webnovel

The Mystery of Deaths [Filipino]

"A combination of curses, killings, ghosts and secrets all covered in a single town" Mary Carmen Lim is an ambitious student who is willing to take risks just to achieve what she desires. But when she and her family moved to a new hometown, she began to experience strange feelings that some spirit is haunting the town. As she goes through, Mary was even told that she is cursed which will only be broken if she will do a very heavy job: to take seven significant lives It's up to herself how would she resolve this conflict she is experiencing and how would she cover herself up from this mess. Will she be able to find out the secrets and undo the curse? Or will she just be put in urban legends and gossips? Note: This book is written in Filipino language

trexxle · Seram
Peringkat tidak cukup
22 Chs

Chaoter 13: The First Deadly Sinner

Mary's Point of View

Mabilis kong tinahak ang isang makitid na daan habang nakasuot ng kumikinang na gown at ng masquerade mask na sinuot ko rin noong nakaraang party, dala-dala ang isang maliit na sling bag.

Nakarating ako nang tama sa gate ng municipal hall dahil pumapatak na muli ang ulan. Sumilip ako sa loob ng gate at napansin ang mga tao na tahimik na nag-uusap.

Kung makakapasok ako sa loob ng walang problema ay magagawa kong makita si Ate Freya kung nasaan man siya.

Hindi ko alam kung pagkakatiwalaan ko ang babae sa loob ng morgue na binalaan ako na ako ay nasa panganib. Kaya wala akong magawa kundi sundin ang babae dahil alam ko na may kinalaman din siya sa pagkamatay ni Kristine.

"Miss, nasaan po ang iyong invitation card?"

Napatalon ang aking puso nang tinanong ako ng guard sa gate.

Tingnan mo naman, napakamalas ko. Lumapit ako sa kaniya at napaluhod nang wala sa oras.

"Kuya! Parang awa mo na! Papasukin mo po ako! Kasi kung hindi, baka kung anong mangyari sa akin!"

Pagmamakaawa ko sa guard habang nakatingala sa kaniya. Pinipilit ko ring umiyak para mas lalo niyang madama ang emosyon.

"Bakit? Ano bang mayroon sa iyo?"

Isa pa niyang tanong. Tinulungan niya akong tumayo sa sahig habang pinapagpag ang aking gown.

"May invitation card ka ba?"

Hindi ko pa nasasagot ang isa niyang tanong pero binigyan niya muli ako ng isa pa. Hindi ko alam kung interview na ba ito.

Napatulala lamang ako sa kaniya dahil hindi ko alam kung anong isasagot ko. Ang gusto ko lang naman ay makapasok dahil sa sinabi ng babae kanina sa morgue.

"Ano? Kung wala kang invitation card, hindi ka makakapasok dito, ma'am"

Dagdag pa ng guard sa akin habang nakatingin nang diretso sa mukha kong nanginginig dahil desperado na akong makapasok sa loob.

"Excuse me"

Napalingon kami ng guard nang may lumapit sa amin na lalaking nakasuot ng puting suot na coat at slacks. Si Benedict!

Bumilis ang tibok ng puso ko habang papalapit siya sa amin. At pagkarating niya ay hinawakan niya bigla ang aking kanang kamay na basa dahil sa pawis ko.

"She is with me"

Bigkas niya nang may ngisi sa guard. Dahan-dahang kinuha ni Benedict sa kaniyang bulsa ang isang maliit na card.

"Ok, ok, puwede na kayong pumasok"

Nanginginig na pagsalita ng guard habang tinatanggap ang card sa kamay ni Benedict.

Pagkatapos ay naglakad kami papasok sa isang makitid na daan habang pinagmamasdan ang mga halaman na nililibutan ng mga paruparo.

Hindi sko maka-react dahil hawak-hawak ni Benedict ang aking kamay kahit na pasmado ako. Nakatingin lamang ako nang diretso sa pinto ng municipal hall na unti-unting lumalapit sa paglakad namin.

"Bakit ka naririto?"

Tanong ni Benedict na nakatitig sa akin. Syempre, bilang mahiyain sa ganitong sitwasyon, hindi ako makatingin sa kaniya bagkus ay nakatitig lamang ako sa mga maliliit na bato na tinatapakan lang namin.

"Eh kasi-"

Napatigil ako sa pagsalita nang may narining kaming sigaw ng isang babae.

"Lumayas ka! You do not belong here!"

Lumabas sa pinto ng municipal hall ang nanay ni Angelia na kinakaladkad ang isang babaeng may gusot-gusot na damit.

"Ma'am! Nagkamali lang po ako ng pasok!"

Salita ng babaeng kinakaladkad sa sahig na namamaos na ang kaniyang boses.

"I dom't want to hear any excuses! Get out! Guards!"

Halos nag-aapoy na ang mga mata ng nanay ni Angelia dahil sa galit. Kitang-kita na ang mga ugat niya sa leeg dahil sa mga sigaw niya.

Dumating ang tatlong guards at magalang na pinaalis ang babae na halos sira na ang gown na suot nito.

Nalungkot ako sa sinapit ng babaeng iyon. Nararamdaman kong mabuti siyang tao at alam kong hindi karapat-dapat na panoorin siya ng maraming tao dito.

Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanila pero hindi dapat ginagawa ito ng isang tao lalo na kung may asawa kang tanyag na politician.

"Let's go inside"

Bulong sa akin ni Benedict at tumuloy kami sa loob ng municipal hall at bumungad sa amin ang maliwanag na mga ilaw at tahimik na mga taong pormal na nag-uusap sa bawat isa.

Tumungo kami sa isang maliit na grupo ng mga tao.

"Good evening!"

Masayang pagbati ni Benedict sa isang grupo dahilan para sila ay tumahimik at lumingon sa amin.

Dahil sa kaba, napahawak ako nang mahigpit sa braso ni Benedict. Inilingon ko nang dahan-dahan ang aking ulo para hanapin si Ate Freya pero hindi ko siya makita.

Ngunit lumaki ang aking mga mata nang mapansin ko si Angelia na naglalakad palapit dito nang nakangiti.

Hindi dapat ako makita dito ng mga kakilala ko lalo na si Angelia dahil alam kong papalabasin ako rito sapagkat hindi ako imbitado.

"Excuse me, Benedict, I need to use a restroom po"

Magalang kong kinausap si Benedict sa harao ng grupo ng mga tao. Biruin mo, kapag kinakabahan ka talaga ay mapapa-Ingles ka na lang.

"Be back on time, huh"

Tugon niya habang hawak-hawak ang isang baso ng wine.

Naglakad ako sa gilid para maiwasan si Angelia na naglalakad aa gitna ng malawak na kuwarto. Nakayuko akong tumatapak sa tiles habang ang isang mabagal na kanta ay aking naririnig.

Tumungo ako sa isang madilim na hallway kung saan alam kong hindi ako makikita ni Angelia.

Napaisip ako kung tama ba itong ginagawa ko. Hindi ko alam kung mapagkakatiwalaan ang babaeng iyon sa morgue.

"Excuse me, madam! Why are you here in the hallway? Malawak ang space doon!"

Biglang may lumapit sa aking isang babaeng mataba na nakasuot ng damit na pang-katulong. Ngumiti lang ako sa kaniya.

"Naiihi po kasi ako!"

Pagsisinungaling ko. Natawa kaagad ang babae sa akin.

"Hinahanap mo ba ay CR? Aba'y naroon iyon. Halika! Samahan kita, nasa kabilang hallway ang daan"

Itinuro niya ang daan para sa akin at sinamahan ako. Naglakad muli kami sa party nang tahimik. Sinisikap kong hindi ako makilala kahit na sino man habang nakayuko akong naglalakad.

Tiningnan ko muli sina Benedict kung nasaan siya at napatigil na lamang ako sa paglakad nang makita ko siya kasama si Angelia na sumasayaw sa kanta.

Kitang-kita ko ang matinding saya sa mga ngiti ni Benedict habang nakatitig kay Angelia. Akala ko naman ito na. Akala lang pala.

"Madam, nadikit ba ang sapatos mo sa sahig at nakatayo ka lang diyan?"

Kinalabit ako ng babae dahilan para magulat ako. Nakalimutan ko pala na dapat akong umihi kunwari.

Dumiretso kami sa hallway at sa pinakadulo ay naroroon ang isang CR na para sa mga guests. Pumasok kaming dalawa nang tahimik at nakangiti sa isa't-isa.

Pumasok ako sa isa sa mga cubicle para umihi at mag-isip kung gaano ka-useless ang pumunta dito kung boring naman ang party. Pero ang nakakapaghinayang lang ay ang nakita ko kina Benedict at Angelia. Siguro ay may spark sila sa isa't-isa.

Ilang segundo ang lumipas at lumabas ako ng cubicle at nag-ayos ng sarili ko Ngunit nakararamdam na muli ako ng  kakaiba at bigla na lang nagpatay-sindi ang ilaw sa ceiling.

Bakit dito pa? Ano ba talaga ang nangyayari? Ganito ba ang sumpa ko?

Narinig ko muli ang isang pagkanta ng isang babae sa loob ng CR.

"Ano ba ang gusto mo?!"

Sigaw ko ngunit mas lalo pang kinatakutan ang nangyayari nang biglang nabasag ang salamin sa harap ko.

Bigla akong napatakbo at dumiretso sa pinto ng CR para lumabas. Pinagpapawisan ako hindi lamang sa init ngunit pati na rin sa takot at kaba.

Sa paglabas ko ng CR, nakita ko si Angelia na naglalakad palapit dito, kausap ang isang kaibigan niya. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kaya naman mas lalo pa akong umiwas sa kaniya at gumamit ng hagdan na nasa tabi ng CR para umakyat sa ikalawang palapag ng gusali.

Hindi ko alam kung anong pinaggagawa ko! Inilalagay ko lang ang sarili ko sa panganib nito.

Dumaan ako sa madilim na hallway nang tahimik at diretsong naglalakad.

Mukha na akong magnanakaw nito. Pero kailangan kong magtago nito. Inilibot ko ang hallway para maghanap ng kuwartong mapagtataguan

Iginalaw ko ang isang door knob ng isang pinto na unang nakita ko at napangiti dahil bukas ito. Pumasok ako nang dahan-dahan at napansin ang isang makalat na kuwarto kung saan nakalapag lang sa sahig ang mga daan-daang papeles.

Pinulot ko ang mga ito at nakita ko ang isang litratong nagpataas ng balahibo ko. Hindi ko maaninag ang litrato dahil mukhang sobrang tagal na ang litratong ito pero alam kong makikita rito ang isang bangkay na nakahilata sa isang sahig.

Napalunok ako habang bumibilis ang tibok ng puso ko. Ano kaya ang ibig sabihin nito?

Naghanap pa ako ng papel na puwedeng pagkuhaan ng impormasyon.

Muli akong may nakitang isang liham para sa nagngangalang Carmina, na isinulat ni Izzy. Isa itong liham kung saan humihingi ng tawad si Izzy kay Carmina dahil naging kasintahan ni Izzy ang dapat na naging kasintahan ni Carmina.

"Anong ginagawa mo?!"

Biglang nagbukas ang pinto sa aking likuran at nakita ang nanay ni Angelia na nakatitig sa akin nang galit.

Dahan-dahan niyang isinara ang pinto at biglang hinila ang aking buhok.

"Tama na po!"

Agad naman akong sumigaw sa sakit sa pagkasabunot ng nanay ni Angelia.

"You are entering someone's privacy! Ang sama mong babae!"

Sambit niya. Halos hindi na ako makahinga dahil sinasakal niya ako gamit ang isa pa niyang kamay. Natatapakan namin ang mag papel na nananatiling nakakalat sa sahig.

"Sinabi ko nang tama na!"

Sumigaw muli ako at ginamit ang lakas para maitulak siya palayo sa katawan ko. Sa pagkalakas ng tulak at natumba siya sa mesa at nahulog ang mga gamit sa sahig.

Sinampal ko na lamang ang aking pisngi dahil sa nagawa ko. Hindi ako ito. Mabuti dapat ako pero anong nangyayari?

"Sorry po!"

Lumapit ako sa nanghihinang katawan ng nanay ni Angelia na umuungol dahil sa sobrang sakit na nararamdaman niya.

"Walang hiya ka!"

Hahawakan ko na sana ang kaniyang kamay para tulungan siya ngunit tinulak niya muli ako nang malakas sa sahig, dahilan para sumakit ang aking baywang.

Inilabas niya ang isang matalim na kutsilyo sa isang lagayan.

Hindi ako makapaniwala, papataying niya yata ako.

"Sorry, hija pero kailangan mong lumisan dito"

Agad niyang inilapit sa akin ang kutsilyo ngunit ginamit ko ang natitirang lakas para pigilin siya sa kaniyang masamang balak.

"Huwag mo na po itong gawin!"

Sigaw ko sa kaniya habang tumutulo na ang aking mga pawis. Nakikita ko ang mukha niya na parang wala na siyang lakas.

Unti-unting lumalapit sa aking baywang ang dulo ng kutsilyo. Kailangan kong iwasan ito. Muli, ibinigay ko ang aking lakas para maibalik sa kaniya ang kutsilyo.

"Ah!"

Narinig ko ang isang sigaw ng ina ni Angelia at dito ko napagtanto na nasaksak siya ng kutsilyo sa itaas ng kaniyang tiyan.

Unti-unting siyang nawalan ng malay at natumba sa sahig habang ang kaniyang dugo ay malayang dumadaloy sa sahig.

Napaluhod ako sa aking nagawa at binitawan ang kutsilyo na aking hawak. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Makukulong na ako nito!

Hindi ko naman sinasadya! Alam kong hindi ko naman inaakala na ganito ang mangyayari. Paano na ito?

Inilabas ko ang aking panyo at pinunasan ang aking gown at katawan na kulay pula dahil sa dugo. Lumingon ako sa bintana at dito nagdesisyong tumakas imbes sa pinto.

Dahan-dahan kong binuksan ang bintana, inihubad ang aking heels at saka lumabas sa bintana.

Nanginginig na inakyat ang bubong at walang takot na itinalon ang ibaba gamit ang puno sa garden ng municipal hall para maging malambot ang aking pagtalon.

Mabilis akong tumakbo patungo sa harang ng bakod kung saan inakyat ko ito nang walang hirap.

Pagkatapos ay tumakbo ako papalayo sa municipal hall na may mga luha at pait na nararamdaman ng aking puso.

Hindi ko na alam kung saan ako pupunta dahil nalalapit na ang panahon kung saan lahat sila ay kalaban ako.

-•-

Someone's Point of View

Tahimik naming pinasyal ng aking tiya ang madilim na parke habang ang mga patak ng ulan ay tumatama sa aming mga katawan.

"Balang araw, darating din ang panahon kung saan sila na ang iiyak"

Wika ng aking tiya habang mabagal naming nilalakad ang isang malinis na daan.

"Hindi pa man dumarating pero alam kong malapit na"

Dagdag niya. Niyakap ko siya nang mahigpit at sabay kaming ngumiti sa isa't-isa.

Matatapos na ang paghihirap ng aking tiya.

At magsisimula pa lang ang trahediya ng iba.