webnovel

Prologue

Y.R 2096 WORLD WAR 4

"Ayoko pang malaman ang aking kamatayan. kailangan kong mabuhay." sabi ni Acrid habang itinatali ang pinunit niyang tela mula sa kanyang damit at mabilis na itinali ito sa kanyang hita upang matigil ang pagdaloy palabas ng dugo mula sa kanyang katawan. "hindi ako maaaring mamatay." naglakad siyang paika-ika ubang magtago sa debri ng nawasak na gusali.

Swoosh

bumulusok sa kanyang tagiliran ang isang pahaba ngunit walang hulmang bakal. ginawa niyang sandigan ang pinakamalapit na semento sa kanyang likod at ipinikit ang kanyang mga mata. nagngitngit ang kanyang ngipin habang dahan-dahan niyang tinatanggal ang bakal sa tagiliran. pagkatapos nitong mamahugot sa pagkakausli ay muli na naman niyang hinila ang huling laylayan ng kanyang unipormeng pandigma upang takpan ang kanyang bagong sugat. lumuha siya dahil sa hapdi ngunit nag-aapoy parin ang determinasyon sa kanyang mata. kailangan niyang mabuhay.

"hindi ako papayag. matatapos ang lahat ng ito na buhay ako. kung kailangan kong magtago ...hugh...hugh... hugh... kung kailangan kong hintayin na matapos ang digmaan na hindi lumalaban sa mga kaaway para mabuhay ...hugh...hugh... gagawin ko. hugh...hugh...hugh..." desperado na siyang isuko ang kanyang dignidad sa bingit ng kanyang kamatayan. hindi siya nito maibibilhan ng oras upang mabuhay kayat ano pang silbi nito. ang integridad ay maaring gawing panibago ngunit ang mabuhay at mamatay ay ibang usapan.

"hindi pa ako nakahingi ng tawad. hindi ko pa nagawa ang aking pangako. ...hugh...hugh... hindi pa ako nabuhay. hindi pa. kailangan kong mabuhay." naghihingalo na siya subalit iniuulit-ulit niya sa kanyang sarili ang kanyang hangarin. ayaw niyang kalimutan ito dahil kahit ano mang sandali ay maari niyang sapilitang bitawan ang kanyang natitirang pag-asa. mabuhay. mabuhay. "mabubuhay ako."

napakaingay ng paligid. kahit saan ay nagpuputukan ang mga baril at ang mga bomba ay gumagawa ng maliliit at malawakang mga pagsabog. nagbabagsakan ang ilang mga gusali at nagsisigawan ang mga tao.

Si Acrid ay isang kapitan ng isang daang sundalo ngunit sa kasamaang palad ay nasawi na ang kanyang mga pinamumunuan dahil sa dami ng mga kaaway sa magkakaibang direksyon. Siya na lamang ang natitira subalit hindi ito indikasyo na kailangan din niyang mamatay.

itatayo pa lamang san niya ang kanyang sarili upang maghanap ng mas ligtas na pagtataguan subalit isa na namang putok ng baril ang tumama sa kanya. napaluhod siya at kinapa ang namamanhid na dibdib. pinagmasdan niya ng kanyang kamay at ang masaganang dugo rito. itinakip niya ang kanyang kamay upang pigilin ang dugo sa pag-agos. lumingon siya sa kanyang kaliwa at sa kanan at sa kahit saang malapit upang maghanap ng ipantatakip ng sugat subalit wala na siyang makita. unti-unti nang lumalabo ang kanyang paningin. bumuhos ang malakas na ulan, kumidlat at nagalit ang kulog kasabay ng kanyang malat na pagsigaw.

"HINDI!!! Hindi ito maari! MABUBUHAY AKO! MABUBUHAY AKO!mabubuhay...hugh...hugh..hugh... kahit konti pa... Gwack " pumuslit ang masaganag dugo mula sa kanyang tuyong bibig. naglandas muli ang luha sa kanyang mga mata. bumagsak ang kanyang katawan sa lupa. pinipilit niyang humabol sa sa kanyan paghinga ngunit binibigo siya ng kanyang puso na bumabagal ang pagtibok. gusto niyang magmulat subalit tinatraydor si ng kanyang mga mata na dahan-dahang pumipikit. nais niyang bumangon ngunit hindi niya mahanap ang pwersa sa kanyang mga buto at kalamnan. namamatay na siya.

'Kung sana may lakas lang ako. kung malakas lang ako...' lumalamig na ang kanyang paligid. nagbabalik na sa kanyang isipan ang kanyang lahat ng ala-ala mula sa pagkamatay ng kanyang magulang hanggang sa kung paano siya pinageksperimentuhan at kung ano ang mga bagay na ipinagawa sa kanya. ang pagkontrol ng iba sa buhay niya, ang kanyang pagsisisi, ang kanyang pagiging mahina. at sa nalalabing tatlong minutong pagpoproseso ng utak niya matapos niyang mamatay ay iginugugol niya sa kanyang pagrerebelde sa kapalaran. 'Hindi ko ito matatanggap. hindi ako mamamatay ng ganito. isa pa. kahit konti nalang. kahit...'

tuluyan ng nagpantay ang kanyang mga paa. sa huli ay hindi rin siya nabuhay at iniwanan na ng init ang kanyang katawan.

****

may naramdaman akong init. masaya akong muling maramdaman ang aking katawan.

pak

nakaramdam ako ng pananakit ng aking pang-upo at namalayan ko nalang na ako ay umiiyak na.

subalit teka lang. hindi ito ang tunog ng iyak ng isang trenta anyos na tao. ang tunog ng aking iyak ay ang iyak ng isang sanggol. minasdan ko ang aking paligad at ibang iba ang tanawin kaysa sa aking nakaraan. ano pa't nahagip ng aking paningin ang aking kamay. maliliit ito.

muli akong naiyak. hindi dahil sa sakit kung hindi dahil sa saya. naipanganak akong muli, nagkaroon ng buhay at katawan. walang pagsidhan ang saya na aking nararmdaman. may pag-asa na muli akong mabuhay. at sa pagkakataong ito ay hindi ko hahayaang maulit ang nangyari sa akin at sisisguraduhing mabubuhay ako