webnovel

The Strange Forest (Filipino)

A circle of friends agree to go to Libyong Falls. Unknown to them, where the waterfalls are situated, the strange forest they have to encounter awaits them. Will it be a joyful experience? Or a horrible adventure? Or maybe an evil death?

Blueophiudus · Seram
Peringkat tidak cukup
13 Chs

Chapter 3

Hailey's POV

"I'm just wondering. Ba't naging dugo 'yong tubig do'n sa balde sa CR?" Mica asked, feeling bothered. And, tingin ko, kanina pa talaga siya nabo-bother pero ngayon lang niya sinabi dahil she could not take it anymore. "And bakit may CR eh wala naman palang tao do'n? Baka mamaya, aswang pala naninirahan do'n, ha? Scary!"

"Just thinking about it, gosh! It really gives me the creeps!" Sab said, hugging herself. Tumatayo nga mga balahibo niya nang tingnan ko. Magkatabi naman kasi kami.

Out of all of us, silang dalawa 'yong sobrang kinakabahan kasi they were the ones who witnessed the blood naman sa simula pa eh.

"Buti walang nangyari sa inyo. Kung ako 'yon, siguro nahimatay na 'ko," I uttered. Of all the girls, ako pa naman din 'yong pinakamatakutin.

Tahimik lang 'yong iba habang naglalakad sa gitna ng kagubatan. Ramdam kong sa loob nila ay nakakaramdam na sila ng takot at pagkabahala. Lalo na kaming mga babae.

Ngunit kalahating oras na yata kaming naglalakad, bakit tila nagpabalik-balik na lamang kami sa mga dinaanan namin kanina? Sinusunod naman namin ang nasa mga pictures gaya no'ng papunta pa lang kami rito, ah?

"Uy! Ano na ang gagawin natin ngayon?" Mangiyak-ngiyak na tanong ni Erika.

Roy put his arm around her shoulders naman. "Huwag kang mag-alala. Andito lang ako." We all heard him say.

"Hoy! Kayo, ha! Nasa nakakatakot na gubat pala tayo eh nonstop pa rin 'yang ka-sweet-an niyo!" Sabi ni Mica.

"Inggit ka lang! Wala ka kasing jowa!" Pangtatanggol naman ni Yunn sa dalawa. Nang-aasar na naman ang loko kay Mica.

"Wow, ha! Sa 'yo pa talaga nanggaling, Yunn?" Mica talked back to Yunn. "Bakit? May jowa ka ba?" Pambabara niya kay Yunn.

Natawa naman kami sa sinabing 'yon ni Mica. Oo nga naman!

"Tsk. Jowain kita eh!" Kahit mahina ay narinig pa rin 'yon ng ilan lalo na si Mica.

"That's why pahinging jowa, please! Huwag lang si Yunn." Mica laughed. I thought she was doing that in order to hide her feelings about sa nangyari kanina.

"Ba't ayaw mo sa 'kin?" Tanong ni Yunn.

"Lagi mo kasi akong inaasar," Mica replied promptly.

"Oh, siya. Titigilan ko na. Okay ba sa 'yo 'yon?" Hindi naman nakasagot si Mica sa pahayag ni Yunn.

"Whatever." We heard her say finally.

"Maghiwa-hiwalay na lang kaya tayo by group para mas madali nating mahanap 'yong daan palabas sa gubat?" Suggest ni Kuya Max.

"Naku! 'Wag! Dapat kumpleto tayo," pagtutol ni Lexi. Maski ako, ayokong maghiwalay kaming lahat. Mahirap na.

"Don't worry, Lex. By group naman eh," sabi naman ni Vaness. Kahit na!

"Sige! Mas mabuti na rin 'yon," Keith said, agreeing. "Kesa naman matagalan tayo rito. Baka abutan pa tayo ng gabi. Mahirap na."

"Sure kayo?" I asked them. Iba kasi ang pakiramdam ko.

"It's okay, bes. May mga boys naman. Ipain natin sila." Si Denisse 'yong nagsalita.

"Sira." I laughed. "Baka ikaw pa ang ipain ng mga 'yan."

"Okay! Ganito 'yong plan. Max, Denisse, Will and Lexi! Do'n kayo sa kanan!" Johnny started. "Keith, Vaness at 'yong lovebirds, sa kaliwa kayo."

Natawa naman sila pagkasabi ni Johnny ng lovebirds.

"Josh, ako at ikaw Clifford pati 'yong love your life mo. Do'n tayo." Turo ni Johnny sa direksyon kung saan kami nakaharap.

"The rest, doon naman kayo," dagdag pa nito sabay nguso sa likuran namin.

"Okay! 'Pag nakita niyo na ang daan palabas sa gubat, balik agad dito, ha? Dito mismo tayo magkita-kita," sabi ni Arthur. "Iwan na muna natin dito 'yong mga gamit na 'di masyadong kailangan. Palatandaan natin para 'di tayo mawala. Babalikan din naman natin."

Ganoon nga at iniwan namin ang mga gamit. Kung meron mang kailangan talaga ay 'yon na lamang ang dinala ng ilan sa 'min.

"Naisip ko lang. 'Pag nakita niyo 'yong tulay, pakiramdam ko 'yon na ang daan palabas, 'di ba?" Sabi ni Yunn.

"Okay! Let's do this, guys! Fighting!" They yelled.

Naghiwa-hiwalay na nga kami kada grupo patungo sa iba't ibang direksyon. No'ng una ay nalito ako kung saan ako sasama pero hinila naman ako ni Clifford kaya naisama na naman niya 'ko.

Ba't ganoon? Parang hindi namin alam na magsisimula na yata ang misteryo at katatakutan sa gubat na 'to. Feeling ko kasi kapag nakapasok ka na rito ay hindi ka na makakalabas pa.

Baka hindi lang namin alam na 'yong nakita nilang mga facebook posts noon ay walang natirang buhay. Na-upload lamang ang mga 'yon noon no'ng nasa may tulay sila dahil hanggang do'n lang naman ang may signal. Pagkatapos ma-upload ay na-deads na sila.

Pero bakit nga ba may signal do'n sa may tulay eh wala rito? 'Yan ang tanong na 'di masasagot naming lahat. Pakana kaya ito ng kakaibang gubat para makapag-post ang mga pumupunta rito at makumbinsi ang mga taong hindi pa kailanman nakapunta rito? At kapag sa oras na makatapak na sa gubat ay hindi na makakalabas ng buhay? Kumbaga, nagugutom ba ang gubat kaya ito nangyayari? O may ibang dahilan? Wala talagang nakakaalam.

Isa pang tanong, ano nga bang meron sa kakaibang gubat na 'to? Baka mamaya, ang dami palang mga aswang dito. Mga kapre, mga tikbalang, mga multo, mga tiktik, mga manananggal, mga tiyanak, mga santelmo, mga sigbin o kung anu-ano pang mga nakakatakot na nilalang. Mga engkanto rin pala. Jusko po! Ang dami pa man ding mga punong kahoy dito. Tumayo yata ang mga balahibo ko.

"Okay ka lang?" Natigilan naman ako sa mga iniisip ko nang tanungin ako ni Clifford. Kung anu-ano na pala ang mga pinag-iisip ko. Puro pa mga nakakatakot.

I just nodded as a response. Nginitian naman niya 'ko.

Mica's POV

Sa laki yata ng gubat ay 'di namin lubos na naisip nina Yunn, Sab at Arthur na mapupunta kami ngayon dito sa isang lawa.

"Teka lang, ha? Maghihilamos lang ako saglit. Ang lagkit ng mukha ko." Pagkasabi ni Arthur no'n ay lumapit siya sa gilid ng lawa.

"Arthur, mag-ingat ka riyan, ha? 'Di natin alam, baka ano palang meron d'yan." We heard Sab say out of concern at naupo na rin siya sa tabi ko rito sa malaking ugat ng puno.

"Maghihilamos na rin ako. Parang nanlalagkit na rin 'yong mukha ko eh. Sa cake yata kanina." Sumunod naman si Yunn kay Arthur.

I took a glimpse on my wristwatch to check the time. "Ay! Sira pala 'tong nasuot kong wristwatch." Hinampas ko pa nang mahina baka sakaling gumana pero walang effect eh. "Ano'ng oras na ba, bes?" I asked Sab. "Naiwan ko rin pala sa bag 'yong phone ko."

"12:49 PM na, bes," sagot ni Sab.

"Ang bilis naman ng oras," I uttered, complaining a mite.

Habang nagku-kwentuhan kaming dalawa eh napatayo kami bigla dahil sa pagsigaw ni Arthur. Tumakbo naman kami agad palapit sa kanila.

"Pare! Tulong! Tulungan niyo 'ko!" Sigaw ni Arthur na parang nalulunod na yata.

"'Wag kang bumitaw!" Sigaw ni Yunn habang hinahawakan nang mahigpit ang mga kamay ni Arthur.

"Kapit ka lang Arthur!" Sambit ni Sab.

Tinulungan na namin si Yunn na hilahin si Arthur para mapadali and we succeeded naman.

"Ang bigat mo," I complained. "What happened ba?"

"Anyare, pare? Marunong ka namang lumangoy. Bakit–"

"May biglang humila sa 'kin!" Pigil-hiningang sabi ni Arthur na 'di man lang pinatapos pa si Yunn sa pagsasalita.

"Ano?" Sabay-sabay na sambit naming tatlo.

"Sa gitna kasi ng paghihilamos ay biglang may humila sa isang paa ko kaya nahulog ako sa tubig ng lawa. Buti na lang at magkalapit lang kami ni Yunn at agad ako nitong nahawakan sa mga kamay," mahabang paliwanag niya. "Maniwala kayo sa 'kin. May humila sa 'kin sa ilalim!"

"Sigurado ka, pare?" Yunn asked him.

"Oo," he replied quickly. "Hindi ko alam kung ano basta hinila ako nito!" Muli niyang sabi. "Tara na! Kailangan na nating umalis!"

Nagsitakbuhan na lamang kaming apat palayo sa lawa. Naniniwala kami na totoo ang sinabi ni Arthur. Marunong itong lumangoy kaya nakapagtataka naman kung hindi nito magawang umahon at sagipin ang sarili sa tubig.

Lexi's POV

"Sana pala 'di na tayo nagpunta rito." Narinig kong reklamo ni Denisse nang makalayo na kami sa ibang kasama namin.

"Kayo kasi eh, atat na atat maligo sa talon na 'yon!" Si Will naman ang nagsalita.

"Hay naku! 'Wag nga kayong magsisihan d'yan. It's all our fault. We all agreed on this. Mag-focus na lang tayo, okay?" Sabi ko para magsitigil na sila sa blaming na ginagawa nila.

Good thing tumahimik naman ang dalawa pero biglang nagsalita si Max.

"Tignan niyo, may bahay do'n!" Napatingin naman kami sa tinuro ni Max. "Tara!"

We all rushed papunta roon.

"Oh my gosh!" Sabay na bulalas namin ni Denisse nang may biglang sumulpot sa harap namin pagdating namin sa maliit na bahay. Nagulat naman kaming apat dahil do'n at muntik na namin siyangg mabangga.

"Ginulat niyo naman po kami, lola!" Banggit ni Max na nakahawak pa sa dibdib niya.

"Hindi ba kayo 'yong dumaan dito kanina? Nasa'n na ang ibang mga kasama ninyo?" Salubong na tanong ng lola.

She was wearing a white blouse na hanggang elbow ang haba ng sleeve. Nakapalda naman siya ng kulay itim. It looked like gamit na gamit na 'yong suot niya dahil kita 'yong mga dumi at mantsa. Mahaba rin ang color white na buhok ni lola dahil siguro sa katandaan niya. Nangubgunot pa 'yong mukha at balat niya.

"Eh lola, naliligaw po yata kami eh kaya naghiwa-hiwalay kami para hanapin 'yong daan palabas lalo na 'yong tulay. Doon naman kasi 'yong daan palabas eh," paliwanag ko.

"Ganoon ba? Nando'n sa unahan 'yong tulay, mga hijo, mga hija," sabi ni lola at tinuro 'yong daan. "Mag-ingat kayo, ha?"

"Opo. Salamat po," sabay naming sagot.

Lola just smiled at us and we bid her farewell na rin.

Ngunit sa tagal-tagal naming paglalakad, hindi pa rin namin makita 'yong tulay kaya huminto muna kami saglit.

"Niloloko lang yata tayo ng matandang 'yon eh!" Naiinis na sabi ni Will.

"Will, don't say that." It was Denisse who spoke.

"Chill ka lang, Will. Mahahanap din natin 'yon," sabi ko.

"What do we do now?" We heard Max ask. Napasandal muna siya sa isang puno. Ganoondin si Will. Si Denisse naman ay palakad-lakad lang. Lakad doon, balik ulit. Ako yata 'yong napagod sa ginagawa niya eh. I was just standing, thinking about random things.

"Hoy! Tingnan niyo! Oh my gosh!" Malakas na sabi ni Denisse nang huminto siya malapit sa isang puno. Nilapitan naman namin siya.

"Dugo 'yan, 'di ba?" She asked. Her face could not be explained. Naghalo-halo yata 'yong emotions.

Tumango naman kami. Kumuha si Max ng isang maliit na sanga ng kahoy na nasa damuhan at ginalaw nang kaunti 'yong malagkit na bagay na siguradong dugo nga na nasa baba mismo ng puno. Parang sinusuri ito ni Max.

"Sariwa pa ito," he stated. "Saan naman kaya 'to nanggaling? Dugo ba 'to ng hayop?"

Napakibit naman kaming tatlo ng balikat. Wala rin naman kaming ideya.

"Waahh!" Nagulat naman kami sa biglang pagsigaw ni Denisse.

"Bakit Denisse?" Tanong ni Will.

"W-Who's that?" Sabi niya na takot na takot at napatakip pa ng bibig kaya sinundan namin ang kaniyang tingin sa 'di kalayuan.

"Sh*t!" Napalakas naman ang pagsigaw naming tatlo ni Will and Max nang makita namin ang tinutukoy ni Denisse.

"Oh my gosh!" Mahinang sabi ko sa sarili. It was almost a whisper.

"H-hindi yata sino ang tanong. Kundi ano." Nababahalang sabi ni Max.

Nagkatabi na kaming apat ngayon dahil sa takot. Parang nagkadikit na yata kami. Kitang-kita namin ang itsura ng isang nilalang na hindi maipaliwanag ang itsura. Para itong tao na hayop na ewan. Hindi ko alam. May dalawa itong sungay na singhaba ng sungay ng kalabaw, kulay brown ang buhok nito na medyo mahaba-haba at magulo kagaya ng sa lion.

Ang tainga naman ay kapareho ng baboy. Ang mukha nito ay 'di ko alam kung paano ito i-describe pero napakapangit talaga kaya kung sino man ang makakakita nito ay matatakot talaga nang sobra at maaaring atakihin sa puso.

Wala rin itong suot na damit pang-itaas. May malaking markang 'X' sa dibdib nito na parang matagal na itong nakaukit. Wala itong sapin sa paa pero pansin kong hindi pantao dahil mas malaki ito sa mga paa namin. Ganoon din sa mga kamay nito. At sa huli-huli ay may dala-dala itong palakol na puno na ng kulay na pula na may brown na itim.

Nakita ko ang pagpatak ng bagay na parang malagkit mula sa hawak nitong palakol. Sigurado akong nakita rin 'yon ng tatlong kasama ko ngayon. Doon ko lang napagtanto na posibleng ang nilalang na 'to ang may gawa kung bakit may dugo rito sa puno sa tabi namin. At, alam kong magkapareho kami ng iniisip ng mga kasama ko ngayon.

Napaatras naman kaming apat nang makita namin ang isang hakbang pa lang na ginawa nito. Sa muling paghakbang nito ay nagsitakbuhan na kaming apat pero mas nakaramdam pa ako ng takot nang malaman kong hindi pareho ang direksyong tinakbuhan namin.

Nagkahiwalay pala kami. Si Max tumakbo pakanan. Si Denisse naman ay sa straight lang na direksyon at kami ni Will sa kaliwa. Hinawakan kasi niya agad ang kamay ko kaya napasabay ako sa kaniya.

"Will!" Mangiyak-ngiyak kong sigaw nang bigla akong nadapa dulot ng kahoy na nakaparada at nakaharang sa dinaanan namin. Tinulungan naman niya ako agad.

"Hindi kita iiwan. Tara!" He told me at mas lalo niyang hinigpitan ang paghawak sa aking kamay. We ran again. The only thing we had on our minds was to run away as fast as we could from the place we had seen the strange creature.