Napabalikwas ng bangon si Jester nang marinig niya ang tunog ng cellphone niya.
"F**k! Who the hell called me this early?" sambit niya habang pikit pa ang mga mata. Paantok pa na tiningnan niya nag screen sa cellphone niya. Si Mommy Ana ang tumatawag.
"Yes Mom, napatawag ka?" Kunot-noong tanong niya sa kabilang linya.
"Good morning son, How are you? Okay ka lang ba? God! Alam mo bang pinag-alala mo ako kagabi? I called Almera last night because I couldn't reach you, napaaway ka daw sa parking lot nang bar kagabi?" ani ng ginang.
He heaved a deep sigh, Hays.. Almera talaga! masyadong madaldal, kung hindi ko lang siya kababata ay mapagkamalan ko na siyang stalker. Kung bakit ba kasi sunod ng sunod sakin at inaalam pa lahat ng lakad ko. sa isip niya.
"Mom, don't worry okay? hindi na po ako bata, Isa pa hindi naman ako ang nag-umpisa ng away, alam mo naman yon diba?" tugon ko.
Kahit black belter siya sa taekwondo ay hindi niya ginagamit ang kanyang physical strength sa pakikipaglaban sa kahit kanino, maliban nalang kung siya ang pinapangunahan ay mapipilitan talaga siyang ipagtanggol ang sarili, because he knows that self - control should always comes before power and speed.
"Okay son, dito kana sa mansyon mag dinner mamayang gabi dahil susunduin natin ang Lola at daddy mo from Canada." masiglang sabi ng ginang.
"Alright mom!" He nodded and hang up the phone.
Pasado alas onse na ng umaga nang bumangon si Jester sa kama at nagtungo sa banyo para mag shower at magtoothbrush. Kakatapos lang niyang magbihis when he heard a small knocks coming through his door. Nang pagbuksan niya ay tumambad sa kanya ang pangiti-ngiti niyang kababata, Si Almera.
"Hey J! Here, I brought your favorite bulalo." sabi nito sabay abot ng pagkain na nakabalot sa plastic.
The nerve of this girl! Pagkatapos niya akong isumbong kay mommy! sa isip niya. "Buti nalang at may pa peace offering ka, kung hindi lang ako gutom ngayon, baka pinaalis na kita." pagalit nitong sabi.
"Come on J, Tita called me last night, dahil hindi ka daw niya macontact at nakapatay ang cellphone mo. Then,she heard the loud screams, kaya 'yun napaamin ako na nakipag-away ka sa parking lot." she explained in a soft tone.
"Okay, tara na sa loob, Kumain na tayo, nagugutom na ako." alok niya rito at tumango naman ang babae.
Kasalukuyan silang kumakain nang pananghalian nang muling nagtanong si Almera sa kanya.
"Hmm.. J, Can I ask you something?"
"Yeah, ano 'yon?" takang tanong niya.
"H-hindi mo ba gusto si Flor?" diretsong tanong ng babae.Umiling lang si Jester bilang tugon.
"But why?, maganda naman si Flor ah, mayaman pa at sex-"
"She's not my type Mera," putol niya sa sinasabi nito. "Kaya kahit bilhin man niya lahat ng ticket sa band concert namin, Hindi ko parin siya papatulan. Imagine, she even ask me to have a one night stand with her, But of course I declined, ayaw kong makipaglampungan sa slut na iyon."
They celebrated the success of the launching of their album sa paborito nilang bar kahapon. Mahigit dalawang taon na silang kumakanta yet ngayon lang sila nabigyan nang big break. Then, a familiar woman walked straight into their table and tried to offer them a drink. It was Flor - their avid fan at school mate niya sa Brent International School.
Agad namang narinig nang mga oportunista niyang mga kagrupo sa banda na si Glenn, Mark, Arnel, John at Saint. Kaya nang inalok siya nitong makipag sayawan sa dancefloor ay wala siyang magawa kundi ang pumayag, nakakahiya naman kung tumanggi pa, eh siya naman ang nagbayad sa lahat ng drinks nila.
But she want something more, gusto nitong makipagsex kay Jester pero hindi ito pumayag, he tasted her once on bed kaya ayaw na niyang tikman ulit siya. But when he turned down her offer ay kinukulit parin siya nito, marahil ay dahil sa kasalasingan kaya nawalan na nang hiya sa mga pinanggagawa.
Hanggang sa nagkayayaan nang umuwi ay hindi parin siya tinantanan ni Flor. Pagdating niya sa parking lot ay nandoon na si Mera sa sasakyan upang sunduin siya, alam nang kaibigan niyang hindi na niya kaya pang magdrive kapag nakainom.
Nang bigla nalang nagsisigaw ng tulong ang babae dahil tsinansinganan niya raw. Napamura siya sa ginawa nang babae, marahil ay nasaktan niya ang ego nito. Dahilan para marinig nang manliligaw nito at 'yun bigla siyang sinuntok, pero agad rin siya gumanti dito.
Nakikinig at patango - tango lang si Mera habang sinasandokan ng sabaw ng bulalo ang kanin niya. Nasanay na si Jester sa ka sweetan ng kaibigan, parang kapatid na ang turing niya dito, sabay silang lumaki. Kaya nang mapag-alam niyang may gusto sa kanya ang kaibigan niyang si Saint, ay hindi siya pabor rito, notorious fuckboy 'yun baka mapahamak lang ang best friend niya.
Kasalukuyang nag - aaral ito sa Ateneo de Manila sa kursong Bachelor of Science in Business Administration, para matulungan daw niya ang magulang niya sa pagpapatakbo nang negosyo nilang petroleum .
Habang si Jester naman ay pahinto - hinto sa pag - aaral dahil abala siya sa pag gig, alam naman niyang tutol rito ang mga magulang niya pero wala naman itong magagawa kaya hinahayaan nalang siya nito.
"Mera, uuwi pala sila Lola at daddy mamaya, sasama ka ba samin ni mommy sa airport?" tanong niya rito. Lumiwanag naman ang mukha ni Mera at agad tumango. Tapos na silang kumain at nagligpit nang kinainan nila.
Simula nang tumira siya sa condo niya ay araw-araw dumadalaw doon si Mera, nagdadala ng meryenda at pagkain. Hindi parin kasi sanay na magluto ang binata, lagi lang siyang kumakain sa labas o di kaya'y magpa delivery.
Nagtungo sila sa parking lot at dali-daling sumakay sa sasakyan niyang pulang Lamborghini, regalo iyon ng Lola niya 'nung 21st birthday niya, kaya ito ang paborito niya sa lahat ng sasakyan niya.
Katabi naman niya si Almera na nasa passenger seat na nagsimulang pakialaman ang speaker ng sasakyan at nagpatugtog ng It's my life ni Bon Jovi, na kaysarap kantahin kapag mag roadtrip.
Pagdating nila sa mansyon ay bumusina muna siya at agad namang binuksan ng katulong nila na si Nana Linda, may katandaan na ito at siya ang nag - alaga kay Jester simula pa nang bata.
Laging busy ang magulang niya sa kanilang importing and exporting business kaya siya ang nagpalaki at laging kasa - kasama noon ni Jester sa bahay at kaya malapit sila sa isat - isa, para na niyang pangalawang nanay si Nana Linda.
"Iho, buti naman at napadalaw ka rito sa mansyon, Ang tagal din hindi tayo nagkita ah." saad ng matanda na may bahid na pagtatampo.
"Sorry po nana, medyo busy po sa gig at eskwela, pero hayaan po ninyo at dadalawin ko po kayo rito ni mommy minsan." Pakamot-kamot sa ulo niyang sagot.
"Aba't singer na pala talaga ang alaga ko?" masiglang sabi ng ginang.
"Hindi naman Nana." Jester answer then shyly.
"Sus! Pahumble ka pa niyan, eh marami ngang babae ang nagkandarapa sayo, Si Thressian, Pearl, Julie, Flor at - ..
"Stop it!, Mera." putol niya dito.
"Naku Iho! Paisa - isa lang, Hindi ka naman mauubusan. Hindi magandang pinaglalaruan ang damdamin ng mga babae". paalala ng matanda.
"Yes po Nana, I keep that on mind." tugon niya at dumiretso na sa kanyang silid. Habang si Almera naman ay nagtungo sa guest room.
May iilang damit siya doon dahil binibilhan siya ng mga damit ni mommy tuwing mag sho-shopping ito, sabik ang mommy niya na magkaanak ng babae kaya nalungkot ito 'nung maoperahan ito sa ovarian tumor dahil hindi na maaaring magkaanak pa ulit, kaya magmula noon ay itinuturing pangalawang anak nito si Almera na anak ng best friend niyang si Tita Carla.
-----------------
Nakangiting sinalubong nila ang Lola at Daddy niya sa airport, Halos dalawang buwan din sila sa Canada dahil sa cornea transplant ng Lola niya. Gusto man nang mommy niya na sumama, pero minabuti nitong magpa iwan para may mag - asikaso sa kumpanya nila.
Abot - tenga ang ngiti ng Lola habang niyakap niya ito at ginawaran ng halik sa pisngi, ganun rin si Mera at bumiso rin sa Daddy ni Jester.
Pagkatapos magyakapan ay napagdesisyon ng mommy niya na sa paboritong restaurant nalang sila kakain. Pagkatapos mag park ni Jester sa minamaneho nitong Minivan ay kaagad na silang pumasok sa loob ng high - end Italian restaurant.
Maganda ang ambience at magalang ang mga crew sa nasabing restaurant. Bumati ito sa kanila at agad nagbigay ng menu na ipinatong sa placemat ng mesa. Habang nag - order ng pagkain ay pansin ni Jester ang pagtitig at pagpacute ng babaeng crew.
Tumikhim muna ito, "Ahm.. Sir, kayo po ba 'yung vocalist ng bandang Cool Front?" tanong nito habang kumiskislap ang mga mata .
"Y-yeah." sagot niya habang nakatingin sa Daddy niya. Halata naman ang pagka disgusto ng Daddy niya sa narinig. Ayaw nito ang pagkanta - kanta niya.
"P- pwede po bang magpa autograph at selfie mamaya?" nahihiyang dugtong pa ng babae.
Hindi maiwasang maasiwa si Jester sa request ng babae, habang lahat naman ay sa kanya nakatuon ang atensyon.
"Sure." tugon niya rito at ngumisi.
"What's your order Mera?" pag - iiba niya sa usapan, hindi siya kabisado sa Italian Cuisine, ang mommy niya lang at si Mera ang mahilig kumain non' .
Caprese salad with Presto sauce and Mushroom risotto for me miss, nakangiting tugon ni Mera sabay abot nang menu sa crew.
'Yun nalang din ang akin miss." sabi niya sa babaeng crew at ginawaran ng ngiti. Tumango at ngumiti lang ang crew bilang tugon at agad nang umalis pagkatapos nilang maka order.
Hindi nagtagal ay dumating na inorder nilang pagkain, tahimik silang lahat habang kumakain. Ramdam niya ang tensyon, alam niyang hindi nagustuhan ng Daddy niya ang encounter kanina habang umorder sila. Mataman siyang tinitigan ng Daddy niya, kaya sa pagkain nalang niya tinuon ang kanyang pansin.
Tumikhim muna ang mommy niya bago nagsalita. "By the way son, How's school?" direktang tanong nito sa kanya .
"Okay lang naman po mommy." tipid niyang tugon .
Nag - angat ng mukha ang daddy niya at nagsalita. "Kailan ka ba titigil sa walang kwentang pagbabanda? Instead of learning our business 'yang pagkanta - kanta ang inaatupag mo!" bulyaw na saad nito .
"Dad naman! It's my passion, hindi ko kayang hindi kumanta, mamamatay ako." Dire-diretsong sagot niya.
"Okay I made up my mind, sa probinsya kana sa Bukidnon magtatapos ng high school. Doon ka sa hacienda para may kasama ang Lola mo." seryosong sabi nito.
Agad naman na nag - angat nang mukha ang Lola, si Almera at ang mommy niya, halata sa mukha nila ang pagkagulat.
"Hon, wag mo namang ilayo sa atin anak natin, Give him another chance to prove himself and - "
"No Ana! My decision is final, kailangan maturuan nang leksyon ang anak mo, puro pagbabarkada at pagbabanda lang ang inaatupag.
Hindi na nakapagsalita ang mommy niya, he knows he's father is dominant in terms of decision making, maging ang lola niya ay pinili nalang manahimik. Napakuyom nalang niya ang kanyang kamao, gusto niyang umiyak at sumigaw pero hindi niya magagawa iyon lalo na't nasa loob sila ng restaurant.
"Oh God! Paano nangyari sakin to?" Ayaw kong tumira sa probinsya, hindi na ako makakanta, mawawalan rin nang bokalista ang banda namin." sa isip niya.
"Dad please, I'm begging you, I'll start learning our business tomorrow, just don't send me there. Mahihirapan akong mag - adjust doon, isa pa nag - aaral po ak -"
"I don't take no for an answer Jester, alam mo 'yan." seryosong saad nito.
"Then, I left no choice." mahinang tugon niya.
Hindi na niya naubos ang pagkain sa plato niya, nawalan na siya nang gana. Pansin rin niya ang pagtigil ni Almera sa pagkain. Panay rin ang sulyap nito sa kanya. Pagkatapos kumain ay umuwi na sila sa mansyon.
Hindi na pinayagan pa nang mommy niya na umuwi pa si Almera sa sarili nitong condo, dahil gabi na at pansamatalang nagleave ang driver nilang si Manong Fred dahil kapanganak lang nang asawa nito.
Wala rin siya sa mood ipagdrive ito. He wants to cry in frustration. Walang nakakaintindi sa gusto niya. Music isn't just a hobby for him, it's something that lift him from drowning in loneliness. Though he has everything, wealth, fame and women pero lagi paring may kulang.
Ang magulang kasi niya ay halos walang panahon sa kaniya. Laging busy sila sa kumpanya, na halos lahat nang oras ay ginugugol nila sa dito.
Nagtungo siya sa minibar na katabi lang sa kusina nila. Kumuha siya nang dalawang bote alak at pumunta sa veranda. Gusto niyang magpakalasing para maibsan ang paninikip ng dibdib niya. Nagsalin siya ng sour whiskey sa shot glass at sinipsip iyon.
Ngayon lang niya na appreciate ang ganda ng kanilang veranda. It has a perfect poarch lighting that adds highlights in the architectural element of their house. Tahimik siyang umiinom nang may narinig siyang may tumikhim sa likuran niya. Bahagya siyang umikot at napagtanto niyang nandoon at nagmamasid sa kaniya si Almera.
"H- hey! Napapadalas na yata ang inom mo ha? Baka magkasakit ka niyan?" concern nitong tanong.
"Yeah, wala namang nakakapansin eh, ikaw lang naman." malungkot nitong tugon.
"J, 'wag kang mag - alala, palagi kitang dadalawin doon sa probinsya kapag hindi ako busy. Kaya cheer - up! nandito lang ako parati para saiyo." sambit niya at matipid na ngumiti.
Salamat Mera, ikaw lang naman ang kakampi ko. Tawagan mo ako palagi ha? mami - miss kita at ang kakulitan mo." saad nito na garal - garal ang boses.
"Oo naman, I promised." She said as she hugged him .