webnovel

The one you love

Isang simpleng dalaga na girlfriend ng isang mayamang lalaki ang mapapalapit sa isang pangkaraniwang binata. Sa huli sino kaya ang mananaig sa dalawa. Sabi nga sa isang kanta. Are you gonna stay with the one who loves you or are you going back to the one you love?

rhedd · perkotaan
Peringkat tidak cukup
15 Chs

Chapter 3

" Hi! Kumusta?" tanong ng isang lalaki. Nilingon ni Daisy ang bumati sa kanya.

" You look familiar." Sabi ni Daisy, nakita na kasi niya ang ngiti na yon pero hindi nya maalala kung saan.

" Ako yung bago sa canteen, nag meet na tayo kanina." Wika ng lalaki, naalala naman ni Daisy kaya napangiti na din sya.

" Ako nga pala si Matt." Pagpapakilala ng lalaki.

" Ako naman si Daisy Bartolome." Pagpapakilala din niya. " Samahan mo muna ako dito sa table." Sabi nya at naupo naman ang lalaki. Maaliwalas ang mukha ng lalaki, palangiti ito.

" Ano nga pala ginagawa mo dito?" tanong ni Daisy.

" Ako ang namamahala sa catering services dito, sideline ko." nakangiting wika ng lalaki.

" Hindi ka pala masyadong busy." Pang-aasar ni Daisy. Ngumiti ulit ang lalaki.

" Siguro mataas ang katungkulan mo sa Lin Hao Company, balita ko kasi mga matataas ang katungkulan lang inimbitahan dito." Wika ng lalaki.

" Naku! Hindi, girlfriend kasi ako ni Francis isinama nya lang ako dito." Wika ni Daisy. Nasamid si Matt sa nalaman nya.

" Ang swerte naman ni Sir Francis sayo, ibig kong sabihin ikaw pala ang swerte kasi boyfriend mo si Sir, asan nga pala si Sir?" tanong ni Matt.

" Nasa taas, nagkatampuhan kasi kami kanina kaya siguro iniwan ako dito." Wika ni Daisy. " Teka wala ka ba gagawin? Tanong ni Daisy.

" Wala na, natapos ko na dapat ayusin sila na bahala sa ibang gawain." Wika ni Matt.

" Kung ganoon samahan mo muna ako dito ha?" pakiusap nya.

" Oo naman, sandali magpapalit muna ako ng damit, nakakahiya naman kasi ang ganda ganda ng suot mo tapos mukha akong taga silbi dito." Wika ni Matt at umalis muna ito. Buti pa si Matt naappreciate ang suot nya naisip ni Daisy samantalang iyong suot nya ang pinagmulan ng tampuhan nila ni Francis. Ilang minuto lang at nakabalik na agad si Matt. Naka long sleeves polo ito, maayos na din ang buhok, mukha na itong nabibilang sa mga mayaman.

" Siguro naman hindi na mahahalata ng mga bisita dito na ako yung nag hahanda ng pagkain nila kanina." Pagbibiro ni Matt at nagtawanan ang dalawa.

" Halika samahan mo akong uminom." Aya ni Daisy at sinamahan ito ni Matt sa bar section.

" Tama na yan, baka malasing ka." Pag-aalala ni Matt sa nagiinom na dalaga.

" Ano ka ba kaya ko to?" wika ni Daisy, hindi naman talaga pala inom ang dalaga, ginawa lang nya ito sa sobrang inis nya sa boyfriend nya dahil lagi nalang sya nitong iniiwan, buti nalang at andon si Matt para samahan sya.

" Alam mo lasing ka na." awat ni Matt at inagaw nito ang baso ng alak na iinumin sana ng dalaga.

" Ano bang pakialam mo hindi naman kita kaano –ano." Wika ni Daisy na pilit inaagaw sa binata ang baso ng alak. " Umalis kana nga!" sigaw ni Daisy at tinulak papalayo ang binata. Naaawa naman si Matt dahil baka pagtinginan ang dalaga kaya pinagbigyan nya nalang ito.

" Oh sige hindi na kita papakialamanan basta hayaan mo lang ako na bantayan ka." Paki-usap ni Matt. Inaantok na si Matt pero hindi sya umalis sa tabi ng dalaga.

" Matt samahan mo ko nasusuka ako." Aya ni Daisy. Inalalayan lang ni Matt ang babae papuntang banyo. Sumuka ng sumuka si Daisy pagkatapos ay muntik na itong matumba, sinalo ito ni Matt kaya napayakap na ito kay Matt.

" Matt Nahihilo ako." Wika ni Daisy sa binata.

" Wag kang mag-alala, akong bahala sayo." Wika ni Matt at binuhat na nya ito bago pa namalan ng malay ang dalaga.

To be continued...