Hindi makatulog si Tyler dahil sa kakaisip na baka nagalit talaga ng todo ang dalaga sa kanya. Naisip niya na bumaba muna para uminom ng tubig Sana.
Pagbaba palang ni Tyler ay nakita niya na ang ama ni Triana na umiinom ng alak. " Oh iho bakit gising kapa?" Tanong ng ama ni Triana.
"Hindi po ako makatulog, iinom po sana ako ng tubig." Tinuro ng ama ni Triana ang katabing upuan." Umupo ka iho at samahan moko uminom para antukin ka"
Pumayag si Tyler kahit na medyo kinakabahan ito sa ama ng dalaga. " Ang iyong ina ba ay si Catalina?" Hindi na nagulat sa tanong ng ama ni Triana si Tyler na kilala ang ina nito dahil sa kilala ang kanilang pamilya sa business world.
"Opo anak nga po ako ni Catalina, bakit po?" Ngumiti ang matanda sa kanya. " Huwag mo mamasamain ang aking sasabihin, dahil gusto ko kapag kinasal na kayo ay alam mo na Ang lahat sakin bilang ama ni Triana" tahimik na nkikinig at clueless ang binata kung ano ang nais nito I open.
"Noong kabataan ko pa nakilala ko ang iyong ina na si Catalina,
naging nobya ko ang iyong ina noon, masaya kami noon sa sobrang tagal namin ay to the point na akala ko kami na hanggang sa huli." Tahimik na nakikinig lamang ang binata sa matanda.
"Mayroong kaibigan ang mama mo noon, si Alexandra ang mama ni Triana, noong una ang alam ko ay inlove ako sa mama mo. But something happen, I cheated on your mom because I fell in love with her bestfriend Alexandra." Patuloy na nag kukuwento ang matanda at habang si Tyler ay lumalagok ng alak.
" Sobrang nasaktan ko ang mama mo noon, Hindi ko sinasadya na lokohin siya, kinunbinsi ko ang sarili ko na baka nagkamali lang ako ng pakiramdam nawala ang feelings ko sa mama mo. " Gustong magalit ni Tyler sa ama ni Triana but past na din naman yun, kita naman na totally move on na sila at may sari sariling pamilya.
" Nawala ang mama mo non ang sabi nag abroad ito upang doon nalang ituloy ang pag aaral, nag try ako na habulin ang mama mo pero hindi dahil sa gusto ko bumalik kundi humingi ng closure ng maayos." Kitang kita sa mata ng ama ng babae na malungkot ito habang kinewento ang pangyayari.
" Nabuntis ko ang mama ni Triana, kaya nagpakasal kami ng Ina ni Triana, masyadong bata pa kami non pero. Pinandigan ko ang responsibilidad ko sa aking asawa at magiging anak."
"2years graduate na kami lahat at may mga trabaho na, nalaman ko na kinasal na pala ang iyong mama kay Henry Callistar, I'm happy for her na nahanap niya ang para sa kanya na hindi siya sasaktan." Malungkot na ngumiti ito Kay Tyler.
"Noong panahon na yun naging masaya kami ng aking asawa, dahil akala namin mag karoon ng kapatid si Triana, ngunit nakunan si Alexandra at naging dahilan upang hindi na ito pwedeng mag karoon ng anak."
"Iniisip ko noon iho na baka karma ko ang mga nangyayari samin non, dahil siguro I hurt your mom" tahimik na nakikinig si Tyler sa ama ng babae. Mababakas sa mukha ng matanda na labis ang panghihinayang nito.
Hindi natiis ni Tyler ang mag tanong sa matanda " hinabol niyo man lang ba ang aking Ina?" Tumingin ang ama ni Triana kay Tyler. "I tried but, I know she's happy with someone else na, I choose to watch her from far na masaya na ito, at tinanggap ko na ito ang naging tadhana namin."
"Do you want to meet my mom?" Tanong ni Tyler sa matanda, sandaling natahimik ang matanda. " For closure sa inyo ni mama, I want na maging okay na po kayo, lalo na magiging son in law niyo na po ako" marahang tinapik ito ng ama ni Triana si Tyler.
" I trust you son, even I'm not your father, please don't hurt my daughter. Please huwag ka gumaya sakin iho, dahil once na mawala na ang taong mahal mo ay pagsisihan mo ito ng sobra."
Tumayo na ang ama ni Triana at nagpaalam na matutulog na ito, Hindi inaasahan ni Tyler na may malalaman akong revelation tungkol sa past ng kanyang Ina. Hindi pala masaya ang naging first love ng kanyang Ina, at mabuti nalang nakilala niya ang aking ama na nag mahal ng tapat sa kanya.
Pagbalik ni Tyler sa kwarto naabutan nitong hinahanap siya ng dalaga, " love San ka galing?" Tanong ng dalaga, siguro naalimpungatan ito na wala sa tabi niya ang binata. "Ahm kasama ko ang daddy mo kanina, nag kwentuhan lang kami"
At tumabi ang binata sa dalaga "let's go back to sleep na love" at marahang hinalikan ang noon ng babae.
Kinaumagahan ay maagang nagising ang binata at naisip nito na pag silbihan ang dalaga, dahil sa nagtatampo ang nobya kagabi.
Nakita niya ang matanda na nag luluto ng agahan sa baba.
"Hi po, gusto ko lang po malaman kung ano po ba Ang paboritong almusal ni Triana po sa umaga?" Tumungin ang ginang sa binata.
"Mahilig iyon sa mango juice, at gusto non laging heavy ang breakfast niya."
"Ikaw pala ang kanyang nobyo, alam mo noon madalas kang ikwento ng alaga ko, naisip ko bakit hindi man lang dumadalaw sa alaga ko kung ganon, I understand iho dahil anak ka pala ng Callista at ang iyong ina ay si Catalina"
" Mula sa pag ka binata ng ama ni Triana ay ako na ang nag alaga at sa kanyang anak, kaya ng malaman ko na anak ka ng Callistar alam ko na agad, nagulat ako dahil pumasok sa aking isipan na baka naghihiganti ka lamang sa alaga ko dahil sa ang ama niya ang itinurong suspect sa pag ka matay ng iyong ama.
"Dahil noong mga nagdaang buwan napansin ko naging malungkot ang aking alaga, balisa at parang wala sa sarili" dahil sa mga na ikwento ng ginang ay nalungkot si Tyler na labis palang nasaktan nito ang dalaga sa ginawa niya.
"Sana iho huwag mong hayaan na magaya kayo sa mga magulang niyo, Hindi naging sa huli ngunit naging masaya naman, sa piling nga lang ng iba panatilihin mong alagaan at mahalin ang aking alaga, dahil parang anak ko na yan" mahabang alintaya ng ginang.
"Oh eto dalhin mo na sa alaga ko, tiyak na gutom na yun" naka ngiting saan ng ginang, " maraming salamat po sa pag handa at payo po tatandaan ko po iyon lahat." Dinala ng binata ang tray sa kwarto ng dalaga.
"Hi love good morning" ngumiti ang dalaga, inaya ito ng binata na kumain. "Ang aga mo naman magising?" Tanong ng dalaga.
"Gusto kong hindi na magalit ang misis ko."
"Wow misis ah, advance mo naman po mister aber" pabirong Ani ng dalaga. " Kagabi ba ay bumaba ka? " Oo love kausap ko ang daddy mo." Nagtaka ang dalaga kung anong dahilan.
" Anong pinagusapan niyo ni daddy?" Ngumiti lamang ang binata sa dalaga, "boys talk yun love." Hindi na nakipag talo ang dalaga " okay" sagot ng babae.
Baddie_Cutie8