-5 years ago-
"Ceddie!" bigkas ng isang mataas na boses mula sa labas na natuloy sa pag-awit "Ceddie Kaze ga yonde iru yo Ceddie!" ng wala pa ring sumagot lalong nilakasan ng babae ang kaniyang boses at tinuloy ang kanta "Ceddie Kawa mo yonde iru yo Ceddie Ce..." Natigil lang ang kaniyang pag-awit ng biglang bukas ang pinto sa kaniyang harapan.
"Seryoso, ate? Seryoso? Kakantahin mo talaga yung buong opening song sa harap ng apartment ko? Anong nangyari simpleng pagkatok?" kumatok ang dalagang halatang kakagising lang sa kanyang lamesa "Paano kung ako ang biglang nag yodel-lay-hee-hoo sa tapat ng bahay mo kaysa sa kumatok o tumawag sa cellphone tulad ng normal na tao?"
Natawa lang ang kaniyang bisita "Honestly, hahayaan kit. Vivideohan pa kita. Ang galing mo kayang magyodel"
"Ate naman eh!" sumimangot ang mas nakakabata sa magkapatid. Sabi nga nila, asarin na ang lasing wag lang ang baging gising.
Muling napangiti at natawa si Heidi sa asal ng kaniyang nakababatang kapatid "Ang cute cute mo talaga." binaba nya ang kaniyang gamit at niyakap ang kapatid na inaantok pa "Sorry na Ceddie."
Niyakap pabalik ni Ceddie ang ate at papatawarin na sana ito ng muling nagsalita si Heidi.
"Patawarin mo na ako, aking munting prinsesa"
Kinurot ni Ceddie sa tagiliran ang kaniyang ate na gumanti naman ng kiliti.
Nagtawanan ang magkapatid, nagharutan hanggang parehong natumba ang dalawa sa sofa sa maliit na apartment ni Ceddie na kaniyang tinutuluyan habang siya'y nag-aaral pa sa kolehiyo.
Hindi na nagawang tumayo ng mag-ate sapagkat natuloy ang kanilang paghiga sa masayang kwentuhan. Natigil lamang ang kanilang usap ng tumunog ang nagugutom na sikmura ni Ceddie. Muling natawa ang dalawa habang agad na tumayo si Heidi upang ilabas ang pasalubong na nilutong Adobo para sa kapatid.
Habang nakain ang dalawa, natigilan si Ceddie "te, bakit ka nga pala napabisita ng ganitong kaaga?"
"hmm may sasabihin kasi ako sayo." ngumiti si Heidi.
"Ano naman yun?" sabay subo ng kanin at ulam.
"ubusin mo muna yang pagkain mo."
Madaling kausap si Ceddie kaya agad nitong inubos ang pagkain sa kaniyang plato "Game. Busog na ko. Anong meron?"
Lumaki ang ngiti ng kaniyang ate, halatang sya'y umaapaw sa saya. Dahan dahan nitong ipinakita ang kaniyang kaliwang kamay kung saan ay may malaking batong kumikinang.
Natigilan si Ceddie sa nakita. Agad niyang napagdugtong ang mga tuldok."oh my god! Nagpropose na si Christian."
Tumango si Heidi "Oo! Nagpropose sya kahapon. Alam na din ni papa. Eh gusto ko sabihin agad sayo eh gusto ko harapan."
"oh my God, ate. Ikakasal ka na!" lumaki ang ngiti ni Ceddie "ikakasal ka na!" siya ay napatayo at tumili habang agad nitong niyakap ang ate niyang may namumuo ng luha ng tuwa sa mga mata. "Ate, ikakasal ka na! Congrats. I love you ate!"
Mahigpit na niyakap ni Heidi ang kapatid "Thank you, Ceddie." hinalikan niya ang noo nito at tinignan sa kaniyang mga mata "ikaw ang maid-of-honor ko ha."
Ngumiti ng naluluha na rin si Ceddie "syempre naman ate! Para sayo kahit, maid mo lang ako okay lang!"
Palarong hinampas ni Heidi ang kapatid. Muling niyakap ng dalawa ang isa't isa habang sila ay puno ng ligaya.
-Present Day-
Mahigit dalawang oras na ang nakakalipas simula ng makarating sa ospital si Ceddie. Ng siya'y makarating agad, siyang tinuro ng receptionist sa tamang doctor. Severe internal bleeding daw ang problema kay Heidi habang ang asawa niyang si Christian ay may matinding brain injury mula sa pagkahampas ng ulo nito sa sasakyan. Parehong nangailangan ng agad na operasyon para mabigyan sila ng pagkakataong mabuhay. Dahil si Ceddie naman ang immediate emergency contact ng dalawa, sya na ang pinapirma upang maoperahan ang dalawa.
Dalawang oras ng nakakabang paghintay. Ang tanging nagagawa na lang ni Ceddie ay alalahanin ang mga masasayang oras nila ng ate niya at ang mga nakakakilig na pagsasama ni Heidi at ni Christian. Naluluha sya sa tuwing naalala niya yung mga araw na kasama niya ang buong pamilya nila kasama ng mga bata.
"jusko! ang mga bata." isip ni Ceddie. Sa ngayon ligtas ang mga bata kasama ang kanina ng nagaalalang lolo at ang kasambahay. Pero dahil wala pang balita sa kalagayan ng mag-asawa, hindi mapigilan ni Ceddie na isipin kung paano pag... Kahit sa kaniyang isipan di niya ito mabanggit ngunit alam niyang kailangan niyang isipin.
Kakatatlo pa lang ang panganay ng mag-asawa. Tulad ni Cedrina, ipinangalan ang bata sa munting prinsipe na si Cedric. Nagsisimula pa lang ng malambing na bata ang bumuo ng pangungusap. Unti na lang at pwede ng magsimula sa nursery ang bata. Samantalang ang bunsong si Charlotte ay magsasampung buwan pa lang. Nakakaupo na ang masayahing sanggol. Parehong di makapaghintay ang mag-asawang makita ang kanilang unica hija na gawin ang kaniyang mga unang hakbang. Paano kung di na magawa ni Heidi at ni Christian makita ang mga ito. Paano na ang mga bata.
Muli na namang nagbantang tumulo ang mga luha ni Ceddie.
"Ced? "
Dali Daling pinunasan ni Ceddie ang tumulong luha. Kailangan niyang maging malakas. "Kyla!" niyakap ni Ceddie ang kaibigan. "Salamat ha. Salamat sa pagpunta at pagsama sakin ha."
"okay lang, Ced. Di pwedeng mag-isa ka lang dito eh." tinulungan ni Kyla na muling maupo ang kaibigan na halatang pagod at nanlalambot na. "Kamusta na sila?"
Huminga ng malalim si Ceddie upang ibalik ang kaniyang lakas ng loob "Hindi ko pa rin alam. Wala pang update eh."
"eh sila little Ceddie?"
"nandun sa bahay nila ate kasama si papa. Huli kong tawag pinapatulog na sila ni papa tsaka ni Ate Daisy. Mukhang di daw kasi mapakali yung mga bata..." lalong lumungkot ang tono ng kaniyang boses "tila ba alam nila. Nararamdaman nila."
Muling humigpit ang hawak ni Kyla sa kaibigan. "kaya nila to bes. Kaya mo to."
Nanatiling tahimik ang magkaibigan habang hinihintay ng balita tungkol sa kanilang pasyente.
Wala pang kalahating oras ng may dumating sa waiting room. "Ms. Guevarra?"
Agad na tumayo si Ceddie "Doc?" isang tingin pa lang ni Ceddie sa doctor ay agad ng sumama ang kaniyang kutob.
"Ms. Guevarra, tungkol kay Christian Hernandez, nagawa naming pigilan ang pagdudugo sa kaniyang utak pero kailangan namin syang ilagay sa comatose state para tumulong sa paggaling sya. Maghanda pa rin po tayo sa kahit anong pwedeng mangyari, masama ang brain injury niya, only time will tell kung kakayanin niya. "
Muling tumulo ang luha ni Ceddie. Napakabait na tao ng Kuya Christian niya. At para marinig ang kaniyang kalagayan ay napakahirap.
" eh ang ate ko po? Si Adelheid po? "
Hindi agad nakasagot ang doctor. Tila ba bumigat ang hangin sa paligid nila." I'm sorry, Ms. Guevarra. Hindi po kinaya ni Mrs. Hernandez ang operasyon. She passed away. She lost too much blood and..."
Wala ng narinig si Ceddie. Nakikita niyang gumagalaw ang bibig ng doctor pero walang tunog ang umaabot sa tenga niya. Tuluyan ng nawala ang kaniyang lakas. Agad na nagawang saluhin ni Kyla ang nanghinang kaibigan. " Ced? Ceddie?! "
Wala na si Heidi. Muling tumigil ang mundo ni Ceddie.
Naging mabilis na ang lahat matapos ng masamang balita. Sa tulong ni Kyla, kumalma ang nagdadalamhating dalaga. Nagdesisyon itong isantabi ng panandalihan ang sakit at kalungkutan upang mabilis niyang ayusin ang dapat ayusin.
Nagawang tawagan ni Ceddie ang amang hindi na napigilang umiyak, muli na namang nawalan ng importanteng babae sa kaniyang buhay ang matanda. Sinabihan niya ang kaniyang ama na sa ngayon ay alagaan muna ang mga bata habang hayaan na lang na sya na ang mag-ayos sa ospital at sa burol at libing ng ate, pati na rin sa comatosed na si Christian.
Mahirap man, itinuring ni Ceddie na trabaho ang paglalakad ng lahat. Di niya alam kung kakayanin niyang tumagal sa gabing yun kung di niya ito gagawin. Mabilis at mahusay. Naniniguradong walang nakalimutan. Di naman siya iniwan ni Kyla na handang tumulong sa kaniya.
Naiayos ang pagpapaospital kay Christian na hanggang ngayon ay maituturing na nasa kritikal na lagay. Natawagan na ang funeral home na kukuha sa bangkay ni Heidi. Naayos na ang burol at ang libing.
Lagpas hatinggabi na ng matapos si Ceddie at Kyla. Inalok na ni Kyla na ihatid ang kaibigan sa bahay nila Heidi at nagsabing babalik ito sa umaga.
Pag-uwi ni Heidi, sinalubong sya ng nanlulumong ama. Wala ng salita salita. Alam nila ang nararamdaman ng isa't isa. Ang tanging nagawa na lang ng ama ay hilain ang kaniyang bunso sa kaniyang bisig at mahigpit na yinakap ito. Sa mainit na yakap ng ama, natapos na ang kaniyang trabaho, humagolgol ang dalaga at nilabas ang lahat ng sakit. Kahit na nanghihina na ang kaniyang mga braso at mga binti, kahit na kumikirot na ang mga kasukasuan, hinigpitan nito ang ang kaniyang yakap sa natitirang anak, umaasang tama na ang kaniyang lakas upang pigilan ang anak na tuluyong madurog.
Nang wala ng luhang mailabas pa si Cedie niyakap niyang mahigpit ang ama at hinalikan sa pisngi. Siya ay nagpaalam na magpapahinga nga na muna sa guest room sapagkat marami pa ang gagawin pagsikat ng araw.
Nang makaakyat sa ikalawang palapag ng malaking bahay, natigilan sya ng makita ang pinto ng kwarto ng mag-asawa, pinilit niyang humiling na pagbinuksan niya ang pinto ay makikita niya ang mag-asawang mahimbing na natutulog. Ngunit bago pa man niya mahawakan ang pinto may narinig syang tunog mula sa kwarto sa kaniyang likod, Ang kwarto ng mga bata. Naalala nya na sabi ng ama na di mapakalma ang dalawa, di rin naman magawa ng lolo na paghiwalayin ang magkapatid at patulugin sa kaniya kaniyang kwarto lalo na't nasa malubhang kalagayan ang mga magulang nito.
Dahan dahang binuksan ni Ceddie ang pinto. Ang tanging ilaw sa kwarto ay ang lamparang binili niya para sa magkapatid. Pinuno ng pailaw ng mga bituin ang madilim na kwarto. Kahit na di ganun kaliwanag, sapat na ang malasalaming kulay na asul, pula, berde at dilaw na mga bituin uoang makita niya ang sanggol na si Charlotte na mukhang binabangungot at sa kaniyang tabi ay ang kaniyang kalahating tulog na kuya na si Cedric.
"Cedric, gising ka pa?" malambing na tawag ni Ceddie sa pamangkin. Siya ay umupo sa sahig sa tabi ng crib ni Charlotte.
Ng malapit na ang kaniyang tita, agad na tumalon si Cedric sa nakatuping binti ng tita, at niyakap ito. Kumapit ang bata sa leeg ng kaniyang tita habang dahan dahan niyang kinuskos ng palambing ang maliit niyang mukha sa kaniyang tita. "can't sweep" bulong ng bata.
Niyakap ni Ceddie ang pamangkin.
"Charlo can't sleep" bumitaw ang bata sa tita at tinignan ang sanggol na kapatid na nakakunot na ang noo at handa ng umiyak. Muling tumingin si Cedric sa kaniyang tita, ang kaniyang bilog na mga mata ay humihingi ng tulong.
Nginitian mi Ceddie ang pamangkin at tumayo. Dahan dahan niyang binuhat si Charlotte gamit ng kanang braso habang hinila niya papunta sa daybed si Cedric gamit ng kaniyang kaliwa. Ng maposisyon sa maliit na kama, niyaya niya ang pamangkin na humiga sa kaniyang tabi habang hinehele ang sanggol.
Nagawa ni Ceddie na pakalmahin ang dalawang bata. Kumapit sa kaniyang tyan si Cedric samantalang gumapang naman ang sanggol upang mahiga sa kaniyang dibdib. Tila parehong napapakalma ng ritmo ng paghinga ni ceddie ang magkapatid. Ng nararamdaman na niyang unti unting nakakatulog ang mga bata, tahimik niya itong kinantahan ng paborito nilang kanta.
"twinkle twinkle little star," sinasabayan niya ng malambing na himas sa likod ang magkapatid
"how I wonder what you are" muling naisip ni Ceddie na wala na ang ate niya, wala na ang nanay nila.
"Up above the world so high" Hiniling niyang bumuti ang lagay ng kanilang ama.
"like a diamond in the sky" kailangan nila ng magulang nila.
"twinkle twinkle little star" pero kahit anong mangyari desidido na si Ceddie.
"how I wondee what you are" di niya n pababayaan ang mga batang ito.
Habang maidlip ang tulog ng dalawang bata. Hinawakan niya ang maliliit na kamay ng mga ito at nangakong kahit anong mangyari, mamahalin at aalagaan niya ang dalawa, tulad ng kaniyang yumaong ina at ate.