webnovel

The Wife And The Mistress

This is the story of young woman named Emily! Ang babaeng tanga! Kung sinu-sino pa pinagbibintangang babae ng kaniyang asawang si Noel nasa tabi-tabi lang. Ang kaibigan slash kabit, kerida, third party at nakikiapid sa may asawa nang may asawang si Lucia. Lucia is my best friend back in highschool and college days. Parang kapatid Ang turingan sa isa't-isa, pero nang ligawan siya ni Noel, di nagpahalata sa selos at umalis papuntang ibang bansa. Mag-asawa na sila ni Noel nang umentra si Lucia, upang isagawa ang plano. Ang agawin ang asawa at idispatya siya upang ma-solo nito at maibaling ang pagibig ni Noel sa kaniya. Until she finally caught her husband betrayal with his mistress kissing and having sex with bed. Wala na mas sasakit pa sa pagtataksil ng dalawa, kahit sinubukan niya bawiin ang asawa ngunit iniwan siya nito hangang sa may nagtangka sa buhay niya na inakalang aksidente ang lahat. Muntikan na mamatay si Emily sa sinadyang ihulog siya sa bangin, pero nagbalik siya.To revenge Lucia and to seduced her husband.

Ruth_Rendon · Realistis
Peringkat tidak cukup
32 Chs

Chapter 26: Margaret's Past

Nakarating si Noel sa Mansion na nababahala sa ginawa ni Lucia kanina sa event, maaaring maapektuhan ang kumpanya, makaabot sa media at higit sa mga magulang ko kapag nalaman nila ang tungkol rito. Hinubad ko ang suit ko at niluwagan ang necktie na parang nasasakal.

Napabuntong hininga ako, hangat maaari ay ayoko na muna makita si Lucia dahil baka masakal ko siya nang di oras.

Akmang papanhik ako sa taas papasok sa kuwarto para makapagbihis ngunit tinawag ako ng kawaksi at nagsabing may tumatawag.

"Sir! May tumatawag po!"

"Sino daw?" tanong ko at pumihit paharap.

"Atty. Regala po daw!" pagkasabi ay agad inabot sa akin ang telepono at umalis, itinapat ko ang telepono sa tenga ko.

"Hello! Atty. Richard Regala may balita na ba sa pagkamatay ng asawa ko?"

"Yes! But please can we meet, I have something very important to tell you" anito na parang may ibubunyag sa akin.

"Okay! By the way, what place and time tayo magkikita?"

"Sa favorite place ko at 5:30 PM!"

I sudden think of what is he going to say to him but it makes him shake his head and ignored it.

______________________________________________

"Parang frustrated ka!" sabi ni Atty. Regala.

"Nakakainis lang kasi si Lucia, akalaing mo ba naman na i-announce niya sa lahat na 'engage' na kami, di porket buntis siya ay agad ako magpapakasal sa kaniya" ani ko iling.

Napansin ko ang hawak ni Atty. Regala na envelope sabay bigay sa akin.

"What's this?" kunot ang noo tanong ko habang hawak ang envelope.

"Open it!"

Binuksan ko ang sobre sabay nanlaki ng aking mga mata sa nakita. Piraso ng damit ni Emily, isang litrato na makikita ang mahabang rope, at yung iba ay nasa damo na nagkalat-kalat katulad ng kutsilyo at ang daanan na parang sinadyang ihulog ang kung sinong biktima.

"Nakuha ko ito sa kung saan namatay ang asawa mo at sa tingin ko ay..may nagtangkang pumatay sa kaniya."

"Pero sino naman ang gagawa nito sa kaniya? Wala akong maalala na may nakakaaway siya dahil napakabait ng asawa ko" patuya ko sa kaniya.

He chuckled "diba nambabae ka! Sa tingin mo bakit gusto ni Lucia na magpakasal agad-agad kayo kahit sabihin natin na buntis siya, pero kamamatay pa lang ni Emily" pinangningkitan niya ako ng mata "di ka ba nagtataka?"

"No! Ano ba ang ibig mong sabihin na.. Si Lucia ang may kayang gawin ang ganitong bagay?"

"Hmm! Ikaw ang may sabi niyan."

"Hindi! Hindi magagawa ni Lucia sa asawa ko yun, at saka bestfriend sila kahit noon pa at parang magkapatid" umiiling ako na hindi naniniwala sa sinabi niya.

"Minsan kahit anong ugali ang meron si Lucia ay lagi mo sinasakyan, I know na inlove sa'yo si Lucia kahit mag-bestfriend sila ni Emily" alam nito yun dahil kaklase din nito si Lucia dati sa college. "Pero ito lang ang masasabi ko sa'yo, di sa pinagbibintangan ko si Lucia sa pagkamatay ni Emily pero... alam mo naman siguro kung gaano kabaliw sa'yo si Lucia di ba eh baka may chance na siya ang may gawa nito kay Emily at nagpe-pretend lang siya na walang ginawa."

Di ako nakaimik, waring malalim ang iniisip. Bago ako makapagpaalam ay may pahabol sa akin si Atty. Richard Regala "Wag na wag ka magpapahulog sa bitag ni Lucia at wag mo siya pakasalan, tandaan mo ang sinabi ko Noel Raymundo. Mahirap na!"

Nakaalis ako ng restaurant na malalim ang iniisip hangang sa pagdating sa bahay di pa rin mawala ang sinabi sa akin ng kaibigan.

Pumanhik ako sa taas papasok ng kuwarto at gusto na niyang magpahinga dahil sa pagod at maraming iniisip nang mabungaran ko si Lucia at hinalikan ako na wari aakitin sa pamamaraan nito ngunit sumagi sa isipan ko ang sinabi ni Atty. Richard Regala.

Akmang huhubarin niya ang suot ko nang tiim bagang kong kinuha ang mga braso niya at hinigpitan dahilan upang mapangiwi siya sa sakit.

"Ano ba ang problema mo Noel?" tila nasasaktan pa rin.

"May kinalaman ka ba sa pagkamatay ni Emily?" nagulantang si Lucia sa isinambit ko, si Lucia naman ay namutla at di makapagsalita.

"N-noel!"

"SAGUTIN MO ANG TANONG KO!" pasigaw ko at umabot sa mga kawaksi ang kaniyang paninigaw kay Lucia at nagtataka kung bakit may nagsisigawan sa loob ng kuwarto.

Kaya agad pumunta sa pintuan ang mga kasambahay upang makinig na para bang mga tsismosa.

"May kinalaman ka ba sa pagkamatay ni Emily?"

"O-of course not, Noel! Di ko magagawa kay Emily ang patayin siya" aniya na natataranta mag-explain ng sasabihin at kinabahan.

"Is that so! I'm sorry kung napagbintangan kita." Bumagsak ang aking balikat at nawalan ng ganang nagbihis at iniwan ko siya nagiisa.

Nakahinga ng maluwag si Lucia matapos paniwalaan ni Noel ang sinabi niya "na muntikan ako dun!"

______________________________________________

Aguilar Mansion...

Nilalambing ni Emil ang kaniyang kabit na si Margaret, kasalukuyan sila nasa loob ng silid. Kahit patuloy ni Emil na nilalambing si Margaret ngunit di ito umubra, nitong mga nakaraang araw ay nanlamig at nawalan ng init sa akin si Margaret at tanging nakikita lagi niyang nakakasama ay ang panganay niyang anak na si Emanuel.

"Margaret!" anas ko na hinalikan ko siya sa leeg habang hinihimas ko ang kaniyang dibdib na may kalakihan.

"Wala akong gana!" aniya lumayo sa katawan ng matanda.

"May problema ba? Margaret!"

Umiling si Margaret "Wala lang! Talagang wala ako sa mood" sabay talikod ngunit pinigil niya ako sa braso.

"May dapat ka bang ipagtapat sa akin na at di mo sinasabi sa akin?" napahinto saglit si Margaret na tila naparalisa sa pagkakatayo at kinabahan di nakaimik, pagkatapos ay pumihit paharap kay Emil.

Sa mukha ni Margaret makukuha ang kasagutan, alam ni Margaret na wala na siyang pagmamahal kay Emil ay siguro dala lamang ng kalungkutan at di naranasan ang maging anak sa ama na di niya nakasama noong bata pa siya kaya siguro laging niya inaakit si Emil. Sigurado na ako sa nararamdaman ko kay Emil ay tanging pagiging ama lamang gusto niya rito.

"Itigil na natin ito!"

"B-bakit natin ititigil ito?" napatda sa sinabi ni Margaret.

"Di ko na kaya!"

"Anong di mo na kaya, pagkatapos mo ako akitin ganun na lang ba ako sa'yo? Itatapon mo na lang ako at iiwan?!" madiin na sabi ni Emil.

"May iku-kuwento ako sa'yo tungkol sa nakaraan ko."

"Makikinig ako!" umupo ito sa kama at nanahimik tila gusto makinig sa kuwento niya.

"Nai-kuwento ko na sa'yo na namatay ang ama ko sa noong bata pa ako, nahulog siya dala ng pagod, puyat at namali ng galaw sa trabaho niya sa construction. Dinala namin siya sa hospital na walang buhay" habang kinukuwento ni Margaret ang masakit na nakaraan ay patuloy ang pagagos ng kaniyang luha.

"Nabuhay ako bilang kabit ng kahit sino di ko man lang naranasan ang pagmamahal at pagkasabik ng isang ama, siguro wala akong ibang naramdaman sa'yo kundi ama! Ama ang hinahanap ko sa'yo kaya siguro ako ganito kapag kasama kita" pagpapatuloy ko ng kuwento.

"M-Margaret! Ibig sabihin, itong lambingan natin.. Yung pang-aakit mo sa akin.?"

"I'm so sorry! Emil."

"Emil!" tawag ko ulit kay Emil.

Tumalikod ang matanda at umalis ng silid di man lang lumingon sa akin. Parang gusto niyang magsisi dahil sa mga sinabi niya rito.

Isang alaala na pilit niyang kinalimutan, alaala kung bakit siya naging kabit.

Flash Back..

"ITAY! Haa!" sigaw ko nang makita ang ama na nakaratay sa loob ng morgue, bumalahaw ang iyak ng batang Margaret kasama ang Lola Isabel niya na pinapatahan siya.

"Shhuuu! Tahan na!" yakap ang apo.

Matagal na hiwalay ang magulang ni Margaret, nanlalaki ang Ina niya habang nagpapakahirap ang ama na di magkada-ugauga sa kakatrabaho sa construction site para lang sa pagkain at pang-gastos sa bahay.

Para kay Margaret, si Itay Ramon ang the best father in the world kahit di nito maibigay ang mga bagay-bagay na gusto niya, kahit papaano ay may oras ito sa kaniya. Paano na siya ngayon na patay na ang ama, ang Lola naman niya ay matanda na at nanghihina.

Hangang sa lumaki siya at naging kabit ng kung sino, at napunta siya sa pagta-trabaho sa pagiging secretary ni Emil, siguro may pinagmanahan siya. Sa Ina niya, nangaliwa at di binalikan ang ama na matagal nang patay. Ni hindi ito bumisita sa puntod kahit minsan kaya napakasakit.

End of Flash Back..

Ngayon ay sinabi niya na kay Emil ang totoo kung bakit siya nakipaglapit, marami pa siyang sekreto na di pa nito alam sa akin. Minahal niya ang panganay nitong anak na si Emanuel at kasabwat siya ni Lucia kapwa niya kabit din ni Noel, ipautos na ipapatay si Emily na anak ni Emil at yun ang di niya masabi.

______________________________________________

Naglalakad sa sala si Emil na malalim ang iniisip at nakakunot noo tila naguguluhan kung bakit nagbago si Margaret at nanlamig ito sa kaniya.

Nang maabutan ko si Rosa, na nakaupo sa bakal na mamahaling upuan. "Nakabusangot yata ang pinakamamahal kong asawa!" parinig nito sa kaniya.

"Tumahimik ka nga!"

"Napapansin ko na malamig ang pakikitungo sa'yo ng kabit mo, bakit? Nakatagpo na ba siya na mas magiinit sa katawan niya?"

"SABING TUMAHIMIK KA! DAKDAK KA PA RIN NG DAKDAK!"

"At bakit ako tatahimik? Ngayon alam mo na kung paano masaktan. Di mo ba nakikita? Ginagamit ka lang niya! At napansin ko din.. Na malapit siya sa panganay nating anak na si Emanuel Sancho Aguilar, di ba dapat magdududa ka. Sa tingin ko may namumuong pagtinginan sa dalawang yun" dahil sa sinabi ng asawa mas lalong pinagtibay ni Emil ang pagkuyom na kamao.

Yun din siguro ang dahilan kung bakit nanlamig na parang kapeng pinabayaan sa akin si Margaret.

sorry po kung ngayon lang po ako nakapag-update dahil sa maraming inaalagaan na bata

Ruth_Rendoncreators' thoughts