From that day on, nafeel ko naman na sincere sakin si Gio. Naipaliwanag na din nya kung bakit sya lumayo sakin noon, kasi daw akala nya di pa din ako ready na makita o makausap sya. Luminaw na sakin ang lahat. Balik na naman kami sa dati naming set up. Si ate gurl, dumidikit pa din naman sa kanya pero sya na mismo amg lumalayo, kagaya ng request ko sa kanya.
"Gio, pahiram ng phone mo, lowbat na kasi sakin, may ichachat lang ako saglit. "
"Okay, ito oh, tago mo na lang muna ah. "
After ko maichat yung classmate ko about sa project namin, di ko mapigilang tingnan yung messages sa messenger at sa text. Hindi sa wala akong tiwala pero naku-curious lang ako kung sino bang mga nakakausap nya. As I browse his phone, even the gallery, nakita ko na loyal talaga sya, as in halos lahat ng pics sa gallery nya, sa amin lang or pics ko na kinuha nya sa Facebook ko. Wala syang nakakatext bukod sakin at sa mama nya. Wala syang ibang nakakausap about sweet nothings sa messenger nya kundi ako lang. Don, napatunayan ko na ako nga lang talaga. How, honest and sincere he is to me. I looked at him from afar habang nagpapractice silang mga lalaki. Good to know napunta ako sa matinong lalaki.
Di namin namamalayan yung mga panahon, fast forward, college na kami, 1 st year college. Naka-3 years na kami and so far, habang tumatagal lalo kong nararamdaman ang sweetness nya. Sobrang maalaga nya kasi and super gentleman. Oo, marami syang nakakaclose na girls pero ina-assure nya sakin na friends lang sya sa kanila. Di naman ako ganon kaselosa and karamihan naman ng kaclose at kabiruan nyang girls mga kaibigan ko din naman. Mas clingy nga lang sila sa kanya but I trust him. Ramdam ko naman kaya no worries. Si ate gurl naman non, kaclose ko na din ngayon. Mabait naman pala sya and may boyfriend sya na taga-school nya dati.
Hanggang sa mag-semestral break...
Every vacation or even weekends, wala kaming chance na magkita. Pano, bago ko pa lang sasabihin kay papa non na nanliligaw si Gio sakin, pinangunahan na ko na bawal pa hanggat di pa ko nakakatapos kaya pakilala ko nalang sa kanya, friend ko lang. Kaya yon, di kami nakakalabas every walang pasok. Sa practice lang kami nagkakasama, and after non kelangan ko na agad umuwi kasi kabisado ni ate tapos ng practice namin dahil may classmates syang kasali sa team.
Yes, college na kami, and kasali pa din kami sa team given na same school lang naman pinasukan namin ng SH at ngayong college na kami. And up until now, scholar pa din kami.
Okay naman samin ang ganito. May chat at video call naman kaya anytime, pwede naman kami makapagcommunicate. Kaso, isang araw nagtataka na lang ako na di man lang nagmessage. Tinadtad ko sya actually ng message non kasi nag-aalala ako kaso kinagabihan he seems to be so mad at me. Di naman sya ganon before, hanggang sa di na nya ko pansinin ng one week.
This is really odd, the only way para magkausap kami is to wait for the enrolment day. For sure, magkikita kami don, and it happened...
"Gio, what's wrong? "
"Wala... "
"Bakit... bakit parang galit na galit ka sakin? Ngayon ka lang nagkaganyan. May problema ba? "
"Wala... ano namang magiging problem? "
"Ewan... ewan ko sayo... "
"Wala nga... tara na... mahaba na pila oh... "
"Ah ganon ba? Peram naman ng phone, lowbat na kasi agad phone ko, I forgot to charge it at home. "
"Later, Linda... nasa bag ko eh. "
"Then, ako na kukuha for you.. "
"Later, please... wait. Kausapin ko lang si Aron"
What can be so wrong? Ngayon lang nya ginawa to. Not to lend me his phone? Umiwas sa usapan? These are all odd. Is he up to something?
I watch him with his friend, nagkukulitan lang sila sa bench habang ako, andito, nakatayo, nakapila, ang layo pa naman ng classmates ko kasi maaga silang pumila. Di na nga ako sumabay kasi ang tagal dumating ni Gio tapos iiwan lang pala ako dito sa pila namin. Wala tuloy akong kachikahan. Di rin ako makapagbrowse sa phone ko dahil 10% charge na lang.
Ano pang dapat kong malaman? I have to do something to know what's happening.