webnovel

Prologue

"Please!help us!"tawag ko sa mga nurse habang karga-karga ang isang walang malay na babae at puro dugo ang damit,hindi ko na alam ang gagawin ko at sobrang natataranta na ako dahil hindi ko kayang makakita ng ganito karaming dugo matapos ang nangyari 5 years ago.

"Hanggang dito nalang po kayo,bawal po kayo sa loob"sambit ng nurse matapos nilang ipasok ang dalaga sa Emergency Room,nanghihinang napaupo naman ako sa isang upuan at inihilamos sa mukha ang dalawang palad,bakit ba kailangang malagay ako sa sitwasyon na ito?Hindi ba pwedeng maging panaginip nalang ang lahat?Masamang panaginip at sa paggising ko bumalik na sa dati ang lahat.

"Excuse me sir"napaangat ako ng tingin nang tawagin ako ng isang doktor,agad naman akong napatayo at hinarap siya.

"Ano po 'yon?"

"Kaano-ano mo ang pasyente?"napatigil ako nang banggitin niya ang mga katagang iyon,At dun ko naisip kung kaano-ano nga ba niya ako,kaklase?siguro,kaibigan?hindi ko alam...Ang alam ko lang higit pa roon ang nararamdaman ko para sa kaniya.