Mary's Point of View
"Good evening to everyone!"
Ang isang malalim na boses ang iyong maririnig sa labi ng alkalde. Inililibot niya ang kaniyang mga mata sa bawat sulok ng silid, habang ang mga ilaw ay tuloy sa paggalaw. Siya ang alkalde ng bayan ng Mastoniaz, Jeffrey Reponzo.
Pareho sila ng apelyido ni Angelia. Hindi kaya tatay ni Angelia ang alkalde? Napatingin lamang ako kay Angelia na nakayuko at nakapikit ang mga mata. Ang galing naman ni Angelia, natutulog habang nakatayo.
"All I'm going to say is that thank you all for coming and inviting your closest friends in this party that is held every year. This year, our theme for the yearly party is a Masquerade Party, in honor to commemorate the death of my dad. He was mysteriously killed by a masked person who is, until now, unknown. Nevertheless, this party should be for the entertainment. So let's all have fun!"
Wika ng alkalde sa harap. Nagpalakpakan naman ang lahat kasabay ng mga ngiting ibinibigay nila. Medyo natahimik lamang ako nang marinig ko ang tungkol sa tatay ni Mr. Jeffrey.
"Okay! Everyone! Let's have fun!"
Pagkababa naman ng alkalde ay sumigaw ang host ng party. Nagtalunan ang mga tao sa gilid ko at narito ako, tahimik dahil hindi ako sanay sa mga ganitong ingay, dagdag pa ang theme ng party na hindi ko pa nararanasan.
"Let's go and have something to eat!"
Wika ni Angelia habang nakangiti. Sabay-sabay kaming tumungo sa isang sulok ng venue kung saan may mga pagkain na nakahanda sa mesa.
Pagkarating namin sa mga mesa, dumiretso na kaagad si Ate Freya sa pagkain, habang ako ay medyo nahihiyan pa sa pagkuha, pero gutom na rin ako kaya wala na tayong magagawa. Ang mga pagkain na aking natikman ay sapat na para mabusog ang aking tiyan.
Habang kami'y patuloy sa pagkain, narinig namin ang boses ng isang babae na kumakausap kay Angelia. May suot itong napakagandang gown na aakalain mong mayaman.
"Oh? Sino na naman itong mga kasama mo?"
Salita ng babae kay Angelia. Sa boses ng babae, mukhang mabait naman siya. Sadyang nasa maling oras lamang siya para makilala namin siya.
"Ma, I have met them a while ago here in the party. They also seem very kind and all"
Sagot ni Angelia habang kinakamot ang likod ng ulo niya. Ito ang nanay ni Angelia? Sigurado na talaga ako na anak si Angelia ng alkalde. Napatigil kami sa pagkain nang sila ay lumapit sa amin.
"Hello, I am Angelia's mother. It's very nice to meet both of you. Bago lang ba kayo dito sa Mastoniaz?"
Tanong sa amin ng nanay ni Angelia. Bakit puro sila tanong kung bago lang ba kami rito?
"Opo, maganda nga po yung bayan po ninyo"
Agad na sumagot si Ate Freya sa gilid ko habang umiinom ng tubig. Napatawa naman ang nanay ni Angelia habang hinawakan ang balikat ni Ate Freya.
"Basta't tutulong kayo sa pagpapaganda ng bayan natin. At lagi lamang kayo mag-iingat"
Sambit ng nanay ni Angelia habang nakangiti ang kaniyang labi sa amin. Agad naman umalis ang nanay ni Angelia sa amin, at kami'y bumalik sa puwesto namin noong nakaraan kung saan kami nakatayo. Doon, pinagmamasdan namin ang bawat galaw ng mga tao sa paligid namin. Napakadisiplinado talaga ng mga tao rito sa bayan ng Mastoniaz.
"Guys! We should join the murder mystery game! It is going to be played five minutes later"
Agad naman nagsalita si Angelia sa gilid ko na ikinagulat ni Freya habang siya'y gumagamit ng cellphone. Tumango lamang kami sa kaniya, dahil parang masaya naman ang laro na iyon. Hinawakan ni Angelia ang aming mga kamay at hinila kami papunta sa isang malaking kuwarto.
"Welcome, Ms. Reponzo! Do you want to join the game?"
Bumungad sa amin ang host ng laro, na nakangiti habang binabati si Angelia. Sabi ko na nga ba at anak siya ng alkalde dahil dito. Ngumiti lamang siya sa host at sabay pumasok sa kuwarto na may grupo ng mga tao na mukhang sasali rin sa laro. Nakita rin namin si Rhandall kasama ang mga kaibigan niya.
"Welcome to Murder Mystery Game! Ngayon ang mechanics ng laro na ito ay bibigyan kayo ng card kung saan may nakalagay kung ano ang inyong character at kung kayo ba ay innocent or murderer. You guys have to be in your character para maging fun ang laro. Ang goal ng innocent is to find out who the murderer is at sa murderer naman ay mapatay mo ang lahat. There are these things called, Normal Hour and Murder Hour. Sa Normal Hour, maghahanap kayo ng mga hints o mga cards nakalagay sa iba't-ibang sulok ng mansion, samantalang sa Murder Hour ay magtatago kayong lahat at pagdating niyo sa inyong hiding spot, naka-blind fold na kayo, habang ang murderer ay lumilibot sa buong bahay para makahanap ng mapapatay. Ganyan lamang ang inyong mechanics kaya ibibigay ko na sa inyo ang mga cards"
Pagpapaliwanag ng host. Bagama't hindi ko siya naintindihan, ay patuloy pa rin ako sa pagiging tahimik. Ako'y kinakabahan at umaasa na sana ay hindi ako maging murderer.
"Huwag ikakalat ang iyong pagkatao"
Ibinulong ng host sa amin isa-isa habang binibigay ang isang card sa isang tao. Tinanggap ko ang akin at dahan-dahan kong binuksan. Ako'y nasiyahan dahil ang aking nabunot ay may pangalang Trischia Verdamin na isang inosente. Itinaas ko ang aking ulo upang tingnan ang mga mukha ng mga nasa paligid ko. Ang ilan ay tumatawa at ang iba ay seryosong pinag-aaralan ang kanilang karakter. Tiningnan ko ulit ang aking card upang mabasa na ako dapat ay isang tahimik at madaling mahulog sa patibong.
"Hello, what is your name?"
Nagulat naman ako nang biglang nagtanong sa akin si Freya na may kakaibang accent sa kaniyang pagsasalita. Natawa lang naman ako sa kaniya.
"My name is Trischia Verdamin"
Sagot ko sa kaniya na medyo nauutal para manatili ako sa aking karakter.
"Oh, my name is umm, Vivian Berozo. I'm an anthropologist"
Pagpapakilala ni Freya sa akin. Napangiti lamang ako dahil hindi namin aakalain na magugustuhan namin ang laro na ito kaagad.
"Okay guys! It's Normal Hour!"
Sigaw ng host at lahat kami'y napatayo at nagsama-sama habang nagtatakutan. Nanatili akong tahimik para gayahin ang pagkatao ng karaker ko.
"In the library, all of you found a dead person who seems to be stabbed on her back. All of you suspected that a murderer is in the house"
Habang naglalakad kami papunta sa isang kuwarto na may maraming libro sa loob, nagsasalita ang host. Ang ibang tao ay napakaingay na hindi mo malaman kung nasa karakter ba sila o hindi. Ang nakakatuwa naman ay parang kasama ka sa isang teleserye habang may narrator na nagsasalita.
Lahat kami ay pumasok sa library na hindi mo aakalain na makikita mo ito rito. Nakita namin ang isang unan na nakalagay sa upuan, siguro ito yung patay. Inilibot ko ang isang parte ng library habang hinahawakan ang mga maalikabok na libro. Napukaw sa aking paningin ang isang kulay gintong libro na medyo maalikabok din.
"Hey! You should be not walking alone. A murderer is on the loose"
Bubuksan ko na dapat ang libro nang bigla naman may sumulpot na lalaking may suot na itim na maskara. Ang kaniyang accent ay napakasarap pakinggan.
"Oo nga! We should all stick together"
Sumulpot rin ang isa pang kasama niyang lalaki na medyo maliit ang pangangatawan. Hindi dapat ako susunod pero naalala ko na ang karakter ko ang mabilis mahulog sa lahat ng patibong.
"Sige!"
Mabilis kong sagot habang hinila naman ako ng isa sa kanila palabas ng library kung saan naroon sina Freya at Angelia.
"Umm where were you?"
Tanong sa akin ni Freya na may nakakatawang accent pa rin. Hinawakan naman ni Angelia ang aking kamay habang kami'y naglilibot sa ibang parte ng mansion. Parang gusto ko na lang ulit bumalik sa party pero nakasarado na yung pinto pabalik doon.
"Maiba naman po, hindi ba kayo natatakot dito? Mukhang napakatanda na ng lugar na ito. Bakit pa dito ginanap yung party?"
Nagsalita si Freya sa amin nang mahina. Narinig kong tumawa ang lalaking may itim na maskara sa likod namin, na dahilan upang kami'y lumingon.
"Everyone! It's Murder Hour! Grab your handkerchieves and look for a hiding spot! The murderer will be coming to the bedroom and will be out after 1 minute"
Sumigaw naman ang host ng laro at tumakbo ang lahat ng mga tao, habang sumisigaw. Sa sobrang dami ng mga tao rito, nagkahiwalay-hiwalay kaming lahat. Napunta ako sa isang tahimik na pasilyo, kung saan ang ilang mga tao ay naghahanap ng mga taguan sa bawat kuwarto. Hindi ko maiwasan magandahan sa mansiyon na ito, parang gusto ko itong tirhan balang araw, habang pinagmamasdan ko ang bawat sulok ng pasilyo.
"30 seconds to go!"
Narinig ko ang sigaw ng host na hindi malayo sa akin. Kailangan kong maghanap ng matataguan ko. Ipinasok ko ang sarili ko sa isang kuwartong may malawak na kama at nakabukas na ilaw. Nagulat ako nang makita ko ang isang babaeng nakatayo sa harap ng salamin. Bigla siyang lumingon sa akin na nakasuot ng maskara, at lumabas ng kuwarto na para bang natataranta. Anong problema niya? Matatalo siya sa laro nito kapag lumabas siya.
Bumalik na lamang ang aking pokus sa kuwarto at naghanap ng paraan kung paano makakatago rito sa kuwarto.
"Bakit ka naririto?"
Nagulat ako nang may nagsalita sa loob ng kuwarto. May lumabas na isang lalaki at isang babae sa ilalim ng kama. Hindi ko naman inaakala na may tao pa pala rito.
"Sorry! Akala ko po walang nagtatago rito"
Sambit ko sa kanila. Napanguso lamang ang lalaki sa akin na para bang naiinis. Nadisturbo ko ba sila? Kasi ba naman, bakit sila magkasama?
"May nakita pala po akong babae rito? Alam niyo po ba?"
Dagdag ko sa kanila. Agad naman tumalon ang babae dahil sa takot. Ang bilis naman nitong matakot. Ibig bang sabihin na ako lang nakakita ng babae rito? Siguro hindi na talaga nila napansin na may babaeng nasa loob ng kuwarto kanina.
"Grabe ka naman manakot! Huwag mong gawin yan sa amin ngayon!"
Sigaw ng babae sa akin. Ngunit napansin ko ang lalaki na nananatiling tahimik, na parang may alam siya tungkol doon.
"Parang narinig ko na rin yan dito! It seems like it's always been like that"
Wika niya. Naririnig ko na parang seryoso siya habang nagsasalita kaya hindi ko naiwasan kabahan nang lubos, dahil hindi naman talaga ako nakakaramdam ng espiritu.
"Some say kasi na and Bayan ng Mastoniaz ay may tinatagong sikreto. Ang isa rito ay ang-"
Napatigil siya sa pagsasalita nang marinig namin ang tunog ng pag-ikot ng doorknob. Mukhang nariyan na ang murderer sa laro. Mabilis silang bumalik sa ilalim ng kama samantalang naiwan akong naghahanap ng matataguan. Mabuti na lamang at may kabinet dito kung saan doon ako puwedeng magtatago. Ipinasok ko ang aking sarili sa kabinet upang magtago, inaantok at pagod. Ilang minuto ang nakalipas ay hindi ko inaasahan na makakatulog ako dito sa kabinet, pero bago ako makatulog, narinig ko ang isang matamis na himig na nakatulong sa aking upang mas lalong lumuwag ang aking loob.
-•-
Nagising na lamang ako nang nakatali ang aking mga kamay habang nakahiga sa isang basa na sahig. Napagtanto ko na napunta ako sa isang banyo, at ang nakakatakot ay may nakita akong kutsilyo na may dugo sa gilid ko. Nais kong sumigaw ngunit may nakatakip na tuwalya sa aking mga labi dahila para hindi ako makapagsalita. Mabuti na lamang at medyo maluwag pa ang tali ng kamay ko para maialis ko ang tuwalya sa aking bibig.
"Tulong!"
Pagkatanggal ko ng tuwalya sa aking bibig ay agad akong sumigaw habang hinahampas ko na ang pinto, umaasa na may makarinig sa akin. Bigla na lamang akong nakaamoy ng mabaho sa loob, at aking nilingon ang banyo. Nasulyapan ko ang babae na nakilala ko kagabi sa ilalim ng kama sa kuwarto, na kasama ang lalaki. Ang kaniyang katawan ay nakalaylay sa bathtub kung saan ang mga tubig doon ay kulay pula dahil sa dugo niya. Anong nangyayari? Bakit ganito ang aking sinapit? Paano ito nangyari? Sino ang may gumawa nito?
Dahil sa takot, bigla na lamang nanlamig ang aking mga kamay at namutla ang mga braso, habang unti-unti akong nakatulog sa reyalidad, nawalan ng malay sa gitna ng trahedya.