DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual person, living or dead, or actual events is purely coincidental.
This is not affiliated with UST/ADMU/FEU/DLSU/ other universities.
***
"Tapos na plates mo?"
Umupo si Kierra sa tabi ko at kinalabit ako. Narito ako sa tapat ng Beato Building, nakaupo sa may mga benches habang kumakain ng kwek-kwek na binili ko roon sa Dapitan. Ang layo ng pinunta ko pero kinailangan ko rin kasi magpa-print. Mayroon naman sa Noval pero nagutom ako, e. Minsan, masaya ring maglakad-lakad lalo na kapag hindi gaanong maaraw.
"Mukha bang tapos na 'ko, ha?" Inirapan ko ang pinsan ko. Hindi ata kami naghihiwalay nito. Simula kinder hanggang college ay magkaklase
na kami. Hanggang ngayon, blockmates parin kami.
"Malay ko ba! Mabilis kang gumawa, e!"
Pagrarason niya naman sa kin. "Ako tapos na. Pwede na uminom!" Pagpaparinig nya. Napalingon ako sa kanya nang marinig ko ang magic word.
"Saan?" Tanong ko.
Kaunting touch nalang naman ang gagawin ko sa plates ko at tapos na'yun kaya pwede naman siguro akong sumama sa kanya. Tutal, Friday ngayon at wala naman kaming klase bukas, pwedeng pwede!
Charot! Gumagawa lang ako ng rason sa sarili ko pero gusto ko lang talaga mag-relax kahit saglit lang. Sabi nila kaunti pa lang namann tong ginagawa namin kasi simula pa lang ang semester kaya may oras pa para mag petiks petiks.
"Pop up. Sa Katipunan," sagot nya sa akin, hinihintay ang reaction ko.
"Layo!" Agad nag-iba Ang mukha ko.
linom na nga lang, dadayo pa sa malayo! Ang dami dami dyan sa Dapitan, e!
"Choosy ka pa? Libre ko transpo at ambag mo, G na? Inaya ko si Via, Pupunta sila! Tsaka manlilibre din naman daw si Samantha kasi may bago daw siyang crush doon sa Ateneo," pagpupumilit nya sa 'kin.
"Hmm, pag-iisipan ko." Kinuha ko ang phone ko at tinignan lahat ng kailangan kong gawin. Kaunti pa lang naman 'yon. Humarap ako sa kanya at ngumisi. "Sige na nga."
"Pabebe ka pa, papayag ka rin naman." Inirapan ako ng pinsan ko at hinatak ako patayo. "Tara na, magtatraffic na! Magdadrive ako, susunduin ko pa si Yanna!"
"Jusko ang lapit lapit lang nya kailangan pang sunduin?! Maglakad na lang sya dito. Kapag pogi dinadayo niya dito sa USTe pero kapag kaibigan kailangan pang sunduin?" Reklamo ko habang naglalakad kami papunta sa carpark.
Hindi pinansin ni Kierra ang mga reklamo ko hanggang sa makasakay kami sa kotse nya. Gusto ko pa sanang bumili ng Pasta Boy dahil nagugutom pa ako pero sya naman ang nagreklamong mangangamoy daw sa kotse nya at matatraffic na daw kami kaya sige, oo na lang 'te! Arte!
Sinundo namin si Yanna sa may Morayta kaya lalo pa kaming na-traffic!Nagrelamo ako sa kanya pero mukhang wala siyang paki-alam dahil may tinatype sa cellphone.
"Hoy, nakikinig ka ba?" Tanong ko sa kanya.
"O, ano ba yon?!" Tinaasan nya ako ng kilay. "Hay nako Louisse Natasha, wala akong panahon para pakinggan ang kadaldalan mo at may hang-over pa ako!"
"Anong landi, tanga, ghinost na nga ako noon!" Mas lalo lang siyang nabadtrip sa kin.
Natawa ako ng malakas. Si Yanna, na-ghost? Hindi ba sya dapat ang nang-iiwan? May nakatiis pa pala sa babaeng 'to.
"Tinatawa-tawa mo dyan? Wala ka namang jowa!"
Natigil tulog ako kakatawa. Aray, masakin 'yon, ah!
"At least hindi ako ghinost," ganti ko.
"Nye nye, maya ka sa Pop up. Madami pa
namang taga Ateneo doon, hahanapan kita kapag lasing ka na para matapang ka. Duduwag duwag ka din kasi, e!" Pambabash nya sa 'kin. Umirap ako kahit nasa harapan ako at hindi nya naman nakita.
"Ayoko ng taga Ateneo!" Sabi ko.
Binaba ni Yanna ang phone nya para tingnan ako. "Bakit naman? Hindi rin naman nagseseryoso mga 'yon! Proven and tested!"
"Ayoko mayayaman yon! Baka ayaw sa kin ng magulang. Palagi ko yon nakikita sa teleserye pag mayaman, ayaw ng magulang tapos aabutan ng pera. Nako, hassle lang 'yun! Tsaka baka english-englishin ako. Wala akong baon
today!" Sunod sunod na sabi ko.
"Gaga, landi lang ang pinapaharap ko para ka namang naghahanap ng mapapangasawa."
Nagtalo pa kami sa kotse sa makarating kami sa Pop up. 'Yung Pop up, para siyang malaking covered court na may mga food stalls. Nasa Katipunan 'to kung saan ang Ateneo kaya madalas mong makikita yungmga estudyante
rito lalo na kapag hapon o gabi.
Dalawang beses palang akong nakadayo rito dahil madalas lang naman kami sa Dapitan uminom. Kapag nag-aaya si Samantha, saka kami pupunta. Hindi namin sure kung pwede ang naka-uniform kaya nag suot kami ng
jacket. Si Yanna, naka-casual attire na kanina pa kaya wala siyang hassle. Kami lang ni Kierra ang nag-jacket. Madalas kaming may dalang jacket kasi malamig sa room.
Nakita kaagad namin sila Via at Sam sa iisang table. Nauna pa pala tong si Via sa amin! Natapos nya siguro kaagad plates nya kaya ang bilis nakapunta rito. Naka-order na rin ng tatlong bucket 'tong si Sam at mukhang good mood pa.
"Come on! Dalian n'yo mag-lakad so we can start na! Ang late n'yo na nga, e! May chika pa ako!" Salubong ni Sam.
"Putcha, red horse? Kadiri naman!" Sabi ko pagkaupo namin.
"May San Mig naman," sabi ni Via at tinulak sa harap ko iyong isang bucket.
Mayroon ding Smirnoff kaya okay na rin.
Lasang sprite lang 'yon o kaya juice.
Walang pasabing nagsimula na'kong uminom habang nakikinig sa kwento nitong si Sam. May crush daw siyang football player doon sa Ateneo na
lagi raw niyang nadadaanan sa may field. Hindi pa raw niya nakakausap pero sigurado na raw siyang single dahil inistalk niya na sa Facebook at nakapagtanong na sya sa mga kaibigan nya.
"Tinignan niya ako kahapon noong
nagkasalubong kami sa may Gonz!" Patuloy na pagkekwento nya. "I was hoping nga na pupunta sila dito today kasi I heard them talking kanina sa may table sa Zaggy G. Tumabi talaga ako para marinig ko!"
"What the heck is Zaggy G?" Napakunot ang noo ni Via nang magtanong.
"Gonzaga. Basta, cafeteria!Pagpapaliwanag ni Sam. "Oh my gosh, oh my gosh, wag kayong lumingon pero nakikita ko siya ngayon na naglalakad"
Sabay kaming lumingon ni Kierra sa tinitignan ni Samantha.
"Stupid! Oh my gosh! Sabi ko h'wag lumingon!" Naiistress na sabi ni Sam at hinatak pa ang buhok ko para pigilan ako.
Nakita namin ang grupo ng mga kalalakihan na umupo saisang table. There are about 8 of them. May kasama silang tatlong babae. Mukhang magkakablock sila na lumabas pero hindi talaga sila magkakatropa or
something.
"Sino dyan?" Tanong ni Kierra.
"The one wearing black," pabulong na sabi ni Sam na parang marinig ng mga lalaki yung sinabi niya kahit medyo malayo naman sila sa amin.
"Boba, apat 'yung naka black!" Binatukan siya ni Yanna.
"The one wearing necklace and cap!" Pag-detail ni Sam.
Pasimple kaming tumingin at nakitang gwapo nga iyong tinutukoy nya pero mas nagwapuhan ako sa katabi no'n. Doon napako ang tingin ko habang umiinom ako ng beer. Medyo maputi, matangkad, gwapo, mukhang nagilight workout pa dahil sa braso. Tinignan ko ang suot nyang damit. Grey shirt with design on
the chest part and a pair of black shorts. Simple lang naman. Nang tignan ko ang sapatos niya, saka ako napairap.
Balenciaga.
Nakailang kwentohan pa kami nila Sam at madalas sa gawi ng lalaking tinitignan ko kanina pa. Tahimik lang sya at paminsan-minsan ngumingiti kapag may nakakatawa silang pinag-uusapan. Napatigil ako sa pag inom ng beer nang tumayo ang lalaki para bumili pa ng alak. Tumayo 'yung isang babaeng kasama nila para sumunod sa kanya.
Tsk, may girlfriend ata. Badtrip!
"Hoy, Luna! Ano? May pogi? Share mo naman! Kanina ka pa nagnanakaw ng tingin, e!" Pinitik ni Kierra ang noo ko.
"Wala!" Tangi ko.
Saka ko lang napansin na nag order pa ng maraming alak 'tong si Samantha. Naubos kaagad nila yung tatlong bucket. Namumula na si Yanna at pakiramdam ko kaunti na lang ay may lalandiin na naman yan. Ganyan 'yang malanding 'yan!
Mukhang tinatamaan na kami dahil parang nagpapa unlimited drinks 'tong si Sam. Umalis si Yanna saglit para para mag C.R. pero nakita namin sya kaagad sa kabilang table na mnay kausap na lalaki! Jusko! Hindi na lang namin
siya pinansin at nagpatuloy sa pagkekwentuhan. Normal na eksena na iyon para sa amin.
"Go na, Sam! Kausapin mo na!" Pagpipilit nila Via sa kanya. Dahil nga may tama na si Sam, tumayo nga ang gaga at lumapit doon sa may table ng crush nya. Nakakahiya! Nahihiya na kaagad ako kahit wala pang nangyayari!
"Hoy gaga! Pigilan mo 'yun!" Takot na sabi ko kay Via.
Nagmamadaling tumayo si Kierra para pigilan si Sam pero nandoon na siya sa tapat ng table ng crush niya. Nakatingin na ang tatlong lalaki doon sa kanya at nagtataka kung bakit sya nakatayo doon sa tapat nila.
Tumayo na rin ako para lumapit at marinig ang mga sasabihin ni Sam.
"Hi! I'm Sam!" Tuminis ang boses ng tropa ko.
Naglahad pa siya ng kamay doon sa crush nya. Awkward na ngumiti 'yung crush nya pero tinanggap naman ang mga kamay niya.
"Adonis," pagpapakilala ng lalaki out of respect.
"Can I sit here?" Makapal na tanong ng
kaibigan ko. Nakasulyap si Adonis sa isa niyang tropa, lowkey asking for help. Mukhang naiilang siya sa ganito, ah. Mukhang hindi sanay.
"Adi, nasusuka si Riz." Napaangat kaagad ang tingin ko sa lalaking kanina ko pa tinitignan nang maglakad palapit at tinapik ang balikat ni Adonis. Pinasadahan niya ng tingin ang mga
kaibigan ko at walang pakialam na umupo sa dapat uupuan ni Sam kanina.
"Sige, puntahan ko." Tumayo si Adonis at
umalis.
Sam was left dumb-founded. Nakatulala siya at mukhang hindi tanggap ang pag-reject sa kanya ng crush nya. Nakita ko pang paiyak pa sya. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maaawa sa itsura nya, e.
"What do you need?" Supladong tanong ng lalaking tinitignan ko kanina pa.
Doon umiling si Sam. Hinatak na siya nila Kierra pabalik sa table namin para hindi na niya ipahiya pa 'yung sarili niya. Umupo lang din ako at lumingon ulit doon sa lalaki. Umiinom siya ng beer ngayon at nakasandal and siko sa lamesa. Bakit ba kanina ko pa siya
tinitignan? Kung wala lang siyang girlfriend.. Hay. gwapo!
Umiyak na si Sam kaya inuwi na siya ni Via. Wala nang sponsor ng alak kaya umuwi na lang din kami ni Kierra. Magkasama kami ni Kierra hanggang sa condo. Hindi talaga kami naghiwalay.
"Kawawa si Sam. Bagong crush pa lang, olats na." Umiling si Kierra. Natawa tuloy ako. Hindi naman katapusan ng mundo ni Sam. Marami pang nakalistang crush 'yon.
Kinabukasan, kinailangan kong pumuntang UST dahil may shooting sa org. Dumaan din ako sa UST Hospital para bisitahin si Sevi, yung kaibigan kong lalaki na taga-Engineering. Kaibigan ko siya noong highschool. Napilayan kasi sa training nila ng basketball kaya nasa hospital. Tanga lang.
Kaso tulog sya noong bumisita ako. Ayaw ko naman siyang gisingin kaya lumabas na lang din ako. Babalik na lang din ako dahil baka sabihin niya hindi ko siya binibisita. Sinara ko ang pintuan at sumakay sa elevator. Huminto iyon sa 3rd floor at napaawang ang labi ko nang
makita kung sino ang papasok.
'Yung masungit na lalaki kahapon sa Pop up! Bakit siya narito? Nakapamulsa lang siya at nakatingin sa harapan, mukhang walang pakialam. May pumasok na naka-wheel chair kaya umatras kaming dalawa palikod. Muntik na kaming magkadikit. Tinignan ko siya at
pinagmasdan ko ang mukha niya nang
malapitan. Ang gwapo nya rin talaga, e, 'no? Ano kayang skincare niya? Ang bango pa niya.
Naramdaman niya atang nakatingin ako dahil nilingon niya ako. Agad akong umiwas ng tingin, at umubo kunwari. Nang makarating sa ground floor, siyemre lumabas na siya at lumabas na rin ako. Napahinto siya nang may
nagkasalubong siyang doctor.
Oh, Kalix! What brings you here, anak?"
Tanong ng lalaking doctor. Hindi ko na
marinig ang usapan nila dahil umalis na rin ako.
Kalix.
So that was his name.
Buong Sunday, wala akong ginawa kundi
tapusin ang plates ko. Umalis rin si
Kierra kaya walang nanggugulo sa akin. Noong Monday, pumasok ako sa klase at noong lunch, binisita namin ni Kierra si Sevi sa hospital.
0, ano? Kamusta katangahan natin?" Salubong ni Kierra pagkapasok namin sa room ni Sevi. Tumawa si Sevi at tinignan ako.
"Binisita kita kahapon, pero tulog ka," sabi ko sa kanya.
"Wow, parang naisip mo pa akong bisitahin. Pero hindi mo naisip na gisingin ako,' parang inis nya pa sa 'kin.
"Ako na nga hindi nang-istorbo ng tulog mo, galit ka pa?" Nilapag ko ang prutas na dala namin ni Kierra. Umupo ako at tinext ko si Mommy pero walang signal kaya lumabas muna ako.
Kakasara ko palang sa pinto nakita ko na
naman yung lalaki! Si Kalix! May kausap
siyang doctor at naglalakad sila sa hallway. Maya-maya huminto sila sa tapat ng room ni Sevi kaya tumabi ako. Nagpaiwan din sa labas si Kalix.
Ah, doctor siguro ni Sevi 'yon.
Sumandal si Kalix sa pader habang ako, nasa tabi niya at nagkukunwaring nagphophone. Ang awkward!
I heard him chuckle kaya napalingon ako sa kanya. Hindi niya naman ako tinitignan, anong tinatawanan nya?
Binalik ko ang tingin ko sa phone ko nang marealize 'yon at nagkunwari pa akong nagtatype.
Tinago ko na lang ang phone ko sa bulsa ko at papasok na sana pero gusto ko siyang kausapin. Wala naman akong masabi! Sumandal na lang ako sa may pader, katabi niya. After a while,I
started talking.
"Ateneo?" I asked.
He nodded. Nanahimik ulit kaming dalawa. Tumingin ako sa kisame para pag masdan iyon.
"UST?" He asked after a few seconds.
Tumingin ako sa uniform ko. Obvious ba? May logo ng Architecture doon at may nakalagay na UST sa I.D lace ko.
"Yes." Sumagot pa rin ako para mapahaba ang usapan.
"Architecture?" He asked again.
Wag kang tanong nang tanong baka isipin kong interasado ka rin sa 'kin, sige!
"Yes. You? Engineering?" Hula ko.
He shook his head. "Management."
"Management Engineering?" I heard mayroon noon sa ADMU.
"Legal," he corrected.
Ay, mag-aabogado.
"Luna! Anong ginagawa mo riyan?"
Nagulantang ako nang biglang lumabas si Kierra.
Napaayos ako ng tayo. Nakatingin din ata si Kalix sa kanya. Tumingin si Kierra sa lalaking katabi ko bago ibalik ang tingin sa kin.
"Uy, hi! Ikaw 'yung sa Pop up!" Bati ni Kierra. Ayon, parang mas makapal ang mukha kesa sa 'kin at siya na ang kumausap.
"Yeah?" Mukhang hindi ma-recall si Kalix.
May sasabihin pa sana si Kierra nang biglang lumabas ang doctor kaya sumunod na rin si Kalix sa kanya.
"Malanding 'to, kaya pala ang tagal sa labas!" Agad na pagbibintang sa akin ni Kierra.