webnovel

One

"Hoy Dre kamusta na?Hind ka man lang nagpunta nung pasko sa amin nagtatampo kapatid ko mas gusto ka nyang makita kesa sa akin na kapatid nya" Diretsong sabi ni Dre sa akin

Si Dre??

Si..

Kathryn Halley Mendoza

Yep Babae sya pero bestfriend ko sya?? Bakit??

Very simple kasi

SIMPLE lang sya Hindi sya maarte sa katawan

Hindi sya naglalagay ng kung ano kolorete sa mukha nya

At isa pa

Masaya syang kasama. May pagka baliw minsan.

"HOY JAY MIGUEL CASTRO HINDI KA NAKIKINIG SA AKIN" psh kailangan talagang isigaw

"maka sigaw ka naman sakit sa tenga.Nagpasko at bagong taon na at lahat hindi ka pa rin nagbabago maingay ka parin. Parang height mo maliit ka pa rin"

At ayun nakatanggap ako ng sapak sa kanya

"Aray ko naman Dre masakit yun ah"sabi ko sa kanya

"ewan ko sayo nagkekwento ako hindi ka nakikinig" tapos sumeryoso ang mukha nya

"Sorry na Dre" tapos umakbay ako sa kanya at ginamit yung isang kamay para pisilin ang pisngi nyang chubby

Ang cute kaya nya chubby cheeks

Tapos mamumula agad

Natanggal ko ang pagkakaakbay ko ng makita kong paparating si Jilaine Zarah ang long time dream girl ko first year palang Dre ko na si Halley at ganun din katagal ang pagkacrush ko sa kanya

At siguro ay mahal ko na sya

Sh*t nasa isip ko pa lang na mahal ko na sya kinikilig na ako

Ngumiti ako sa kanya at ngumiti din sya

*bllaaaggg*

Tumumba yung silya at naglalakad na pala palayo sa akin si Dre pero nakatingin parin ako kay Jilaine I think its time

"Ahhh Jilaine saglit" sabi ko ng makalagpas na sya

"Bakit??" Tanong nya at nakangiti parin agad kong kinuha yung cellphone sa bulsa ko

"Ahh pasave naman number mo..Text text ba" sabi ko sa kanya. Ngumiti sya at inabot yung CP ko at nilagay nya yung number nya

"Ahh Salamat" nakangiting sabi ko

"Sige na Una na ako" sabi nya at tumalikod pero hindi pa sya nakakalayo ng tawagin ko muli ang pangalan nya

"JILAINE...." ng humarap sya

"....ang ganda mo" sabi ko ngumiti at tumango lang sya at naglakad na muli

Grabe naman lalaki ako pero kinikilig ako sa kanya syete ang ganda talaga ni Jilaine

Ay Oo nga pala nasaan na kaya si Dre ..Psh walk out girl talaga yun

Ay alam ko na kung nasaan sya

Agad akong naglakad papuntang rooftop ng building at pagpanik ko dun tama ako nandun nga sya

"HUY" sigaw ko kaya napatili sya sa gulat hinarap ko sya pero hindi sya tumitingin sa akin sadyang nakayuko lang sya

"Huy Huy...Teka Tela Dre...Huy Dre ay wait Umiiyak ka ba?? Hala tahan ka na Kath sino bang gumawa nyan sayo??" Tanong ko at niyakap sya pero sya iyak lang sya ng iyak hindi ito ang first time kong makita syang naiyak pero masakit sa akin makita syang umiiyak kasi....

Bestfriend ko sya.

"Shhh...Sinong nagpaiyak sayo uupakan ko?" Tanong ko ng makatahan sya pero nakatingin lang sya sa mga mata ko na parang may gustong sabihin pero umiling lang sy at ngumiti

"Nukabah.Naiyak lang ako kasi nagtext sa akin yung Daddy ko na miss nya na daw ako.." nakangiti sya pero hindi umaabot sa mga mata nya Hiwalay kasi ang parents nya sa Mommy nya sya nakatira konti lang communication nila ng Dad nya

Liar

Kahit alam kong nagsisinungaling sya hindi ko na inusisa baka hindi pa sya ready to tell me kung ano bang problema nya

Bumuntong hininga ako at hinawakan ang kamay nya

"Tara na sa canteen..Gutom lang yan ililibre na lng kita" tumango lang sya kaya bumuba na kami

Pero sa di inaasahan nakasalubong namin si Jilaine

Humigpit ang hawak sa akin ni Dre

"Ahh kayo na ba??" Tanong ni Jilaine

"Huh?? Hindi ah.Bestfriend lang kami ni Dre" sabi ko

"Err..Then what's with the holding hands??" She ask in iritated tone

Nagseselos ba sya?? Kaya bumitaw ako

"Walang malisya yun dba Dre??" Sabi ko kay Halley but shes just looking at Jilaine kaya napataas ang kilay nito then Kath smile at Jilaine na mas lalong nagpataas ng kilay nito

"You're jealous. Don't worry sayong sayo si Jay Miguel. Magkahawak kami ng kamay kasi baka tumakas ililibre nya ako eh" sabi nya sabay ngisi kaya nawala ang pagtaray ni Jilaine at napalitan ng ngiti

"Oh whatever" she said pero bago sya umalis lumapit sya kay Hallet then may binulong

Kaya nawala ang ngiti ni Halley.

Okay naguguluhan na ako

Nang makaalis si Jilaine hinawakan ko ang kamay nya ulit tapos..

"Huy Dre..Anong sabi nya sayo??" Pangungulit ko

"Girls talk " sabi nya lang

"Psh..Di na kita ililibre" sabi ko syempre kunwari lang yun.

Bumitaw sya sa akin at tumingin ng seryoso

"Edi wag" tapos umalis na sya

Napafacepalm na lang ako

Sus hirap pa namang suyuin ni Dre

Para tuloy akong may girlfriend na nagtatampo

Kung si Kathryn Halley na lang kaya ang girlfriendnin ko??

Hmmmmm Not bad

.

.

.

.

.

But

She's my BESTFRIEND