webnovel

The Nerd's Future Husband (Webnovel Ver.)

Serenader 17: TIM RAMIREZ

AriadneWP · Masa Muda
Peringkat tidak cukup
76 Chs

Chapter 20

[BARBIE'S POV]

"Sandali lang!" pagpigil ko kay Javier. Ang bilis niyang maglakad.

Pero patuloy pa rin siya sa paglalakad.

"Sandali la---ARAAAAYYYY!" Napasigaw ako bigla nang matapilok ako.

Naka-heels pa naman ako.

"Tsk! Bakit ka kasi sumusunod sa 'kin? 'Yan tuloy natapilok ka." inis na sabi sa 'kin ni Javier at nilapitan niya ako.

Tapos ay inalayan niya ako sa pagtayo. Wow! For the first time in the history of the Philippines. Concern siya sa akin nang madapa ako.

"Ang bilis mo kasing maglakad kaya natapilok ako." sarcastic kong tugon sa kanya.

"At bakit mo naman ako sinusundan?" tanong sa 'kin ni Javier.

"Well, paano ko ba 'to sisimulan? Ahhhmmm! A-ano kasi..."

Ano ba 'yan! Ang hirap mag-sorry.

"Sige, aalis na ako." sabi ni Javier at aalis na sana siya nang pigilan ko siya

"Sandali! Gusto ko sanang mag... ano... ahhhhh! Ano ba 'yan! Ang hirap mag-sorry sa 'yo." ani ko.

"Kung gusto mo talagang mag-sorry sa 'kin, aminin mo kasi sa akin na crush mo talaga ako dahil gwapo ako at may abs." walang emosyong sabi ni Javier pero nakikita ko pa rin sa mukha niya na nang-aasar lang siya.

Halos masuka naman ako sa sinabi niya. "Yuck! Hindi kita crush noh! Mangarap ka." nandidiring tugon ko kay Javier.

Feeling niya, gwapo siya. Oo, may abs siya pero hindi siya gwapo.

"O sige, hindi kita pinapatawad." sabi sa 'kin ni Javier.

Arrgh! Nakakakonsensiya naman.

Tatalikuran na sana niya ako nang hawakan ko ang kaliwang braso niya.

"Oo na! Crush kita! Crush na crush kita Javier! Ang gwapo mo talaga at may abs!" sabi ko sa kanya kahit labag ito sa kalooban ko.

Tiningnan naman niya ako at ngumiti nang nakakaloko. "Sinasabi ko na nga ba. Crush mo ako."

Ngumiti naman ako ng pagkatamis-tamis sa kanya. Ewwww! Crush your face!

"So, pinapatawad mo na ba ako?" tanong ko kay Javier.

Feeling nice muna ako sa kanya pero kapag pinatawad na niya ako ay babawiin ko sa kanya na crush ko siya.

"Papatawarin lang kita kung magagawa mo ang ipapagawa kong favor sa 'yo." sagot niya sa 'kin na ikinataas ng kilay ko.

"Anong favor?" mataray kong tanong kay Javier.

Lumapit naman siya sa akin at inilapit niya ang mukha niya sa tenga ko. "Tulungan mo akong magkabati sina Stephanie at Summer, para masabi na ni Stephanie kay Summer ang katotohanan tungkol sa nangyari sa amin at balikan na ako ng honeybunch ko."

Mukhang mahihirapan ako sa favor niya pero kailangan kong gawin 'yon. Hindi dahil para mapatawad na niya ako kaya gagawin ko 'to kundi ito'y dahil sa gusto ko talagang magkabati sina Summer at Stephanie. Kapag magkabati na silang dalawa ay babalik na ang pagkakaibigan namin and THE END na ang story. Hahaha! Joke lang yung THE END.

"So ano, deal or no deal?" tanong sa 'kin ni Javier.

"Deal." sagot ko sa kanya at nag-shakehands kaming dalawa.

"Ayos! May sidekick na ako." ani Javier sabay akbay sa 'kin.

Sidekick talaga. Batman and Robin lang ang peg.

"So, ano ang gagawin natin para magkabati sina Summer at Stephanie?" tanong ko kay Javier.

"May naisip ako pero kailangan natin ng tulong mula sa mga magulang nila. At gagamitin din natin ang regalo ni Lauren na Trip to Hongkong Disneyland noong debut niya para magkaroon sila ng family bonding. Syempre sasama tayo papuntang Hongkong." mahabang paliwanag sa 'kin ni Javier.

"Wow! Mukhang maganda 'yan." pagsang-ayon ko sa kanya.

May laman din pala ang utak ni Javier. Akala ko kasi puro hangin lang. Pero waaaaaa! Sobrang excited na akong pumunta sa Hongkong. Isasama ko rin sina Kuya Joseph, Ate Alex at Alexa do'n para magkaroon din sila ng family bonding.

This is going to be exciting.

[SUMMER'S POV]

Nang makalabas na kami nina Luis at Stephanie sa office ay akala ko mag-so-sorry na sa akin si Stephanie ngunit naglakad lang siya dire-diretso sa kwarto niya.

Nakaramdam ako ng lungkot dahil hindi man lang niya ako pinansin.

"'Wag po kayong malungkot Ma'am Summer. Magkakabati rin po kayo balang araw ni Ma'am Stephanie." sabi sa 'kin at Luis at niyakap niya ako.

Niyakap ko rin siya at umiyak dahil nami-miss ko na ang dating Stephanie. Nami-miss ko na ang kanyang yakap. Nami-miss ko na siyang tawaging Ate. Nami-miss ko na ang pagiging jolly niya. Nami-miss ko na siyang maka-bonding.

Nami-miss ko na ang Ate Stephanie ko.

[LAUREN'S POV]

Sinabi sa akin nina Barbie at Javier ang plano nila upang magkabati na sina Summer at Stephanie.

Maganda ang kanilang plano na magkaroon sila ng bonding/vacation kasama ang mga magulang at kaibigan nila (including us syempre) para magkaroon sila ng time sa isa't isa at magkabati na sila sa huli. Buti na lang at sa Hongkong ang destination ng bonding/vacation namin.

Nandito pa rin sa akin ang Trip to Hongkong Disneyland na good for 7 persons. Pero hindi pa sapat 'yon dahil more than 7 kami pupunta do'n. It means kulang pa. Hihingi pa kami ng tulong sa mga magulang namin tungkol sa plano.

"I-set naman natin ang schedule kung kailan tayo pupunta sa Hongkong." sabi sa 'min ni Javier.

"Siguro sa last week of July na lang." suggestion ni Barbie.

"Pero may pasok tayo sa week na 'yon." pagkontra ko sa suggestion ni Barbie.

"No worries dahil hihingi ako ng excuse kay Ate Alex. At saka kasama rin siya pati na rin sina Kuya Joseph at Alexa sa vacation." sabi sa 'kin ni Barbie.

Napatango na lang ako.

Marami pa kaming i-diniscuss tungkol sa planong magkabati sina Stephanie at Summer.

[STEPHANIE'S POV]

Pagkarating ko sa kwarto ko ay agad kong ni-lock ang pinto at humikbi sa iyak. 

Natatakot akong humingi ng tawad kay Summer dahil sa dami ng kasalanan ko sa kanya. 

Natatakot akong harapin siya.

Dahil sa akin ay nagkahiwalay sila ni Javier. At 'yon ang malaki kong kasalanan lalo na't may nangyari sa amin ni Javier. Oo, may nangyari sa amin ni Javier, pero lasing siya that time kaya sinamantala ko 'yon. Walang kasalanan si Javier. Pero natatakot ako dahil baka magbunga ang ginawa ko sa kanya.

[LAUREN'S POV]

Pagkatapos ng klase namin ay hinintay ko muna si Tim dahil sabay kaming uuwi. Nandito ako ngayon sa loob ng kotse na niregalo sa amin nina Dad at Tito Bill para hintayin siya.

Pagkalipas ng ilang minuto ay nakita ko si Tim na papalapit sa kotseng sinasakyan ko. Pero hindi siya nag-iisa, may kasama siyang babae. Teka, bakit kasama niya si Prof Melanie?

Si Prof Melanie ay ang pinakabatang Prof sa Rodriguez University. She's only 20 years old at maraming babaeng estudyanteng ayaw na ayaw sa kanya dahil isa raw itong bitch. Ginagamit daw niya ang pagiging Prof niya para manglandi ng mga kalalakihan sa Rodriguez University, mapa-estudyante man o teacher basta't papasa sa taste niya. At sa pagkakaalala ko ay isa rin 'to sa mga personal alalay---este followers ni Stephanie.

Nang makalapit na sila...

"What is she doing inside your car Tim?" mataray na tanong ni Prof Melanie kay Tim habang nakatingin sa 'kin.

Ang taray naman ng Prof na 'to. Buti na lang at hindi ko siya naging Prof sa mga subjects ko. Baka ibagsak niya ako sa subject niya.

Wait! Hindi ko naman kailangang matakot sa kanya kahit maging Prof ko pa siya sa mga subjects ko dahil nandyan naman si Ate Alex para tulungan ako kapag may ginawa siyang hindi maganda sa akin. Siya kaya ang may-ari ng Rodriguez University at hindi hamak na siya ang may pinakamataas na posisyon.

"Melanie, meet my future wife, Lauren." pagpapakilala ni Tim sa 'kin kay Prof Melanie.

"Future wife? How come? She's a student and you're a professor. Alam mo namang bawal magkaroon ng relasyon ang estudyante at professor. Labag 'yon sa rules ng school." mataray na tanong ni Prof Melanie at tinaasan niya ako ng kilay.

Ang sarap sabunutan ng Prof na 'to at ingudngod ang makapal na mukha niya sa lupa.

"I'm just a substitute Prof Melanie. Pansamantala lang ako sa Rodriguez University habang wala pa si Mr. Hope." pangangatuwiran ni Tim.

"And she's ugly. I'm more beautiful than her. Ako na lang ang mahalin mo Tim. 'Wag siya." pagmamakaawa ni Prof Melanie kay Tim.

Anong sabi niya? Ugly ako? How dare she to say that I'm ugly! Siya kaya ang ugly even she has makeup.

"I'm sorry Melanie. I love my fianceé. I can't love you back." sabi ni Tim at sumakay na siya sa kotse. Halatang na-badtrip siya kay Prof Melanie. 

Ako naman ay hindi makapaniwala sa narinig ko mula kay Tim.

*dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug*

My heart suddenly beats fast.

"Hey, don't leave me. I thought you'll..." Hindi na natuloy ang pagsasalita ni Prof Melanie nang pinaandar na ni Tim ang kotse.

"WAIT!" - Prof Melanie

Napangiti naman ako sa narinig ko. Hindi ako makapaniwalang mahal din niya ako.

To be continued...

AriadneWPcreators' thoughts