webnovel

THE SEARCH: Beryl

Due to the tumultuous event happened in the 2nd District, a young thief with an extrasensory perception got lost in the Palace. A palace where the Monarchs, the phenomenal Prince, and the great echelons live. The place where elites are loved, and homeless people like her are not welcomed. Status is important in the kingdom of Eufrata. Paupers can't even step into the palace. Bad luck or as it is, the Kingdom is looking for the precious stones. So in order to get out safely and save her fellow paupers, she needs to escape. But she only have two options; Sneak out and be killed by the sentries or join the team and look for the stones. She's stuck in a dangerous struggle and grievous mission. She needs to choose. She lives no Queen nor a princess, she doesn't belong to any royalties. She isn't great as the echelons, she ain't elite either. She doesn't live a normal life, she is not just a normal girl. Because she belongs to the lowest group in kingdom. She is a pauper. But she is extraordinary. Her perception is supernatural, and she is more than that. Will she be able to survive in a breathtaking atmosphere between elites and paupers? Is there a chance for a hopeless romantic between a pauper and an elite? How is she going to survive if she finds out that her capabilities are more than of what she expected? Will she survive when THE SEARCH begins?

MyName_IsNoOne · Fantasi
Peringkat tidak cukup
53 Chs

14

CHAPTER FOURTEEN

THE GROUP

Everything has changed.

E V E R Y T H I N G.

Wala na ang inaakala kong ako lamang ang may kakaibang abilidad. Unti-unti akong nilalamon ng katotohanan na ang Kaharian ng Eufrata ay lugar ng mga mahika.

Kung tutuusin isa pa ako sa may pinakamahinang kapangyarihan. Simply, all I have is my sharp senses. Iyon lamang, hindi ko magagawa ang kayang gawin ng mga taong nasa aking harapan.

Hindi ko pa nga lubos na nadidiskubre ang aking mga abilidad, at lalong hindi ko pa ito nakokontrol ng maayos upang magamit ng mas tama.

I'm really a piece of trash in this firmament Palace with Elites in front of me.

"Si Manang Omeng na muna ang bahalang mag bantay sayo, mag eensayo kami. Mamayang gabi na ang paghahanap ng mga bato eh, bye witchy!" Si Corinthians ang huling lumabas at nagpaalam bago umalis.

Hindi na nagpaalam sina Nathalia at ang dalawang lalaki na basta basta lamang umalis sa silid na aking tinutuluyan.

"Kumusta ka hija?" nagulat ako ng lumitaw sa aking harapan si Manang Omeng. Hindi parin ako sanay sa ganitong lugar, hindi ko pa tuluyang natatanggap na napapaligiran ako ng mga taong hindi ko lubos na makila-kilala.

"Alam kong naguguluhan ka pa ngayon.." ngumiti muna ito bago umupo sa tabi ng aking higaan. "Hayaan mo't ipapaliwanag ko sayo."

Pinilit kong kumalma, I'm freaking out! Umiilaw ang kamay ni Manang Omeng! She's also a sorcerer, and it's fucking freaking me out!

"Huwag kang mag-alala, gagamutin lang kita." aniya at hinawakan ang aking sugat sa braso, napaigtad ako sa sandaling sakit ngunit habang tumatagal ay nawawala ito.

"Nasa ospital ka ng Palasyo hija, ano ba ang nangyari sa iyo? Pinagtago lang kita sa likod ng aparador ko hindi na kita muling nakita."

Hindi ako sumagot dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot, everything is still unbelievable. I'm confused!

"Kumuha lang ako ng tsaa para sayo hindi na kita nakita pa sa aking silid. Nang tawagin ako ni Zavan, dala dala ka niya habang duguan at walang malay."

Zavan? A-ang prinsipe? Dinala ako ng prinsipe kay Manang Omeng? Oh, really. Now I'm fucked up! Alam kong masama akong tao, pero sobra sobrang parusa naman na ata ito?

Paano na lamang kung singilin ako ng Prinsipe pagkatapos nito?

I just want to live.

"Sabihin mo nga sa akin hija, ano ba talaga ang totoong nangyari? Galit na galit si Zavan nang ihatid ka niya dito kasama ang kanyang grupo."

I gulped. The Prince got mad at me. Well, who wouldn't? Isa lamang akong salot at hampaslupa na nawala sa palasyo, at wala akong karapatan upang umapak sa magarang lugar na ito.

"S-sino kayo?" Hindi ko mapigilang tanong at nag iwas ng tingin dahil sa pagkapahiya. Who am I to ask her?

Ngumisi ang matanda sa akin at diniinan ang kanyang kamay sa aking sugat. Napaigtad akong muli habang pinipigilan na sumigaw, lecheng matanda ito! Bumabawi ba siya sa tanong ko?

"Ako si Manang Omeng.." maikling sagot ng matanda. Napairap ako, kung tutuusin maaari kaming magkasundo dahil sa ugali namin. Ma attitude din kasi si Manang Omeng, ang kaibahan lang namin ay nirerespeto siya samantalang ako ay salot lamang. "Ikaw hija, sino ka?" tanong ni Manang Omeng sa sakin.

"A-ano kayo?" Muli ay hindi ko mapigilang tanong. Nakagat ko ang ibaba kong labi. Binabalewala ko ang tanong ng isang nirerespeto sa palasyo at inuuna ang kuryusidad ko. Mabuhay pa kaya ako pagkatapos nito?

"Napakadami mong tanong ngunit hindi mo pa nasasagot ang aking katanungan.."

Maaaring nagsisimula nang magalit sa akin si Manang Omeng, napapikit na lamang ako habang hinihintay ang susunod niyang sasabihin.

"Gusto ko iyan.." dugtong niya.

Napatitig ako sa matanda na abala ang tingin sa kanyang ginagawa. Nangilid ang aking mga luha, huli na nang mapansin kong kahawig siya ng aking lola.

Nangungulila na ako ng lubusan sa aking lola.

"L-lola.." wala sa sariling saad ko. Napalingon sa akin ang matanda, nawala ang ngiti sa labi nito at tinitigan ako.

"Hindi ko mahulaan ang pakay mo. Hindi kita mabasa, ngunit sigurado akong mabuti kang tao."

Doon tuluyang pumatak ang aking luha. Naiisip ko ang aking lola na buong pusong nagtitiwala na malinis ang aking ginagawa ngunit isa pala akong kriminal.

I am a criminal. A liar, a thief.. a criminal.

"Bakit ka lumuluha hija?" tanong niya. Umiling ako bilang pagtugon, sa wakas nagawa kong tumugon ngunit sa pamamagitan lamang ng pag-iling ng aking ulo.

"Kung ano man ang dahilan, hindi ka na makakaalis ng maayos sa palasyong ito."

Nagulat ako sa kanyang sinabi.

"D-dito na po ba ako mamamatay?" tanong ko.

She laughed.

Akala ko ay magagalit ako tulad ng lagi kong nagagawa, ngunit natagpuan ko ang sarili kong ngumingiti sa harap ng tumatawa na matanda.

"A-ano pong nakakatawa?"

Ngumiti si Manang Omeng sa akin. "Ako si Salome. Kabilang ako sa ranggo ng mender sorcerer noon ng palasyo. Habang tumatanda ay humihina na ang aking kapangyarihan, ngayon ay isa na lamang akong tagapangasiwa ng ilang gawain sa palasyo. Kabilang sa aking tungkulin ang panggagamot, dahil iyon ang kakayahang mayroon ako." ani Manang Omeng, napatitig lamang ako sa kanya.

Unti-unti ko nang nauunawaan ang mga bagay na sinasabi nila. Katulad siya ni Nathalia, isang manggagamot. Mender Sorcerer, ang tawag sa kanila.

"Hayaan mo, magaling pa rin akong manggagamot. Madali kong mapapahilom ang mga sugat mo."

"Kung manggagamot lang kayo, paano niyo nalamang naroon ako sa kahon?" hindi ko na talaga mapigilan ang kuryusidad ko. Sasabog ako kapag hindi ko maunawaan ang mga bagay na ito.

"Naalala mo pa pala iyon? Kabilang ako sa ranggo noon, hindi lamang iisa ang aking abilidad. Malakas ang aking pakiramdam, kaya naman ako ang kinukunsulta ni Zavan sa tuwing namomroblema siya. Nararamdaman ko kung mayroong mangyayaring masama sa palasyo, at naramdaman kita. Ngunit sa kabila nito, alam kong hindi masama ang pakay mo. Tama ba ako hija?" ani Manang Omeng, nagitla ako sa huli niyang saad. Ang tanong na iyon na hindi ko alam kung ano ang aking isasagot.

Kaya pala naroon ang Prinsipe nang makita niya ang bakas ko. If that's the case, I am not alone with my extrasensory perception. Malakas din kasi ang pakiramdam ko.

"Naramdaman niyo lang ho ako sa loob ng kahon?" Tanong ko, agad din siyang tumango. Hindi pala biro ang makasama sa ranggo, pakiramdam ko'y sila ang pinakamahuhusay na Sorcerer sa Kaharian ng Eufrata.

"Ang grupo ay kabilang na sa ranggo. Ang mga taong kasama mo kanina ang siyang nangunguna sa listahan ng mga ranggo."

Namilog ang mga mata ko.

I messed up with the wrong people. Ranggo ang mga taong nakasama ko, at Prinsipe ang nag dala sa akin dito!