webnovel

KABANATA 1

Pauline POV

10..9..8..7..6..5..4...3..2..1..

Please pass your papers forward.

Pinasa na nilang lahat ang sinagutang papel in Physics. Well ako naman laging nauunang natatapos sa pagsusulit namin. I'm not that smart though to finish the exam dahil sadyang nag review talaga ako last night para sa test na ito. Ganito kasi ako ayokong bumaba grado ko. I never try to have low grades in my subjects. Thats why I study hard to be in a Top students.

"Hay nako! Why you always una una pasa pasa the answer sheets. I'm your bestfriend and we should sabay sabay tayo and I can copy copy your answers. You make me so tampo talaga Pauline. Hmmp!!!" - Hannah said

"Well dapat kasi nagreview ka kagabi, kasi puro cellphone mo nalang yong inaatupag mo. And take note Hannah, bestfriend niyo rin ako. Di lang ikaw Hannah akon rin diba diba diba!!! Nag group study na nga tayo diba pero ikaw lang yong out of the world samin. Right Pauline?" - Lisa

"Ikaw kasi Hannah pinagsabihan na kita kagabi diba?? Nag overnight na nga tayo sa bahay ko. Kasalanan mo yan kong hindi ka nag review alam mo naman strict yong teachers natin na bawal ang komopya ng answers diba??" - ako

"yiiieeeee. Kahit na sana nakacopy pa ako... Pfffttt.. Nanood kasi ako ng kdrama ka gabi kaya tinapos ko nalang eh" - Hannnah

"Pupunta muna ako sa rooftop para magpahangin tutal hapon naman saka di naman don mainit. Mauna muna ako." -ako

"Sige Pauline para mapagalitan ko pa ito ng husto si Hannah." *with matching evil look to Hannah* -Lisa

"Hey dont look at me in that way Lisa" - Hannah

I walk straight to the rooftop tapos umupo na sa may bench. Huminga ako ng malalim at tumingin sa sunset.

"Alam mo napakaganda talaga ng sunset saka dagdagan mo pa ng hangin na dumadampi satin. Kagaya mo ang ganda mo kaya minahal kita eh." -Renzo

"Hoy Mr. Renzo minahal mo talaga ako dahil may itsura ako. Huwag mo akong idaan sa mga pagbobola mong yan nakakairita na. Masapak kita." - ako

"luh napakasadista mo talaga. Gustong gusto mo talaga akong saktan noh. Di kaba naaawa sa akin. Di mo ako mahal. Ano bayan. Tampo na ako. " Renzo

"Hoy lalaki for your information pumunta ako dito para mag palipas oras dahil pagod ako. Gusto ko mag pahinga." ako

"Sorry naman baby. Miss lang talaga kita. Pero totoo yon na maganda ka kaya minahal kita. Maganda ka outside and inside of yourself and I love you dahil mahal na mahal kita. Sorry na baby." Renzo

"Ikaw naman kasi lalong nagdagdagan ang init ng ulo ko imbes na mabawasan yan tuloy napala mo sa mga sinabi ko. Sorry din baby." Ako

Bigla akong hinalikan ni Renzo sa forehead at sumandal siya sa aking balikan habang nakayakap sakin. Ang lalaking to mas lalo akong nahuhulog sa kaniya lalo. Mahal na mahal ko talaga siya and I didn't expect na magtatagal kami ng ganito for almost 2 years and a half. Hindi ko talaga hahayaan na may sisira sa aming relasyon lalo na at subra mahal ko siya. Even though napapainit niya ang ulo ko still mahal ko talaga siya.

"Baby tara na uwi na tayo. Ihahatid pa kita sa inyo." Renzo

"Sige Mr. Kapre." ako.

"Luh ano bayan tinawag mo akong kapre. Bahala ka nga diyan iiwan na kita. Di mo talaga ako love." Renzo

" Luh pikon siya oh. I love you baby ko. Tara na uwi na tayo." ako

"AYIEEEE I love you too baby ko." Renzo

Sumakay kami sa kaniyang kotse at ihahatid niya na ako sa bahay. Habang nasa byahe kami ay bigla siyang nagsalita.

"Baby daan mona tayo sa Jollibee diba favorite mo yong sundae, fries and burger nila." Renzo

"TALAGAAA BABYYY. WAHHHHH JOOBIII HERE I COME." ako

"Kiss muna baby." siya

"Ayoko nga napakamanyak mo talagang lalaki ka." ako

"edi huwag nalang pala tayong dumaan sa jobi. Ihatid nalang kita sa bahay." siya

"No No No punta tayo sa jobii. Sige na nga ikikiss na kita." ako

Imbis na sa checks ko siya halikan eh bigla siyang lumingon at insaktong sa lips niya tumama. Hay nako. Napaka manyakis din tong boyfriend ko. Adik talaga siya. Alam na alam niya talaga kahinaan ko. Porket favorite ko yong jobii ehhh makakachansing na siya sakin hay nako talaga mababaliw na talaga ako sa pag ibig na ito. Joke lang. Hahahahha syempre mahal ko rin yon.

Ayon nag park siya sa parking lot at pinagbuksan niya ako ng pinto. Naglakad kami patungo sa jollibee at umupo sa bakanteng upuan at iniwan niya akong mag-isa don dahil siya na raw mag oorder. Ngayon lang kasi kaming nag sama ulit kasi sobrang busy kami pareho sa school. Magka iba kasi kami ng seksyon kaya ayon ngayon lang naka extra time na magkasama kami. Sobrang miss na miss ko talaga ang mokong yon. I miss the way he treats me like this.

"Miss beautiful nandito na yong favorite mo."

"Wahhhhh my favorite. My sannndaaee myyy ffriiieessss myyy burger."

Di naman siguro ako matakaw noh? Hahaha. Pero kahit anong kain ko di parin ako tumataba. Bat nga ba??

"Say aaaa baby ko"

Then ayon ibinuka ko yong bibig ko imbis na isubo niya sakin yong fries na may icecream ehhh hinalikan niya ako sa chicks ko at siya yong kumain non. Ayon hinampas ko siya sa braso niya at napangiwi siya sa sakit ng naramdaman niya

"Yan ang bagay sayo. Napakamanyak mo."

"Pero mahal mo naman ako. Saka napakasadista mo talaga sa susunod hindi natalaga kita dadalhin dito." *with matching napa pout siya*

"ikaw naman kasi susubuan mo ako ng fries yon naman pala ikaw yong kumain saka hinalikan mo pa ako sa pisngi."

"bakit ayaw mo ba na hinahalikan kita sa maraming tao? Mabuti na nga yon eh kasi para malaman nila na may nag mamayari na sa iyo at ako lang yon walang na iba."

"eh nahihiya ako baby eh. Napakaraming tao oh. At saka ayoko ng PDA."

"Sige nanga baby kain na tayo saka ihahatid pa kita. Kaya ko lang nagawa yon kasi mahal na mahal kita" sabi niya

Nakilig talaga ako deep inside. Mahal na mahal ko rin naman siya eh kaso lang ayoko ng PDA.

"baby alam ko naman yon eh. Mahal na mahal din kita. Sige na baby kain tayo susubuan nalang kita ng burger. " ako

"okay baby ko. Mwahhh mwahhhh. I love you" siya

" I love you too baby ko. Mahal na mahal kita." ako

nakalimutan ko palang magpakilala. I'm Pauline Dhannica Rochelle Keshmark 17 years old. I don't have a family anymore. My parents died 2 years ago dahil sa plane crash ngayon ay nagiisa lang ako sa bahay na ito kasama ang mga katulong ko. Sina lolo at lola nalang ang natirang family ko. But hindi sila dito nakatira. My family own a bussiness which is sa mura kong edad na eto ay napatakbo ko na ang companiya namin sa tulong ng aking lolo. Well ako naman ang magmamana nitong companiya na ito. Kaya nasanay na ako sa buhay kong eto at gusto ko rin naman sumunod sa yapak ni papa sa pagmumuno ng companyang to. Well im happy naman kasi when I was maliit pa he turo turo me how to patakbo this companiya. Hahahaha. Baliw lang well pero totoo, maliit palang my father trained me so okay naman napatakbo ko ng maayos. Namimiss ko na nga ng sobra sina mama at papa. But still alam ko na nandyan sila lagi para sakin. Kahit hindi ko sila makikita pero ramdam na ramdam ko na nandiyan sila. Saka ako lang ang unica hija nila and ka isa isang anak.

Habang nandito ako sa kwarto ko ay biglang nag vibrate yong phone ko. Dali dali kong tiningnan kong sino. Si Lisa lang pala. Bago ko sagutin yong phone eh dali dali na akong bumaba ng hagdan dahil alam ko na pupunta silang dalawa ni Hannah dito sa bahay ko. Then ano pa nga edi nandito na sila para sa group study plus sleep over.

"It is the layer of the planet earth where life exists. This layer ranges from heights of up to...." Lisa

" Its Biosphere Lisa. I know that already." ako

"Hoy Ms. Hannah cellphone na naman ba ulit yong inaatupag mo well hello may exam tayo bukas sa Earth Science noh." Lisa

"At hindi rin naman namin kasalanan kong nauna na naman kaming pumasa ng papers namin. Mag concentrate ka nga sa lessons natin alam mo naman na up to 100 yong exam natin diba. Nandito tayo sa bahay ko para mag group study hindi yong cellphone mo yong pinag aralan mo." Ako

"Wow grabi ka naman makapag salita sakin Pauline ah. " Hannah

"Di naman kami magagalit sayo. Ikaw kasi pasaway kang bata ka. Hali ka at mapalo ka namin sa pwet" Lisa

"Excuse me Lisa im not bata. And Im dalaga na noh." Hannah

"Yeah hindi ka nga bata pero you have to concentrate on your studies. Concern lang kami ni Lisa sayo. Para sayo rin naman yan eh." Ako

"Pauline is right Hannah. " sabi ni Lisa

"Okay okay. Mag rereview na ako." Hannah

"Good then bigay mo sakin phone mo" ako

" WHAAATTT PAULINE. SERYOSO KA?????" Hannah

"Yes I am my dear." ako

At ayon binigay niya kay Lisa yong phone niya para makapag concentrate siya sa pag aaral niya. Si Lisa na nag volunteer na turuan si Hannah and ako naman ay nag prepare sa aming dinner with tulong ni manang. Yong nanay nanayan ko na. Nag luluto kami ni manang ng adobong baboy na paborito ng dalawang impakta kong bestpwend.

"Hoy mga impakta kumain na kayo. Hinahanda na ni manang yong ulam natin" ako

"Ano ba naman Hannah di mo parin ma gets yong tinuro ko sayo hay nako. " Lisa

"Eh ikaw naman kasi ang bilis mo di ko ma catch up agad yong tinuturo mo sa akin. Hello!!!! Okay kalang." Hannah

" Bahala kayo sa buhay niyo kong ayaw niyong kumain bahala kayo. " ako

Biglang nanlaki ang mga mata ng mga impakta sabay sigaw " TEKA PAPUNTA NA KAMI." at ayon mag si takbuhan silang dalawa.

Habang nasa hapag kainan kami ay biglang nag tanong si manang.

"Mga Hija kamusta ang pag aaral niyo?" tanong ni manang

"Okay naman po manang nag exam po kami kanina." sabi ni Hannah

"Ah nga pala manang pwedeng pwede napo kayo mag day off bukas. Para naman po makasama mo po mga apo niyo." ako

"Eh pano ka dito Hija?" manang

"Huwag po kayo mag alala manang may mga katulong pa naman dito sa bahay." ako

" Oo nga po manang spend your time sa pamilya mo. Nandito rin naman kami para kay Pauline." Lisa

"Yes manang kaya makapagpahinga karin kahit papano. Ako na po bahala sa pamasahe niyo pa uwi sa probinsya." ako

"Nako hija salamat." manang

"Walang anuman po manang" Kasabay non ang malapad na ngiti na gumuhit sa mukha ko.

KINABUKASAN.....

Maaga kaming pumasok sa paaralan. Dala dala ang sasakyan ko. Kagabi kasi nag text si Renzo na hindi niya daw ako susunduin kasi may importante siyang gawin na hindi ko manlang alam. Saka hinatid ko narin si manang sa sakayan papuntang probinsya. Pumasok na kaming tatlo sa classroom at umupo na kami sa aming upuan dahil mag sisimula na naman ulit ang pagsusulit namin sa Earth Science.

Lisa's POV

Hi everyone I'm Lisa Chandria Ignacio. Bestfriend nga pala ako ni Pauline Keshmark. One of the craziest girl in the campus charot mga ate at kuya.!!!!! Well Thank you kay Ms. author dahil binigyan niya ako ng pagkakataon na magpakilala sa inyo mga ka readers. Well ngayon ay alam ko na mapeperfect ulit namin ni Pauline yong exam. Pwera kay Hannah kasi ang hirap niyang turuan and I'm sure puro kdrama o kpop ang laman ng kukuti niya.

"Teka lang Ms. author please give me a chance to introduce myself" Hannah

"Mamaya ka na girl may exam pa" Ms. Author

Continue....

Okay so ako ay simpleng kaibigan na kayang ipagtanggol ang mga tao na importante sa aking buhay lalong lalo na sina Pauline at Hannah. Dahil sila lang naman ang itinuturing ko na kapatid. Si Hannah ay isang mabait kong bespwend na ang laman ng kaniyang kukuti ay puroooooooooo...

KPOP AT KDRAMA..... Well kahit ganon yon mahal na mahal ko parin siya kahit bruha siya. Si Pauline naman ay isang simpleng babae na kahit namatay ng maaga ang kaniyang mga magulang ay ipinapakita niya samin na malakas siya. She is one of a kind. Na kahit anong pagsubok sa buhay niya ay hinding hindi siya basta basta susuko ng ganon lang. Siya ay mapag bigay, mabait at mapagmahal na tao dahil alam ko at ramdam ko kong gaano niya kami ka mahal ni Hannah. Maganda siya matalino at masipag. Pero hindi ko kaya ang kaniyang ginagawa sa pagtatakbo niya ng kompaniya na ipinamana ng kaniyang magulang sa kaniya. Sa murang edad niya at namulat siya sa mundong dapat hindi niya pa kayang gawin. Pero kahit ganon ay ipinangarap niya rin na maging isang CEO ng kanilang companiya pero natupad niya na ang kaniyang minimithi. Siya ang tinaguriang pinakabatang CEO sa buong Asia. Nakakapag interact o transaksiyon siya sa ibang lugar kagaya ng Paris, Korea, China at iba pa. Minsan nga sinasama niya kami sa kaniyang lakad. Maliit palang kami ay magkakasama na kaming tatlo. Alam narin namin kong ano ang mga kahinaan namin pagdating sa mga bagay na aming papasukan. Well here we go. The exam are going to start na.

To be Continued.....