Nevermind, nasusuka na 'ko."
Orphanage ang in-assign sa group namin ni Haley habang ospital naman ang kina Jasper kaya nakahiwalay sila sa amin.
Sumilip si Reed sa pwesto namin, nasa likuran lang naman nila kami, "Kei, na sa 'yo ba 'yung earp-- ay, sarap tulog pare, ah?" ngising pang-aasar ni Reed na hinatak paupo ni Haley. Nagsisimula na silang mag-away sa pwesto nila kaya humagikhik na lang ako.
"Iyong amoy mo" napatingin ako kay Harvey nang magsalita siya. "…Nakakahilo." para namang may kung anong tumusok sa puso ko kaya tinulak ko siya.
"I-iba kasi 'yung gamit kong pabango ngayon!" rason ko naman. Well, totoo naman!
Kasi siyempre, ano... Magkatabi kami, kaya dapat mabango pero 'di ko naman inaasahan na 'di niya gusto! Kainis!
Umayos lang siya ng upo at kinamot ang tainga niya, lumingon sa akin at nginisihan ako, "But I'm not saying that I don't like it." mabilis na umakyat ang dugo sa aking mukha at napatungo na lamang.
***
HINDI NAMAN umabot ng ilang oras ang biyahe at nakarating naman kaagad kami sa Tagaytay. Bumaba na kami ng bus at laking tuwa nang makita ang lugar, kumpara sa Manila ay mapuno pa rin dito. Hindi ganoon kainit dahil nga na sa tuktok din kami ng lugar.
"Wala na ba kayong naiwanan?" pagche-check ni Reed kasama si Haley na nakasuot ng earphone. Kinapkap ko naman ang mga bulsa't nag check ng bag. Hindi ko mahanap 'yong cellphone ko.
Ibinaba ko ang dala-dala kong back pack. "Sandali!" dali-dali akong pumasok muli sa bus para bumalik sa pwesto ko. Naiwanan ko pala 'yung cellphone ko sa upuan. Kinuha ko iyon at napabuntong-hininga.
Biglang nag ring ang phone kaya napatingin ako sa caller. "Hindi ko 'to kilala…" sabi sa sarili at sinagot na lamang ang tawag.
"He--" naputol ang sasabihin ko.
"Hi, Keiley." nanlaki ang mata ko nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Hindi ako p'wedeng magkamali, si Christian ito. Iyong lalaking naka-arranged marriage sa 'kin.
Ano'ng kailangan niya? Bakit bigla niya akong tinawagan?
Lumunok ako at napahigpit ang hawak sa cellphone, "W-what do you want? Kanino mo nakuha 'yung cellphone number ko?" ma-awtoridad kong tono sa pananalita.
Tumawa siya mula sa kabilang linya, "How scary, take it easy… Don't be mad, I just wanna say hello to you." sa inis ko ay binabaan ko siya ng tawag. Bumaba ako ng bus na magkasalubong ang kilay.
"Nakita mo?" tanong kaagad ni Haley na nginitian ko lang saka dumiretsyo sa malapit na banyo. "Sa'n punta mo?" habol ni Haley na sinagot ko naman 'tapos nagmadaling naghanap ng banyo. Nagtanong lang ako roon sa isa sa maitenance worker kung saan malapit naman niya itong tinuro kaya pumunta na 'ko.
Kailangan ko munang maghilamos, ayokong isipin 'yong lalaking 'yon.
Nang makarating ay inilibot ko pa ang tingin dahil natutuwa ako sa halamang nasa paligid, katatapos lang din sa pag-ulan kaya malamig lamig ngayon.
Kumuha ako ng barya sa bulsa at naglagay sa donation box at papasok na sana sa cubicle nang may manghila't isandal ako sa malamig na pader.
"How sweet of you to end the call, huh?" ngiti pero makikita pa rin ang irita sa kanyang mukha.
Tiningnan ko muna 'yung kamay niyang nakahawak sa kaliwa kong pulso bago siya asar na tinitigan, "What are you doing? Let go." simpleng utos ko pero tumawa lang siya. Hinawakan ang pisnge ko't hinimas-himas ito.
"C'mon, I've finally got to see you but you're acting like a child? Don't do this to me, remember that you are already mine." lumawak ang ngisi na gumuguhit sa labi niya, "I can do whatever I want with you, wife." marahas kong inalis ang kamay niyang nakahawak sa pisnge ko.
Napabitaw din siya sa paghahawak niya sa aking pulso kasabay ang pagtalikod ko para umalis. I tried to be brave but deep inside, I'm scared. I'm scared to death, thinking na baka may gawin siya sa 'kin mula rito.
"Walang sa 'yo." mariin kong wika. Kaso ang inaakalang kong hindi na mangungulit ay mali pala. Mula sa likod ay niyakap niya ako.
Now, I felt something between his legs. What is it? Don't tell me…
Marahan ko siyang nililingunan, "Now, be quiet and let me feel you." hinawakan niya ang leeg ko't sinisimulan ng halikan ang aking tainga kung saan ito ang pinaka kahinaan ko sa lahat.
Malakas ko siyang tinulak, "Stop it!" nagulat siya sa ginawa ko pero ayun ang naging dahilan para mainis siya't muling lumapit sa akin. Naging aggresive siya.
Umatras ako, gusto kong lumayo pero nagsisimula ng manginig ang tuhod ko.
Natatakot ako… Walang tao, hindi ako makasigaw, sino hihingan ko ng tulong?
"Why are you doing this?" lumabas na lang 'yan sa utak ko habang umaarte pa ring matapang.
Huminto siya sa sandali, dismayado pero nagagawa pa ring ngumiti, "How about you? Why are you still being hesitant?" sunod-sunod niyang tanong, "You know to yourself that you can't do anything about this. It's already fixed. Even if you tell this to your parents, it's too late. I already got their trust, Keiley. They won't believe you, knowing that you're not fully agreed to it."
Tumungo ng kaunti ang ulo ko habang hindi inaalis ang tingin sa kanya. Gumawa siya ng mukha na nagpataas sa balahibo ko, hinawakan ang magkabilaan kong braso at dinilaan ang ibabang labi. "Hahh… You're so beautiful."
Nakakadiri 'yong tingin niya, nakakatakot… Ilayo niyo ako sa kanya…
Idinikit niya ang labi niya sa aking leeg at sinipsip ito dahilan para mas lalo akong manginig at matakot. Sinusubukan ko na rin siyang ilayo pero mahigpit na ang hawak niya.
Tumulo ang luha sa aking mata, "Har--" may tumamang kamao sa mukha ni Christian bago ko pa man matawag ang pangalan niya.
Napaupo ako ngunit nasalo rin ng kung sino. "Kei!" tawag ni Haley at hinarap ang mukha ko sa kanya. Nanginginig pa rin ang katawan ko kaya inalog-alog niya ako. "Hey! It's fine, we're here."
I didn't say anythign. Inangat ko lang ang tingin ko kung saan nakita ko na lang ang sunod-sunod na pagsuntok ni Harvey kay Christian. "Harvey…" tawag ko sa pangalan niya. Hindi siya nagsasalita pero makikita sa mukha niya ang sobrang galit habang hindi tinitigilan ang pananapak kay Christian.
Hinila naman ni Reed si Harvey para awatin ito, "P're, tama na." ngunit hindi niya ito pinakinggan at sumugod pa rin. Bugbog na si Christian dahil sa galit ni Harvey kaya pumunta na ro'n si Haley para sikmuraan ito nang matigil na siya sa ginagawa niya kay Christian.
Napaluhod si Harvey sa ginawa niyang paninikmura at binigyan ng masamang titig 'yong babaeng gumawa no'n sa kanya, "Why?" galit na tanong nito.
Nakatalikod lang sa kanya si Haley nang bigyan siya ng nakamamatay na tingin, mas nakakatakot pa kaysa sa ginagawa ni Harvey. "Kasalanan mo kung papaiyakin mo pa lalo si Kei" parang pagbabanta niya gamit ang malalim na boses. Napaawang si Harvey at dikit-kilay na tumingin sa 'di kalayuan.
Inasikaso na nga ni Haley si Christian habang tumayo naman si Harvey, 'di inaalis ang paghawak sa sikmura. Humarap siya sa akin at kaagad-agad akong pinuntahan, halata sa mukha nito ang sobrang pag-aalala, "I'm sorry." sabi niya at niyakap ako. Wala lamang akong imik na nakatitig sa kawalan nang bumagsak ang tuloy-tuloy na luha mula sa aking mata.
Niyakap ko siya ng mahigpit, "I'm scared…" nanginginig kong sabi na hinawakan lang ang aking ulo.
"I'm here… I'm here…"
Haley's Point of View
Hindi muna kami pumasok sa Orphanage at nanatili na muna sa lugar na malayo sa mga ka-blockmate namin. Umalis na rin si Christian matapos kong bigyan ng kaunting parusa lalo na noong malaman namin kung sino siya.
Hawak-hawak ni Kei ang leeg niya kung saan makikita mo 'yong hickey na kagagawan ni Christian, nilagyan siya ni Reed ng band aid na palagi niyang dala-dala para hindi 'to makita ng iba. Kaso hindi iyon sapat para hindi siya tanungin tungkol do'n kaya iniharang na lang niya ang buhok niya kung nasaan ang hickey.
Ipinaliwanag na rin niya ang buong detalye. Kaya pala palagi siyang may inaalala because she's been keeping it to herself… I should've ask her.
"He's my Fiancé " dagdag ni Kei matapos maikwento ang lahat. Nagulat na nga lang din kami nang suntukin ni Harvey ang punong katabi. Mabilis na ring nagkaroon ng pasa ang kamay niya, talagang galit siya.
"There's no way that I'm going to allow that--not with the perverted assh*le!" panimula n'ya. Inangat n'ya ang tingin para tingnan ng diretsyo si Kei. "Swear, gagawa ako ng paraan para hindi matuloy 'yan" nakatitig lang din ako sa kanya nang ilipat ko ang tingin kay Kei na diretsyo lang din ang tingin kay Harvey.
Luminya ang ngiti sa labi niya't yumuko kasabay ang pagtulo ng kanyang luha. "Mmh!" pagtango nito.
Hindi ko na rin naiwasan ang mapangiti. Of course, love always wins.