webnovel

Unexpected

So ayun nga, dahil malalate na ako, ay mali mali dahil late na pala ako kinain ko muna yung hiya ko at nagtanong kay manong guard.

"Excuse me po, san po ba ang CL2 (Computer lab number 2)?"

Tinuro naman niya sakin, akalain mo nga naman Krisha nasa harap mo lang pala or more like nasa right side lang pala yung room ko na kanina ko pa hinahanap. Nasa 2nd floor ito, kaya pag tumingala ka sa right side makikita mo na.

Pambihira naman oh, kanina ko pa hinahanap yang room na yan pero nandyan lang pala. Kung ahas lang yan natuklaw na ko at nangingisay na kanina pa.

Anyway high way, nagthank you ako kay manong saka tumakbo papuntang room ko. Sumilip muna ako dahil gumana na naman ang pagiging mahiyain ko, pero dahil sa late na ako at wala na akong nakikitang studyante na palakad lakad binuksan ko na yung pinto dahil sabi nga nila "It's better to be late than never".

Nakahinga naman ako ng malalim walang pumansin sakin dahil bc sila sa pagsusulat? di ko alam. Umupo ako sa vacant seat at napansin kong lahat ng mga kaklase ko may sinusulat talaga kaya for the second time para naman hindi ako magmukhang tanga dito kinalabit ko yung sa gilid ko sa kanan ko. Nasa pangalawa ako sa dulo...

Instructor's table

| T | | T | | T |

| A | | A | | A |

| B | | B | | B |

| L | | L | me L |

| E | | E | | E |

ganito arrangement ng upuan namin, may tatlong parihabang tables, nakaharap ang mga upuan namin sa mga PC or computer sa table.

"Anong gagawin?"

tanong ko dito pagkatingin niya sakin

"Ifill up daw yung classcard, naka sulat sa blackboard yung ibang isusulat sa classcard"

sabi niya sa akin, saka ako nginitian at bumalik sa ginagawa niya kanina bago ko siya kalabitin.

After a few minutes nagtanong yung instructor namin kung tapos na kami magfill up and we said yes, he instruct us na ipasa yung classcard namin kapag nabanggit na niya ang first letter ng apelyido namin. At dahil V ang umpisa ng akin, nilibot ko muna yung tingin ko sa classroom namin. Hanggang sa tinawag na yung letter ko, at nagulat ako dahil may sumigaw ng nickname ko nung highschool.