Freya's Point of View
Ilang oras na lang bago sumapit ang hatinggabi, naririto pa rin ako sa loob ng isang tindahan sa na nakatayo sa labas lang ng municipal hall.
Kagabi nga pala ay isang nakakatakot na pangyayari ang amjng nadatnan. Ang asawa ni Mayor Jeffrey Anthony ay natagpuang may saksak sa tiyan.
Hanggang ngayon ay iniimbestigahan nila kung sino ang may gawa. Huminga muna ako ng malalim habang pinagmamasdan ang tahimik na daan.
Napakadilim ng paligid ko at ang ilaw mula sa municipal hall lang ang nagbibigay liwanag sa tahimik na parke.
Kung ganito lang naman pala ang kakalagayan ko, dapat hindi na ako pumasok dito sa trabaho na ito.
Umupo ako sa aking upuan nabgawa sa kahoy. Halos kakaunti lamang ang bumibili rito sa tindahan ng mga goods.
Ikinuha ko ang isang dyaryo na nakalagay sa isang mesa at nagdesisyong magbasa para hindi masayang ang oras.
"Student in a secondary school myseriously got stabbed on her head in the library. Police suspect a teenager got involved with the death"
Paano iyon namatay? Hindi ba pinagbabawal ang mga matatalim na gamit sa loob ng bawat paaralan?
"12 persons died, including a child, in extra judicial killing"
Hindi ko na alam kung paano mag-react sa mga ganitong balita. Parang naiinis ako na parang ewan.
"Death anniversary of Johnny Reponzo"
Inilibot ko ang aking mga mata nang makita ang isang artikulong ito sa dyaryo. Reponzo? Hindi ba pamilya iyon ng alkade at ni Angelia?
Ibinuklat ko ang dyaro sa pahina kung saan nakalimbag ang balitang iyon.
"July 20, 1975, a remarkable date when the whole town of Mastoniaz got shocked when the former mayor of the town, Mr. Johnny Reponzo, was found dead. He was found with a stab on his forehead and the knife that was used didn't trace even any prints nor clues.
This event didn't become a major mystery not until the next years, on the same month when a number of people mysteriously died with a stab on their foreheads as well. With this, some people even gave July a nickname "
No police were able to find evidences of who the murderer is, thus it produces various theories that the town has been haunted by spirits and others say that
But despite of the tragic events that are currently happening, people still move and live to the superstitious town because of job opportunities and-"
Napatigil ako sa pagbabasa nang makarinig ako ng isang malakas na tunog na nanggagaling sa likod ng tindahan. Parang may bumagsak mula sa isang mataas na lugar.
Lumapit ako sa pinto ng tindahan sa likod at dahan-dahang hinila ang pintong halos kasinglaki ko na.
Nakaramdam ako ng malamig na ihip ng hangin nang ako'y makalabas ng tindahan. Nakita ko ang isang batang babae na naglalaro sa hindi kalayuan. Rinig mo ang langitngit ng duyan na kaniyang nilalaruan.
Bakit naglalaro pa iyon sa ilalim ng buwan, nang mag-isa? Nagsisimulang tumaas ang aking mga balahibo sa braso dahil lalong lumalawak ang aking imahinasyon. Hindi kaya ligaw na kaluluwa iyon?
Lumingon muli ako pabalik sa loob nang tindahan ngunit nabati ako ng isang babaeng may dugo sa tiyan.
"Mommy!"
Sumigaw ako nang malakas para may makarinig sa akin. Napatumba ako sa madamong sahig at napapikit sandali.
Sinubukan kong magdasal nang taimtim, umaasa na mawala sila sa paligid ko.
"Freya!"
Bigla akong nakarinig nang boses na pamilyar sa aking pandinig. Idinilat ko ang aking mga mata at nakita si Ruth, ang aking kasama sa pagtitinda.
"Anong ginagawa mo? Bakit mo ako sinigawan?"
Lumapit siya sa akin nang natatawa at tinulungan akong tumayo mula sa sahig na hindi mo aakalaing marumi.
"Ruth! Nakakakita yata ako ng mga kaluluwa! Dalhin mo ako sa ospital!"
Nataranta ako habang tumatalon sa harapan niya. Hinahaplos niya lang ang aking likod at maging ang aking buhok.
"Gusto mo lang makauwi na eh"
Imik niya sa akin at sabay tawa. Hindi ba siya makaramdam? O sadyang manhid lang itong bruhang ito kaya pati ex niya iniwan siya?
"Ako muna magbabantay! Tawag ka ni Ma'am Tracy sa loob ng Flamingo Hotel. May papagawa yata sa iyo. Ayun lang yung hotel na iyon"
Hinaplos niya ang aking kanang balikat at itinuro ang isang kumikinang na gusali. Mabilis siyang pumasok na sa tindahan samantalang naiwan lang ako sa labas na nakatulala.
Seryoso ba itong bruha na ito? Ewan ko ba naman dito. Wala man lang isang good luck?
Wala akong nagawa kundi sundin ang kaniyang sinabi.
Dumaan ako sa labas ng bakod kung saan sakop ang municipal hall at ang maliit na park.
Tahimik ang main road, at walang mga kotse kahit isang bisikleta. Parang ghost town naman ito.
Pumasok ako sa hotel na tinutukoy ni Ruth at dumiretso sa receptionist.
"Good evening po, Ma'am. I am looking for Ms. Tracy Manlumay"
Magalang kong binati ang receptionist. Mabilis niyang kinuha ang isang makapal na libro at binuklat.
"Room 809 po ang room ni Ms. Tracy Manlumay. Was she informed about you going there po?"
Agad na sumagot ang receptionist. Napangiti lang ako sa kaniya. Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Na-mental blocked yata ako.
"H-hindi po"
Sagot ko habang kinakamot ang likod ng ulo ko.
"Well, we'll give her a call!"
Ang boses ng receptionist ay napakatamis habang kinukuha niya sa gilid ang isang telepono.
Nakatayo lamang ako roon na parang isang istatwa na hindi alam kung anong gagawin.
Inobserbahan ko ang receptionist na nakakunot ang kaniyang mga noo habang paulit-ulit sa pagpindot ng mga numero sa telepono.
"I'm sorry, Ma'am but I think Ms. Manlumay is currently not in the ro-"
"But my fellow employee said na tawag daw niya ako rito"
Napasigaw ako sa kaniya nang wala sa oras. Bakit pa ako pinatawag dito kung wala siya? Nagtatago ba iyong babaeng iyon?
"Well, she is not responding to our calls. Maybe she's asleep or busy"
Patuloy pa rin siya sa pagtawag kay Ma'am Tracy habang nagsasalita ngunit wala pa ring sumasagot.
Hindi kaya namatay na si Ma'am Tracy? My gosh, that would be horrifying. And this receptionist is not allowing me to go there!
"Puwede po bang mag-CR?"
Humingi ako ng pahintulot na gumamit ng isa sa kanilang CR. Tumango lamang ang receptionist.
Hindi ako makapaniwala na mabilis itong mauto. Hindi naman talaga ako gagamit.
Pumasok ako sa elevator at pinindot ang palapag na nais kong puntahan. RM 809 ang kaniyang kuwarto.
Matapos ang ilang segundo ay agad na bumukas ang elevator dahilan para ako ay lumabas. Nagtaka lang ako dahil mukhang vintage ang palapag na ito. Parang nasa taong 1950's ka lang.
Inilibot ko ang aking mga mata sa paghanap ng kuwarto kung nasaan si Ma'am Tracy. Ano kaya ang kaniyang ibibigay na gawain sa akin?
Nang mahanap ko na ang pinto ng kuwarto, kumatok ako nang malakas dahil alam kong bingi ang aming boss.
Ngunit walang response at hindi bumubukas ang pinto. Sabi ko na nga ba na bingi ang boss namin.
Dahil nawawalan na ako ng pasyensya, kusa ko na itong binuksan nang dahan-dahan. Nabatid sa aking mga mata ang napakadilim na kuwarto.
"Ma'am Tracy?"
Umaalingawngaw ang boses ko sa kuwarto kahit na masyadong mahina ang aking pagsasalita.
Hindi kaya nagkamali ang receptionist sa pagsabi ng room number?
Lumapit ako sa bedroom at nakita ang mapakagulong kuwarto. Ano ba naman iyan? Kung may gagawin silang kababalaghan, linisin naman nila pagtapos nilang gawin.
Hindi pa man ako nakaklibot sa kuwarto ay kaagad na may narinig akong pagbukas ng pinto. Bumilis ang aking paghinga at nanginig ang aking mga tuhod.
Saan ako pupunta? Wala akong mapapagtaguan!
Dahil natataranta na ang aking utak, itinulak ko ang aking sarili na magtago sa ilalim ng kama. Nakakatakot dahil baka mamaya mamamatay-tao ang naririto.
Tinakpan ko ang aking bibig para hindi ako makapag-ingay nang husto.
"Ano ba naman iyan! Wala na bang mas nakakatakot dito sa Mastoniaz?! Patay na yung pinsan natin!"
Narinig ko ang isang boses ng babeng nasa pagitan ng edad na 28-32 taong gulang.
"Hindi naman kasi mangyayari ito kung hindi naging mamamatay-tao si tito"
Narinig ko ang isang boses na parang boses ng isang bakla. Anong pinag-uusapan nila? Mukhang napakaimportante nito.
"Ano ka ba?! Huwag mong isisi si tito! Bakit siya namatay noon kung siya yung suspek?"
Tumutol naman ang babae sa sinabi ng bakla. Halos hindi ako makahinga rito sa ilalim ng kama. Nangangalay na rin ang aking mga paa.
"E-ewan ko. Basta nakakatakot na ang mga nangyayari dito. Ayoko nang tumira rito, Angeline!"
Sambit ng bakla. Malalamig ang kanilang mga boses na matatandaan mo sigurado ang kanilang mga tono sa pagsasalita.
"Ako nga rin eh. Hindi natin namamalayan na baka pinapakinggan tayo rito"
Tugon ng babae at sabay silang tumili sa isa't-isa. Mga baliw yata itong mga ito. Gusto ko nang lumabas! Nagkamali ako ng pasok.
"Bes, ako rin. Feeling ko haunted yung bawat lugar dito!"
Itinaas ng bakla ang kaniyang boses habang naririnig ko ang mga paa nilang lumulundag sa sahig.
"Tara na, Angelia is waiting in the municipal hall!"
Rinig ko ang isang pamilyar na pangalan. Si Angelia? Kung hindi ako nagkakamali, konektado si Angelia dito sa dalawang taong ito.
Nakita ko ang mga paa ng dalawa na naglakad paalis sa silid.
I'm having doubts. May koneksiyon kaya si Angelia sa mga nangyayari dito? Sino yung pumapatay? Bakit may pumapatay?
Naghintay ako ng ilang minuto bago magdesisyon na lumabas na sa ilalim ng kama. Kumukuryente ang aking binti dahil sa ngalay ngunit patuloy pa rin ako sa paglakad para makaiwas sa gulo.
Mabilis akong lumabas ng pinto ng room.
"Hays"
Pinunasan ko ang aking pinagpapawisan na noo dahil sa mga nangyayari.
Ngunit nang lumingon ako sa kabilang dulo ng hallway, nakakita ako ng isang babaeng may hawak na kutsilyo.
"Hoy! Wala pang Halloween!"
Bagama't natatakot na ako sa mga ganitong sitwasyon, hindi ko alam kung bakit ako nakapagbiro.
"Mundus est in infernum, et omnes sunt daemones"
Bumilis ang tibok ng puso ko nang magsalita ang babae na parang may dalawang boses.
"Tulong!"
Sumigaw ako sa takot at mabilis na naglakad patungo sa elevator. Naririnig ko ang nakakakilabot na tawa nf babae habang mabagal na naglalakad papalapit sa akin.
Nakailang pindot ako sa buttong ng elevatory ngunit walang nangyayari. Parang sinira ng tadhana. Natataranta ako at hindi ko alam kung anong gagawin ko.
"Mundus est in infernum, et omnes sunt daemones"
Rinig ko ang paulit-ulit na pangungusap na kaniyang sinasalita. Hindi ko alam kung anong tinutukoy niya.
Napagpasiyahan kong gamitin ang hagdan ngunit hindi ko malaman kung nasaan ang hagdan pababa.
"Tulong!"
Inikot ko ang halos lahat ng parte sa ika-walong palapag pero walang nakakarinig na tao sa akin.
Nang lumiko ako sa isang parte ng hallway, nakita ko ang aking boss na kumakaway sa akin.
"Ma'am Tracy!"
Mabilis akong lumapit sa kaniya habang nakangiti lamang siya sa akin.
"Anong nangyayari?"
Tanong sa akin ni Ma'am Tracy habang hinahaplos ang aking buhok.
"May multo dito! Ayoko na po!"
Nagmumukha man akong bata ngunit sino bang hindi matataranta kapag nakakita ka ng mga bagay na hindi mo dapat makita.
"Nasaan ba?"
Nag-aalalang tanong ni Ma'am Tracy. Bumalik muli kami sa isang hallway kung saan huli kong nakita ang babae ngunit nakahinga na ako nang magaan noong hindi ko na makita ang babae.
"Wala na!"
Tugon ko at napangiti na lamang ako dahil akala ko malalagay ang aking sarili sa panganib.
Hindi ko alam kung ano ang pakay ng babaeng iyon pero bakit niya ako hinahabol? Anong sinasabi niya sa akin?
"Mundus est in infernum, et omnes sunt daemones"
Biglang tumigil ang tibok ng akin puso nang marinig ko ang boses ni Ma'am Tracy sa aking gilid na nagsalita ng katulad ng sinabi ng babae kanina.
Nakaramdam ako ang matalim na gamit na tumusok sa likod ko. Inikot niya ang kutsilyo sa loob ng aking katawan na unti-unting humahapdi at kumakalat sa iba't-ibang bahagi ng katawan ko.
Ang sakit ng pagsaksak sa akin ay nagpaluha ng aking mga mata. Unti-unti akong natumba sa sahig habang ang aking dugo ay tumutlo sa aking damit.
Nawawalan na ang aking paningin habang nararamdan ko ang mabilis na paghinga ko. Narinig ko ang ilang mga sigaw sa aking paligid bago ako mawalan ng malay sa dulo ng aking sinapit.