webnovel

3 Campus King...

Arlex POV..

Grabe ung babaeng un...

Napaka inosinte niya....

Maganda..??

Sagot ko...

Super..

Ang Ganda niya..

Queen Campus nga siya e...

Ang kaso di niya alam na popular siya..

At ang nakakatuwa pa sa kanya, may gusto siya pero impossible naman na magustuhan siya...

Kung tama ako...

Si Hwang In-Yeop ung gusto niya...

Die Hard Fan talaga siya nong In-Yeop..

Wala naman akong masabi sa hinahangaan niya...

Dahil tiningnan ko sa Instagram, walang kapintasan...

Alam nyo ba dahil sa kainosentihan niya, di niya alam na maraming lalaking may gusto sa kanya..

Kaya lang parang malabo yatang magka boyfriend ang babaeng un...

Masyado siyang na link kay In-Yeop..

"Bro.."bati sa akin ng kaibigan ko...

"Bro.."ganti ko din sa bati niya..

"Wow..As in Wow na wow bro.."masigla niyang bungad sa akin..

"Anong as in wow na wow ka dyan??😕😕"kunot noo kung tingin sa kanya...

"Kinausap ka ni Campus Queen...??😁😁..Pakilala mo naman ako sa kanya, Bro...Sabihin mo na may kaibigan ka at gwapo, ang pangalan ay si Archel Magistrado... Ganun..Sabihin mo yan bro hah...??"pangungulit niya sa akin...

Isa din kasi siya may paghanga kay Charm..

Di lang sila lumalapit dahil nga akala nila masungit, ang di nila alam kaya hindi siya namamansin dahil nobody siya...

"Bro..Are you with me..??"irita niyang tanong...

"Oh...Kaso ayaw niya sa ibang lalaki e..May gusto na kasi yon e..☺"sabi ko dito sa baliw na baliw kung kaibigan..

"WHAT???!!!!!!!!"sigaw niya...sakit sa tenga e..parang bakla...

"Ano ba?? Wag ka nga sumigaw dyaan..Bading ka ba..??"irita kung singhal dito...

"Sino ba gusto niya??Kilala ko ba??"makulit niyang tanong..

Sabi ko nga sa inyo e...

Baliw na ang isang ito kay Charm..

"Walang wala ka don sa gusto niya...Malabo ka talagang magustuhan ng isang die hard fan ng isang Korean Actor...😕"taas kilay kong sabi dito..

"Die Hard Fan?? Korean Actor...??? Bwaaaaahahahahhahahaha!!!!!!!😂😂😂..Really??? Hahahahahahahahahahaha....!!!" hagalpak niyang tawa...may pag hawak pa sa tiyan...

Kanina para siyang sira, makapag selos akala mo may sila...Ngaung sinabi ko ang gusto ni Charm tawa naman ng tawa...

"What???Funny??? Gusto mo bang tumawag na ako sa mental..??😠😠"nakasimangot kung tingin dito sa kaibigan kong kanina pa tawang tawa...

"Really??? Seriously??? Bwesit ka Bro...Impossible na magustuhan siya non...Sabi ko sayo tatandang dalaga yon..."tawang tawa parin niyang baling ng sagot sa akin...

"Possible na magustuhan siya non...Malay mo sila ang tinadhana.."alanganin kung sabi sa kanya...

"What??? Ang sabihin mo, pinagtagpo pero di tinadhana....O kaya pwede namang sabihin na, tinadhana pero di pinagtagpo... Ganun...Sa laki ng mundo impossible talagang magtagpo sila..." isip niyang sagot habang ang daliri niya nakalagay sa baba niya na akala mo napaka talinong tao...

"Malay mo nga diba...Hay..Bahala ka nga...O siya...I gotta go...See you sa mental...Baka sa kakaganyan mo may mag volunteer na dalhin ka sa mental hospital..."salita ko dito, sabay tayu para umalis...

"Bro, ang sinasabi ko lang naman, hindi siya magugustuhan non..Ang mga koreano kasi gusto nila ang kapwang Korean din.."paliwanag niya habang naka buntot sa akin...

"Bro ang sabi ko din naman sayo.. Hindi malabo na magustuhan din ni Hwang In-Yeop..."pagpapaintindi ko dito...

"Who??? Hwang In-Yeop??.. Parang pamilyar sa akin ang name niya...Oo kilala ko na siya...Isa din Siya sa sikat na Korean actor... Alam ko kumakanta din un e..May drama nga siya e...True Beauty yata un..."hula niyang sagot...

"Siya nga...Ngaun kilala muna...Kaya walang wala ka don...Sabi ko sayo if may pagkakataon na magkita sila, magugustuhan siya ng crush niya...Maganda si Charm at mabait pa..."buntong hininga kung tingin sa kanya..

"Hahahahahahahahahahaha....!!!!! Masasaktan lang siya...Alam mo kung bakit??"tanong niya...

"Bakit??"tanong ko..

"Masasaktan lang siya dahil, magkalayo sila...At malayo ang agwat nila...Sikat si In-Yeop kilala sa buong Asia...Sa palagay mo ba maabot niya si In-Yeop... Langit at Lupa sila...ulol..."mayabang niyang sagot..

"Alam mo, bakit ba big deal sayo kung magugustuhan siya o hindi...Alam mo hindi natin hawak ang tadhana nilang dalawa... Idol niya lang si In-Yeop at crush niya..."sabi ko..

"Alam mo mas bagay kayo..😉??*out of the blue moon niyang sabi bigla sa akin...

"Anong sinasabi mo dyaan??"kunyaring taka kung tanong..

"Ikaw si campus king...Siya naman si campus queen..."sagot niya....

'Di ko talaga alam mo kung anong nasa isip nitong kaibigan kung ito.. Kung di ko lang to kaibigan baka nadagukan ko na...'

"Eh ano naman???" walang buhay kong sabi..

"Bro, wag mong sabihing wala kang gusto sa kanya e halos araw araw mo ngang sinusundan at tinitingnan kapag nasa bench siya..."bulgar niya sa ginagawa ko..

"Shhh..🙎🙎..Wag ka maingay baka may makarinig sayo..."pag takip ko sa bunganga niyang maingay...

(^_^)..

Sa totoo lang di ko din alam sa sarili kung gusto ko ba siya o hindi...

Hay...Bahala na...

♠♠♠♠♠♠

Archel POV

Pambihira...

Tinanong ko lang naman siya kung may gusto ba siya kay Campus Queen e..

Lalaki ba talaga ang isang un..??

FLASH BACK

"Oh...Kaso ayaw niya sa ibang lalaki e..May gusto na kasi yon e..☺" naalala kong sabi ni Arlex sa akin..

"WHAT???!!!!!!!!"sigaw kong tanong kay Arlex..

"Walang wala ka don sa gusto niya...Malabo ka talagang magustuhan ng isang die hard fan ng isang Korean Actor...😕"taas kilay niyang sabi sa akin..

"Die Hard Fan?? Korean Actor...??? Bwaaaaahahahahhahahaha!!!!!!!😂😂😂..Really??? Hahahahahahahahahahaha....!!!" hagalpak kong tawa...may pag hawak pa sa tiyan..."..

Pambihira...

Magkakagusto pa siya doon sa hindi niya maabot kailan man..

Sa bagay wala namang masamang humanga...

At wala din namang masamang mangarap...

Di ko naman maitangging gwapo talaga si In-Yeop..

Parang....parang mag ka hawig sila ni...

Sandali sino nga bang ka hawig ni In-Yeop???

Ahh...Oo nga si... Arlex pala ang hawig niya...

Hay..naku...bagay talaga sila ni Campus Queen...

Panigurado maging sila.....

Kaso ito namang si Arlex ang torpe….

Pero gagawan natin ng paraan….

Hahahahahahahahahahaha!!!!!!!!!.

♥♥♥♥♥♥♥

Charm POV…

Naaalala ko na naman sila.....

Ang mga taong sinaktan ako…..

Ang mga taong lubos kong pinagkatiwalaan…....

Pero kung sino pa talaga ang pinag katiwalaan mo, sila pa ang dahilan kung Bakit ka nasasaktan.... ..??

Nasasaktan dahil sa ginawa nila pero ikaw pa ang nag mukhang masama...

Ikaw na nga tong sinaktan, inagawan, ikaw pa ang masama sa lahat.....

Ganun na ba talaga ka bulag ang mga tao, pag dating sa pag ibig....

Gagawin ang lahat, kahit na may masaktan..

Hindi ba pagiging makasarili un???

Ito naman po tau..

Ung luha ko na parang wala ng bukas kung tumulo...

Hayss..

"Ang sakit lang kasi nito"...turo ko sa dibdib ko pagkatapos kong sabihin yon sa sarili ko...

"Dahil saan??" biglang tanong ng pamilyar na boses sa aking likuran.

"Ayyyy, palaka...," gulat kong tau sabay tingin sa likuran ko..

"Nagulat ba kita.???" malambing niyang tanong...

"Oo...siguro..medyo…" hindi ko siguradong sagot dito sa lalaking kaharap ko...

"Bakit???" bigla niyang tanong sa akin..

"Bakit???" tanong ko din sa kanya na may halong lungkot...

"I'm sorry...." out of the blue moon niyang sorry..

"Don't say that....Hindi bagay sayo e..Ang sorry para lang sa mga taong pinag sisihan na ang na gawa nila at hindi na para ulitin pa..." malungkot kong wika...

"Galit ka parin ba??" tanong nitong kupal nato..

"Sa tingin mo ganun lang kadaling kalimutan ang ginawa mo...Pinagkatiwalaan ko kayo dahil pareho kayong mahalaga sa akin pero ang tanga ko pala.. Ang tanga ko dahil hindi ko alam na matagal nyo pala akong ginagago.." umiiyak kong sabi dito...

"Mahal kita..Mahal parin kita..." salita niya na hindi ko alam kung totoo ba pagkatapos ng ginawa niya sa akin sasabihin niya pa talaga yan.

"Hahahahahahahahahahaha!!!!!!!!!" tawa ko na may kasamang luha...

"Totoo ang sinabi ko na mahal parin kita Charm.. " banggit niya sa pangalan ko...

"Totoo man o hindi wala na akong paki alam...Tama na ang isang beses na sinaksak mo ako ng patalikod...Tama na...Tama na ang kasinungalingan na binuo mo..Tapos na tayo...Masaya na ako...Kontento na ako sa kung anong ako at Meron ako ngaun..." sabi ko dito na buong buo na walang makikita sa akin na lungkot pero ang totoo niyan mahina ang loob ko...

"Pasensya na...Sana balang araw mapatawad mo ako, kami ng Best Friend mo.." hingi niyang patawad sabay talikod sa akin..

"Pasensya?? Patawad?? Really??Ang alam ko, ang tulad niyo walang konsensya, kaya paano mo naatim na humingi ng pasensya at patawad sa akin..." galit kong sigaw sa kanya. ..

"Dahil... sa mahal kita...Alam ko kung ano ang tinutukoy mo kanina,alam ko kung ano ang ibig sabihin ng sinabi mo na "Ang sakit lang kasi nito" alam ko, na ako ang dahilan kung bakit ka nasasaktan... Alam kong hindi ka na niniwala sa sinabi ko pero un ang totoo mahal kita...Hindi na magbabago un Charm..."malungkot niyang pahayag bago umalis...

'Mahal??' tanong ko sa sarili ko..

'Pag nag Mahal ka, hindi lang talaga puro matatamis na salita minsan talaga kailangan mong magsakripisyo kahit na ikaw ang masasaktan...Talagang minsan kailangan mong magpalaya kahit na alam mong ikaw ang mahihirapan... Ganun siguro talaga ang love...' sabi ng isip ko..