webnovel

THE PINK STENO DIARY (Completed Novel)

May malungkot na pinagdaanan si Miyaki sa kanyang nakaraang pag-ibig kung kaya naman natatakot na siyang sumugal pa sa pag-ibig. But Callix Jesh is really determined to grab the heart of his only love, and no one other than Miyaki. Sa pag-usbong ng natatanging pagkakaibigan nila ni Miyaki, muli na kayang iibig ang puso ni Miyaki? Muli na kaya niyang isusugal ang lahat? Kahit pa magbalik ang taong lubusang sumugat sa puso niya?

JhaeAnn_16 · Masa Muda
Peringkat tidak cukup
40 Chs

Twenty Eight

(Provident Village, Marikina City)

(Tomines's Residence)

(Earl's POV)

Kakatapos lang akong pakainin ni Mommy ng tanghalian at kasalukuyan akong nagbabasa ng libro ni Paulo Coelho nang makita kong parating na sa bahay si Aya kasama ang kaibigan niyang si Misha.

"Kamusta ka na Aya? Ang tagal na naming di nakabalita sayo!" ang pangangamusta ni Misha kay Aya.

"Okay lang ako Mish, I'm just busy in my studies. Maupo ka." ang anyaya ni Aya kay Misha. Naupo naman sa sofa ang kaibigan niya.

"Ahm Aya, kamusta na pala ang Kuya mo?"

"Okay lang, pero nag-undergo siya ng chemotherapy treatment kahapon kaya medyo lumalakas na rin siya."

"Mabuti naman kung ganun, sana nga'y magtuluy-tuloy na ang paggaling ng Kuya mo." ang sabi naman ni Misha na nagpailing-iling na lang sa akin.

Sana nga ay mamatay na lang ako kesa mas bumigat pa ang sakit na pinapasan ng puso ko.

"Mish, I'm just happy for Callix. Sa wakas at sila na rin ni Miyaki." ang sabi ni Aya na lalong nagpabigat pa sa pinapasan ko.

"Oo nga eh! Haay, kung nandun ka lang, malamang ay magtatatalon ka rin sa kilig tulad namin nila Monique at Lexie!" ang masayang sabi ni Misha kay Aya.

"Baka hindi rin Mish. Masyado na akong O-A nun." and Aya laughed.

"Haay, sana nga ay magpatuloy na ang kaligayahan nina Callix at Miyaki. They're really perfect for each other."

Lalo akong nasaktan sa tinuran ni Misha.

Totoo pala ang sinabi ni Aya sa akin sa airport....

Totoo pala.

Iginalaw ko ang wheelchair ko para makapakinig pa ako ng mas malapit sa kanila kahit na bugbog-sarado na ang puso ko.

"Anyways, kelan pala ang birthday party ni Miyaki?" ang naibang tanong ni Aya kay Misha.

"Sa Saturday na. Invited ka ba?" 

"Oo. Pinadalhan na ako ng invitation ni Miss Ayako. Ikaw?"

"Oo naman noh, siya pa nga ang nagbigay sa akin ng invitation personally." ang sabi naman ni Misha.

Naalala kong bigla ang araw na nag-celebrate kami ni Miyaki ng birthday niya sa park na paborito naming pasyalan nung magkasintahan pa kaming dalawa. Bagama't simple lang ang surprise ko para sa kanya ay napakasaya niya nang matanggap niya iyon. Napaiyak na naman ako nang sumagi sa aking alaala ang aming nakaraan.

Marami pang napag-usapan sina Aya at Misha hanggang sa magpaalamanan sila sa isa't isa. Nung wala na si Misha ay paakyat na sana si Aya sa hagdan nang magsalita ako.

"Malapit na pala ang birthday ni Miyaki. Sa Saturday na pala. Ano kayang magandang iregalo sa kanya?"

 

"Kuya, please naman, tigilan mo na siya. Narinig mo naman siguro di ba? May mahal na siyang iba at wala nang pag-asa pang magkabalikan kayong dalawa. Kaya Kuya, kung anong binabalak mo, itigil mo na yan." Aya warned at me.

"Wala akong balak sirain sila. Gusto ko lang na makahingi ng tawad sa kanya bago ako tuluyang malagutan ng hininga." ang sabi ko na lang sabay balik ko sa pagbabasa ko. Ayoko nang makarinig pa ng kataku-takot na sumbat mula sa kapatid ko. Ayoko na.

"Kuya, bakit ba sinasabi mo yan? Hindi ka pa mamamatay. Mabubuhay ka pa ng matagal." ang sabi pa ni Aya pero umiling-iling lang ako.

"Don't expect that Aya, doktor na mismo ang nagsabi na mamamatay na ako. At tanggap ko na ang katotohanang yun. Excuse me." at tuluyan ko nang hinila ang wheelchair ko papasok ng kwarto ko.

Pagkapasok ko ng kwarto ko ay napatingin na lang ako sa picture ni Miyaki na nasa gilid ng kama ko. Kinuha ko yun at tinitigan ko ng maigi.

"Miya, tell me. Bakit mo ako pinapahirapan ng ganito? Bakit?" and I cried bitterly.

Habang umiiyak ako ay may nagbukas sa pinto ng kwarto ko. Agad kong pinunasan ang luha sa mga mata ko sabay lingon ko sa pinto. Nakita kong may pumasok na isang doktor na mula pa sa ospital kung saan ako nagpa-chemotherapy.

"Still reminiscing her?" ang tanong niya habang inilalabas niya ang medical apparatus niya para sa check up ko.

"It's none on your business Dr. Hiusgen." ang sarkastikong sabi ko sa kanya. Ewan ko ba kung bakit hindi kami magkasundo ng doktor na yan, basta ang alam ko, naiinis ako sa kanya.

"Really?" and she laughed. "Maybe I really don't know about you, but one thing I know, is you really missed her. Right." ang sabi niya at saka niya ako kinunan ng pulso gamit ang sphygmomanometer.

"Wala kang pakialam sa buhay ko Dr.Cynthia." I said sarcastically.

"Alam ko." ang sabi niya habang kinukunan niya ako ng pulso.

Grrrrrr!! Ba't ba napakapakialamera ng babaing ito? Ano ko ba itong Dr. Cynthia na ito?

"She's Miyaki Miyazako, right?"

Hindi ko siya sinagot.

"Oh, she's so beautiful! Lalo na siguro kapag nakita ko siya in personal. Tatlong favorite winners ko sa Miss Universe ang kamukha niya! Sina Oxana Fedorova, Jennifer Hawkins and Riyo Mori! Pero mas nag-re-reflect sa pagkatao niya si Riyo Mori."

"Oh, and so?"

"And so? Dapat ang mga katulad niya, minamahal, inaalagaan at hindi sinasaktan. Di ba?" ang sabi niya na tila ba granadang sumabog sa pagkatao ko.

Muli'y tinatamaan na naman ako ng bwisit na konsensya ko.

"Nagpaparinig ka?" I asked on sarcastic tone.

"Eh natatamaan ka naman ba?" and she laughed.

Oo na Dr. Cynthia Rowley Huisgen. Natamaan na ako. Ikaw na, ikaw na ang konsensya ko.

Matapos matignan ang pulso ko ay saka naman siya nag-reseta ng mga gamot ko.

"Okay, so take this medicine, three times a day. Is it okay?"

Hindi pa rin ako sumagot.

"Ano ba naman 'to, parang hangin lang ang kausap ko." ang pabulong na sabi niya pero dinig na dinig ko.

"What the hell are you saying?"

"Ang sabi ko, kung may gamot lang sana ako para sa mga broken hearted, eh di sana, kanina pa kita niresetahan." ang sabi niya sabay tawa niya ng mahina. Habang ako naman ay lalo lang nainis sa babaing ito.

Hmp, pasalamat siya't maganda siya!

Noong tapos na ang check-up ko ay kinausap pa niya si Mommy hanggang sa magpaalam na si Dr. Huisgen sa amin at sinabing babalik siya bukas.

Noong wala na ang pakialamera kong doktor ay bumalik na lang ako sa pagbabasa kaysa dusahin ko ang sarili ko sa katangahan kong ako rin mismo ang may gawa.