webnovel

The Mythic God

In a world full of chaos A world with war and power is a world where the weak are useless because only the strong will win. Even the gods have misunderstandings because of too much power. But a creature came from another world and it will be the one to predict their downfall because of its strange power. And he has a mission, to build a new world, peaceful and without chaos and for him to achieve this he must first achieve the title of Mythic God.

Deredskert · Fantasi
Peringkat tidak cukup
66 Chs

Chapter XVIII

Chapter XVIII. Elves Commander Feiya Ymiro

SA isang pasilyo kung saan mayroong dalawang indibidwal ang siyang naglalaban. Ang dalawang ito ay sila Clemson at Reiss sila ay nagkakaroon ngayon ng mainit na laban. Hindi alam ni Clemson kung paano lumakas ng ganito ang kaniyang kalaban.

Samantalang kanina lamang ay wala itong naibubuga sa kaniya kanina subalit ngayon ay sinasabayan siya nito sa isang daang porsyento niyang lakas. At higit sa lahat ang antas ng kakayahan nito ay katulad na katulad ng sa kaniya. Ang babaeng ito ay isang 10th level angel rank at may kakayahan na makipag sabayan sa normal na demon rank adventurer.

Marami ang nagbago sa aura nito. Tila ba ang kaniyang kaharap ngayon ay ibang insibidwal ngunit ang kanilang wangis ay pareho lamang. Ang malinis na aura nito ay nabalutan ng kadiliman. Parang may kakaibang kapangyarihan ang gumising sa kakayahang iyun ng dalaga.

Sa kasalukuyan ay pina-uulanan siya nito ng mga atake. Ang itim na kidlat na bumabalot sa sandata nito ay kumakawala patungo sa kaniya sa pamamagitan ng pahiwang mga atake ng dalaga. At dahil sa mga atakeng iyun ay nag-iiwan iyun ng mga marka sa paligid.

Ang mga pinakakawalan na atake ng dalaga ay hindi lamang malakas ito rin ay may angkin na bilis. Dahilan upang iwasan iyun ng binata. Nang makaramdam ng maraming indibidwal na pinag-mumulan ng iba't ibang enerhiya ay hindi siya nag atubili at agad lumipad patungo sa dulong iyun ng pasilyo.

Subalit bago pa siya makalabas sa pasilyong iyun ay may tumama sa kaniyang likuran. Nang lingunin niya ito ay nakita niya ang nakangiting dalaga, subalit sa likod ng mga ngiting ito ay may nakatagong kadiliman. Nang mga sandal ring iyun ay mayroong inihandang atake ang dalaga.

Mula sa ilalim ay tumama ang isang malaking pahiwang enerhiya ang pinakawalan ng dalaga. At ang enerhiyang iyun ang siyang nagpatalsik sa binata. Samantala ng maramdaman naman ng mga naroroon sa labasan ng pasilyo ang dalawang paparating na indibidwal.

Unang lumabas sa pasilyong iyun ang isang binatilyo na nababalutan ng itim na aura. Subalit ang binatilyong ito ay walang kontrol sa kaniyang pag lipad. Dumeretso ito sa pader dahilan ng mahinang pag-yanig. Halos isang sigundo ang lumipas ay isang mabilis na indibidwal ang biglaan na dumating at aatake iyun sa binatilyo na sumalpok sa pader.

Nagkaroon ng mahinang pagsabog sa pwestong iyun. Nang masaksihan iyun ng mga naroroon at nabigla sila sa sitwasyon. Nakilala nila ang enerhiya ng binatilyong dumating. Ito ay si Clemson Morelock na mula sa kanilang pangkat.

Ang dalaga naman na mula sa grupo ng mga elves ay nakatingin sa pwesto kung saan naroroon ng binata. Base sa kaniyang nararamdaman na enerhiya sa binata ito ay unti-unti nang humihina. Kaya naman inihanda niya ang kaniyang sarili.

Ang kaniyang katawan ay naglabas ng puting aura. Mararamdaman ang mabigat nitong enerhiya kaniyanng paligid. Nang Makita naman ni Drebon ang kaniyang anak na si Feiya na binabalak umatake ay hindi na siya nag abala na pigilan ito. Dahil hindi niya mapipigilan ang kaniyang anak sa gusto nitong gawin.

Si Feiya ay naglalabas ngayon ng kaniyang aura. Napatingin naman sa kaniya ang nagmamay-ari ng itim na kidlat na kanina ay abala sa pag-atake sa binata. Nang Makita ni feiya ang mukha nito ay doon niya lamang napag-alaman na babae ang kalaban ni Clemson.

Subalit kakaiba ang pakiramdam niya rito. Ang taglay nitong enerhiya ay enerhiya ng isang 10th level angel rank subalit aakalain sa unang tingin ay isa itong 1st level demon rank. Napangisi nalang si Feiya sa kaniyang nakikita. Ngayon lamang siya sasabak sa isang laban at wala siyang balak na pumalpak sa una niyang pakikipag-laban.

Nang Makita naman ni Reiss ang isang dalaga na inilalabas ang taglay nitong enerhiya ay napangisi ito rito. Nakikita niya ang kumpyansa sa mga mata nito. Naalala niya sa mga mata nito ang imahe ng isang binata. Ang binatang ito ay si Razor.

Ang kaniyang matalik na kaibigan na nawala sa isang iglap dahil sa binatang kanilang nakalaban. Lumingon siya sa katawan ng binatilyo na ngayon ay walang malay. Sisipain niya sana ang mukha nito ng bigla na lamang may puting liwanag ang humarang sa kaniyang gagawin na atake sa binata.

Tumingin siya sa babaeng elves. Ang kaniyang ngisi ay napalitan ng simangot. Ang pinaka-ayaw niya sa lahat ay pinakikialaman siya sa gusto niyang gawin. Sa isang iglap ay nasa harapan na siya ng dalaga. Si Feiya naman ay nabigla sa biglaang pag-sulpot ng kalaban sa kaniyang harapan.

Inilibas niya ang kaniyang sandata. Inilabas ni Feiya ang kaniyang espada. Ang espadang iyun ay kaagad niyang iwina-siwas ito sa kaniyang kalaban. Umalingaw-ngaw ang tunog ng kanilang mga sandata. Sila Ophir at Alena ay naalarma sa pag-atake ng babaeng nababalutan ng itim na kidlat.

Tutulong sana sila ngunit pinigilan sila ng kanilang ama. Napatingin si Ophir sa ama nitong si Estevan. Huwag natin sila paki-alaman nandito ang ate Fieya niyo upang makipag-laban. Sabi ni Estevan sa kaniyang mga anak.

Si Drebon naman ay nakatingin lamang sa kaniyang anak. Hindi niya inaakala na sa loob lamang ng tatlong buwan ay naging ganito kalakas ang kaniyang anak. Ang kaniyang anak ay magaling sa larangan ng mahika at mahusay rin sa pag-gamit ng espada.

Ang ina ni Feiya ay isang magaling na salamangkera at siya naman na ama nito ay mahusay sa pag-gamit ng sandata. Dahil ito ay may kakayahan siya na hindi makikita sa kaniyang ama at ina, at ito ay ang pakikipag-laban, nahuli lamang ito na mag palakas noon dahil sa pamumuno ng sadistang heneral.

Hindi ito nagkaroon ng sapat na panahon upang mag ensayo, subalit ngayon ay nailabas nito ang taglay nitong potensyal at dahil narin ito sa matinding pagsasanay na pinagdaan nito sa mga lumipas na buwan. Ang antas ng dalaga ay 10th level Angel rank. Ang antas na ito ay nakamit ng dalaga dahil sa potensyal nito.

Dahil sa potensyal na ito kaya siya ang napili upang pamunuan ang pangkat ng mga Elves. Niregaluhan siya ng kanilang pinuno ng napakagandang regalo na tamang tama para sa dalaga. Ang espadang Excalibur.

Ang espadang ito ay ang ibinigay ng kaniyalang pinuno. Tamang tama ito para sa dalaga sapagkat ang sandatang ito ay nagagamit lamang ng isang adventurer na gumagamit ng elemento ng liwanag. Ang sandatang ito ay hindi lang sa malapitang labanan masusukat.

Sapagkat may kakayahan ang sandatang ito na magpakawala ng malalakas na atake sa pamamagitan ng mga Sword Technique na may kapabilidad ng mahika. Samantala kasalukuyang nagpapalitan ng mabibigat na atake sila Feiya at Reiss.

Ang Putting Liwanag at Itim na kidlat ay bumabalot sa kanilang paligid, si Feiya ay mabilis na iwinasiwas ang kaniyang espada sa kaniyang kalaban. Sinalag naman iyun ni Reiss gamit ang sandata nito sa kaliwang kamay.

Napansin naman ni Feiya ang pagbabadyang pag atake nang kaniyang kalaban gamit ang isa pa nitong sandata. Kaya naman mabilis siyang nag ipon ng enerhiya at sa isang iglap ay nakapag palabas siya ng puting liwanag at higit sa lahat ito ay may hugis ng isang espada.

"Light Creation Magic: Divine Sword" sabi ni Feiya at ang kaniyang nagliliwanag na espada ay kaniyang iwinasiwas sa kaniyang kalaban. Nang Makita naman ni Reiss ang pagpapalabas ng isa pang espada ng kaniyang kalaban ay mababakas sa labi niya ang inis.

"Papatayin kita!" sigaw ni Reiss at ang paparating na atake ng dalaga. Ang itim na kidlat na bumabalot sa kaniyang katawan ay mas kumapal, ang itim na kidlat ay sumama sa kaniyang sandata. Buong lakas niya itong iwinasiwas sa puting espada ng dalaga.

Doon nga ay muling nagtama ang atake nilang dalawa. Sila Estevan naman napanganga sa tindi ng banggaan na dinulot ng atake ng dalawang binibini.

Ngayon lamang siya nakasaksi ng binibini na halimaw ang taglay na kapangyarihan, maliban sa kaniyang asawa at sa babaeng nakalaban ng kanilang master. Nagpatuloy ang sunod sunod na salpukan ng dalawang dalaga. Parehong ayaw magpatalo base sa kanilang pag atake sa isa't isa.

Si Feiya ay naglabas ng mas maliwanag na enerhiya sa kaniyang katawan ang kaniyang buong katawan ay nababalutan ng purong puting Aura para siyang isang diwata kung titingnan. Ang kaniyang espadang Excalibur ay nababalutan ng kaniyang aura at ang Divine Sword na likha ng kaniyang mahika.

Sa taglay niyang husay sa mahika at paggamit ng espada ay nagagawa niyang makipaglaban ng naaayon sa kaniyang kagustuhan. Mababakas sa kaniyang mukha ang isang ngiti. Ngiti ng isang dalaga na gusting gusto ng pakikipagdigma.

Si Reiss naman ay patuloy lang sa paglaban sa dalaga, hindi niya inaasahan na may ganito kahusay na indibidwal sa kanilang mga kalaban. Inutos sa kaniya ng kanilang heneral na libangin niya muna ang mga ito. Ayaw nito sana libangin ang mga ito subalit mukhang mapipilitan na siya.

Ang kaniyang enerhiya ay kaniyang ikinalat sa buong paligid. Nang maramdaman naman ito nila Estevan ay naalarma sila. Ang kalaban ni Feiya ay binabalak itaas ang taglay na antas sa harapan nilang lahat.

Si Estevan at Drebon ay hinugot ang kanilang mga sandata. Kaagad silang lumipad patungo sa babae na kasalukuyang nababalutan ng itim na kidlat.

Ang malaking espada ni Estevan ay buong lakas niyang iwinasiwas sa itim na kidlat na bumabalot ngayon sa dalaga. Subalit may biglang dalawang espada ng isang babae ang biglang humarang sa atake ni Estevan. Umalingawngaw ang pagtama ng talim ng kanilang mga sandata.

"Hindi ko hahayahan na malapitan ninyo ang aming kasama" Sabi ng babae at ang dalawa nitong sandata ay nabalutan ng puting enerhiya. Buong lakas nitong tinulak ang espada ni Estevan. Ang babaeng humarang ng kaniyang atake ay isang Elves at may hawak ito na dalawang espada.

Ang babaeng ito ay walang kundi si Freda Arkenearae ang isa sa mga tapat na kumandante sa ikatlong palapag….